Sunday, January 4, 2009

MARIA, ANG LAGING BIRHENG INA NG DIOS ni Atty. Marwil Llasos

The Blessed Virgin Mary
Before the celebration of New Year our home and parish were in the whirlwind of activities for the Media Noche and the celebrations of the Holy Mass. The same thing for January 1 itself and after the Masses it was then I was able to arrange my things for the coming return to Sorsogon. So, I was not able to honor the THEOTOKOS in this Blog during those days. My only consolation was that I didn't focus my homilies on the New Year revelry but in providing the people the Biblical Foundation of Mary as the Mother of God using Genesis 3:15, Isaiah 7:14 and Micah 5:1-3.
Now, I present this very short explanation of the Perpetual Virginity of the Blessed Mother not only to honor her but also as way of praising the Lord for the granting of Nihil Obstat to the forthcoming book on Mary by our beloved Bro. Mars Llasos. Besides, this explanation will be very beneficial to our people because it is written in the National Language.
*****************************
Ang walang-hanggang pagka-birhen (perpetual virginity) ng Mahal na Birhen ay itinakda ng Karunungan ng Diyos. Bakit kamo? Kasi ito ay kalakip-katotohanan ng Virgin Birth ng Panginoong Hesukristo.

Bakit ko nasabi ito? Una sa lahat, isipin natin na kung ang Panginoong Hesus ay may mga kapatid sa laman (siblings), iisipin ng mga Hudyo na hindi milagroso o kamangha-mangha ang pagkapanganak sa Panginoong Hesus. Iisipin nila marahil na si Hesus as normal na ipinaglihi at isinilang sapagkat siya nga ay may mga kapatid. Mas lalong hindi katanggap-tanggap ang usapin ng Virgin Birth sa kanila.
Ngayon, kung nag-iisang anak lamang si Hesus ni Maria at wala siyang ibang mga kapatid, eh lalabas na katanggap-tanggap na siya ay milagrosong ipinaglihi at ipinanganak.
Ayon nga sa hula ni propeta Zakarias (Zac. 12:10), ang Kristo ay "bugtong na anak" at "panganay": "At aking bubuhusan ang sangbahayan ni David, at ang mga mananahan sa Jerusalem, ng espiritu ng biyaya at ng daing; at sila'y magsisitingin sa akin na kanilang pinalagpasan: at kanilang tatangisan siya, na gaya ng pagtangis sa bugtong na anak, at magiging kapanglawan sa kaniya, na parang kapanglawan sa kaniyang panganay."
Ang perpetual virginity ng Mahal na Birhen ang siyang kinatuparan ng hula: "Sapagka't ako'y anak sa aking ama, malumanay at bugtong sa paningin ng aking ina" (Kaw. 4:3).("For I was a son to my father, tender and an only child in the sight of my mother" (Prov. 4:3, World English Bible).

0 comments:

Post a Comment