St. Paul the Apostle is one of the two Pillars of the Church of Rome [the other is St. Peter]. He preached and died in Rome. The Roman Christians built a monument church in his honor in the place where he died and is now buried: The Basilica of St. Paul Outside the Walls.____________________
JON IRENICUS:
1) Unang Konstruktibong Pagtindig
......Di ko inaasahan na uunahan ako ng aking katunggali sa paglalatag ng aking posisyon. Ang alam ko kasi eh trabaho ko yun dahil ako ang nakatindig sa panig ng Apirmatibo ng Rawn-wan nitong debate. Hindi ko alam kung pwede yun, pero nagpapasalamat na rin ako sa kanya sapagkat dahil sa ginawa niya’y mas madadalian ang mga manonood na lunukin ang mga argumentong ilalatag ko. Pakatandaan din po sana ng aking katunggali na hindi upang patunayan ang Sola Fide ang pinaka-layunin ng inyong lingkod sa debateng ito, kundi bagkus ay upang ipaliwanag ang kaugnayan ng Roma..2:7 sa Sola_Fide. Samantala, ang papel naman ng aking katunggali ay subukin o tutulan ang mga KAPS (Katibayan, Argumento, Paliwanag, at Salita ng Diyos) na ilalatag ko. Nawa po ay maliwanagan ang lahat, at manaig ang katotohanan sa huli.
I. Hahatulan ng Diyos ang bawat tao ayon sa kanilang mga gawa.
......Tunay ngang ang bawat tao ay hahatulan ng Diyos ayon sa kanilang mga gawa (Rom..2:6). Ang mga matuwid ay magtatamo ng buhay na walang hanggan (tal..7); at ang mga masasama at tampalasan, sa kaparusahan (tal..8-9). Ayon nga sa Kasulatan, “Pagbabayarin niya ang tao ayon sa kanyang ginawa” (Kaw..24:12). Bilib na bilib din kami diyan, at wala pong dapat pagtalunan tungkol diyan. Ngunit sa oras na sulitin ng Diyos ang lahat ayon sa kanilang mga gawa, may makakapasa kaya? Mayroon bang tao na nakaabot sa pamantayan ng Diyos ayon sa kanilang mga gawa? Kung meron, sino?
Samahan niyo po akong suriin ang sagot ng Banal na Kasulatan tungkol sa bagay na iyan.
II. Sinong papasa? Meron ba?
......Ayon sa lingkod ng Diyos na si David: “Don't try me in your court, because NO ONE is innocent by your standards” (Ps..143:2,.CEV). Diyan niyo makikita ang pagkilala ni David sa kanyang sarili bilang isang makasalanan. Batid niya na siya (at ang buong sangkatauhan) ay hindi papasa sa napakataas na pamantayan ng Diyos.
......Matapos niyang paigtingin ang Kautusan sa Mateo.5 talata.17 hanggang.47, ganito ang naging konklusyon ni Cristo sa talata 48 na nagpapamalas ng napakataas na istandard ng Diyos: “BE ye THEREFORE PERFECT, even as your Father which is in heaven is perfect” (KJV). Mga kapatid na sumusubaybay, katotohanan katotohanang sinasabi ko sa inyo, walang tao ang nabuhay sa daigdig na ipinanganak na perpek (Job..15:14;.cf..Ps..51:5), at nanatiling perpek hanggang kamatayan maliban kay Jesus (Rom..3:23;.cf..San..2:10)! Maging sila Noeh at Job na minsang tinawag ng Biblia na “perpek”, nagkasala rin eh! Kaya nga po ang wika sa Ecclesiastes: “Walang taong nabuhay sa daigdig na gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala” (Ecc..7:20,.MBB). Dawit po sila Noeh at Job diyan, isama niyo narin po ang lahat ng mga santo at santa na kilala niyo, isama niyo na rin po pati ang inyong mga kapit-bahay. “Walang matuwid, wala, wala kahit isa” ika nga ng apostol (Rom..3:10,.TAB).
