Friday, October 16, 2009

KAPATAS SMASHED ANOTHER BEREAN PASTOR [REFORMED BAPTIST] IN JUSTIFICATION DEBATE, Part 6 Concluding Statement

Christ in Glory, painting by Raphael

* After the previous exchange presented above, the Reformed Baptist Joh Irenicus [formerly Living Grace], one of the Bereans Moderators, suddenly became silent and failed to submit his counter reply. He simply ignored the debate while posting some comments in other parts of the Forum. Which only shows that the guy is well and alive and simply voluntarily threw in the towel. He is very silent since then just like his fellow Berean Moderator, he disappeared from the scene as the ghosts of Christmas past.
The moderator, Ben Marcing declared Kapatas [Bro. Franz Luigi Lugena] the technical winner according to the rule and by the same rule commanded him to post his Concluding Statement. Here it is:
**************
KAPATAS:
Conclusion

Ang argumento ni Jon kung bakit hypothetical ang Rm 2:7 at nakatakdang di matupad ay umiikot sa maling pagkakaunawa ng salitang “nagpatuloy” (hupomone) sa verse7. Ayon sa kanya, ito ay “diretsong linya na walang patid, at hindi nauudlot o lumiliko.” Base sa ideyang ito, ikinonekta nya ang sinabi ni Cristo sa Mt5:48 hinggil diumano sa pamantayan ng Diyos na dapat maabot ng tao para makatanggap ng eternal life na ibinibigay sa Rm2:7: dapat perfect at di kailanman nagkasala mula pagsilang hanggang mamatay.
I. Dapat nating tandaan na walang sinasabi sa teksto hinggil sa “diretsong linya na di lumiko” ni hindi sinasabi na dapat perfect sa sentido na di kailanman nagkasala ang taong gumagawa ng mabuti sa verse7 upang mapagkalooban ng eternal life. Ito ay bunga lamang ng sariling interpretasyon ni Jon. Kung babasahin ng maige ang teksto, binabanggit sa verse4 ang kahalagahan ng pagsisisi. Ito ay nagpapatunay na hindi totoo ang perfection na gustong palabasin ni Jon. Yung mga taong nagpatuloy sa paggawa ng mabuti sa verse7 ay mga dating makasalanan na nakapagsisi na at nagpapatuloy sa paggawa ng mabuti. So napakalayo ng depinisyon ni Jon ng salitang “nagpatuloy” sapagkat gumawa na sya ng asumpsyon na ito ay nangangahulugang hindi nagkasala ni minsan ang tao, which entails perfection in strict and legal sense. Hindi sensible na magdemand ng strict perfection sa verse7 gayung sinasabi naman ni San Pablo nung una pa lang na dapat magsisi ang tao kung ayaw nyang magtamo ng galit ng Diyos sa Araw ng Paghuhukom.
Maliwanag na hindi perfection ayon sa pakahulugan ni Jon ang gustong sabihin ni San Pablo kundi perfection sa ilalim ng grasya ng Diyos. Bakit sa ilalim ng grasya? Ito ay sapagkat grasya ng Diyos ang nagbibigay daan upang makapagsisi ang tao.
“O hinahamak mo ang mga kayamanan ng kaniyang kabutihan at pagtitiis at pagpapahinuhod, na hindi mo nalalaman na ang kabutihan ng Dios ay siyang umaakay sa iyo sa pagsisisi?”(Rm2:4)
Then once na makapagsisi na, ang tao ay nagkakaroon ng kakayahang makagawa ng mga mabubuting bagay na worthy sa paningin ng Diyos na IMPOSIBLE kung walang pagsisisi. Yung mga dating kasalanan ay hindi na ibinibilang sa taong nagsisi sapagkat sya’y nilinis na.
Na sinasabi, Mapapalad yaong ang kanilang mga pagsalangsang ay ipinatawad, At ang kanilang mga kasalanan ay nangatakpan. Mapalad ang tao na sa kaniya'y hindi ibibilang ng Panginoon ang kasalanan.(Rm4:7-8)
Kung nilinis na, bakit kailangang ibilang pa ni Jon ang mga dating kasalanan eh yung Diyos nga kinalimutan na yun? Kaya talagang mali ang sinasabi ni Jon about sa salitang “nagpatuloy” o hupomone.
II. Upang susugan ang asumpsyon na hypothetical ang Rm2:7, ginamit ni Jon ang Rm3 upang palabasin na LAHAT ng tao ay nagkasala kung kaya walang karapat-dapat sa eternal life na ibibigay ng Diyos. (dahil perfect lang daw ang makatatanggap ng buhay na walang hanggan base na rin sa maling pag unawa niya sa salitang “nagpatuloy”) Hindi pa nakuntento, dinamay pa ni Jon ang ilang tao sa banal, sakdal, at matuwid na tao sa bibliya na kasama rin daw sa mga makasalanan. Pero suriin natin:
Sang ayon sa Rm3:
1. Wala ni isa man ang matuwid(v.10)
2. Walang nakakaunawa o naghahanap sa Diyos(v.11)
3. Lahat ay nagsilihis, walang gumagawa ng mabuti(v.12)
4. Nagsigamit ng daya sa kanilang mga bibig(v.13)
5. Ang kanilang bibig ay puno ng panunumpa at ng kapaitan(v.14)
6. Ang kanilang mga paa ay matulin sa pagbububo ng dugo(v.15)
7. Kagibaan at kahirapan ang nasa kanilang mga daan(v.16)
