SI MARIA BILANG TAGAPAMAGITAN:
Pagwawasto sa mga Paratang at Panunuligsa ni Jun A. Ballesteros sa Pananampalatayang Katoliko Hinggil sa Mahal na Birheng Maria
PANIMULA
Mga ilang araw na ang nakakaraan, may isang Katolikong nag-email sa akin. Humihingi siya sa akin ng paliwanag hinggil sa mga aral ng Santa Iglesia Katolika tungkol sa Mahal na Birheng Maria. Ako ay lubos na nagpapasalamat sa Panginoong Jesus sapagkat ipinagkaloob Niya sa akin ang pribilehiyong maipagtanggol ang kanyang Ina, ang Mahal na Birheng Maria, at maipaghatanod ang Santa Iglesiang Ina Natin.
Mangyarin
g itago na lamang natin ang nagtatanong sa pangalang “RR.” Ayon kay RR, nakapagbasa siya ng isang aklat na isinulat ng isang nagngangalang Jun A. Ballesteros. Ang aklat na ito na may pamagat na “Mga Mahalagang Tanong at Sagot” ay nabili ni RR sa Philippine Christian Bookstore (PCBS).
Ayon kay RR, binili niya ang aklat ni G. Ballesteros sapagkat kanyang ninais na malaman ang pangangatwiran ng mga “born again” Christians ngunit hindi niya ginusto na maging kaisa nila. Kailangan niya diumano na aralin ang mga biblical at lohikal na batayan ng pananampalatayang Katoliko sapagkat ang kanyang kasintahan ay isang “born again” Christian na masugid na tagabasa ni G. Ballesteros. Ipinagtapat din ni RR na madalas siyang inuupasala at dinuduwahagi ng mga “born again” Christians na kagaya ng kanyang kasintahan. Madalas aniya na nakikipagtalo sila sa kanya hinggil sa Biblia at mga aral Katoliko. Marahil nga, hindi na bago ang mga panunuligsang ito sa ating mga Katoliko.
MGA PARATANG
Ang paksang ninanais ni RR na pag-aralan ay ang pagiging “tagapamagitan” o Mediatrix ng Mahal na Birheng Maria. Sinipi niya ang issue 25, p. 5, tanong 15 ng aklat ni G. Ballesteros na “Mga Mahalagang Tanong at Sagot”:
“15. TOTOO BANG SI BLESSED MARY AY SIYANG TAGAPAGITAN O MEDIATRIX NG PANGINOONG JESU-CRISTO AT NG MGA TAO?
* Hindi. Dagdag aral ito!. May babala ang Galatia 1:6-8 at Pah. 22:18-19! Ito ay ang pagdaragdag ng aral sa Salita.
* Mat.11:28; sa talatang ito ay may paanyaya si Jesus, samantalang si Mary ay wala, kanino tayo lalapit? Kay Jesus tayo lumapit dahil Siya ang nagaanyaya, hindi si Maria.
* 1 Tim. 2:5; Si Jesu-Cristo, hindi si Maria, ang TANGING TAGAPAMAGITAN ng tao sa Diyos. Liban dito ay wala nang binanggit ang Biblia.
* Mat. 28:18; Sa talatang ito ay ipinahahayag na hawak ni Cristo ang lahat ng kapangyrihan sa langit at sa lupa. Nangangahulugang:
1. Hindi na kailangan ni Jesus ang isa pang katulong sa pagliligtas tao. Sapagkat nasa Kanya na nga ang lahat ng kapangyarihan, anong naiwan kay Blessed Mary, mayroon pa kaya?
2. Wala siyang kapangyarihan upang siya’y maging Mediatrix.”
PAGPUNA O KOMENTO
Kung susuriin natin ang mga pagpuna ni G. Ballesteros, mahihinuha natin na walang matibay na pinagbabatayan ang kanyang mga paratang. Alalaong baga’y pawang wala sa katinuan ang kanyang pangangatwiran. Lumalabas na salat ang kaalaman ng may-akda sa Banal na Kasulatan at talagang ignorante siya sa tunay na aral ng Santa Iglesia Katolika. Tunay nga na walang muwang itong si G. Ballesteros sa maraming bagay kapag Biblia ang pinag-uusapan. Sa katunayan, hindi tumpak ang kanyang pag-gamit ng mga sitas ng Salita ng Diyos. Hindi rin wasto ang kanyang unawa sa pananampalatayang Katoliko. Pilit niyang minamali ang ating mga aral lalong-lalo na sa Mahal na Birheng Maria. Bagama’t salat sa kaalaman si G. Jun A. Ballesteros sa mga aral Katoliko, patuloy niya pa rin itong inaaglahi. Dahil dito, lapat na lapat kay G. Ballesteros ang sinasabi ng mga apostol na sina San Pedro (2 Pedro 2:12) at San Judas (Judas 1:10).
SI MARIA BILANG TAGAPAMAGITAN: DAGDAG NA ARAL NGA BA?
Isa-isahin natin ang mga paratang ni G. Ballesteros. Ang paghahanap ng mali sa kanyang aklat ay parang paghahanap ng buhangin sa dalampasigan.
1. Sa kanyang tanong blg. 15 na kung totoong si Blessed Mary ay siyang tagapagitan (sic) o Mediatrix ng Panginoong Jesu-Cristo at ng mga tao, isang tumitiling “Hindi” ang kanyang sagot. Aniya, ang aral daw na ito ay pagdaragdag ng aral sa Salita or Biblia. Mapupuna na ang pag-aangkin ni G. Ballesteros ay walang pinagsasaligan. Katunayan, hindi niya ipinaliwanag at pinatunayan kung bakit naging dagdag sa aral ng Biblia ang pagiging “tagapagitan” [“tagapamagitan”] ni Maria sa Panginoong Jesus. Kaya naman ang kaniyang pag-gamit ng babala sa Galacia 1:6-8 at Pahayag 22:18-19 ay lihis sa katotohanan at walang kabuluhan. Sa kabilang dako, patutunayan natin ayon sa Biblia na ang pagiging “tagapamagitan” ni Maria (at maging ng mga mananampalataya kay Kristo) ay aral ng Salita ng Dios na sukdulang nilalabanan naman ni G. Ballesteros. Ipapaliwanag natin ang mga maling haka-haka ng may-akda ng “Mga Mahalagang Tanong at Sagot.”