......Diyan niyo makikita na kapag sinulit ng Diyos ang bawat tao ayon sa kanilang mga ginawa, wala talagang makakapasa. Sa madaling salita, walang sinumang karapat-dapat magtamo ng buhay na walang hanggan alinsunod sa Roma 2:7. Ayon kay apostol Pablo, “Sapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapat-dapat sa paningin ng Diyos” (Rom..3:23,.MBB). Gayundin ang sabi sa Awit, “If you, O LORD, kept a record of sins, O Lord, WHO could stand?” (Ps..130:3,.NIV).
III. Roma.2:7, Haypotetikal nga lang ba?
......Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa: Opo, haypotetikal lamang ang nakasaad sa Roma.2:7. Bakit kako? Kasi malinaw po ayon mismo sa mga katibayang pinakita ko na walang sinumang tao ang nakaabot sa pamanatayang nakasaad sa talata. Ang sabi po sa talata, “Ang mga NAGPAPATULOY ng paggawa ng mabuti sa paghahangad ng karangalan, kadakilaan at kawalang-kamatayan ay bibigyan niya ng buhay na walang hanggan” (Rom..2:7,.MBB). Sa wikang Griego, ang salitang katumbas ng “nagpapatuloy” ay hupomonē (G5281) na ang ibig sabihin ay:
1) steadfastness, constancy, endurance
a) in the NT the characteristic of a man who is NOT SWERVED from his deliberate purpose and his loyalty to faith AND PIETY by even the greatest trials and sufferings
b) patiently, and steadfastly
2) a patient, steadfast waiting for
3) a patient enduring, sustaining, perseverance
......Maihahalintulad niyo po ang salitang yan sa isang diretsong linya na walang patid, at hindi nauudlot o lumiliko. Sa madaling salita, ang mga walang patid (hupomonē) na gumagawa ng mabuti ang tinutukoy sa talata na karapat-dapat magtatamo ng buhay na walang hanggan. Ngunit ang tanong, meron bang taong walang patid na gumagawa ng mabuti liban kay Jesus? Ika nga ng Kawikaan: “Sino ang makapagsasabi na ang puso niya’y malinis, at di namuhay sa kasamaan kahit isang saglit?” (Kaw..20:9,.MBB). Retorikal na tanong po yan, siyempre ang obyus na sagot diyan: Wala!
......Ang ibig po bang sabihin niyan eh nagsinungaling si Pablo sa Roma.2:7? Hindi po! Siyempre gagawin talaga ng Diyos yung nakasaad sa talata KUNG meron ngang papasa sa pamantayang nakasaad sa talata, eh kaso mo nga wala! Kaya haypotetikal lang. Ngayon, ang ibig ko po bang sabihin, pati yung nasa talata 8 at 9, haypotetikal din? Hindi po! Yung nasa talata 6 po, kaya naging haypotetikal kasi walang pumasa diyan kahit isa. Kumbaga sa madaling salita, suntok sa buwan yun, kaya naging haypotetikal. Pero sa talata 8 at 9, di po haypotetikal yan dahil diyan po talaga swak na swak ang lahat ng tao dahil “walang matuwid, wala, wala kahit isa” (at ayon narin sa iba pang mga katibayan na ipinakita ko sa itaas). Huwag po sana kayong malito tungkol sa bagay na yan.
IV. Ang kunteksto ng Roma.2:7
.......Bagamat napatunayan ko namang malinaw sa pamamagitan ng mga talata sa Kasulatan na ang Roma 2:7 ay walang duda na haypotetikal lamang, mas paiigtingin ko pa ang aking argumento sa pamamagitan ng komprehensibong eksegesis sa kunteksto ng nasabing talata. Alam niyo kasi mga kapatid, ang sulat ni Pablo sa mga taga-Roma ay maihahalintulad natin sa isang umaagos na ilog na may isang direksyon ng patutunguhan. Hindi po pwede yung kukunin na lang basta-basta ang isang talata mula sa dumadaloy na argumento ni Pablo tsaka lalapatan ng sariling unawa nang di man lang isinasaalang-alang ang orihinal na punto-vista ng manunulat. Isang halimbawa niyan ang Roma 2:7 na malimit sinisitas ng mga kritiko ng Sola Fide nang wala man lang paggalang sa kunteksto nito. Kaya naman, bibigyan ko kayo ng ideya tungkol sa mga punto-vista ni Pablo sa Roma 1:18 hanggang 3:19, at tunghayan niyo po kung ano ba ang nasa hangganan ng kanyang umaagos na ilog ng argumento.
