Saturday, December 19, 2009

ANG DATING DAAN SUMASAMBA SA DIOS DIOSANG MAY PUWIT!

The Lord Jesus in Glory by Fra Angelico
[John Benedict Bondoc of ANG DATING DAAN has left a new comment on your post "UPDATE ON CHURCH OF GOD INTERNATIONAL or ANG DATIN...": ako po sa totoo lang, dati akong sakristan, totally lahat ng ginagawa ko noon, akala ko tama, then noong nabasa ko sa bible na bawal ang pagluhod o pagsamba sa mga ginawa ng kamay, sa makatuwid ay mga diosdiosan, nagiba ang pananampalataya ko at nagkaroon ako ng duda, ito po ang mga talata na magpapatunay na bawal ang pagsamba sa diosdiosan]

Parabanog:

Nagbasa ka kamo ng bibliya? O nauto ka ni Soriano? Halatang nauto ka eh. Bakit kamo? Pansinin natin etong poste mo:

[“then noong nabasa ko sa bible na bawal ang pagluhod o pagsamba sa mga ginawa ng kamay…”]

Nagbasa ka kamo ng bibliya? Saan sa bibliya mababasa na ang pagluhod eh awtomatikong pagsamba lang ang ibig sabihin? Saan? Talata ha at di haka-haka.

Obvious ang panloloko mo eh. Ini-equate mo yung salitang pagluhod sa pagsamba na para bagang magkasingkahulugan ang mga ito gayong wala kang ipinapakitang sitas na na nagsasabing kapag lumuhod eh awtomatikong sumamba na agad.

Sa bibliya, di komo sinabing lumuhod eh sumamba na agad. Ke raming instansya sa bibliya na nagpapakita na ang pagluhod ay di nangangahulugang pagsamba na.

1 Kgs 1:31 (Ang Biblia)

Nang magkagayo'y iniyukod ni Bath-sheba ang kaniyang mukha sa lupa, at nagbigay galang sa hari, at nagsabi, Mabuhay ang aking panginoon na haring si David magpakailan man.

Meron palang sinasabi ang bibliya na pagpapatirapa pero hindi sumamba kundi nagbigay galang. So malinaw na hindi komo lumuhod e sumamba na agad. Merong pagluhod upang magbigay galang.

[Patunayan natin ito sa pagtatanong...1. Ano ang katangian ng isang diosdiosan?(Awit 115:4) Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto, Yari ng mga kamay ng mga tao.(Awit 115:5) Sila’y may mga bibig, nguni’t sila’y hindi nangagsasalita; Mga mata’y mayroon sila, nguni’t hindi sila nangakakakita;(Awit 115:6) Sila’y may mga tainga, nguni’t hindi sila nangakakarinig; Mga ilong ay mayroon sila, nguni’t hindi sila nangakakaamoy;(Awit 115:7) Mayroon silang mga kamay, nguni’t hindi sila nangakatatangan; Mga paa ay mayroon sila, nguni’t hindi sila nangakalalakad; Ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.(Awit 115:8) Ang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila; Oo, bawa’t tumitiwala sa kanila.]

Sabi mo katangian ng diyos-diyosan yung:

1. gawa sa ginto at pilak,;
2. may bibig na hindi nakakapagsalita;
3. may matang di nakakakita;
4. may tainga na di nakakarinig;
5. may ilong na di nakakaamoy;
6. may kamay na di nakakatangan;
7. may paa na hindi nakakalakad.

Eh pano to?

Ex 25:18-20 (Ang Biblia)

18 At gagawa ka ng dalawang querubing ginto; na yari sa pamukpok iyong gagawin, sa dalawang dulo ng luklukan ng awa.

19 At gawin mo ang isang querubin sa isang dulo, at ang isang querubin sa kabilang dulo: kaputol ng luklukan ng awa, gagawin mo ang mga querubin sa dalawang dulo niyaon.

