Our readers are aware that the Dating Daan supporters opened a Blog [http://www.christiandefenders.wordpress.com/] to answer this Blog... He, he, he... that is how important The Splendor of the Church is for them. A young Catholic apologist named Parabanog, who is a veteran of Internet debates, engaged the blogger in an exchange. After several turn the ADD blogger retreated in shame. He, he, he... His reputation was blasted right in his own Blog. Ha, ha, ha... And started deleting the debate text. Sorry for him, Parabanog is not Valedictorian and Cum Laude for nothing.
Unfortunately for Quiel or christiandefender Bro. Parabanog recorded the entire exchange. So, we are fortunate to have it posted in our own site. ENJOY...
*******
Quiel:
SABI NG DESPERADONG SI PARABANOG,
“Eh lalo namang yang imbentong kultong ADD. WALA YAN SA BIBLIA.”
EH KUNG MABASA KO BA SA BIBLIA NA MAYROON TALAGANG ANG DATING DAAN AAMININ MO IGNORANTE KA TALAGA SA BIBLIA RESULTA NG PAMBOBOBO SA INYO NG PARI NINYONG WALANG ALAM KUNDI MAGPABAYAD NG BINYAG, KUMPIL, KASAL PATI PATAY KAILANGANG MAGBAYAD PARA MAALIS DAW SA PURGATORYONG IMBENTO LANG NG IPINAGMAMALAKI MONG PARI MO DAHIL WALA NON SA BIBLIA. AAMININ MO BA LAHAT YON PAG NABASA KO?
Parabanog:
Quiel, bulok na yang istilo mo. Alam naman ng lahat na merong sinasabi ang bibliya sa Ang Dating Daan eh. Gusto mo malaman? Eto at basahin mo:
Job 22:15 (Ang Biblia)
Iyo bang pagpapatuluyan ANG DATING DAAN, na nilakaran ng mga masamang tao?
Bibliya na mismo ang nagpatotoo na yang grupo mo, eh nilakaran ng masasamang tao. Na tupad na tupad naman ngayon kasi yang amo mo eh pinaghahanap ng mga alagad ng batas sa kasong panghahalay sa kapwa lalaki. Tinakasan nya kaso nya eh di ba kaya sya nagtatago ngayon. Tupad na tupad! Kaya di ako aanib dyan sa grupo nyo eh. halatang di talaga sa Diyos.
At patungkol naman sa banat mo na nagpapabayad ang mga pari namin tuwing binyag, kumpil, etc., kasinungalingan yan. Tulong yun sa simbahan at hindi bayad. Sa inyo rin di ba may handog o alay tuwing me kinakasal o binibinyagan? Kaya wag kang ipokrito.
Yung bayad ay binibigay kapalit ng serbisyo. Kung walang bayad eh walang serbisyo. Eh bakit maraming binibinyagan at kinakasal kahit walang bayad? Kasi wala naman talagang bayad ang sakramento. Wala ka ngang inilitaw na kaso na merong tinggian ng sakramento kasi walang pambayad.
Kaya advice ko sayo Quiel eh wag kang magkalat ng kasinungalingan.
Ex 23:1 (Ang Biblia)
Huwag kang magkakalat ng kasinungalingan: huwag kang makikipagkayari sa masama, na maging saksi kang sinungaling.
Sa inyo nga eh tig-iisang libo ang hinuhuthot ng amo nyo sa inyo ok lang sayo eh. Di ba? “Ease me with my burden?” Yan ang talamak na panghuhuthut sa miyembro.
Christiandefender:
Ginamit ang nakasulat sa Job 22:15. Sino ba ang nagsasalita sa talatang yan? Kung itataas natin ang pagbabasa sa naunang talata, sa talatang Job 22:1, makikita nating malinaw na ang nagsasalita sa talata ay si Eliphaz na Temanita.
(Job 22:1)
1 Nang magkagayo’y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi,
Ang nagsasalita ay si Eliphaz. Ano ang sinabi ni Eliphaz?
(Job 22:15)
“15 Iyo bang pagpapatuluyan ang dating daan, na nilakaran ng mga masamang tao?”