8. At ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nakilala(v.17)
9. Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata(v.18)
Kasama ba sa tinutukoy dyan si Job “na sakdal at matuwid, natatakot sa Diyos at humihiwalay sa kasamaan?”(Job1:8)
Si Noe na ayon sa Diyos ay “matuwid?”(Gen7:1)
Si Enoch na “lumalakad kasama ng Diyos at di nakasumpong ng kamatayan sapagkat naging kalugud-lugod sa Diyos ?”(Gen5:24;Heb11:5)
Si Jose na isang “lalaking matuwid?”(Mt1:25)Si Birhen Maria na “full of grace?”(Lk1:28)
Si Juan Bautista na sa sinapupunan palang ng ina ay pinuspos na ng Espiritu Santo(Lk1:15) at nung lumaki ay isang taong matuwid(Mk6:20)?
Si Elizabeth na matuwid sa harap ng Diyos at lumalakad na walang kapintasan sa lahat ng utos at palatuntunan ng Diyos?(Lk1:6)
Si Simeon na “matuwid at masipag sa kabanalan?”(Lk2:25)
Si Cornelio na “lalaking matuwid at matatakutin sa Diyos?”(Acts10:22)
Si Asa na “sakdal ang puso sa Diyos buo nyang kaarawan?”(1Kgs15:14)
Hindi napatunayan ni Jon na ang mga taong nabanggit ay kasama nga sa tinutukoy ni San Pablo sa Rm3. Gumawa siya ng asumpsyon na ABSOLUTE ang LAHAT sa Rm3 gayong ang LAHAT ay ginamit din ni San Pablo sa Rm15 at malinaw na hindi ito ginamit sa sentidong absoluto.
“… na kayo naman ay mangapuspos ng kabutihan, pinuspos ng lahat ng kaalaman, na ano pa't makapagpapaalaala naman kayo sa isa't isa.(Rm15:14)
Hindi naman siguro naniniwala si Jon na omniscient ang mga Roman Christians di po ba? Dahil Diyos ang nakakalam ng lahat ng bagay.(1Jn3:20)
Kaya hindi absolute ang LAHAT. Di porke sinabi na lahat ay nagsilihis eh lahat nga nagsilihis sa Diyos. Hindi matanggap ni Jon na merong mga taong pinagkalooban ng espesyal na biyaya na maging sakdal at malayo sa kasalanan.
Umaapela si Jon sa orginal sin, pero kung susuriin, ang mga kasalanan sa Rm3 ay ACTUAL SIN. Magkagayunman, ang mga taong binanggit ko ay tinawag na mga banal, matuwid at sakdal many years AFTER na sila’y isilang. So kung meron man silang original sin, binura na ito ng Espiritu Santo maraming taon na ang nakakaraan. Imposible kasing tawaging SAKDAL ang isang tao kung may bahid pa ng kasalanan di po ba? So nung sinabi ng Diyos na matuwid at sakdal si Job at si Noe ay matuwid sa paningin nya, talagang sakdal at matuwid sina Job at Noe. Overlooked na yung original sin nun. Diyos ang nagsabi eh.
III. Totoo ba na hypothetical ang Rm2:7? Ayon kay Jon:
Kaya naman, kapag hinatulan ayon sa mga gawa ang mga inaring-ganap sa biyaya, papasa sila ayon sa mga merito ni Cristo na in-impute sa kanila.”
Pansinin na kahit si Jon ay aminado na merong paghahatol base sa GAWA. At yaong mga inaring ganap sa biyaya, kapag sinulit ay PAPASA. So merong:
1.Paghahatol ayon sa GAWA.
2.Meron ding PAPASA, sa madaling salita, merong magkakamit ng buhay na walang hanggan na sinasabi sa Rm2:7.
Aminado si Jon dito. Nangangahulugan na hindi talaga HYPOTHETICAL ang Rm2:7.Ang mali ni Jon, gumawa sya ng maling asumpsyon na yung mga taong “nagpatuloy sa paggawa ng mabuti” sa verse7 ay hindi inaring ganap sa biyaya. Eh kitang-kita na NAGSISI MUNA sila base na rin sa pakikiisa nila sa grasya na kaloob ng Diyos.(v.4) Imposible kasi na makagawa ng mabuti sa paningin ng Diyos kung walang pagsisisi eh. So kailangang mauna ang pagsisisi. At sa pagsisisi understood na nandun na ang pananampalataya at gawa.
Kaya sa huli, hindi napatunayan ni Jon na hypothetical ang Rm2:7 at sumusuporta pa sa Sola Fide. Kontra sa Sola Fide ang Rm2:7 kung kaya ginawang HYPOTHETICAL ni Jon ang nasabing sitas. At imposibleng suportahan ng isang hypothetical verse ang isang aral na direktang sinusuka ng bibliya(Js2:24).
Kamurawayan sa Ama, asin sa Aki, asin sa Espiritu Santo, nin siring sa kapinunan, ngunyan man, danay asin sagkod pa man. Amen.
***************
END OF THE DEBATE.
OUR CONGRATULATIONS TO KAPATAS FOR A VERY SUCCESSFUL DEFENSE OF THE CATHOLIC FAITH.

2 comments:

  1. Si Jon Irenicus pala ang kalaban ni Kapatas. Haayyyy naku Padre Abe, unfair administrator yan sa BARM eh. Akala nya Diyos sya. Nyahahahahahaha dang Kapal ng Mukha ni Jon Irenicus. Sa diablo yang si Jon Irenicus, nyahahahaha. Kapal ng Mukha nya eh.

    ReplyDelete
  2. Dear Veritas,

    This part is already part 6. Please read from Part 1-6. You will be very very happy. He, he, he...

    Please also check my debate with JON ERENICUS now using his real name JOHN JOSEPH RAS on PREDESTINATION. Very revealing. He, he, he...

    ReplyDelete