20 At ibubuka ng mga querubin ang kanilang pakpak na paitaas, na nilililiman ang luklukan ng awa, ng kanilang mga pakpak, na ang kanilang mukha ay nagkakaharap, sa dakong luklukan ng awa ihaharap ang mga mukha ng mga querubin.
Yung kerubin sa ibabaw ng kaban ay gawa sa ginto. May bibig na hindi nakapagsasalita, may matang di nakakakita; may tainga na di nakakarinig; may ilong na di nakakaamoy; may kamay na di nakakatangan; may paa na hindi nakakalakad. So base sa brand mo ng lohika eh diyus-diyusan na rin yung kerubin sa ibababw ng kaban. Tinde naman ng lohika mo.

Eh pano yung monumento ni Rizal? Diyus-diyusan din yun?

Kung pangangatawanan natin yang ganyang lohika eh lalabas kahit yung picture ni Soriano diyus-diyusan din. May matang di nakakakita, may bibig na hindi nakakasalita, may ilong pero di nakakaamoy, may tainga di nakakarinig eh. So diyus-diyusan na rin. Sa bagay may aral kayo na maraming diyos at kahit si Soriano eh diyos din eh.

At base sa aral nyo, yung diyos eh may puwit:

So kayo pala yung me diyus-diyusan. Diyos na me puwit at pinaghahanap ng mga alagad ng batas sa kasong panghahalay sa kapwa lalaki.

[2. Ano ang patunay na ang mga rebulto o larawang inanyuan ay isang diosdiosan?(Isaias 44:13) Naguunat ang anluwagi ng isang pising panukat; kaniyang tinatandaan ng lapis; kaniyang inaanyuan sa pamamagitan ng mga katam, at kaniyang tinatandaan ng mga kompas, at inaanyuan ng ayon sa anyo ng tao, ayon sa kagandahan ng tao, upang tumahan sa bahay.(Isaias 44:14) Pumuputol siya sa ganang kaniya ng mga cedro, at kumukuha ng puno ng roble at ng encina, at pinatitibay sa ganang kaniyang sarili ang isa sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat: siya'y nagtatanim ng puno ng abeto, at yao'y kinakandili ng ulan.(Isaias 44:15) Kung magkagayo'y ilalaan sa tao upang ipanggatong; at kumukuha siya niyaon, at nagpapainit; oo, kaniyang pinaliliyaban yaon, at ipinagluluto ng tinapay: oo, kaniyang ginagawang isang dios, at sinasamba; ginagawa niyang larawang inanyuan, at pinagpapatirapaan.(Isaias 44:16) Kaniyang iginagatong ang bahagi niyaon sa apoy; ang bahagi niyaon ay ikinakain niya ng karne; siya'y nagiihaw ng iihawin, at nabubusog: oo, siya'y nagpapainit, at nagsasabi, Aha, ako'y naiinitan, aking nakita ang apoy:(Isaias 44:17) At ang labis niyaon ay ginagawa niyang dios, sa makatuwid baga'y kaniyang larawang inanyuan: kaniyang pinagpapatirapaan at sinasamba, at dinadalanginan, at nagsasabi, Iligtas mo ako; sapagka't ikaw ay aking dios.malinaw na sinasabi sa mga talatang iyan na ang paggawa ng rebulto ay paggawa ng diosdiosan]

Eh pano yung kerubin na gawa sa ginto na nakapatong sa ibabaw ng kaban? Diyus-diyusan ba yun? Sabi sa bibliya sina Josue eh nagpatirapa at nagdasal sa harap ng kaban kung saan nakapatong itong kerubing ito eh:

Joshua 7:6-7 (NAB)

6 Joshua, together with the elders of Israel, rent his garments and lay prostrate before the ark of the LORD until evening; and they threw dust on their heads.

7 "Alas, O Lord GOD," Joshua prayed, "why did you ever allow this people to pass over the Jordan, delivering us into the power of the Amorites, that they might destroy us? Would that we had been content to dwell on the other side of the Jordan.