Inaakusahan ni Eliphaz ang dating daan na nilakaran daw na mga masamang tao kung saan lumalakad ang matuwid na si Job. Ang sinabi bang ito ni Eliphaz ay matuwid? Meron bang sinabing matuwid ang taong si Eliphaz? Ito po ang pahayag ng Dios.
(Job 42:7)
“7 At nangyari, na pagkatapos na masalita ng Panginoon ang mga salitang ito kay Job, sinabi ng Panginoon kay Eliphaz na Temanita, Ang aking poot ay nagaalab laban sa iyo, at laban sa iyong dalawang kaibigan: sapagka’t hindi kayo nangagsalita tungkol sa akin ng bagay na matuwid, na gaya ng ginawa ng aking lingkod na si Job.”
Parabanog:
@ christiandefender
Pag aralan nga natin yang binanggit mong sitas:
Job 42:7 (Ang Biblia)
At nangyari, na pagkatapos na masalita ng Panginoon ang mga salitang ito kay Job, sinabi ng Panginoon kay Eliphaz na Temanita, Ang aking poot ay nagaalab laban sa iyo, at laban sa iyong dalawang kaibigan: SAPAGKAT HINDI KAYO NANGAGSALITA TUNGKOL SA AKIN NG BAGAY NA MATUWID, na gaya ng ginawa ng aking lingkod na si Job.
Ano daw yung sinabi ni Eliphaz na di matuwid? Yung sinabi ni Eliphaz “TUNGKOL SA AKIN” sabi ng Diyos. Underline the word: TUNGKOL SA AKIN. Sa madaling salita, yung mga pahayag ni Eliphaz patungkol sa Diyos ang di matuwid. Pero walang sinasabi ang talata na LAHAT ng sinabi ni Eliphaz ay mali na. (i.e., di matuwid)
Eto ang tanong ngayon: Yung sinabi ba ni Eliphaz sa Job 22:15 eh patungkol sa Diyos o patungkol sa ANG DATING DAAN? Tingnan natin:
Job 22:15 (Ang Biblia)
Iyo bang pagpapatuluyan ANG DATING DAAN, NA NILAKARAN NG MGA MASAMANG TAO?
Aba’y maliwanag pa sa katanghaliang tapat na patungkol sa ANG DATING DAAN ang sinasabi ni Eliphaz sa Job 22:15 at hindi patungkol sa Diyos. Ang Dating Daan ay nilakaran ng masasamang tao. Na totoo naman sapagkat natutupad ito kay Soriano na pinaghahanap ng batas sa kasong panghahalay sa kapwa lalaki. Tupad na tupad.
Christiandefender:
Ang Dios na mismo ang nagsabi na si Eliphaz na Temanita ay walang sinabing matuwid na bagay kahit isa. Kaya sa tanong natin kung merong sinabing matuwid na bagay si Eliphaz na Temanita, ang sagot diyan ay wala ayon sa Dios.
Ang nakakatawa ay ginagamit ng isang pantas sa sarili ang salita ng isang kaaway ng Dios para pasamain ang Ang Dating Daan. Inakusahan ni Eliphaz na linakaran ng masama Ang Dating Daan na linakaran ni Job subalit ang Dios mismo ang nagsabi na walang sinabing matuwid si Eliphaz na Temanita kung kaya’t ang sinabi niyang ito ay mali. Ang nais ng Dios ay lumakad ang mga tao sa mga dating landas kung saan naroon ang mabuting daan. Ito naman ay kinokontra ng mga kaaway ng katuwiran. Samakatuwid, si Parabanog pala ay kakampi ng kaaway ng Dios.
Parabanog:
Saan sinabi ng Diyos na WALANG SINABING MATUWID NA BAGAY NI ISA si Eliphaz? Saan yan?
Ke linaw nung sinabi ng Diyos:
Job 42:7 (Ang Biblia)
At nangyari, na pagkatapos na masalita ng Panginoon ang mga salitang ito kay Job, sinabi ng Panginoon kay Eliphaz na Temanita, Ang aking poot ay nagaalab laban sa iyo, at laban sa iyong dalawang kaibigan: SAPAGKAT HINDI KAYO NANGAGSALITA TUNGKOL SA AKIN NG BAGAY NA MATUWID, na gaya ng ginawa ng aking lingkod na si Job.
