Sunday, December 27, 2009

ANO ANG MAS MAKAPANGYARIHAN, ANG SANTA IGLESIA O ANG GOVIERNO?

The late Pres. Corazon C. Aquino and His Eminence Jaime Cardinal Sin. Both champions of Peace and Freedom. They embodied the openness and mutual cooperation between the Head of the Government and the Spiritual Leader of the Philippine Church.
Anonymous said...

Dear Father,

Maraming salamat sa napakahalagang impormasyon na binigay mo sa akin.Ang isyo kasing ito ang lagi naming pinag-usapan sa mga kasamahan ko sa trabaho.Bago kami matulog magkaroon kami usapan tungkol po sa simbahang Romano Katoliko.

Ngunit alam kung limitado ang aking kaalaman tungkol sa napakaraming isyo ng ating simbahan na laging sinira ng mga tao na biglaang umalis ng simbahang Romano Katoliko.Marami kasi akong kasamahan sa trabaho na Iglisi ni Kristo ang iba ay baptis mayroon ding Asembly Of God.

Alam nating lahat na ang mga grupong ito ay talagang tutol ng ating doktrina...

Piro Father maitanong ko lang po ,gaano ba katotoo na mas makapangyarihan daw ang simbahang Romano Katoliko kay sa Pamahalaan?

Maraming salamat Father Abe...Gao bless us all...

December 27, 2009 1:18 PM

Fr. Abe, CRS said...

[Piro Father maitanong ko lang po ,gaano ba katotoo na mas makapangyarihan daw ang simbahang Romano Katoliko kay sa Pamahalaan?]

Ang kapangyarihan ng Iglesia Catolica ay kapangyahrihang spiritwal at moral. Spiritually, mas makapangyarihan ito kaysa Pamahalaan dahil ito ay nakapag papatawad ng Kasalanan sa Ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Ang Santa Iglesia ay mas makapangyarihan Sacramentally kaysa sa Pamahalaan kasi may kakayahan itong magbigay ng mga Sacramento ni Cristo tulad ng Binyag, Kumpil, Kumpisal, Banal na Misa at iba pa.

Ang Santa Iglesia ay mas makapangyarihan kaysa Pamahalaan Doctrinally kasi sa kanya ipinagkatiwala ni Cristo ang pagtuturo ng Katotohanan hinggil sa Pananampalataya at Kaligtasan. Ang Santa Iglesia ang Haligi at Suhay ng Katotohanan [1 Timoteo 3:16].

Sa administrasyon ng Iglesia Catolica ang Govierno ay walang autoridad dahil ito ay isang samahan na may sariling organisasyon, pamunuan at mga alituntunin. Kaya sa loob ng Santa Iglesia ang nasusunod ay ang Santo Papa, mga Obisp at Pari na siyang mga Pastol ng Pananampalatayang Katoliko bilang kinatawan ni Cristo. Independiente ang Santa Iglesia sa Govierno at ang Govierno ay independiente sa Santa Iglesia. Ito ang tinatawag na: "Separation of Church and State" na isang proviso ng ating Saligang Batas.

Subalit sa Lakas ng Militar, sa Pananalapi at sa Administrasyong Civil mas makapangyarihan ang Pamahalaan.

Kasi hawak ng Presidente ang mga Militar at Pulis. Ang Presidente at mga government officials ang makapag-uutos sa kanila. Hindi sila pwedeng utusan ng Santa Iglesia.

Ang Budget ng buong bansa ay pinag-papasyahan ng Congreso na siyang Lehislatura ng Pamahalaan. Hindi ito pwedeng pakialaman ng Santa Iglesia.

Ang Hustisya ng Pilipinas ay pinamamahalaan ng Korte Suprema na pinipili ng PResidente ng Pilipinas ang mga miembro. Mga Hukom o Judges ang humuhusga sa bawat kaso na inihahain sa korte. At walang kapangyarihan dito ang Santa Iglesia.