Pansamantala, balingan natin ang mga talatang ginamit ni G. Jun Ballesteros. Una ay ang Galacia 1:6-8: “Ako ay namamangha sa kaparaanan kung bakit napakadali ninyong lumayo mula sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo patungo sa kakaibang uri ng ebanghelyo. 7Hindi ito talagang kakaibang ebanghelyo maliban na may ilang mga tao na gumugulo sa inyo. Ibig nilang palitan ang ebanghelyo ni Cristo. 8Subalit kahit kami o isang anghel man na mula sa langit ay mangaral ng ebanghelyo na salungat sa ipinapangaral namin sa inyo, sumpain nawa siya ng Diyos” (SND).
Ang talatang ito ay babala ni Apostol San Pablo sa mga unang Kristiano na iwasan ang mga hidwang pananampalataya na kaniyang tinawag na “ibang ebanghelyo” sapagkat maraming mga mangangaral ang nagsulputan (at patuloy pa na nagsisipagsulputan sa kasalukuyang panahon) ang nangangaral ng taliwas sa ebanghelyo ni Kristo. Sa katunayan, ang babalang ito ay mas angkop sa mga mangangaral kagaya ni G. Ballesteros na nangangaral ng mga kathang aral tulad ng “sola scriptura” o “sola fidei.” Ang mga aral na nabanggit ay hindi ni minsan itinuturo ng Banal na Kasulatan. Mainam na pag-usapan ang mga ito sa ibang pagkakataon.
Samantala, sa Pahayag (o Apocalipsis) 22:18 naman, ganire ang ating mababasa: “Aking sinasaksihan sa bawat taong nakikinig sa mga salita ng HULA NG AKLAT NA ITO, kung ang sinoman ay MAGDAGDAG SA MGA ITO, ay daragdagan siya ng Diyos ng mga salot na nakasulat SA AKLAT NA ITO.”
Kung nabasang maayos ni G. Jun A. Ballesteros ang talata, mapagtatanto niya na ang ipinagbabawal sa Apocalipsis 22:18 ay ang pagdaragdag sa mga HULA ng AKLAT NA ITO. Aling aklat? Ang AKLAT NG APOCALIPSIS. Malinaw na naman na mali at abusado ang pag-gamit ni G. Ballesteros sa Salita ng Diyos para lamang pasaringan ang Santa Iglesia Katolika. Anupaman, mintis pa rin ang pasaring na ito. Sa katunayan, ang mga aral ng Iglesia Katolika hinggil sa Mahal na Birheng Maria ay hindi dagdag o taliwas sa Biblia bagkus ang mga ito ay may pinagbabatayan sa Salita ng Diyos. Hindi ito Makita ni G. Ballesteros sapagkat nakapiring ang kanyang mga mata o dili-kaya’y nagbubulag-bulagan lamang siya.
ANG PANGINOON AT SI MARIA: MAGKATUNGGALI NGA BA?
2. Ayon din kay G. Jun Ballesteros, sa talatang Mat.11:28 ay may paanyaya si Jesus samantalang si Maria ay wala. Aba eh, natural! Sapagkat sa talatang nabanggit ang Panginoong Jesu-Kristo ang nagsasalita kung kaya’t Siya ang nag-aanyaya. Alangan namang si Maria ang mag-anyaya eh hindi naman siya ang nagsasalita sa talatang nabanggit. Talaga nga naman nakakatawa ang palsong pangangatwiran ni G. Ballesteros. Talaga nga namang walang lohika o katinuan ang kaniyang panunuligsa. Samakatuwid, si G. Ballesteros ay hantarang nakikipagdigma sa sentido komun.
Hirit pa ni G. Ballesteros, “kay Jesus tayo lumapit dahil Siya ang nagaanyaya, hindi si Maria.” Eh, hindi naman tumututol ang mga Katoliko sa paglapit kay Jesus at tumalima sa Kanyang paanyaya. Iyan ay aming ginagawa ng walang anumang bahid ng pag-aalinlangan. Ngunit, kami rin ay dumudulog kay Maria upang ilapit niya kami sa kanyang anak na si Jesus. Ang paglapit namin kay Maria ay hindi upang kami ay tumigil o humimpil sa kanya bagkus ay ang madala niya kami sa Panginoong Jesu-Kristo na aming Diyos at Tagapagligtas. Sa kasalan sa Cana, winika ni Maria, “gawin ninyo ang anomang sa inyo’y Kaniyang iutos” (Jn. 2:5). Kaming mga Katoliko ay walang pagsalang sumusunod sa ipinag-utos ni Maria sa lahat ng mga alagad ng kanyang anak.
Tila baga ayon sa nagugulumihanang kaisipan ni G. Ballesteros, ang paglapit kay Maria ay nangangahulugang hindi paglapit kay Kristo. Iyan ay hindi wastong haka-haka at walang batayan sa Biblia. Lumalabas na pinagkokontra ni G. Ballesteros ang mag-inang si Jesus at si Maria samantalang sila ay nagkakaisa at nasa iisang koponan lamang. Biblia na rin mismo ang nagsasabi sa atin na magkasama ang mag-ina sa maraming pagkakataon (Isa.7:14; Mt. 2:11, 13, 2:20, 21; Jn. 19:25, atbp.). Tila hindi nabasa ni G. Ballesteros ang mga talatang nabanggit, o kung nabasa man niya eh baka hindi niya naunawaan sapagkat wala sa kanya ang pagkasi ng Espiritu ng Dios. Lumalabas na sapilitang pinaghihiwalay, pinagkokontra at pinagdidigma ni G. Ballesteros (at ng mga “born again” na kagaya niya) ang mag-ina. Taliwas ito sa aral ng Salita ng Diyos. Nangangahulugan lamang na si G. Ballesteros ay nangangaral ng ibang ebanghelio at hiduwang pananampalataya kaya’t sa kanya lubusang umaangkop ang mga kataga sa Galacia 1:6-8. Bilang pagpapaalala kay G. Ballesteros sa dalisay na aral ng Salita ng Dios, ipinagbigay alam ng anghel Gabriel sa Mahal na Birheng Maria na “ang Panginoon ay sumasaiyo” (Lk. 1:28). Kung ang Panginoon ay sumasa kay Maria, bakit pilit na pinaghihiwalay ng mga “born again” katulad ni G. Ballesteros ang Panginoon at si Maria? “Kung ang Diyos ay sumasaatin, sino ang lalaban sa atin?” (Roma 8:31, ABB). Samakatuwid, kung ang Panginoon ay sumasa kay Maria, bakit kagyat at hantarang nilalabanan ng mga “born again” ang katotohanang ito? Laban at labag sa Biblia ang kanilang ginagawa. Baka naman sa usaping ito mapagkakakilanlan kung kaninong kampon talaga nabibilang sina G. Ballesteros at ang kanyang mga kapanalig.
