Thursday, December 31, 2009

ANG HULING SUGO!

The Calling of Sts. Peter and Andrew by Caravaggio
Anonymous(Catholic) said...

Fr. ABe,

May itatanong po ako, sa mga inc kasi sabi nila huling sugo daw si felix Manalo, meron po ba tayong talata sa bibliya na may isusugo pa ang Diyos pagkatapos ni Kristo? o may huling sugo po ba? nghihintay po ako sa sagot nila pero gusto ko rin po malaman ang sagot ninyo.. Maraming salamat..

GodBless...

December 31, 2009 12:25 PM

Fr. Abe, CRS said...

Dear Anonymous Catholic,

Ayon sa Biblia at ayon sa ating pananampalataya ang huling sugo ay ang ating Panginoong Jesucristo [cf. Hebrews 1:1-3]. DAhil siya ang Anak ng Dios at wala ng makapapantay pa sa kanya. Siya na ang Daan, ang Katotohanan at Buhay.

Ang kapuspusan ng panahon o 'Fullness of Time' ay naganap nuong isinilang si Cristo [Galatians 4:4], hindi noong panahon ni Felix Manalo.

Subalit bago umakyat sa langit ang Panginoong Jesus iniwan nya sa atin ang Santa Iglesia upang maging haligi at suhay ng Katotohanan [1 Timothy 3:15]. Kaya ang tagapagturo ng Katotohanan ng Pananampalataya at Moralidad ngayon sa Ngalan ni Jesus ay ang Santa Iglesia. Yung tunay na tatag sa Jerusalem hindi yung tatag ni Manalo sa Punta, Sta. Ana.

Gayon din naman, pumili si Jesus ng mga Apostoles na siyang sinugo niya para mangaral ng kanyang Salita [John 20:21]. At ang mga Apostoles ay pumili ng mga susunod na leaders ng Sta. Iglesia tulad nila Barnabas, Timoteo at Tito, Mark at Lucas at iba pa. Pumili sila ng mga magiging susunod na leaders at tagapamahala ng Iglesia na tinawag nilang Episcopoi [Bishops], Presbyteroi [Priests or Presbyters] and Diaconoi [Deacons].

Kaya ang tunay na aral at ang tunay na mga lider ng Panampalataya ay nasa Sta. Iglesia at hindi kay Felix Manalo na nagtatag lamang ng sariling religion.

December 31, 2009 2:01 PM

14 comments:

  1. Anonymous(Catholic)January 1, 2010 1:41 AM

    maraming salamat poh... sa ngyon ay hihintay pa rin namin ang sagot nila sa mga tanong ni bro. cenon at ukol na rin sa katanungan na iyan. pero tila mahilig talaga sila magpaikot upang maka-iwas sa pagsagot. Godbless poh and Happy New year.

    Fr. pasenysa at baka na double post ko... ngloloko kasi minsan ang pc ko eh...

    ReplyDelete
  2. You are welcome Anonymous Catholic.

    ReplyDelete
  3. Anonymous(Catholic)January 4, 2010 1:42 AM

    hello po father abe,

    may napansin lng po ako... kasi mga inc ngyon sa blog ni bro. cenon ay hinahamon siya ng debate pero ang problema ay hindi sila ang haharap kundi mga ministro daw nila... hindi po ba dapat kung ikaw ang nghamon ay dapat ikaw din ang haharap? ibang talaga ang inc "bow" ako sa kanila... hehehe

    ReplyDelete
  4. Totoo yan Brod, dapat kung sila ang naghahamon sila ang haharap. Kaso karamihan naman sa mga yan ay mga Anonymous. Nagmamagaling lang pero hindi naman sila ang humaharap.

    Ang alam ko bawal sa INC ang makipagdebate. Ang Central ang pipili ng haharap sa Debate at sila rin lang ang pwedeng makipagnegosasyon sa Debate.

    Kaya mga panakot lang nila yan.

    ReplyDelete
  5. Anonymous(Catholic)January 4, 2010 11:28 PM

    hindi pa nga po sila nagpapakilala eh... yun lng ang hiling ni bro. cenon para mapag usapan ng maayos ang debate nila... gusto pa nila si bro cenon ang kumontak sa ministro para ata palabasin na si bro. cenon ang unang nghamon... kung ganun ay "bow na bow" na talaga ako sa pagpapaikot nila...

    godbless poh Father abe... ituloy niyo ang magadang gawain at patuloy po magdadasal para sa inyo lahat...

    ReplyDelete
  6. Ha, ha, ha... very cunning indeed. Thank you very much for your prayers.

    ReplyDelete
  7. Anonymous(Catholic)January 7, 2010 9:12 PM

    Fr. Abe, CRS

    Sasali po ba kayo sa hamon na debate ng mga inc na kasama si bro. cenon?

    maraming salamat poh...

    ReplyDelete
  8. Dear Anonymous Catholic,

    I don't know about that debate. Bro. Cenon is not asking my help. If ever there will be such a debate Bro. Cenon will be great on it. And if ever he needs companions the best Catholic debaters will be on hand to help him.

    ReplyDelete
  9. Anonymous(Catholic)January 7, 2010 9:52 PM

    kasalukuyan po ata inaayos ni bro cenon at ng kanyang mga kasamahan para sa hamon ng inc po ayon sa nabasa ko sa blog.

    Btw, may television program po ba kayo?

    Maraming Salamat poh...

    ReplyDelete
  10. Anonymous(Catholic)January 11, 2010 4:07 PM

    father Abe, CRS

    napapanood ko po kasi sa TV na may mga misa na ginagawa sa loob ng mga mall? ok lng po ba iyan para sa mga obispo na gawin dun ang mga misa?

    Maraming Salamat poh

    Btw, tuloy na daw poh ang debate sa inc na nabasa ko sa blog ni bro. Cenon. Sinu kaya sa panig natin mga katoliko ang haharap sa kanila. ayaw pa kasi sabhin ni bro cenon eh.. ehehe..

    Godbless poh...

    ReplyDelete
  11. Most of the Bishops allow these things for pastoral reason. They consider it an opportunity to evangelize people who are in the malls and also remind Catholics not to forget Sunday worships.

    Glad to know that the RCC-INC Debate will push through. Let us pray for our debater or debaters.

    ReplyDelete
  12. wala pang nanalo sa inc in real debate kung meron saan? at kelan paki post ang site at video ThX

    ReplyDelete
  13. Ha, ha, ha... Bakit hindi mo tanungin ang mga Pastor ninyo kung bakit hindi nila inilalabas ng kumpleto ang mga debates videos nila? He, he, he... dahil takot silang makita ng taong bayan ang kanilang kahihiyan.

    ReplyDelete
  14. INC said that the 1st Church (the Roman Catholic Church) was apostatized...

    What proof do they have???
    Making some false teaching eh???

    Here's a proof that the Catholic church still stands gloriously in the presence of God.

    Gospel of Matthew
    "Thou art Peter, and on this Rock I will build my Church and the GATES OF HELL SHALL NOT PREVAIL AGAINST IT"

    "I WILL BE WITH YOU everyday until the end of time."

    Gospel of John
    "The Helper will come to be with you forever"
    "I will not leave you desolate"
    "Protect them from the evil one"


    If INC believes that the Roman Catholic Church had been apostatized or an abomination it means that Christ made lies and doesn't keep his promises to protect his Church.
    You see how INC misleads the people with their inappropriate and false teachings?.


    So the Bible tells everything that Christ promises that his Church will always stand strong with glorious majesty against evil. And at the end of time he will gather his flock in the Kingdom of Heaven.

    ReplyDelete