Yung mga sinabi ni Eliphaz TUNGKOL SA DIYOS ang di matuwid. Pero walang sinasabi ang talata na ni isa eh walang sinabing matuwid si Eliphaz. Dinadagdagan mo yung salita ng Diyos eh. Mali yun. Etong masasabi sayo ng bibliya christiandefender:
Kawikaan 30:5-6 (Ang Biblia)
5 Bawa't salita ng Dios ay subok: siya'y kalasag sa kanila, na nanganganlong sa kaniya.
6 Huwag kang magdagdag sa kaniyang mga salita, baka kaniyang sawayin ka, at masunduan kang sinungaling.
Lapat na lapat sayo Christiandefender, kung sino ka man. Sa pagdadagdag mo sa salita ng Diyos eh di nalantad ang kasinungalingan mo ngayon.
Ano ang patunay na hindi totoo ang tsismis ni Christiandefender na ni isa eh walang sinabing matuwid si Eliphaz?
Job 4:8 (Ang Biblia)
Ayon sa aking pagkakita yaong nagsisipagararo ng kasamaan, at nangaghahasik ng kabagabagan ay gayon din ang inaani.
Mali ba ito? Eh parehong-pareho eto sa sinasabi ni San Pablo eh:
Ga 6:7-8 (Ang Biblia)
7 Huwag kayong padaya; ang Dios ay hindi napabibiro: sapagka't ang lahat na ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya.
8 Sapagka't ang naghahasik ng sa kaniyang sariling laman ay sa laman magaani ng kasiraan; datapuwa't ang naghahasik ng sa Espiritu ay sa Espiritu magaani ng buhay na walang hanggan.
So klaro na hindi LAHAT ng sinabi ni Eliphaz ay mali at di matuwid. Meron din syang sinabi na matuwid. At kasama dun yung pahayag niya sa ANG DATING DAAN sa Job 22:15.
Christiandefender:
Pero kung ang Dios ang ating pakikinggan. Inutusan niya ang mga tao na lumakad sa Dating Daan.
(Jeremias 6:16)
“16 Ganito ang sabi ng Panginoon, Magsitayo kayo sa mga daan at magsitingin kayo, at ipagtanong ninyo ang mga dating landas, kung saan nandoon ang mabuting daan; at magsilakad kayo roon, at kayo’y mangakakasumpong ng kapahingahan sa inyong mga kaluluwa: nguni’t kanilang sinabi, Hindi kami magsisilakad doon.”
Parabanog:
Walang sinasabing Ang Dating Daan dyan. MGA DATING LANDAS ang sinasabi dyan. Plural. Yung sainyo eh singular. At hindi landas ang wording kundi daan. Kaya malayong kayo yung tinutukoy ng talata. Kaya wag nang managinip ng gising. Malinaw na ayon sa bibliya, ANG DATING DAAN ay nilakaran ng mga masamang tao.
Job 22:15 (Ang Biblia)
Iyo bang pagpapatuluyan ANG DATING DAAN, NA NILAKARAN NG MGA MASAMANG TAO?
Swak na swak sa inyo.
Sa tingin ko ay nawawala na sa sarili itong ating kausap.
Kapansin-pansin na hindi niya nauunawaan ang kahulugan ng sinabi ng Dios. Para makalusot at maipilit ang kaniyang paniniwalang lisya sa bibliya ay binigyan na lang niya ng sariling pakahulugan ang talata. Kung babasahin natin ang mga nakasulat sa bibliya sa Job 42:7-9 ay mapapansin natin na matibay ang sinabi ng Dios na walang sinabing matuwid si Eliphaz at ang kaniyang mga kasama magmula pa nang makipagusap sila sa lingkod ng Dios na si Job.