SI MARIA BILANG TAGAPAMAGITAN
3. Binanggit ni G. Jun Ballesteros ang talatang 1 Timoteo. 2:5. Ayon sa kanya, “si Jesu-Cristo, hindi si Maria, ang TANGING TAGAPAMAGITAN ng tao sa Diyos. Liban dito ay wala nang binanggit ang Biblia.”
Napakapayak o napakasimplistiko ang pahayag na ito G. Ballesteros. Kung hindi natin susuriing mabuti ang kanyang sinasabi, maaari tayong maligaw, madaya o malinlang ni G. Ballesteros.
Una, pinalalabas ni G. Ballesteros na itinuturo ng Santa Iglesia Katolika na si Maria, at hindi si Jesus, ang tanging nag-iisang tagapamagitan ng tao sa Dios. Ito ay isang kasinungalingan at palsong pag-angkin. Wala sa opisyal na aral Simbahang Katoliko na si Maria at hindi si Jesus ang tanging tagapamagitan ng tao sa Dios. Hinahamon ko si G. Ballesteros at ang lahat ng kanyang kapanalig na maglabas ng reperensiyang Katoliko na nagsasabi na “si Maria at hindi si Kristo ang tanging tagapamagitan ng tao sa Dios.” Kung wala silang mailabas, malinaw pa sa sikat ng araw na sila ay nagbubulaanan lamang para makapanuligsa sa pananampalatayang Katoliko. Labag ito sa ipinag-uutos ng Banal na Kasulatan (Exodo 23:1).
Pangalawa, walang muwang si G. Ballesteros hinggil sa aral ng Simbahang Katoliko. Sa katunayan, hindi natin ipinapantay ang pagiging tagapamagitan ng Mahal na Birhen sa pagiging tagapamagitan ni Jesu-Kristo sa Diyos at tao [na Kanyang bukod-tanging angking kakanyahan]. Sa katunayan, iniaaral ng Ikalawang Konsilyo ng Vaticano: “Therefore, the Blessed Virgin is invoked by the Church under the titles of Advocate, Auxiliatrix, Adjutrix and Mediatrix. This, however, is to be understood that it neither takes away from nor adds anything to the dignity and efficaciousness of Christ the one Mediator” (Lumen Gentium No. 62). Malinaw sa hinalaw na bahagi ng Lumen Gentium na ang pagiging tagapamagitan ni Maria ay hindi kabawasan o dili kaya’y karagdagan man sa karangalan at bisa ng nag-iisang tagapamagitan ni Kristo. Samakatuwid, ang pagiging tagapamagitan ni Maria ay pakikiisa o pakikibahagi lamang sa nag-iisang pamamagitan ni Kristo sa Diyos at tao: sa pamamgitan Niya, Sa Kanya, at kasama Niya. Di ba’t ang Panginoong Jesus na rin ang nagwika, “Ako ang puno, kayo ang sanga. Ang sinomang nanatili sa akin ay magbubunga ng marami, sapagkat kung wala ako ay wala kayong magagawa” (Jn. 15:5).
Pangatlo, salat ang kaalaman ni G. Ballesteros sa Biblia, lalo na sa orihinal na wikang Griego ng Bagong Tipan. Para sa kabatiran ni G. Ballesteros, halina’t uriratin natin ang tumpak at wastong aral ng 1 Timoteo 2:5.
Ang 1 Timoteo 2:5 ay kailanman hindi marapat na ihiwalay sa konteksto ng pangalawang kapitulo ng unang sulat ni apostol Pablo sa kanyang dakilang alagad na si Timoteo. Ang bersikulo ay hindi nangangahulugang ekslusibong pamamagitan ni Jesu-Kristo. Hindi nito itinatatwa ang pagkakaroon ng iba pang tagapamagitan kay Kristo. Ang Biblia na mismo ang nagpapatunay na minamarapat ng Dios na ang Kaniyang mga nilikha ay makibahagi sa Kaniyang pamamaraan ng kaligtasan.
Gaya ng nabanggit, ang 1 Timoteo 2:5 ay hindi maaring tanggalin o ihiwalay sa kabuoan ng ikalawang kapitulo ng Unang Sulat ni Apostol Pablo kay Timoteo. Ang buong kapitulo ay nagpapahiwatig ng ating pakikibhagi sa pagiging tagapamagitan ni Kristo. Kung sisimulan natin ang pagbabasa mula sa bersikulo uno hanggang bersikulo siete, mapagtatanto natin na iniuutos nga ni apostol Pablo sa lahat ng mga Kristiano na maging tagapamagitan sa isa’t isa spagkat mayroong nag-iisang Dios para sa lahat at si Kristo ang nag-iisang tagapamagitan para sa lahat.
Tila baga nakalimutan ni G. Jun A. Ballesteros na basahin ang unang bersikulo ng 1 Timoteo 2. Hinablot niya ang 1 Tim. 2:5 mula sa kabubuan ng kapitulo 2. Kaya nga winalang-kabuluhan at pinagwaraywaray ni G. Jun A. Ballesteros ang buong kapitulo. Sa 1 Timoteo 2:1, ganito ang ating mababasa: “Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay INIAAARAL ko na manaing, manalangin, MAMAGITAN at magpasalamatan na patungkol sa lahat ng mga tao.” Malinaw na tayo ay INUUTUSAN at INAAARALAN na “MAMAGITAN” para sa isa’t isa. Ang aral na ito ni Apostol Pablo ay itinatanggi at itinatatwa ni G. Jun A. Ballesteros kung kaya’t siya ay malinaw na anti-apostol at anti-Biblia. Dito nabibisto ang pagpuputol-putol ni G. Ballesteros ng Salita ng Diyos kung kaya’t – nakapanlulumo mang isipin - siya ay nadadaya at nakapandadaya.
Si G. Ballesteros ay nagdaragop sa kaalaman ng wikang Griego. Di nga mapapasubalian ang katotohanang ang mumunting kaalaman ay mapanganib. Para sa kabatiran ni G. Ballesteros, sa wikang Griego ay may dalawang kataga o salita para sa “isa.” Ang una ay “monos” na nangangahulugang ekslusibong nag-iisa lamang (exclusive uniqueness) kagaya ng ginamit sa 1 Timothy 1:17 and 6:15-16. Ang pangalawa ay is “heis” (o “eis”) na siyang ginamit sa 1 Timoteo 2:5: “heis gar theos heis kai mesitEs theou kai anthrOpOn anthrOpos christos iEsous.” Ang sentido ng 1 Timoteo 2:5 ayon sa orihinal na Griego ay: “There is one and the same God for all; there is also one and the same Mediator for all, a man Christ Jesus.” Ang talata ay nagpapatunay sa atin na ang pag-ibig at pagliligtas ng Dios ay para sa lahat at ang nakapagliligtas na pamamagitan ni Kristo ay para sa lahat din naman.