Narito po ang Buod ng Roma.1:18-3:8:
Roma.1:18-32, Katayuan ng mga Gentil sa harapan ng Diyos. (Ebalwasyon: Bagsak!)
Roma.2:1-16, Matuwid ang hatol ng Diyos sa lahat, Judio man o Gentil. Lahat ay hahatulan ayon sa kanilang mga ginawa. Ang gumagawa ng katuwiran, sa buhay na walang hanggan. Ang gumagawa ng kasamaan, kahatulan ang kakamtan.
Roma.2:17-29, Katayuan ng mga Judio sa harapan ng Diyos. (Ebalwasyon: Bagsak!)
Roma.3:1-8, Kahit pa naging makasalanan ang mga Judio, matapat parin ang Diyos. Ang tao ang hindi naging matapat sa Diyos, kaya walang maidadahilan ang mga Judio, o ang sinuman
.......Ano bang punto-bista ni Pablo diyan sa Roma.1:18-3:8? Maliwanag pa sa sikat ng araw sa katanghaliang tapat: Ang pagiging makasalanan ng lahat ng tao! Ang mga Gentil, bagsak. Ang mga Judio, bagsak din. Anong konklusyon? Edi lahat ng tao bagsak! At ang konklusyon na yan ay makikita natin sa Rom..3:9-12 kung saan sinabi ni Pablo:
“Ano nga? Tayo bang mga Judio ay nakalalamang sa mga Hentil? Hindi! Sapagkat napatunayan namin na nasa ilalim ng kapangyarihan ng kasalanan ang lahat ng tao, maging Judio o Griego. Ayon sa nasusulat: “Walang matuwid, wala kahit isa; Walang nakauunawa, walang humahanap sa Diyos. Ang lahat ay lumihis ng landas at nagpakasama; Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.” (Roma..3:9-12,.MBB)
......Nakita niyo naman po siguro ang naging takbo ng mga argumento ni Pablo diba? Totoong gagantihin ng Diyos ang lahat ng tao ayon sa kanilang mga gawa (Rom..2:6): ang mga matuwid - sa kaluwalhatian (2:7), ang mga masasama - sa kahatulan (2:8). Pero ang pamatay na tanong: May papasa ba? Wala talaga eh! Kaya nga ang wika niya sa talata 19, “…The Law says these things to stop anyone from making excuses and to let God show that the whole world is guilty” (Rom..3:19,-CEV; cf. Awit. 143:2). Yan po ang punto ni Pablo. Ipinapakita lamang niya kung gaano kamakasalanan ang buong sanlibutan. Gusto niyang ipamukha sa bawat isa na walang sinumang nakaabot sa pamantayan ng Diyos (Mat. 5:48; cf. Awit. 143:2). Sa madaling sabi, walang sinumang karapat-dapat magtamo ng buhay na walang hanggan alinsunod sa Roma 2:7 (cf. Mat. 5:48; Rom. 3:23, 6:23).
V. Bakit pa sinulat ang Roma 2:7 kung haypotetikal lang pala?
......Ganito yan: Parang salamin yan na nagpapakita ng ating mga kakulangan. Yan ay upang malaman nating tayo’y bagsak sa mataas na pamantayan ng Diyos, upang sa gayon ay mawalan tayo ng ibang makakapitan maliban kay Cristo. Ayun pala ang dulo ng ilog! Si Cristo pala! Diyan ngayon pumapasok ang Sola Gratia, Sola Fide, Solus Cristus, at Soli Deo Gloria:
“Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios; Palibhasa'y inaring-ganap na walang bayad ng kaniyang biyaya sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus: Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo, upang maipakilala ang kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios.” (Rom. 3:23-25, TAB)
Nakita niyo ba ang istilo ng pagpapahayag ni Pablo ng Ebanghelyo? Ang galing noh?
