Friday, October 16, 2009

KAPATAS SMASHED ANOTHER BEREAN PASTOR [REFORMED BAPTIST] IN JUSTIFICATION DEBATE, Part 5

St. John the Baptist by Andrea del Sarto, 1528. Oil on wood, Galleria Palatina (Palazzo Pitti), Florence. The Baptizer is depicted in this painting during his youth but he has already started a hermitic life, nourishing his spiritual relationship with God by prayer and fasting, thus, he is known as a "just and holy man".
****************
JON IRENICUS:
1) Tinanong niyo po ako nung nakaraan kung saan mababasa na nagkasala sina Noeh at Job, at binigay ko po ang talata sa Ecclesiastes.7:20 kung saan letra-por-letrang nakasaad: "Walang taong nabuhay sa daigdig na gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala" (MBB).
Ngunit sa halip po na tanggapin mo ang masaklap na katotohanang iyan (masaklap, kasi sa isang-iglap ay gumuho ang iyong mga argumento), dinaan mo lang po sa istilong padeny-deny o (taktikang "Ah Basta!"). Sabi mo:

Walang sinasabi sa Ecc7:20 na nagkasala sina Noe at Job. So malinaw na wala kang talata na naipakita na nagkasala nga sila.
Nais ko lamang pong ipaalala sa iyo na hindi po balidong argumento yung padeny-deny lang. "Mali ka! Ah basta! Mali ka, mali, mali!" tapos wala namang nilalatag na katibayan.
Umapila ka pa sa Genesis.7:1 at Job.1:1,.8,.22 para patunayang sakdal sila Abraham at Job, at sang-ayon naman po ako sa mga talatang iyan. Pero wala pong sinasabi diyan na nanatili sila sa ganung kalagayan.

1..Nagkasala si Abraham - "At uminom ng alak at nalango; at siya'y nahubaran sa loob ng kaniyang tolda" (Gen..9:21).
2..Nagkasala si Job - "sapagkat siya'y nagpanggap na ganap kay sa Dios" (Job..32:2).
Kitams? Kaya swak sina Abraham at Job diyan sa Ecclesiastes.7:20 na dinadaan mo lang sa padeny-deny.
Ngayon ang tanong mo: Kung totoong absolute ang Ecc.7:20, ano ang mga kasalanan ni Enoc at San Juan Bautista ayon sa bibliya?
Hanubayan!? Kapritsong verbatim nanaman? Eh brad, kelangan pa bang ilista sa Kasulatan ang buong tanang-buhay ng bawat karakter sa Biblia para lang matugunan ang kapritso mo gayung letra-por-letra na ngang nakasaad na "ang lahat ay nagkasala"?
Isa pa, wag mong kakalimutan na ayon sa doktrina niyo, si Maria at si Cristo lang ang mga taong di-apektado ng orihinal na kasalanan. Samakatuwid, doktrina niyo mismo ang binabangga mo, dahil sina Enoch at JB pala ay dawit din sa orihinal na kasalanan. Hala ka.
2) Brad wala namang pagtatalo na makasalanan lahat ng mga kausap ni Cristo sa talata eh. At sino naman ang may sabi sa iyo na walang sense mangusap si Cristo, aber? Dahil ba dinemanda niyang dapat maging perpekto ang mga taong kausap niya gayung di naman nila kaya, eh ibig sabihin wala na agad sense mangusap si Cristo? Hindi ah!
Diyan mo nga makikita ang kadakilaan ng istratehiya ni Cristo sa pagaakay sa mga makasalanan eh. Bakit kako? Kasi dahil sa kanyang sinabing "thou shall be perfect, just as you Father in heaven is perfect" - nalalaman ng mga makasalanan ang napakataas na pamantayan ng Diyos na hindi nila kayang abutin. Anong sense kamo? Ang sense niyan ay upang maipakita sa tao na sila'y makasalanan at kailangan nila si Cristo bilang tanging Tagapagligtas (Jn..14:6), Kuha mo na?
Ngayon ang tanong mo: Saan sinabi ni Cristo sa Mt5:48 na kailangang perpect ang tao pagkapanganak pa lang at manatiling perpect hanggang kamatayan?
Wala pong sinabing letra-por-letra sa Mateo 5:48 na ganun nga, ngunit ganun parin ang di maiiwasang implikasyon ng pahayag ni Cristo. Bakit kako? Aba, pinaliwanag ko na po yan sa baging sagot ko sa ikalawang katanungan niyo nung nakaraan.
Paulit-ulit naman po kayo eh? Nasayang nanaman po ang isang tanong niyo.
3).O ayan, dinaan mo nanaman sa istilong padeny-deny nang wala ka namang nilalatag na KAPS:
Katibayan
Argumento
Paliwanag
Salita ng Diyos
Letra-por-letrang nakasaad sa Roma.4:3.at.5:.(v.3)."Sapagka't ano ang sinasabi ng kasulatan? At sumampalataya si Abraham sa Dios, at sa kaniya'y ibinilang na katuwiran....(v.5).Datapuwa't sa kaniya na HINDI GUMAGAWA, NGUNIT SUMASAMPALATAYA sa kaniya na umaaring ganap sa masama, ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran."
kaya nga ang wika sa talata.6:."Gaya naman ng sinasambit ni David na kapalaran ng tao, na sa kaniya'y ibinibilang ng Dios ang katuwiran nang WALANG MGA GAWA"
Pero dinaan mo lang sa padeny-deny. Brad, hindi ko na kasalanan kung hindi mo talaga matanggap ang katotohanang nakasaad sa Kasulatan. Ipinakita ko na sa iyo ang mga katibayan, pero mas gusto mo parin sa kamalian.
Ang tanong mo: Saan sinabi sa Js2:21 na ipinapakita lang ni Abraham na siya ay inaring ganap?
Ang salitang "inaring-ganap" ay katumbas ng salitang "dikaoo" sa wikang Griego. Hindi po palaging iisa ang kahulugan ng salitang yan, sa madaling salita, depende po yan sa kunteksto at paraan ng pagkakagamit sa salita.