Malinaw mula sa orihinal na Griego na ang gamit ng “heis” sa 1 Timoteo 2:5 ay nangangahulugang “pangunahin” (pre-eminence or primary) na nagpapahiwatig ng pagiging inklusibo (inclusiveness). Samakatuwid, ang katagang “heis” ay umaamin ng ibang tagapamagitan kay Kristo.
BABALA SA MGA MALING ARAL
4. Panghuli, hinango ni G. Jun Ballesteros ang Mateo 28:18 at aniya sa talatang ito ay ipinahahayag na hawak ni Cristo ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Tama ang premise ni G. Ballesteros, ngunit mali ang kanyang konklusiyon. Ayon kay G. Ballesteros, nangangahulugang:
(1) “Hindi na kailangan ni Jesus ang isa pang katulong sa pagliligtas tao. Sapagkat nasa Kanya na nga ang lahat ng kapangyarihan, anong naiwan kay Blessed Mary, mayroon pa kaya?; at
(2) Wala siyang kapangyarihan upang siya’y maging Mediatrix.
Upang maiwasto natin ang isa na namang gahol sa katuwirang kaisipan ni G. Ballesteros, maanong basahin natin ng buo ang Mateo 28:18: “At lumapit si Jesus sa kanila at sila’y kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin.”
Bagamat lahat ng kapangyarihan sa langit at lupa ay taglay na ng Panginoong Jesu-Kristo, minarapat Niya na magsugo ng Kaniyang mga alagad na makakatuwang. Ito ay matatagpuan sa sumusunod na talata na sadyang PINUTOL ni G. Ballesteros. Ang tawag sa mga talatang sadyang KINATAY ni G. Ballesteros ay ang “The Great Commission.” Hindi na naman wasto ang mga pinagsasabi ni G. Ballesteros sapagkat ginutay-gutay at ginulagulanit niya ang salita ng Panginoong Jesus.
Oo nga’t nasa Panginoong Jesus na ang lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan, hindi nangangahulugan na hindi Niya ito maaaring ipamahagi kung Kaniyang mamarapatin o nanaisin. Ang Panginoong Jesus as hindi nagmamaramot, bagkus siya ay namamhagi ng Kaniyang kapangyarihan sa kanino man Niya naisin. Sa katunayan, Siya na mismo ang nagsabi na ang Kaniyang mga alagad ay tatanggap ng Kapangyarihan: “Datapuwa’t TATANGGAPIN NINYO AY KAPANGYARIHAN, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo” (Gawa 1:8).
Samakatuwid, hindi sinasarili o ipinagmamaramot ni Kristo ang Kaniyang angking kapangyarihan bagkus ay ipinagkakaloob Niya ito sa Kaniyang mga alagad. Ayon sa Biblia, si Maria ay kasama ng mga apostol ng kaniyang anak na si Jesus na nananalangin (Gawa 1:14) at sila’y nangapuspos ng Espiritu Santo (Gawa 2:1-3).
Bagama’t walang duda, gaya ng ating napatunayan na salat nga sa unawa itong si G. Jun A. Ballesteros, idinagdag pa niya “na hindi na kailangan pa ni Jesus ng isa pang katulong sa pagliligtas ng tao.” Tama nga na hindi na kailangan pa ni Jesus ng katulong sa pagliligtas ng tao, subalit dala ng Kaniyang kagandahang loob ay minarapat Niyang katulungin ang Kaniyang mga alagad para sa Kaniyang gawaing pagliligtas. Hindi baga “tayo ay kamanggagawa ng Diyos?” (1 Cor. 3:9). Isang pamamaraan ng pakikiisa sa gawain ng pagliligtas ay ang pagtuturo: “Mag-ingat ka sa iyong sarili, at sa iyong turo. Manatili ka sa mga bagay na ito; sapagkat sa paggawa nito ay ang iyo ring sarili ang ILILIGTAS mo pati ng mga nagisispakinig sa iyo” (1 Tim. 4:16). Anupa’t maging ang “nagpapabalik-loob ng isang makasalanan mula sa kamalian ng lakad niya ay MAGLILIGTAS ng isang kaluluwa mula sa kamatayan, at magtatakip ng karamihang kasalanan” (Santiago 5:20).
Malinaw sa mga talatang nabanggit na an gating Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Kristo ay may kinakatuwang o kinakasangkapan sa Kaniyang pagliligtas. “At nagsialis sila, at nagsipangaral sa Langat ng dako, NA GUMAGAWANG KASAMA NILA ANG PANGINOON, at pinatotohanan ang saliat sa pamamagitan ng mga tandang kalakip” (Mk. 16:20).
Nakakapanlulumong isipin na si G. Jun A. Ballesteros na isang mangangaral at may-akda ng isang aklat ay walang muwang sa mga talatang nabanggit at dahop sa unawa ng Salita ng Diyos sapagkat malinaw na pawang sariling kuro-kuro, maling akala, sapantaha at panululigsa lamang ang ipinapangaral ni G. Jun A. Ballesteros sa kanyang mga mambabasa at kapanalig. Malaki ang pananagutan ni G. Ballesteros sa Diyos dahil sa mga kaluluwang kaniyang nailigaw at patuloy na naililigaw.
Ayon sa katanungan si G. Ballesteros, kung nasa kay Kristo na ang lahat ng kapangyarihan, anong naiwan kay Maria? Ang sagot ay: Ang Kapangyarihan ng Panalangin.
ANG KAPANGYARIHAN NG PANALANGIN
Ayon pa sa konklusiyon ni G. Jun A. Ballesteros, wala daw kapangyahihan ang Mahal na Birheng Maria na maging Mediatrix. Mali po iyon. May kapangyarihan si Maria na maging Mediatrix sa pamamagitan ng panalanagin sapagakat ayon sa Banal na Kasulatan, “the prayer of a righteous man is POWERFUL and EFFECTIVE” (James 5:16, NIV). Kung ating ililiwat sa wikang Filipino ay: “Ang PANALANGIN ng taong matuwid ay MAKAPANGYARIHAN at MABISA.”