1. Pinakita muna niya yung istandard o passing grade na rekwarment ng Diyos. (Rom..2:1-16)
2. Tapos ipinamukha naman niya sa lahat na walang sinumang pumasa sa rekwarment na yun. (Rom..3:9-19)
3. At tsaka niya ipinakilala ang tanging Daan na si Cristo, ang Tagapagligtas! (Rom..3:20-8:39)
......Kitams? Yan ang kunteksto ng Roma..2:7 na isinasawalang-bahala ng mga kritiko ng Sola Fide. Salungat ba ang Roma.2:7 sa Sola Fide? Hindi ah! Bagkus ay sumusuporta pa nga—at makikita niyo po yan sa takbo ng argument ni Pablo kung babasahin niyo ng tuloy-tuloy mula kabanata-1 hanggang 8 ang sulat niya sa mga taga-Roma
.......Ngayon, paano magiging totoo ang Sola Fide kung hahatulan ng Diyos ang bawat tayo ayon sa kanilang GAWA? Ganito yan mga kapatid: kapag ang isang tao ay sumampalataya kay Cristo, siya’y ibinibilang na matuwid (o inaaring-ganap) sa paningin ng Diyos batay sa mga merito ni Cristo. Ayon kay Pablo, “by the obedience of one shall many be made righteous” (Rom..5:19,.KJV). Yan ang tinatawag sa Ingles na “Justification” kung saan ang mga kasalanan ng sumasampalataya ay ini-“impute” kay Cristo (2.Cor..5:21), at ang katuwiran naman ni Cristo ay ini-“impute” sa sumasampalataya (Rom..5:19;.cf.4:3). Kaya naman, kapag hinatulan ayon sa mga gawa ang mga inaring-ganap sa biyaya, papasa sila ayon sa mga merito ni Cristo na in-impute sa kanila.
Konlusyon:
Samakatuwid, ang Roma.2:7 ay hindi salungat sa Sola.Fide.
________________________
KAPATAS:
Unang Pagtutol
A.Perfection under the Law or Perfection under Grace?
Una sa lahat, dapat nating tandaan na walang sinasabi sa Rm 2:7 na yaong mga perpektong tao lamang na di kailanman nagkasala ang bibigyan ng buhay na walang hanggan ng Diyos. Walang sinasabi sa teksto na ang eternal life na ibinibigay ay “na-earned” ng tao. Ni wala ring sinasabi na yaong mga “nakapasa” sa pagsusulit ng Diyos ang bibigyan ng eternal life.
Ngunit malinaw sa teksto na ang eternal life ay bigay ng Diyos. Ayon sa banal na kasulatan, walang ginawa ang tao na pwedeng mag-obliga sa Diyos na magbigay ng gantimpala:
Rm11:35(TEV)“Who has ever given him anything, to be paid back by him?”(Job 41:11)
Kung hindi pwedeng ma-obliga ang Diyos and yet nagbibigay sya ng gantimpala, malinaw na ang gantimpala ay mula sa kagandahang-loob ng Diyos. Inobliga niya ang kanyang sarili na magbigay ng gantimpala sa mga taong kinalulugdan niya. Malayang desisyon yun sa parte ng Diyos. Nangako sya at dahil siya ay tapat, tutuparin niya ang kanyang pangako: James1:12(NIV) …he will receive the crown of life that God has promised to those who love him. (1Jn2:25;Jas 2:5;Rm6:16;Heb10:36)
Dahil Diyos ang nangako, pwede tayong umasa sa pangakong ito. Ito yung hope that does not disappoint.(Rm 5:5) Hindi ito pangako na hypothetical na nakatakdang di matupad.