Parabanog:
Ang totoo, eh ikaw tong wala sa sarili. Ikaw etong di nakakaunawa eh. Walang sinasabi ang talata na WALANG SINABING MATUWID SI ELIPHAZ MAGMULA PA NANG MAKIPAGUSAP SILA KAY JOB. Wala.
Binabago mo yung salitang Diyos eh. Di ka ba kinikilabutan nyan?
Tingnan ulit ang talata:
Job 42:7 (Ang Biblia)
At nangyari, na pagkatapos na masalita ng Panginoon ang mga salitang ito kay Job, sinabi ng Panginoon kay Eliphaz na Temanita, Ang aking poot ay nagaalab laban sa iyo, at laban sa iyong dalawang kaibigan: SAPAGKAT HINDI KAYO NANGAGSALITA TUNGKOL SA AKIN NG BAGAY NA MATUWID, na gaya ng ginawa ng aking lingkod na si Job.
Malinaw sa talata na si Eliphaz ay hindi nagsalita ng bagay na matuwid PATUNGKOL SA DIYOS. Yung pahayag ni Eliphaz patungkol sa Diyos ang di matuwid. Pero walang sinasabi ang talata na LAHAT NG SINABI ni Eliphaz ay di na matuwid. Malayo ang deperensya pero mukhang di mo mahuli eh. Gumagawa ka ng maling generalization ng pahayag ni Eliphaz para susugan ang hidwa mong pananampalataya.
Gine-generalized mo yung buong pahayag ni Eliphaz na kesyo di matuwid gayong walang sinasabi ang talata nang ganun. Dinadagdagan mo yung salita ng Diyos. Bukong-buko istilo mo. Lantad tuloy ang kasinungalingan mo. (cf. Pr 30:5-6) Sabi ng bibliya yung mga sinungaling, ang bahagi nila ay sa Dagat-Dagatang Apoy . (cf. Rev 21:8) DDA. Eh ADD ka. So nakini-kinita ko yung koneksyon na natutupad sayo eh.
Para makapamuntos, maging ang sinabi ng taong walang sinabing matuwid kahit isa ay ginagamit niya.
Parabanog:
Sagutin mo nga ako ng diretso: Saan sa talata mababasa na walang sinabing matuwid si Eliphaz kahit isa? Saan yan? Nagde-delusyon ka na eh. O baka naglulubid ka na ng kasinungalingan? Palagay ko pareho eh.
Talagang pinanindigan mo na kasinungalingan mo no? Kahit wala sa talata eh sinasabi mong meron? Mahiya ka naman. Buko ko na istilo mo.
Pinaninindiganan pa niya na may sinabing matuwid si Eliphaz na taliwas sa pahayag ng Dios na wala siyang sinabing matuwid.
Parabanog:
Eto ang sabi ng Diyos: SAPAGKAT HINDI KAYO NANGAGSALITA TUNGKOL SA AKIN NG BAGAY NA MATUWID.
Pakatandaan yung sinabing “TUNGKOL SA AKIN.” Yung pahayag ni Eliphaz na PATUNGKOL SA DIYOS ang di matuwid.
Pero ang sabi mo na sabi daw ng Diyos: WALA SIYANG SINABING MATUWID.
Aba’y umaasta ka pa ngayong matadero ng salita ng Diyos ha? Galing mong mangchop-chop ng salita ng Diyos para ilusot yang palpak mong pangangatwiran. Kilabutan ka. Kala ko mga ministro lang ng iglesia ni Manalo ang magaling sa chop-chop. Kayo rin pala.
Sa pang aatado mo ng salita ng Diyos, pinalalabas mo na LAHAT NG SINABI NI ELIPHAZ AY DI MATUWID. Maliwanag na panloloko yang ginagawa mo eh. Malas mo hindi madaling mauto si Parabanog. Kaya buko ngayon modus mo.
Para sa kaalaman ni Parabanog, hindi tsismis na walang sinabing matuwid si Eliphaz. Salita ng Dios yan na ipinakikita ko lang.