Lingid sa kaalaman ni G. Ballesteros, pinapatunayan ng talata sa 1 Pedro 3:12 na: “Ang mata ng Panginoo’y nakatuon sa matuwid, panalangin nila’y malugod na agad dinidinig” (MBB). Ito rin ay pinaninindiganan ng Kawikaan 15:29: “Ang panginoon ay malayo sa masama: ngunit Kaniyang dinidinig ang dalangin ng matuwid.” Tila baga ang mga talatang nabanggit ay hindi natatalos ni G. Ballesteros at ng mga “born again.”
Ang mga Katoliko ay lubos na naniniwala na maliban sa Panginoong Jesus, wala nang mas magiging banal o matuwid pa maliban sa Mahal na Birheng Maria, ang ina ni Kristo, sapagkat siya ay “napupuno ng grasya” (Lk. 1:28) kaya naman may ibayong kapangyarihan at bisa kanyang panalangin. Huwag nating kalilimutan na si Maria ay ina ni Jesus. Bilang perpektong anak, si Jesus ay walang pagsalang sumunod sa utos na igalang at parangalan ang ating mga magulang (Exo. 20:12; Dt.5:16). Sapagkat si Kristo ay sumusunod sa kalooban ng Ama, buo Niyang sinusunod ang winiwika ng Banal na Kasulatan sa Colosas 3:20: “Mga anak, sundin niynyo ang inyong mga magulang SA LAHAT NG BAGAY, sapagkat ito ay kalugod-lugod sa Panginoon.”
Ipinakita sa talataan ng Biblia ang hindi mapasubaliang kapangyarihang ng pamamagitan ni Maria sa kanyang anak na si Jesus sa kasalan sa Cana. Nang maubusan ng alak sa kasayahan, ipinagbigay-alam ni Maria ang kaganapan sa kanyang anak. Datapuwat hindi pa napapanahon ang paghihimala ni Kristo, siya ay tumalima sa kanyang ina. Ngayong dumating na ang panahon, mapapahindian pa ba ni Jesus ang kanyang mahal na ina? Hindi. Sapagkat “si Jesu-Kristo ay Siya ring kahapon, ngayon, oo at magpakailanman” (Heb. 13:8).
Walang pag-aalinlangan na hindi alam ni G. Jun A. Ballesteros ang kapangyarihan ng panalangin. Lingid din sa kanyang kaalaman, ang panalangin ay pamamaraan ng PAMAMAGITAN. Sa Bagong Tipan, ang mga Kristiano ay pinapayuhan na manalangin para sa isa’t isa (Sant. 5:16; 2 Tes. 3:1; Gawa 8:24; Col. 1:9; Col. 4:2-4; Heb. 13:18; 2 Cor. 1:11; Roma 15:30). Sa Biblia, si Maria ay kapanalangin ng mga tunay na alagad ni Kristo (Gawa 1:14).
Pakiwari ko, si G. Ballesteros ay nanghihingi rin ng panalangin ng iba. Marahil siya rin ay nananalangin para sa kapakanan ng iba. Ang tawag diyan ay “intercessory prayer” o panalangin ng pamamagitan. Sapagkat tinututulan ni G. Ballesteros ang pamamagitan ni Maria bagamat tinatanggap niya na siya ay may kakayahan at kapangyarihang MAMAGITAN sa harap ng Panginoon para sa pangangailangan ng iba, lumalabas na kontra-kontra ang kanyang pananaw at aral o dili kaya’y siya ay nagpapaimbabaw lamang. Hindi pa huli ang lahat kay G. Jun A. Ballesteros. Ipinamamanhik ko sa Panginoong Jesus na bigyan nawa ng liwanag ang nagdudumilim na kaisipan ng kapatid na Jun A. Ballesteros. Siya nawa.
Paunawa: Ang sanaysay at larawan ni Pastor Emilio 'Jun' A. Balelsteros, Jr., ang may-akda ng "Mga Mahalagang Tanong at Sagot" ay halaw sa: http://www.tagapamagitan.blogspot.com/
.jpg)
Father this is Ivan,
ReplyDeleteI'm planning to build our home altar but I'm pretty tight on budget kasi maliit lang naman ang salary ko. So I'm on the look for Catholic stores that offer quality yet affordable images and icons para sa altar namin. Please Father Abe sana po may mai-suggest kayo sa akin. Dito po ako nakatira sa Manila. Thank you po and sorry na rin kung dito ko pa pinost sa thread na ito ang inquiry ko, lihis sa topic nung post.
Ok lang Ivan.
ReplyDeleteReasonable ang prices sa St. Paul stores sa mga malls at sa Catholic Trade. Pero kung gusto mo talaga ng mura pwede kang mamili sa mga bangketa ng Quiapo at Baclaran. Mura talaga yon. Siempre pipiliin mo ang maganda ang quality at Ok ang price. Pwede pang tumawad duon.
Or, you could go to Tayuman.
ReplyDeleteYes. That's true.
ReplyDeleteWelcome in The Splendor of the Church Bro. Mars. We miss you so. Pero OK lang. We forgive you kasi pinaligaya mo kami ng husto sa iyong latest post on Pastor Jun Ballesteros. He, he, he...
Mars,
ReplyDeleteI cannot wait for the English version. Thanks for your work.
Henry
Very solid defense of the faith. Well done really.
ReplyDeleteWe'll do the English version for our global audience of more than five million!
ReplyDeletePraise the Lord. We will be awaiting it Bro. Mars with bated breath. God bless you.
ReplyDeletehaha anong sinabi mong "Very solid defense of the faith."
ReplyDeleteang tanong my Dyos ba kayo..?
http://i785.photobucket.com/albums/yy133/rhdv/Worship%20of%20images/Worshipofimages1.jpg
http://readmeinc.blogspot.com/2009/09/guilt-of-idolatry.html
"You must not have any other gods except me.You must not make for yourselves an idol that looks like anything in the sky above or on the earth below or in the water below the land.You must not worship or serve any idol, because I, the Lord your God, am a jealous God. If you hate me, I will punish your children, and even your grandchildren and great-grandchildren." exo. 20:3-5
Magandang hapon po. Mawalang galang na kay G. Read Me na isang Iglesia ni Cristo. Ang sanaysay na ito ay para sa isang Baptist Pastor na si G. Emilio ‘Jun’ A. Ballesteros, Jr. Ibig sabihin, ang dalawang panig sa usaping ito ay mga Katoliko at Baptist lamang. Ang ginagawa mo G. Read me ay isang pakikisawsaw lamang. Ganunpaman, ang usapin dito ay ang hinggil sa pagiging tagapamagitan ni Maria at hindi tungkol sa kung may Dios ang mga Katoliko o wala. Ang sitas na binabanggit mo ay walang kinalaman sa usapin. IRRELEVANT ika nga.