The fact na binabanggit sa bersikulo 4 ang kahalagahan ng pagsisisi ay patunay na hindi kailangan ang maging perpekto sang ayon sa istriktong sistema ng batas na legalistic, uncompromising, at exacting.
Rm2:4(Ang Biblia) O hinahamak mo ang mga kayamanan ng kaniyang kabutihan at pagtitiis at pagpapahinuhod, na hindi mo nalalaman na ang kabutihan ng Dios ay siyang umaakay sa iyo sa pagsisisi?
Kung ikaw ay nagsisi, obvious na dati kang may kasalanan.
Ang tinutukoy sa sitas na “kabutihan, pagtitiis, at pagpapahinuhod” ng Diyos ay manipestasyon ng kanyang biyaya. God should have destroyed us when we sinned against him sapagkat ayon sa istriktong sistema ng batas, ang bawat gawang masama ay paparusahan ang bawat gawang mabuti ay may karampatang gantimpala. (i.e., perfect payment for perfect works)
Pero malinaw sa verse 4 na binibigyan niya ng pagkakataon ang lahat na magsisisi. At ang taong nagsisi at napatawad na ay malinis na ulit.(Is1:18;Rm4:7-8) Dito makikita na hindi ayon sa istriktong sistema ng batas ang paghahatol ng Diyos (na hindi nagbibigay ng pagkakataon sa taong nagkamali) kundi ayon sa kanyang biyaya. Tinitingnan ng Diyos ang tao ayon sa lente ng kanyang mayamang awa. Yaong mga dating nagkasala na nagsisi, tinalikuran ang kasamaan at matiyagang namuhay sa mabubuting gawa ay tatanggap ng eternal life. Kung kaya hindi totoo ang gustong palabasin ni Jon na dapat ay perfect sa sentido na hindi kailanman nakagawa ng kasalanan yung mga taong bibigyan ng eternal life.
Sa madaling salita, gumawa ng strawman fallacy si Jon. Hindi perpeksyon ayon sa istriktong sistema ng batas ang requirement sa Rm2 kundi perpeksyon sa ilalim ng grasya ng Diyos, na nakasalig sa kanyang awa, sa pakikiisa ng tao. (Col 1:28;2Cor13:11;1Jn 3:3;Heb13:21;1Pt5:10)
B. Hypothetical nga lang ba ang Rm 2:6-7?
Salungat ang Rm2:7 sa Sola Fide kaya ginawang hypothetical ni Jon ang nasabing sitas. Narito ang anim na punto kung bakit hindi hypothetical ang Rm2:6-7:1.
1. Pakatandaan natin na ang Rm 2:7 ay Salita ng Diyos. At ang Salita ng Diyos ay buhay, mabisa at matalas na naihahalintulad sa espadang doble-talim (Heb 4:12) Walang salita ang Diyos na di may kapangyarihan.(Lk 1:37Ang Biblia) Kung ang Rm 2:7 ay hypothetical, lumalabas na may salita ang Diyos na walang kapangyarihan at hindi mabisa at isa lamang “empty talk.” Hindi po ganito ang Diyos na alam ko.
Is55:11(KJV) So shall my word be that goeth forth out of my mouth: it shall not return unto me void, but it shall accomplish that which I please, and it shall prosper in the thing whereto I sent it.
Talagang nangyayari ang ayon sa sinalita ng Diyos. Kung sinabi niya na bibigyan niya ng buhay na walang hanggan ang mga matiyagang gumagawa ng kabutihan, talagang may katutuparan nito otherwise, bakit pa sinabi ng Diyos in the first place kung wala naman talagang makakatamo nito? Hindi non-sense ang Diyos.