Si Josue at mga elders ng Israel ay NAGPATIRAPA sa harap ng Kaban, in effect, sa harap ng dalawang kerubing ginto na nakapatong sa ibabaw nito, at NAGDASAL. Pero interesanteng malaman na yung panalangin ni Josue at mga kasama nya ay nakaukol sa Diyos at hindi sa kerubing ginto ni sa kaban mismo. Kung nandun ka siguro aakusahan mo rin sina Josue na sumasamba sa diyus-diyusang kerubin. Humuhusga ka kasi base sa anyo eh. Sabi ni Cristo mali yun.

Jn 7:24 (SND)

Huwag kayong humatol ayon sa nakikita. Humatol kayo ng matuwid na paghatol.

Eh ikaw humahatol base lamang sa nakikita mo eh. Nakalimutan mo siguro na ang pagsamba eh hindi lang ayon sa nakikita kundi ayon din sa nilalalaman ng puso. Pwede kasing i-acting yung mga bagay na nakikita eh pero yung nilalaman ng puso hindi. Yun kasi ang magsasabi kung talagang sumasamba ka sa diyus-diyusan o hindi. At dahil tago o lihim sayo yung nilalaman ng puso ng mga katoliko, wala kang karapatan at kakayahang husgahan kami na sumasamba sa diyus-dsiyusan. Sayo lang naman kasi galing na sumasamba kami sa diyus-diyusan eh pero wala ka pang nililitaw na ebidensya na bahagi nga ng doktrina ng simbahang katoliko ang pagsamba sa diyus-diyusan. Pinapalunok mo samin ang hindi naman namin aral.

Kaya nga sabi ng psalmista:

Awit 44:20-21 (Ang Biblia)

20 Kung aming nilimot ang pangalan ng aming Dios, O aming iniunat ang aming mga kamay sa ibang dios;

21 Hindi ba sisiyasatin ito ng Dios? Sapagka't nalalaman niya ang mga lihim ng puso.

Diyos at hindi kayo ang hahatol kung sino ang sumasamba sa diyos-diyosan. On the contrary, kayo tong me diyos na merong puwit at pinaghahanap ng mga alagad ng batas sa kasong panghahalay sa kapwa lalaki. Kayo pala ang may diyos-diyosan eh.

10 comments:

  1. Fr.Abe you are a very good catholic priest and you are admirable.I always read your blog almost everyday and i wish that all priests are all like you in their passion and love in defending Our Catholic church.However sometimes you need to be a little bit gentler ang just present the solid argument which you are very good at.Good argument will win their heart and soul to God.
    By the way While I was still in Singapore [that was 7 years ago] six months after I had an argument with Soriano .Somebody told me in my dreams that he is'BAKLA' which I never heared or suspected,What is happening now is just confirmation on my part although I was 100% before.
    I used to attend St Peter's Mens' Society now I am here in the UK working as a Nurse.

    ReplyDelete
  2. Thank you very much Roma and God bless you.

    ReplyDelete
  3. Ave Maria! Good day Father Abe! How are you po? Kindly include in your prayers and Masses today because Our University Chaplain of CEU, Rev. Fr. John Anthony Keenan, MSSC is celebrating his 44th Anniversary of Priestly Ordination (Dec. 21, 1965). you may greet him po through his email add: _________ God bless po Father!

    By the way Father, please inform me po if you're here na in manila. I want to invite you po sa house namin.. God bless po ulit!

    ReplyDelete
  4. Thank you very much Bro. Jayson.

    Yes, I greet our dear Chaplain Fr. John. I decided to remove his e-mail address so that the anti-Catholic readers of this Blog will not be able to disturb his peace.

    O, how I love to visit your home. Im already in Manila. Hope to visit you after Christmas. Now, I'm too busy with Simbang Gabi in the evening and Missa de Gallo at dawn. God bless you. Just text me later.