ReplyDeleteLumalabas din kapatid na tila nagpo-promote ka lang ng blog mo. Ngayon, hindi namin inaalis sa iyo ang karapatan mo na mag-blog at magpahayag ng iyong saloobin. Kaya lang, huwag ka dapat na manghimasok sa kung saan hindi ka kasali lalung-lao na’t walang kinalaman sa usapin ang iyong sinasabi.
Marami akong kaibigan at kakilala na mga INC. Ang aming kanya-kanyang pananampalataya ay hindi hadlang sa aming pakikipag-relasyon sa isa’t isa sapagka’t kami ay nag-gagalangan. Sa pagkakakilala ko sa mga INC ay pawang mga maginoo, mararangal at magagalang. Tila yata’t taliwas ka sa iyong mga kapatid. Ngayon, sapagkat sumasampalataya ka na ang INC ang tunay na Iglesia at kayo lamang ang may tunay na Dios, hindi ba dapat nasasalamin iyan sa inaasal mo?
Sa pagkakaalam ko, ikaw ay nasa kolehiyo pa lamang. Hindi pa huli na matuto ka at mahubog sa kagandahang-asal at pagiging magalang. Sayang naman kapatid ang pag-aaral mo.
Sapagkat sa pakiwari ko na gusto mo ipagtanggol ang pananampalataya mo, marapat na manindigan ka para dito. Isa diyan ay ang pagpapakilala mo kung sino ka. Dapat ay inilalantad mo ang iyong mukha, pangalan at tunay na katauhan kagaya n gaming ginagawa. Kung pinaninindiganan mo ang iyong pagiging INC, dapat ikarangal mo ito at ipagsumigawan mo sa sangkinapal. Tila yata ikinahihiya mo kaya’t hindi ka nagpapakilala.
Kung ikaw naman ay nagpapraktis lang ng pagdepensa sa iyong samahang panrelihiyon, aba’y nasa iyo iyan. Kung gusto mo talagang mahasa at idepensa ng husto ang inyong mga aral, eh dapat handa ka na TINDIGAN ang mga iyan ng HARAPAN at MUKHAAN. Kung nanaisin mo, magbigay ka ng email address at telephone number mo. Tatawagan ka naming at mag-ayos tayo ng isang maginoong usapan. Iyong hindi tayo nagtatago ng tunay nating pagkatao. Mag-usap tayo bilang blogger sa blogger, mukha sa mukha, mata sa mata. Palagay ko naman papayag ka kasi dapat kang lagging handa sa pagsagot sa mga humihingi ng paliwanag ng pag-asang nasa sa’yo (1 Pet. 3:15). Maasahan ko ba ang pagsang-ayon mo na magdebate tayo ng harapan at publiko? Siya nawa.
I wonder kung mapopost ang comment ko na ito. I commented many times in your blogs pero lahat di napublish. Will all due respect, I'd like to know if there is there anything wrong or you just don't like people to see?
ReplyDeleteAnyway, For there is one God, and one mediator between god and men, the man Jesus Christ. (I Tim 2:5)
Nakiisa o nakikibahagi lamang si Maria sa pagiging tagapamagitan....hindi ito nakakabawas o nakadaragdag man sa pagiging tagapamagitan ni Kristo? Bakit kailangan makibahagi ni Maria? Hindi ba sapat si Kristo?
Isa pa, tao lang si Maria. itinakda sa tao ang mamatay ng minsan at pagkatapos ay ang paghuhukom (Heb 9:27) Just as man is destined to die once, and after that to face the judgment (Eccle 9:10) Whatever your hands find to do, do it with all your might, for in the grave, where you are going, THERE IS NEITHER WORKING NOR PLANNING NOR KNOWLEDGE NOR WISDOM.... Patay na si Maria, sa paniniwala nyo ba eh may malay siya sa mga nangyayari ngayon? pagkatapos ng pagkamatay ng tao, ang sunod ay ang paghuhukom..kaya paanong makakapamagitan si Maria eh wala nga siyang malay ngayon maging ang lahat ng mga santo nyo?
Sana naman mabasa din ng iba ang comment ko para mapagisipan din nila..
Ms. Bago [Ngunit Luma]
ReplyDeleteAng lahat ng comments mo ay ipinaskel ko. And hindi ko lang pinapaskel ay ang mga bastos at walang modong mensahe. Subalit ang iyong mga comento ay maayos naman at doktrina at biblical ang usapan. Kaya walang problema.
Hindi mo makikita dito ang mga una mong comento dahil hindi mo naman dito inilagay ang mga iyon. Dun ka pumunta sa pinag paskelan mo at makikita mo ang mga comments mo at ang mga sagot namin.
Ito rin ay aking sasagutin mamaya.
[I wonder kung mapopost ang comment ko na ito. I commented many times in your blogs pero lahat di napublish. Will all due respect, I'd like to know if there is there anything wrong or you just don't like people to see?]
ReplyDeleteMalisyosa ka. Palabintangin sa kapwa. Walang katutubong pag-ibig, palabintangin (2 Tim. 3:3).
[Anyway, For there is one God, and one mediator between god and men, the man Jesus Christ. (I Tim 2:5)]
Naipaliwanag na ang ibig sabihin ng talata. Ewan klo kung binasa mo talaga o hindi mo naintindihan. Ikaw ang may problema sa reading comprehension niyan.
[Nakiisa o nakikibahagi lamang si Maria sa pagiging tagapamagitan....hindi ito nakakabawas o nakadaragdag man sa pagiging tagapamagitan ni Kristo? Bakit kailangan makibahagi ni Maria? Hindi ba sapat si Kristo?]
SAGOT: Aba’y sapat na si Cristo. Pero hindi ang pagiging sapat ni Cristo ang isyu. Ang tanong ay NILOOB BA NI CRISTO NA MAKIISA O MAKIBAHAGI SA KANYA ANG KANYANG MGA LINGKOD (GAYA NI MARIA)? Aba’y opo. Bakit IAARAL at IUUTOS ni Apostol Pablo na MAMAGITAN tayo (1 Timoteo 2:1)? Di ba kalabisan din iyan sa pagiging SAPAT ng pamamagitan ni CRISTO?
Si Cristo ay hindi kuripot. Gusto niya tayong makasama at makabahagi. Tutol ka ba diyan?