Dikaoo.(G1344):
1).to render righteous or such he ought to be
2).to.show,.exhibit,.evince,.one.to.be righteous, such as he is and wishes himself to be considered
3).to declare,.pronounce,.one.to.be.just, righteous, or such as he ought to be(http://www.studylight.org/lex/grk/view.cgi?number=1344)
Sa kunteksto po ng Santiago.2, ginamit po ang dikaoo ayon sa depinisyon #2, kung saan ang mga mabubuting gawa ay panlabas na ebidensya lamang sa mata ng tao na nagpapakita na si Abraham ay tunay ngang inaring-ganap na sa pananampalataya. Makikita niyo po yan sa kunteksto,

"ipapakita ko sa iyo ang aking pananampalataya sa pamamagitan ng aking mga gawa" (San..2:18).
"Mga kapatid, ano ang mapapala ng isang tao kung sabihin man niyang siya’y may pananampalataya, ngunit hindi naman niya pinatutunayan sa gawa? Maililigtas ba siya ng gayong pananampalataya?" (San..2:14).
4). Tanong mo: Tanong: Kung ypothetical ang Rm2:6-7, hypothetical din ba ang Jn5:27-28, 2Cor5:9-10 at Ga6:7-9?
Sige suriin natin ang mga talata.

a) Juan 5:27-28: Totoo naman pong kay Cristo ibinigay ang kapamahalaang magsagawa ng paghahatol sa lahat ng tao. Wala po akong nakikitang problema sa mga talatang iyan.