Parabanog:
Kaso inatado mo para palabasin na LAHAT NG SINABI NI ELIPHAZ AY DI MATUWID. Kitang-kita naman sa talata na yung mga sinabi ni Eliphaz PATUNGKOL SA DIYOS ang di matuwid. Ang pinalalabas mo sa pang aatado mo, NI ISA WALANG SINABING MATUWID SI ELIPHAZ. Yan ang panlolokong maliwanag.
Job 42:7 (Ang Biblia)
At nangyari, na pagkatapos na masalita ng Panginoon ang mga salitang ito kay Job, sinabi ng Panginoon kay Eliphaz na Temanita, Ang aking poot ay nagaalab laban sa iyo, at laban sa iyong dalawang kaibigan: SAPAGKAT HINDI KAYO NANGAGSALITA TUNGKOL SA AKIN NG BAGAY NA MATUWID, na gaya ng ginawa ng aking lingkod na si Job.
Buko ang panloloko mo di ba?
Ginamit mo ang Job 4:8 para patunayan na may sinabing matuwid si Eliphaz. Nakasisiguro ka ba na si Eliphaz ang nagsabi niyan? Siya ba ang nagsabi niyan o narinig niya lang sa isang tinig?
Parabanog:
Talagang sigurado ako na si Eliphaz ang nagsasalita sa Job 4:8. Eto kasi yung sabi sa pasimula ng kapitulo 4:
Job 4:1 (Ang Biblia)
Nang magkagayo'y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi,
So walang duda na si Eliphaz ang nagsasalita sa Job 4:8. Eto ngayon ang tanong na gusto kong sagutin mo ng deretsahan: Matuwid ba yung pahayag ni Eliphaz sa Job 4:8 o hindi? Iwasan na sana ang pagliguy-ligoy dahil dito ka mababaon.
Siya ba ang nagsabi niyan o narinig niya lang sa isang tinig?
Parabanog:
Di isyu dito kung narinig niya sa iba. Halatang nililigaw mo yung isyu eh. Obvious kasing ipit ka dito. Ang isyu, si Eliphaz ang nagsasalita sa Job 4:8 na paralelo ng sinabi ni San Pablo sa Ga 6:7-8. At dahil ikaw ang unang dumaldal na NI ISA EH WALANG SINABING MATUWID SI ELIPHAZ, eto ang tanong:
Matuwid ba yung pahayag ni Eliphaz sa Job 4:8 o hindi? Yan ang tanong na wag mong iwasan.
Kung babalikan naman natin ang nakasulat sa Jeremias 6:16.
(Jeremias 6:16)
“16 Ganito ang sabi ng Panginoon, Magsitayo kayo sa mga daan at magsitingin kayo, at ipagtanong ninyo ang mga dating landas, kung saan nandoon ang mabuting daan; at magsilakad kayo roon, at kayo’y mangakakasumpong ng kapahingahan sa inyong mga kaluluwa: nguni’t kanilang sinabi, Hindi kami magsisilakad doon.”
Hindi mo puwedeng tutulan na merong isang mabuting daan na makikita sa mga dating landas.
Parabanog:
Kumbinsido talaga ako na sa pagitan nating dalawa, eh ikaw itong tuliro at nawawala sa katinuan. ANG MABUTING DAAN ang nasa talata hindi ANG DATING DAAN. Ang layo naman ng deperensya. Gusto mo pang ilusot eh mali naman. Panong nangyari na yung MABUTING DAAN eh siya rin yung ANG DATING DAAN gayung ayon sa bibliya, yung ANG DATING DAAN AY NILAKARAN NG MGA MASAMANG TAO. (cf. Job 22:15)
Kahit anong gawin mong palusot, malinaw ang sinasabi ng talata: MGA DATING LANDAS AT ANG MABUTING DAAN. Walang sinabing ANG DATING DAAN. Wala. Kaya wag mo kaming lokohin.
Yung mabuting daan ay nasa “singular” na hindi mo puwedeng pasinungalingan.
