Wednesday, October 14, 2009

KAPATAS SMASHED ANOTHER BEREAN PASTOR [REFORMED BAPTIST] IN JUSTIFICATION DEBATE, Part 1 Opening Statements

The Patriarch Abraham believed and obeyed God and was justified. Insert, KAPATAS, Bro. Franz Luigi Lugena preparing for our apologetic program THE SPLENDOR OF THE CHURCH.

* This debate was taken from The Bereans Research Ministry One on One Debate section. In order not to consume too much space, I decided not to post the rules aggreed upon prior the actual debate. Anyway in the decisions the violated rules were cited by both parties and the moderator named Ben Marcing. The guy wears the mask of Star Wars' Evil Emperor Palpatine but was fair in his judgments. Here is the Debate:
BEN MARCING: Ang debateng ito ay debate ng isang Reformed Baptist (JonIrenicus) at isang Romano Catholico (Kapatas) na may layuning tuntunin kung ang Roma 2:7 ay sumusuporta sa katuruang Sola Fide o hindi. Ang Sola Fide ay katuruang Protestante at isang turong itinatanggi ng Roma Catholico na turo ng mga naunang Christiano.Napagkasunduan na ang dalawang debatista (sic) ay babase sa Kasulatan at ipaliliwanag ang talata ayon sa contexto nito at sa kabuuang Biblia. Affirmativo si JonIrenicus at Negativo si Kapatas.
JON IRENICUS [formerly LIVING GRACE]
a) Pambungad na Talumpati

Magandang araw sa lahat! ......Sa ating mga magigiliw na tagasubaybay, sa ating kagalang-galang na tagapamagitan sa diskusyong ito na si benMarcing, at sa aking katunggali sa talakayang ito na si Kapatas—isang pinagpalang araw sa ating lahat!......
Pinupuri’t pinasasalamatan ko ang aking Diyos at Tagapagligtas na siyang nagdala sa akin dito sa kinalalagyan ko ngayon sapagkat nalalaman kong ito ang kalooban ng Panginoon, na aking “ipaglaban ang pananampalatayang ipinagkatiwala minsan at magpakailanman sa mga banal” mula sa mga taong sumasalungat at nambabaluktot sa dalisay na aral ng tunay na Ebanghelyo. ......
Hindi ko po layunin ang makipag-pagalingan o makipagpataasan ng ere sa sinuman. Hindi ang sarili ko ang nais kong itaas ko sa talakayang ito, ni ang relihiyon namin o ang sinumang tao, kundi bagkus ay ang kadakilaan lamang ng katapatan, katuwiran, pagibig at biyaya ng Diyos ayon sa pagsasalaysay ng Banal na Kasulatan. Nais ko ring linawin ang debateng ito ay hindi awtorisado ng alinmang organisasyon o samahang ebangheliko. Ang mga pahayag na ilalahad ko sa usaping ito ay hindi dapat ipalagay ng sinuman bilang opisyal na posisyong doktrinal ng alinmang sektang ebangheliko, o ng mga Baptist man.
Introduksyon sa Debate
Sa Rawnd-wan ng debate, ako ang titindig bilang Apirmatibo sa temang,
Ang talata sa Roma-2:7 ay hindi sumasalungat, [bagkus ay pinatutunayan pa nga] ang doktrina ng Sola Fide. Patutunayan ko yan sa pamamagitan ng kunteksto nito, at ng Biblia sa kabuuan.
Sa madaling salita, nasa balikat ko ang bigat ng patotoo patungkol sa temang nabanggit, at ang sentro ng talakayan ay ang talata sa Roma-2:7:

“Sila na patuloy na gumagawa ng mabuti, na may pagtitiis at naghahanap ng kaluwalhatian at karangalan at ng walang kasiraan ay bibigyan ng walang hanggang buhay” (Roma 2:7,-SND). ......
Ang talatang nabanggit ay isa sa mga talatang sinisikwat ng mga kritiko ng Sola Fide (gaya ni Kapatas) upang pasubalian ang nasabing doktrina. Ngunit ayon nga sa napagkasunduan, patutunayan ko sa pamamagitan ng masusing pag-aanalisa sa kunteksto ng talata, at sa pamamagitan din naman ng Biblia sa kabuuan, na ang talatang nabanggit ay hindi salungat sa doktrina ng Sola Fide, bagkus ay sumusuporta pa nga dito. ......
Ang hamon ko po sa lahat: Isantabi po muna natin ang mga pansariling sentimyento at sa Salita ng Diyos lamang tayo dapat tumuon. Maging bukas po sana ang isipan ng bawat isa. Magkaroon sana ng patas na paghatol sa bawat panig nang may kahinahunan at takot.
Purihin ang Diyos!-Amen.
__________________
KAPATAS:
Magandang araw sa inyong lahat. Welcome sa pagsisimula ng debate sa pagitan ng inyong lingkod at ni Jon Irenicus (bagamat kilalang-kilala na natin kung sino sya). Ang tema ng aming talakayan ay nakasentro sa isang talata ng bibliya (cf. Rm 2:7) at ang kwestyon kung ito ba ay sumusuporta o tumututol sa doktrina ng Sola Fide ng mga evangelicals na tulad ni Jon.
Tinanggap ko ang hamon ni Jon sa ilang kadahilanan:
1. Nakikita ko na ang debateng ito ay isang opurtunidad upang maipaliwanag ang aral ng simbahan hinggil sa kaligtasan (sang ayon sa aking pagkakaunawa);
2. Bigyang linaw ang mga miskonsepsyon ng mga kaibayo sa paniniwala na nagsasabing ang simbahan ay nagtuturo ng kaligtasang nakasalig primarily sa desisyon at gawa ng tao;
3. Mabigyan ng pagkakataon ang lahat na masuri kung ang aral ba ng Sola Fide ay biblikal;
4. Gayundin bilang pagsunod sa mensaheng nakasaad sa bibliya:
Col 4:5-6 (CEV) 5When you are with unbelievers, always make good use of the time. 6Be pleasant and hold their interest when you speak the message. Choose your words carefully and be ready to give answers to anyone who asks questions.
5. At sa alituntunin ng simbahan:
Canon 229 Lay people have the duty and the right to acquire the knowledge of Christian teaching which is appropriate to each one’s capacity and condition, so that they may be able to live according to this teaching, to proclaim it and if necessary to defend it…
Sa debateng ito, nakini-kinita ko na ang posibleng linya ng mga argumento ni Jon. Na ang Rm 2:7 bagamat naniniwala sya dito, ay isa lamang “hypothetical” na paraan ng pagliligtas ng Diyos na walang kinatuparan sapagkat sang ayon sa Rm 3, lahat ay nagkasala, walang gumagawa ng mabuti, at walang perpektong nakaabot sa “standard” ng Diyos. (cf. Mt 5:48) para makatanggap ng buhay na walang hanggan na ipinagkakaloob sa Rm 2:7.
Kung sakali na maging ganito nga ang kanyang mga argumento, pakatandaan mga giliw na mambabasa na pina-alalahanan ko na kayo. Magkaganun pa man, ang inyong lingkod ay umaasa na mayroon pa rin syang “bagong” argumentong ilalatag upang suportahan ang aral nya ng Sola Fide mula sa Rm 2:7.
Nawa’y ang debateng ito ay magbigay daan upang malaman kung kanino ang may mas tamang aral ng kaligtasan.
Nao-ogmang gayo ako Kagurangnan kan pagliligtas mo…

0 comments:

Post a Comment