b) 2.Cor..5:8-10. Sang-ayon po ako sa nakasaad sa talata, sapagkat sa araw ng Paghuhukom, isisiwalat ng Diyos ang lahat lihim ng bawat tao. Ang mga Cristiano ay magtatamo ng gantimpala ayon sa kanilang mga gawa. Bukod sa kaligtasang natamo nila nang walang bayad, may bonus pa silang gantimpala. Ngunit sa mga Cristiano na medyo nagpasaway, maliligtas parin naman sila, nga lang parang dumaan sa apoy ayon sa 1.Cor..3:15. "Dumaan sa apoy" - hindi literal, kundi metaporikal na nangangahulugang dumaan sa sa matinding kahihiyan (Ang salitang "apoy" kasi ay ginagamit din ng mga sinaunang Griego bilang simboliko patungkol sa pagdaranas ng kahihiyan, halimbawa sa Roma 12:20). Matinding kahihiyan kasi isisiwalat ng Panginoon sa buong sanlibutan ang lihim ng bawat tao, maging sa liwanag man o sa dilim.
c) Galacia 6:7-9: Ayon sa talata, yung mga naghahasik ng sa kanyamg sariling pita ng laman ay kaparusahan; at yung mga naghahasik sa Espiritu ay magtatamo ng buhay na walang hanggan (tal. 8). Totoo po yan, sapagkat ang tinutukoy dun sa mga "naghahasik sa laman" ay yung mga di-mananampalataya; at siyempre, yung mga naghahasik sa Espiritu ay tumutukoy sa mga inaring-ganap na. Sa madaling salita, ang paghahasik nila sa Espiritu ang katangian ng pagiging ligtas na, hindi kundisyon para maligtas. Tingnan niyo po sa Tito 3:5: "Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo" (SND).
5) Tanong mo: Kung hypothetical ang Rm2:6-7, bakit sinasabi sa Rev14 na 144,000 katao na “… binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero,” at sinasabing pawang “di nasumpungan ng daya sa bibig at mga walang kapintasan”?
Ganito yan brad, makinig ka:
Alam naman nating sa kaharian ng langit ay walang anumang marumi ang makakapasok diba? Sabi sa Apocalipses 21:27:
"Kailanman ay hindi makakapasok doon ang anumang marumi o ang ang sinumang gumagawa ng kinapopootan ng Diyos o ang gumagawa ng kasinunga-lingan. Ang makakapasok lamang doon ay yaong ang mga pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero."
Kitams? Eh pano yan, meron bang Cristiano na hindi nakapagsinungaling sa tanang buhay niya? Wala. Kaya nga ang wika sa Awit: "And in my dismay I said: 'All men are liars'" (Psa. 116:11). Kung gayon paano makakapasok sa kaharian ng langit ang mga mananampalataya?
Heto basahin mo ang sabi ni San Pablo sa Roma 4:6-8:

"Gayundin ang sinabi ni David. Sinabi niya na pinagpala ang isang tao kapag ibinibilang ng Diyos ang katuwiran na hiwalay sa mga gawa: Pinagpala sila na mga pinatawad sa hindi nila pagkilala sa kautusan ng Diyos, sila na ang mga kasalanan ay tinakpan. Pinagpala ang taong ANG KASALANAN AY HINDI NA IBINIBILANG NG PANGINOON sa kaniya sa anumang kaparaan" (SND).
Kitams? Kapag ang isang tao ay inaring-ganap na sa biyaya sa pamamagitan ng pananalig (hiwalay sa mga gawa), hindi na ibinibilang ng Panginoon sa kanya ang kanyang mga kasalanan sa ANUMANG PARAAN.
May sinungaling ba na makapapasok sa kaharian ng langit? Wala ah! Ngunit pagka ang isang makasalanan ay tinubos ni Cristo, siya'y magiging sing puti ng nyembe sa kalinisan, base sa katuwiran ni Cristo na iginawad sa kanya sa pamamagitan ng pananampalataya.
Kuha mo?
_______________________
KAPATAS:
Evaluation