Parabanog:
Ang di mo pwedeng pasinungalingan eh magkaibang-magkaiba yung ANG MABUTING DAAN SA ANG DATING DAAN. Kahit Grade 1 alam yan. Sa kasamaang palad, di yan alam ng mga uring gaya nyo. Di komo pareho silang singular konklusyon mo agad eh IISA NA SILA. Lawak-lawakan naman ang kukote. Pinipilit mong ANG MABUTING DAAN eh yun din yung ANG DATING DAAN eh magkaiba nga eh. Kung iisa sila sana yung pangalan ng grupo nyo ANG MABUTING DAAN. Kaso ANG DATING DAAN nga yung sainyo eh, na ayon sa bibliya eh NILAKARAN NG MGA MASAMANG TAO. (cf. Job 22:15)
Ang mahalagang tanong diyan ay; Bakit naging dati yung daan na pinalalakaran ng Dios? Maliwanag ang dahilan. Kaya naging dati yung daan na yun dahil maraming nagtatang ng sarili nilang daan na mga Pastor na matatakaw kagaya ng mga Paring Katoliko kung saan ang lahat ng aral ay pinababayaran.
Parabanog:
Kayo yun. Kayo kasi yung kabilang sa mga naglipanang bagong sulpot na samahan na ang layunin ay mangligaw ng mga tao.
At speaking of matatakaw, mga lider ng grupo nyo yung matatakaw. Lakas manghuthut ng tig-iisang libo sa miyembro. Huling-huli sa video eh kaya walang lusot. Yun ang matindi.

.jpg)
Catholic doctrines are of satan.. sumasamba kayo sa mga rebulto na gawa ng mga kamay ng tao!!!!!
ReplyDeleteI'm just amused with the harsh arguments here between an ADD member with their usual baseless accusations against the Catholic Church and Catholics..
ReplyDeleteBayad daw sa binyag? Angal pa siya eh di huwag siya magbayad. Akala niya kasi nung nasa sinbahan siya at gumagamit sila ng electric fan, mike, ilaw etc eh libre lahat un. Di ba't parang tulong na rin sa manggawa ng Dios ang pagbibigay ng bukal sa loob. Kaya siguro nung Katoliko pa itong ADD na yan, puro masama ang loob niya sa tuwing nagbibigay siya ng PISO sa Dios... at galanteng nagbibigay ng 1,000 pesos sa kanyang kinaaanibang sekta ni Eli.
good, you hit him right, "ipokrito!"
Isa pa Bro. ang nagbibigay sa binyag ay hindi ang bata kundi ang mga ninong at ninang ng bata. Ito ay kanilang handog para sa bata.
ReplyDelete[Catholic doctrines are of satan.. sumasamba kayo sa mga rebulto na gawa ng mga kamay ng tao!!!!!]
ReplyDeleteANG MGA ADD AY SUMASAMBA SA SIKATAN NG ARAW. ITO AY PAGANISMO AT PAGSAMBA SA DIABLO.
ANG MGA KATOLIKO AY MAY REBULTO DAHIL ANG TEMPLONG PINAGAWA NG DIOS AY MAY MGA LARAWAN AT MGA REBULTO. ANG LARAWAN NI JESUS, MARIA AT NG MGA ANGHEL AY HINDI LARAWAN NG DIOS-DIOSAN KUNDI MGA SAGRADONG LARAWAN.
ANG ADD AY SUMASAMBA SA LARAWAN NI SORIANO DAHIL TUWING SUMASAMBA SILA AY PINAPANOOD ANG MGA LARAWAN NI SORIANO. LARAWANG NAGSASALITA TULAD NG LARAWANG NAGSASALITA NG HALIMAW SA APOKALIPSIS [cf. Revelation 13:15]. BUKOD TANGING ANG MGA ADD LAMANG ANG NAGSASAGAWA NG GANOOON. KAHIT NUONG NASA PILIPINAS PA SI SORIANO AY MGA LAWARAN NYANG GUMAGALAW, MGA VIDEO NYA ANG GINAGAMIT SA PAGSAMBA NILA. ITO AY KARUMAL-DUMAL, KASUMPA-SUMPA SA DIOS.