    ReplyDelete
  5. pano po kayo nakasiguro na yang sinasamba ninyong larawan ang totoong mukha ni jesus?

    ReplyDelete
  6. HINDI NAMIN SINASAMBA ANG LARAWAN. ANG AMING SINASAMBA AY SI JESUS.

    YAN BA ANG TOTOONG MUKHA NI JESUS? BAKIT, SIGURADO KA BANG HINDI YAN ANG MUKHA NI JESUS?

    ALAM NAMIN KUNG ANO ANG TUNAY NA MUKHA NI JESUS KASI KAMI ANG TUNAY NA IGLESIA NA NAGMULA NG JERUSALEM AT DINALA SA ROMA, SA CORINTO, EPHESO AT IBA PA. GANYAN ANG MUKA NI JESUS DAHIL YAN ANG DESCRIPSYON NA IBINIGAY SA AMIN NG AMING MGA NINUNONG SINA-UNANG CRISTIANO.

    KUNG ALAM NG MGA PILIPINO KUNG ANO ANG HUGIS AT LARAWAN NI LAPU-LAPU GANON DIN KAY JESUS. ALAM NG KANYANG MGA TUNAY NA DISIPULOS ANG KANYANG ITSURA AT AYOS NG PANANAMIT.

    ANO BA PARA SA YO ANG TUNAY NA MUKA NI JESUS?

    ReplyDelete
  7. Naniniwala po ako na hindi mahaba ang buhok ni Jesus 1Cor 11:14-15 dahil sya ang halimbawa ng mga Kristiano. Posibility talaga na hindi mahaba buhok nya


    http://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http://www.boncherry.com/blog/wp-content/uploads/2010/03/real-face-of-jesus.jpg&imgrefurl=http://forums.myspace.com/t/4778928.aspx%3Ffuseaction%3Dforums.viewthread%26SortOrder%3D1&usg=__WUlfPvkUY-RR32Fke0JV4S-HBIQ=&h=500&w=378&sz=37&hl=tl&start=3&um=1&itbs=1&tbnid=VnWMk9bOcYx8pM:&tbnh=130&tbnw=98&prev=/images%3Fq%3Dwhat%2BJesus%2Blook%2Blike%2Bin%2Bislam%26um%3D1%26hl%3Dtl%26sa%3DN%26tbs%3Disch:1

    ReplyDelete
  8. ANO ANG PAMANTAYAN MO NG MAHABA AT MAIGSI? HANGGANG SAAN ANG MAHABA AT HANGGANG SAAN ANG MAIGSI? HE, HE, HE...

    ANG MGA LARAWAN NG IGLESIA CATOLICA NG BUHOK NI CRISTO AY KADALASANG HANGGANG BALIKAT. YON AY KATAMTAMAN. HINDI MAHABA AT HINDI MAIGSI.

    NORMAL SA MARAMING TAO NUNG PANAHONG IYON ANG MAHABA ANG BUHOK. ANG IBA NGA AY HANGGANG PUWIT. SUBALIT KAY CRISTO AY LAGING PORTRAYED NA HANGGANG BALIKAT LAMANG. YAN AY MAIGSI AYON SA PANUNTUNAN NG PANAHONG IYON. WALA PA NAMANG BARBER'S CUT NOON E. HE, HE, HE... YUNG MAIGSI NGAYON AY 'SEMI-KALBO' O ARMY CUT NA HINDI PA USO NUNG PANAHON NI JESUS. ANG KATAMTAMAN NUON AY HANGGANG BALIKAT.

    ISA PA. SI SAMSON AY MAHABA ANG BUHOK SUBALIT KINASIHAN NG ESPIRITO SANTO.

    ReplyDelete
  9. debate nlang daw kyo ni soriano sabi ni sister....heheheheh pra magkaalaman na....

    ReplyDelete