Hindi magse-set ng standard ang Diyos na imposibleng makamit ng tao otherwise, it is tantamount to denying man to received eternal life. Eh nangako nga ang Diyos na pagkakalooban ng buhay na walang hanggan yaong mga nakapanindigan hanggan sa huli.(Jas 1:12; Mt 24:13;10:22) So tutuparin nya yun. At pakatandaan na hindi tayo sinusubok sa punto na hindi natin kayang i-resist: 1Cor10:13(NIV)…he will not let you be tempted beyond what you can bear. But when you are tempted, he will also provide a way out so that you can stand up under it.
So by God’s grace pwede nating i-resist ang temptasyon at talikuran ang kasalanan. At sapat ang grasyang ipinagkakaloob ng Diyos.(2Cor12:9) Hindi imposible ang hinihingi ng Diyos na maging sakdal sapagkat hindi nag-iisa ang tao dahil katulong ang Diyos sa pagtutupad nito.(1Th5:23;Phil 4:13;Phil 2:12-12-13;Heb13:21)
2. Ang buong Rm2 ay pagkastigo sa kapaimbabawan ng mga hudyo. Meron silang Kautusan ngunit hindi naman nila sinusunod, in contrast sa mga hentil na bagamat walang kautusan ay nakakagawa ng mga nakasaad sa kautusan.
Rm2:26-27(TEV) If the Gentile, who is not circumcised, obeys the commands of the law, will not God regard him as though he were circumcised? And you Jews will be condemned by the Gentiles For you break the law, even though you have it written down and are circumcised, while they obey the Law, even though they are not physically circumcised.
So merong mga hentil na nakatupad sa requirement ng Diyos worthy para bigyan ng eternal life. Otherwise, walang saysay ang pahayag na ito ni San Pablo. Pwede syang balikan ng mga hudyo at sabihing “Hindi naman kami ganun kasama gaya ng gusto mong palabasin, afterall, wala namang nakatupad sa Kautusan eh.” Sa katunayan, sampal sa mga hudyo ang Rm2:26-27 sapagkat merong mga hentil na bagamat walang kautusan ay nakakatupad nito. So merong worthy para bigyan ng eternal life. Kaya malabong ipagpalagay na hypothetical lamang ang Rm 2:7.
3. Ang verse 5:
Rm2:5(TEV)…Therefore, you are making your own punishment even greater on the Day when God’s wrath and right judgments will be revealed.
Ano ba yung “the Day when God’s wrath and right judgments will be revealed?” Di ba yan yung Judgment Day? Kung totoo na hypothetical nga ang Rm 2:6-7, lalabas na walang mabibigyan ng eternal life during Judgement day dahil almost lahat ay nagkasala in one way or another kahit sabihin pa na pinatawad na sila. (using the concept of exacting and strict system of the law) Lahat pala ay papuntang impiyerno pagdating ng Araw ng Paghuhukom.
4. Kung hypothetical ang Rm2:6-7, lalabas na hypothetical din ang mga sumusunod na talata: Jn5:27-29;Rev20:12-13;2Cor5:9-10;Rm14:12;Ga6:7-8. Pare-pareho kasi ang mga sitas na ito sa pagsasabi na ang basehan ng hatol ng Diyos ay gawa. Ang gumawa ng mabubuting gawa ay gagantimpalaan ang gumawa ng masasamang gawa ay paparusahan. Kung kaya kabaligtaran ng gustong palabasin ni Jon, hindi hypothetical ang Rm 2:6-7.
5. Ano ba ang katibayan na merong nagtamo ng buhay na walang hanggan?
Rev 14:4-5(NIV) 4These are those who did not defile themselves with women, for they kept themselves pure. They follow the Lamb wherever he goes. They were purchased from among men and offered as firstfruits to God and the Lamb.5No lie was found in their mouths; they are blameless.