[Isa pa, tao lang si Maria. itinakda sa tao ang mamatay ng minsan at pagkatapos ay ang paghuhukom (Heb 9:27) Just as man is destined to die once, and after that to face the judgment (Eccle 9:10) Whatever your hands find to do, do it with all your might, for in the grave, where you are going, THERE IS NEITHER WORKING NOR PLANNING NOR KNOWLEDGE NOR WISDOM.... Patay na si Maria, sa paniniwala nyo ba eh may malay siya sa mga nangyayari ngayon? pagkatapos ng pagkamatay ng tao, ang sunod ay ang paghuhukom..kaya paanong makakapamagitan si Maria eh wala nga siyang malay ngayon maging ang lahat ng mga santo nyo?]
Opinion mo lang iyan. Eh kung ang tao ay walang malay pag namatay, sino ang nakausap ni Cristo sa Transfiguration, aber? Di ba sina Moises at Elias? Bakit sila nakausap ni Kristo?
Alam mo ginagawa mong sinungaling si Cristo niyan eh. NAMUMUSONG KA. Eh di ba sinabi NI Jesus sa mabuting magnanakaw, "TODAY YOU WILL BE WITH ME IN PARADISE" (Luke 23:43). Eh kung walang malay iyong magnanakaw, SINO ang makakasama ni Cristo sa Paraiso? SINO? SABIHIN MO KUNG SINO!
Bro. Marwil N. Llasos,
ReplyDeleteim sorry po pero siguro mali po yung mga sinasabi nyo, unang una, ako po ang tunay na read me at nd pa ako nakakapag post ng ni isang comment dito, iba po yan si Mr. U paggans follower, i think co member ko lang din po yan pero nd po ako yan. i wish you make your sorry for this kasi ang comments dito ay nd na mababago kaya parang paninira sakin ang ginawa nyo kahit wala akong ginagawa.
tnx. godbless.
[im sorry po pero siguro mali po yung mga sinasabi nyo, unang una, ako po ang tunay na read me at nd pa ako nakakapag post ng ni isang comment dito]
ReplyDeleteAng problema eh kahit ikaw ang tunay na Read Me, hindi ka rin namin kilala kasi nga nagtatago kayo sa alias lamang. Kaya, ang challenge ko doon kay Mr. U Pagans Follower also applies to you. Kung talahang pinaninindigan mo ang iyong pananampalataya, ipusta mo ang iyong pangalan at mukha. Huwag mo ikahiya ang iyong relihiyon. Pangatawanan mo ito, iho.
[iba po yan si Mr. U paggans follower, i think co member ko lang din po yan pero nd po ako yan]
Paumanhin kung nadamay ka. Kasi naman iyang co-member mo. Pagsabihan mo nga. Nakakaladkad ka tuloy. Tingnan mo nga iyang ipinost niya. Dala-dala ang pangalan at blog mo. Ayan o -
http://readmeinc.blogspot.com/2009/09/guilt-of-idolatry.html
[i wish you make your sorry for this kasi ang comments dito ay nd na mababago kaya parang paninira sakin ang ginawa nyo kahit wala akong ginagawa.]
Paumanhin kung hindi ikaw si Mr. U Pagan's Follower. Pero, kapatid di ba co-member mo siya? Sawayin mo nga na huwag makikisawsaw sa hindi niya usapin. Besides, dapat din siyang humingi ng patawad sa iyo kasi karuy-karoy niya ang pangalan at blog mo.
Bro. Marwil N. Llasos,
ReplyDeletehay. grabe. napakahinahon ko na ngang magsalita ganyan ka pa rin. im sorry pero nababastusan ako sa iyo e, ayokong ayoko kc ng yan nga, katulad mo, oo magkaiba tayo ng religion pero un lang naman ang nagkaiba satin, alam kong may sama ka ng loob sa INC dahil sa pananaw mo mali ang samen, tama ang sayo, normal yan. pero ung ganyan kang parang laging may pinaglalaban. ay ewan ko sayo!
alam kong gumalang sa matanda sakin pero kung ganyan lang ang alam nyo sa buhay nyo, im sorry nd kayo karapat dapat bgyan ng i think paggalang..
kung nakapagbasa na kayo sa blog ko, dba ang linaw2x naman na ang read me ay username ko galing sa catholic forum. nd ko ikinakahiya ako at ang religion ko. marami lang PO kc at cguro alam nyo din ang against sa INC isa ka na PO dun pati ang mga ADD at iba pa. kung irereveal ko ang detalye kung cno talaga ko kahit pic ko, malamang gawan nila ng kung anu2ng kabalbalan yon, gumawa ng blog tas kung anu2 gawin sa pic at iba ko pang info.
ayan ang desisyon ko kaya sana alam nyo itong galangin...
tapos ano? ako pa ata ang may kasalanan? kapal din ninyo no? (im sorry kaya lang nababastusan lang po talaga ko sa inyo.)
pag kinikilik naman ung kay U pagans follower wala syang blog. saka anong masama kung ayun ang opnion nya? kaya nga sa blog na to my spaces para sa comments kc ayun ang opinyon nya.
at masama bang mag post ng link? ng isang blog? ng site? e kung ipost ko etong site na to? ibig sabihin ako na ang owner nito? lawakan nyo naman po ung isip nyo, ung utak nyo, hindi basta makaatake lang para maging kayo at ang religion nyo ang bida ok???
at anong karapatan kong sawayin sya? may kanya2 tayo ng takbo ng utak, alam nya kung anong tama sa kanya, alam ko din kung anong tama para sakin...
at anong pakikisawsaw?
kung ayaw ninyong ipalagyan ng comment itong blog na to, ipadisable nyo sa owner nito!
o kaya wag nang ipost sa net itong blog na to kung ayaw nyo rin ipakita sa iba!!
un lang, i hope maging open minded na kayo sa susunod at marunong makisalamuha kahit iba ng religion o kahit pa iba ng lahi....
wag kayong maging bias!
(payo ko lang)^_^
[hay. grabe. napakahinahon ko na ngang magsalita ganyan ka pa rin. im sorry pero nababastusan ako sa iyo e,]
ReplyDeleteANO NAMAN ANG KABASTUSAN SA COMMENT KO? ANG PAGHINGI BA NG PAUMANHIN EH KABASTUSAN SAIYO?
BASAHIN MO NGA ULIT ANG COMMENT KO? EH NAPAKAHINAHON. AT NAGBIGAY LANG NAMAN AKO SAIYO NG PAYO NA MAGPAKILALA KA. MAS KABASTUSAN ANG NAGTATAGO NG IDENTITY KAPATID.
[ayokong ayoko kc ng yan nga, katulad mo, oo magkaiba tayo ng religion pero un lang naman ang nagkaiba satin, alam kong may sama ka ng loob sa INC dahil sa pananaw mo mali ang samen, tama ang sayo, normal yan. pero ung ganyan kang parang laging may pinaglalaban. ay ewan ko sayo!]