I.Sa pagnanais ni Jon na gawing absolute ang Ecc7:20, ginagamit nya ang Gen9:21 at Job32:2 para patunayang nagkasala rin sina Noe at Job. Suriin natin:
Sinasabi sa teksto: Minsan, uminom siya ng alak at nalasing.(Gen9:21,MBB) sapat na ba ito para sabihing nagkasala din si Noe? Kung ganun nasan ang kondenasyon ng Diyos kay Noe? Nakalimutan ata ni Jon na si Noe ang unang nagtanim ng ubas sa mundo (v.20), so obvious na sya rin ang unang nalasing. Unang beses yun nangyari at hindi habitual kaya hindi yun masama. Pakatandaan na matapos bumalik ang ulirat ni Noe, PINAGPALA pa nya ang kanyang dalawang anak na nagtago ng kanyang kahubaran.(v.25-27) Balido ang pagpapalang yun. Ibig sabihin, hindi nawawala ang pabor ng Diyos kay Noe kahit na nalasing sya. Nasa kanya pa rin ang Diyos dahil capable pa ngang magbigay ng blessing eh.
Sa pagkakalasing ni Noe eh kasama na ba siya sa sinasabi sa Rm3 na hindi matuwid, mga hindi humahanap sa Diyos, na ginagamit ang dila upang mandaya, matulin ang paa sa pagbubo ng dugo, at di nakakakilala ng daan ng kapayapaan?
Sabi ng Diyos sa Gen7:1, "… ikaw ay aking nakitang matuwid sa harap ko sa panahong ito." at “… si Noe ay lumalakad na kasama ng Dios.” (Gn6:9) So merong matuwid sa mata ng Diyos na lumalakad (present continuous) na kasama nya. Kaya unless na maibigay mo yung kondenasyon ng Diyos kay Noe, nanatiling matuwid si Noe. Lumalakad na kasama ng Diyos eh. Hindi lumakad kundi lumalakad, ibig sabihin, patuloy sa paglakad sa katwiran ng Diyos. Kung ganun si Noe, panong totoo ang sinasabi ni Jon na hindi nanatiling matuwid si Noe?
Patungkol naman kay Job, pakatandaan na walang intension si Job na magpanggap na mas sakdal sa Diyos. Ipinipilit ng kanyang mga kaibigan na ang dahilan ng kanyang pagdurusa ay ang kanyang pagiging makasalanan. Ipinagtanggol lang ni Job ng kanyang sarili. Elihu viewed it as justifying more than God. Ibig sabihin, Job spend his time defending himself rather than letting God explains his way, bakit ganun ang nangyari sa kanya. Hindi ngangahulugan na sa pakiwari ni Job eh mas sakdal sya sa Diyos. Eh pinagpala nga ng Diyos si Job sa huli. Yung 3 kaibigan nya yun ang kinondena ng Diyos at hindi si Job.(Job42:7-8)
Binanggit ni Jon ang original sin para palabasing di sakdal sina Enoch at Juan Bautista. Eh sinasabi mismo ng bibliya na sa momento palang ng paglilihi kay San Juan eh nandun na ang Espiritu Santo sa kanya eh.“at siya'y mapupuspos ng Espiritu Santo, mula pa sa tiyan ng kaniyang ina." (Lk1:15) At kung pinuspos ng HS si San Juan mula pa sa tiyan ng kanyang ina, malinaw na nilinis na sya sa mantsa ng original sin. Kaya nga ang sabi ng bibliya sa kanya later nung malaki na sya: “…siya'y lalaking matuwid at banal…” (Mk6:20) Impossible namang banal at matuwid ka kung may original sin ka pa di ba? Kung kaya malinaw na merong taong sakdal. Hindi absolute ang LAHAT sa Rm 3.
Kung sinasabi sa Rm 6:23 na kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, bakit di namatay si Enoch? Patunay na merong taong sakdal at walang kasalanan na hindi nakaranas ng kamatayan. Another exemption sa Rm 3.
II. Ang problema ni Jon, hindi nya alam kung anong deperensya ng works outside grace at works under grace. Para sa kanya iisa lang ito. Malinaw naman na gawa ayon sa Torah ang ibig sabihin ni San Pablo sa Rm4. Yun ang klase ng gawa na hindi bahagi ng Justification. Kaya nga kung babasahin ang teksto sa Rm3:27-31 at Rm4:9-13, gawa ayon sa Kautusan ang tinutukoy ni San Pablo. Nakapagtataka naman na yung gitna:Rm4:1-8,eh patungkol sa lahat ng klase ng gawa, kasama na yung gawang bunga ng pakikiisa sa Espiritu Santo.
Nakapagtataka na imbes na magpokus si Jon sa Js2:21 eh verse18 at 14 ang kanyang inaatupag. Nilalayo nya ang isyu eh. Walang sinasabi sa verse21 na IPINAPAKITA LANG ni Abraham ang katibayan na siya’y justified na. Malinaw sa teksto na ang PAGTALIMA ni Abraham ay nagbunsod ng kanyang PAGKAKA-ARING GANAP.
“Hindi baga ang ating amang si Abraham ay inaring ganap sa pamamagitan ng mga gawa…”(Js2:21) Kitang-kita na si Abraham ay INARING-GANAP sa papamagitan ng gawa at HINDI DATI NANG JUSTIFIED NA NAGPAPAKITA LANG NG EBIDENSYA. Kaya merong gawa na kalugud-lugod sa Diyos at worthy mabigyan ng gantimpala. Hindi totoo ang sinasabi ni Jon na kapag sinulit ang tao sa kangyang gawa eh walang papasa. Meron nga eh.
Dito makikita na ang Justification ay isang proseso at hindi one-time event. Si Abraham ay inaring ganap noong una siyang tinawag at tumalima sya (Gn12:4;Heb11:8); inaring-ganap sya nung sumampalataya sya sa pangako ng Diyos(Gen15:16); at inaring ganap sya nung tumalima sya sa utos ng Diyos na ialay ang kanyang anak.(Gen22;Js2:21) Ang Justification ay isang proseso na natatapos sa Araw ng Paghuhukom. Yun ang Final Justification. At GAWA ang basehan ng hatol hindi Faith Alone.
Yung sinasabi mo hinggil sa panlabas na ebidensya ng Justification para sa mata ng tao ay mali at di sinusuportahan ng kasulatan. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nare-recognized ng tao ang mabuting gawa. May mga bagay na lihim na Diyos lang ang nakakalaam(Mt6:3-4), at sa puntong yun, walang papel ang mata ng tao.
At ayon kay Cristo: "Huwag kayong humatol ayon sa nakikita.” (Jn7:24,SND)
Sinabi rin ni Cristo: "Mangagingat kayo na huwag magsigawa ng katuwiran sa harap ng mga tao, upang kanilang makita…”
Sinasabi din ng Kartilla, “Ang gawang magaling na nagbuhat sa paghahambog o pagpipita sa sarili, at hindi talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan.”
Kaninong mata ngayon ang makapagsasabi na ang isang gawa ay talagang mabuti o pakitang tao lang?
Kung kaya sa sentidong ispiritwal, masasabi na hindi reliable ang mata ng tao: “sapagka't ang tao ay tumitingin sa mukha, nguni't ang Panginoon ay tumitingin sa puso." (1 Sam16:7)
Diyos ang magde-determina sa gawa ng tao kung ito ay worthy o hindi base sa intension ng tao. Di totoo ang Justification sa mata ng tao.
__________________