So may mga blameless na hindi kinakitaan ng dungis ni kasinungalingan man na nakatanggap ng eternal life. Napakaraming tao na mula sa iba’t-ibang bansa, wika, at lahi ang naligtas. Alam kong mga katoliko sila kasi meron silang palaspas. Di ba may palaspas ang mga katoliko?(Rev 7:9MBB)
6. Yung tinutukoy ni Jon na “nagpatuloy” sa verse 7, ay hindi nangangahulugang na yung tao ay hindi kailanman nagkamali. The fact na sinasabi sa verse 4 ang “pagsisisi” ay katunayan na minsang makasalanan yung mga taong tinutukoy sa verse 7. Hindi kasi pwedeng makagawa ng mabuti sa harap ng Diyos yung mga hindi pa nagsisisi. Once na nakapagsisisi, ang tao ay kailangang manatili sa katwiran at kabanalan sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti:
Ga6:9-10(NIV) 9Let us not become weary in doing good, for at the proper time we will reap a harvest if we do not give up. 10Therefore, as we have opportunity, let us do good to all people, especially to those who belong to the family of believers.(2Th3:13;1Th5:15)
Kailangang magpatuloy na gumawa ng mabuti sa lahat ng pagkakataon sapagkat darating ang panahon na ang tao ay mag aani. At sang ayon sa Ga6:7-8 at Rm2, ang ani ay ang eternal life.
Mula sa anim na puntong ito, makikita natin na hindi hypothetical ang Rm 2:6-7.
C. Lahat nga ba ay nagkasala?
Yung sinasabi ni Jon na lahat ay nagkasala, that rule refers in general sa sangkatuhan pero may mga exemptions dyan. Unang-una dyan si Brihen Maria na “full of grace”(Lk1:28); San Jose(Mt1:19); San Juan Bautista(Mk6:20); Elizabeth(Lk1:6); Cornelio(Acts10:22); Simeon(Lk2:25); Asa(1Kgs15:14); Noah(Gn 6:9; 7:1); Job(Jb1:1,8;2:3); at Enoch (Gn5:24;Heb11:5).
Pwede bang ipaskil ni Jon ang mga kasalanang ginawa ng mga nabanggit?
Ang salitang “lahat” sa Rm 3 ay hindi absolute. Sapagkat binanggit din ni San Pablo ang salitang “lahat” sa ibang pagkakataon at hindi ito nangangahulugang absolute:
Rm15:14(KJV) And I myself also am persuaded of you, my brethren, that ye also are full of goodness, filled with ALL knowledge, able also to admonish one another.
Ibig sabihin ba nito ay omniscient yung mga kristyano sa Roma? Hindi po sapagkat alam naman natin na Diyos lang ang nakakaalam ng lahat ng bagay.(1Jn3:20)
The fact na merong taong matuwid at sakdal sa paningin ng Diyos, merong kabutihan syang nakita sa tao worthy na bigyan ng gantimpala. Bakit kaya para kay Jon “lahat as in lahat” ay makasalanan? Maliwanag na pinangungunahan nya ang Diyos sa puntong ito.
D. Hindi Imputation kundi Infusion ng Grasya: It is actually infusion of God’s grace sa tao. The fact na nagdeklara ang Diyos na “Justified” ang tao, ang tao ay talagang matuwid (within and without) at hindi dahil “skin deep” lang ang kabanalan nya. In other words, may aktwal na pagbabago sa tao dahil sa grasyang nagta-trabaho sa kanyang buhay. Labag sa katarungan at dignidad ng Diyos ang ideklarang “matuwid” ang isang taong hindi naman talaga matuwid. Ang Diyos ay hindi po sinungaling.(Titus 1:2)
E. Ang Pag amin ni Jon hinggil sa Rm 2:7 Yung sinabi ni Jon na, “Kaya naman, kapag hinatulan ayon sa mga gawa ang mga inaring-ganap sa biyaya, papasa sila ayon sa mga merito ni Cristo na in-impute sa kanila,” ay maliwanag na pag amin na ang Rm2:7 ay hindi hypothetical. Aminado rin pala siya na ang mga taong inari sa biyaya ay hahatulan ayon sa gawa. Since ayon sa kanya may “makapapasa” therefore, may makakatanggap ng eternal life. So ang Rm2:7 ay talagang totoo.
__________________
.jpg)
0 comments:
Post a Comment