ETO AY PANGHUHUSGA AT PAMAMARATANG. HINDI MO KILALA ANG AKING PAGKATAO KAYA WALA KANG KATITING KAPATID NA HUSGAHAN ANG AKING PAGKATAO.
SA KATUNAYAN, MARAMI AKONG KAIBIGAN NA INC. AT WALA AKONG SAMA NG LOOB SA INYO NA PERSONAL.
ISA PA, HINDI BA KAYO ANG LAGING PARANG MAY IPINAGLALABAN? TINGNAN MO ANG MGA TV PROGRAMS NINYO HIJO. MAYROON BA KAMING GANYAN PARA MASABI MO NA PARA KAMING LAGING MAY IPINAGLALABAN? WALA KAPATID, WALA.
[alam kong gumalang sa matanda sakin pero kung ganyan lang ang alam nyo sa buhay nyo, im sorry nd kayo karapat dapat bgyan ng i think paggalang.]
ReplyDeleteANO NAMAN ANG ALAM MO SA ALAM KO SA BUHAY? KILALA MO BA AKO NG HUSTO?
ANG PAG-GALANG AY NASA SAIYO NA IYAN. IKAW ANG BAHALA KUNG SINO O GUSTO MONG IGALANG. HINDI KO SINASAKLAW ANG KALAYAAN MO, KAPATID.
[kung nakapagbasa na kayo sa blog ko, dba ang linaw2x naman na ang read me ay username ko galing sa catholic forum. nd ko ikinakahiya ako at ang religion ko. marami lang PO kc at cguro alam nyo din ang against sa INC isa ka na PO dun pati ang mga ADD at iba pa. kung irereveal ko ang detalye kung cno talaga ko kahit pic ko, malamang gawan nila ng kung anu2ng kabalbalan yon, gumawa ng blog tas kung anu2 gawin sa pic at iba ko pang info.]
MAS MARAMI PA ANG GALIT SA IGLESIA KATOLIKA. HINDI LAMANG KAYO AT ANG ADD, LAHAT NA ATA. BAKIT HINDI KAMI NATATAKOT? KAHIT NA ALIMURAIN KAMI OK LANG.
GAYA MO, NAKAKAPAGSALITA KA SA AKIN NG BASTOS AT MAY PANGALAN AT MUKHA ANG SINASABIHAN MO NUN. PERO SAIYO HINDI NAMIN MAGAGAWA IYAN KAPATID.
[ayan ang desisyon ko kaya sana alam nyo itong galangin...]
IGINAGALANG KO IYAN. KAYA LANG, ANG AKIN AY HAMON LANG NAMAN. ANG HAMON AY MAAARING TANGGAPIN O HINDI. KUNG AYAW MO TANGGAPIN ANG HAMON KO, OK LANG. WALANG PROBLEMA.
[tapos ano? ako pa ata ang may kasalanan? kapal din ninyo no? (im sorry kaya lang nababastusan lang po talaga ko sa inyo.)]
O TINGNAN MO YAN. AKO PA ANG MAKAPAL NGAYON? TAMA BA IYAN. CONSISTENT KA BA KAPATID SA PAGIGING MAHINAHON MO? AT ANO NAMAN ANG IKINAPAL KO? AT SAAN KA NABASTUSAN? BASAHIN MO ULIT ANG ANG COMMENT KO AT PAKITURO LETRA POR LETRA KUNG ALIN ANG KABASTUSAN DUN.
[pag kinikilik naman ung kay U pagans follower wala syang blog.]
IYON NA NGA EH. YANG MIEMBRO MO NA SI MR. PAGANS U AY HINDI PATAS. WALA SIYANG BLOG, WALA SIYANG PANGALAN. GANUN LANG BA? IS THAT FAIR?
[saka anong masama kung ayun ang opnion nya? kaya nga sa blog na to my spaces para sa comments kc ayun ang opinyon nya.]
EH ANG PROBLEMA DIYAN SA KA-MIEMBRO ME EH ANG LAYO SA TOPIC NG ARTIKULO KO ANG KOMENTO.
at masama bang mag post ng link? ng isang blog? ng site? e kung ipost ko etong site na to? ibig sabihin ako na ang owner nito? lawakan nyo naman po ung isip nyo, ung utak nyo, hindi basta makaatake lang para maging kayo at ang religion nyo ang bida ok???
PURO NA NAMAN PARATANG IYAN KAPATID. EH DI BA KAYO DIN PURO KAYO ANG BIDA? AT ISA PA TUNGKOL SA PAGPOST NG BLOGSITE MO, AYUN NGA ANG NAGING PROBLEMA EH. NAPAGKAKAMALAN KA NA IKAW SI MR. PAGANS U. AT INIHINGI KO NA NG PAUMANHIN IYON.
[at anong karapatan kong sawayin sya? may kanya2 tayo ng takbo ng utak, alam nya kung anong tama sa kanya, alam ko din kung anong tama para sakin...]
ABA KAPATID MASAMA BANG PAGSABIHAN MO SIYA?
[at anong pakikisawsaw?
kung ayaw ninyong ipalagyan ng comment itong blog na to, ipadisable nyo sa owner nito!
o kaya wag nang ipost sa net itong blog na to kung ayaw nyo rin ipakita sa iba!!]
O TINGNAN MO IYAN. ALAM MO BA ANG PINAGSASABI MO DIYAN? ALAM MO BA ANG LUNDOY NG USAPIN NAMIN. ANG ISYU NG ARTIKULO AY HINGGIL SA AMING MGA KATOLIKO AT EVANGELICAL. HINDI KAYO KASAMA DUN. IPAUBAYA NA NIYO SA MGA SANGKOT ANG USAPIN.
[un lang, i hope maging open minded na kayo sa susunod at marunong makisalamuha kahit iba ng religion o kahit pa iba ng lahi....
wag kayong maging bias!
(payo ko lang)^_^ ]
VERY OPEN-MINDED AKO KAPATID. AT MARUNONG AKONG MAKIPAGSALAMUHA KAHIT SA MGA KAGAYA MO. ANG PAYO MO AY MATAGAL KO NANG GINAGAWA BAGO KA PA MAGPAYO. SALAMAT NA LANG SA PAG-AALALA MO.
Talagang mahina ang kukote. Hindi marunong makaunawa ng tama at mali. Atty. Marwil will not lower himself to your level. This guy doesnt know what ethical standard is all about.
ReplyDelete