1 comments:

  1. One God, the Father

    We believe that the one and only true God is the Father, the Creator. We hold this belief because it is the doctrine taught by our Lord Jesus Christ and His Apostles (John 17:3, 1: I Corinthians 8:6). God is a Spirit (John 4:24), and, therefore, He has no flesh and bones (Luke 24:39).
    There is no trinity of persons in God. Though the Bible speaks of the Father, the Son, and the Holy Spirit, never does it refer to all of them as gods nor as three persons in one God; rather, it points to the Father alone as the true God. The Son Himself emphasized that only the Father is the true God (John 17:3, 1) and that He himself is a man telling the truth which He received from God (John 8:40). The prophets also teach that we have only one Father who created us (Malachi 2:10); Isaiah 64:4, 8). He alone is God, there is no other God and no one is like Him (Isaiah 46:9)

    God is from everlasting to everlasting, with no beginning or end (Psalms 90:2), immortal (I Timothy 1:17), and does not tire or become weary (Isaiah 40:28).

    He alone is the creator of heaven, the heaven of heavens, with all their host, the earth and all things therein, and the seas and all that is in them (Nehemiah 9:6)

    The Lord Jesus Christ

    The Iglesia ni Cristo believes that the Lord Jesus Christ, the Son of God (Matthew 3:17), is the one and only Savior given by God (Acts 13:23). Christ is the sole mediator between God and men (I Timothy 2:5) and the only way to God (John 14:6).

    But we do not subscribe to the belief that Christ is God-Man. He is man in nature according to His own testimony (John 8:40) and the teachings of His Apostles (I Timothy 2:5; Matthew 1:18).

    The attributes of a human being were found in Christ. He hungered (Matthew 4:2), thirsted (John 19:28), became weary or tired (John 4:6), slept (Matthew 8:24), and died (Matthew 27:50; I Corinthians 15:3). However, Christ as distinct from all men, is the only one who did not sin (I Peter 2:21-22; Hebrews 4:15).

    He has been exalted by God and given a name above all other names, that at the name of Christ every knee should bow, those in heaven, and those on earth (Philippians 2:9-11). He has been placed by God far above all principality, power, might and dominion, and every name that is named, and all things have been put under His feet (Ephesians 1:21-22). Christ will eventually subject all His power and authority to the true God (I Corinthians 15:27-28). He had in so many instances introduced Himself as the Son of God but never did He appropriate the title “God” nor “God the Son” for Himself because He is not God but man.


    The Holy Spirit

    We believe that the Holy Spirit is the power (Acts 1:8) sent by the Father in the name of Christ, to teach and remind His messengers of all the things that Christ said (John 14:26).

    Christ also sends the Holy Spirit to help us in our weaknesses and infirmities (John 15:26; Romans 8:26). The Holy Spirit strengthens, edifies, and comforts the Church of Christ (Ephesians 3:16-17); John 14:26). And although the Holy Spirit is a spirit, never do the Scriptures refer to Him as “God the Holy Spirit” because He is not God but one of the spirits being sent by God.

    ReplyDelete