Pwedeng ipakulong ng Gobyerno ang mga pari, madre at mga Obispo kagaya ng ginawa sa China, sa Vietnam at sa Soviet Union pero ang Santa Iglesia ay hindi pwedeng gawin iyon sa Gobierno. Maaari din nilang ipasara ang mga Simbahan kung gusto nila.

Nuong Martial Law ni Marcos, maraming pari at madre ang pinatay, na torture at dinukot. At walang nagawa ang Santa Iglesia.

Subalit ang Santa Iglesia ay may moral and spiritual power na kumbinsihin ang mga mamamayan kung bulok na ang Gobierno at Imoral na ang Pamumuno ng mga leaders tulad noong pahanon ni Marcos at ni Erap. Kaya nag-alsa ang taong bayan at napabagsak si Marcos noong EDSA 1 at si Erap noong EDSA 2.

Noong EDSA 3 pinangunahan ng mga Iglesia ni Cristo ang rally laban sa pamahalaang Arroyo subalit hindi ito nagtagumpay dahil kulang ang kanilang Moral at Spiritual Authority over the government. Subalit may mga INC na nagsasabi na hindi sila ang nanguna sa nasabing pag-aaklas.

December 27, 2009 8:16 PM

7 comments:

  1. Dear Father Abe,
    Ako po ule, paki check out naman po at paki share naman po itong site na ito:

    catholictelevision.org

    MABANGIS po ang mga podcasts ng Saint Michael's Media dyan, as in MABANGIS po talaga hehe

    try nyo po
    God bless and Happy nu year

    ...umm maaari ko po bang malaman kung ano ibig sabihin ng CRS sa inyong pangalan? Redemptorist po ba ibig sabihin nyan???

    ReplyDelete
  2. Dear Catholic Harley,

    Thank you for the information. We will check it.

    Concerning the CRS in my name. It stands for CLERICS REGULAR OF SOMASCA. I am not a Redemptorist Priest but a SOMASCAN PRIEST.

    ReplyDelete
  3. excuse me po father, hindi pinangunahan ng Iglesia Ni Cristo ang EDSA 3. ^_^

    at sana po ay 'wag nyo kaming tawagin na Iglesia Ni Manalo, tutal siguradong ayaw nyo din naman pong tawagin namin ng pabiro o may halong kabastusan at kawalang galang ang ICAR. sana po ay naunawaan ninyo ang aking punto. salamat.

    ReplyDelete
  4. ah, kailangan po pala ng approval ang comments dito, okey lang po kung 'wag ninyo i-approve ang post ko, ang mahalaga ay mabasa nyo po ito at maunawaan-lubos. pero kung gusto nyo pong i-approve, okey lang din po.

    ReplyDelete
  5. Ok. I will change it due to your friendly and respectul manner of asking for it. God bless you.

    ReplyDelete
  6. salamat po sa complement. :)

    sa pagkaka-alam ko po at base sa aking obserbasyon, ganito magsalita ang isang tunay na miyembro ng INC. nakatutuwa nga po dahil pinuri ng isang paring katoliko dito sa amin ang ganito naming ugali. nasisira nga lang po ito dahil sa ilang mga miyembro na ayaw magpasakop ng lubusan sa aming pamamahala at mga masyadong naaapektuhan ng inis sa mga tumutuligsa sa amin. nakakalimutan siguro nila ang paulit-ulit na tinuturo sa amin -- "ibahagi ang kaligtasan, IPAGMALASAKIT ang mga naliligaw".
    tapos meron pa pong mga nakukunwarinbg miyembro ng INC tapos mang-aaway ng ibang relihiyon, ung iba ay nagmumura at naghahamon pa ng debate. tsk tsk :(

    anyways, salamat po ulit sa papuri nyo sa paraan ng aking pagsasalita. ^_^

    ReplyDelete
  7. You are welcome, Brother. Peaceful and kind people like you are to be respected and treated as brother even though we belong to different religion. We only defend our faith strongly against those who attack us uncharitably.

    Again, God bless you.

    ReplyDelete