ANGKOP DIN KAY ELI ANG PAGIGING HALIMAW KASI MANGHAHALAY NG KAPWA LALAKI AT TAPOS NAGTATAGO AT NAGMAMALINIS. HALIMAW TALAGA.
very good posting! keep it up... to all ADD, pray more that you'll be enlightened. happy new year to all....
ReplyDeleteThank you very much st. ycoy. God bless you.
ReplyDeletedi ako Catholic at di di ako ADD,
ReplyDeletesa dami nabasa ko wala pa ring malinaw sa turo nang Catholic, binyag may bayad? sagot naman nitong isa kasi di naman daw bata yung nagbbayad mga ninong or ninang sponsor at kasi gumagamit sila nang facilities nang simbahan? ang alam ko lang ang turo e pinamahagi nang walang bayad at dapat e ipamahagi din nang libre. kusang loob kada linggo siguro sapat na para sa mga member na mabigyan nang libreng paglilikod. wag sana mapunta sa pag papaganda nang simbahan at kung ano anong karangyaan. mas importante na kapakanan nang member bago ang lahat. dahil usapin dito e pananampalataya. kulang pa rin ba kita nila sa mga Schools, Sementeryo at ibang negosyo nang catholic para sa libreng paglilingkod?
sabi wag daw mag bayad puede naman daw...hehehe bago ka po makakuha nang schedule sas simbahan automatic daan ka sa cashier. no pay no schedule. ilang percent ba napupunta sa vatican sa kita nang Catholic? madaming tanong sa inyo regarding sa tamang pagpapatakbo nang religion.
isa lang alam ko na naka sulat sa Biblia na importante sa lahat na sinusunod.
"wag babawasan o dadagdaggan" yan lang
kung sino man gumawa nyan o tumalima sure maling mali na ang aral kahit ano pang dahilan gawin nila.
QUOTE:
Deletedi ako Catholic at di di ako ADD, sa dami nabasa ko wala pa ring malinaw sa turo nang Catholic, binyag may bayad? sagot naman nitong isa kasi di naman daw bata yung nagbbayad mga ninong or ninang sponsor at kasi gumagamit sila nang facilities nang simbahan? ang alam ko lang ang turo e pinamahagi nang walang bayad at dapat e ipamahagi din nang libre.
UNQUOTE:
Hindi daw siya Catholic, hindi din ADD ano siya? Malamang manalonians.
Walang ngang bayad lahat yan, pero kanino ba ang simbahan? Diba para sa mga kasapi nito? So, meaning walang certain person ang nagmamay-ari nun, ito ay pinamumunuan ng Pope at mga Pari…pero lahat sila hindi pagmamay-ari ang simbahan, ito ay pagmamay-ari ni Kristo okey?
So kung may kailangang facilities para sa maintenance ng simbahan san manggagaling yon?
Wala na kaming magagawa sa sinasabi niyong binyag may bayad etc..opinion niyo yan Malaya kayong ipahayag.
QUOTE:
kusang loob kada linggo siguro sapat na para sa mga member na mabigyan nang libreng paglilikod. wag sana mapunta sa pag papaganda nang simbahan at kung ano anong karangyaan.
UNQUOTE:
Kailangan pagandahin ang simbahan kung meron din lang gagamitin, bakit sino ba makikinabang nun? Ang mga Katoliko din, kanino ba ang simbahan? Sino ba ang nagtatag nito? Pero not to the extent na gawin na itong negosyo, dahil hindi namin pag-aari ang tinatawag naming SIMBAHAN…si KRISTO may-ari niyan.
QUOTE:
mas importante na kapakanan nang member bago ang lahat. dahil usapin dito e pananampalataya. kulang pa rin ba kita nila sa mga Schools, Sementeryo at ibang negosyo nang catholic para sa libreng paglilingkod? sabi wag daw mag bayad puede naman daw...hehehe bago ka po makakuha nang schedule sas simbahan automatic daan ka sa cashier. no pay no schedule.
UNQUOTE:
Hahaha…sa Schools ano ha? May empleyado ang schools na dapat swelduhan okey? may maintenance ang seminteryo na dapat bayaran, hahaha…san kaba nakatira? Sa bundok? At wala ka yatang alam.
Kung walang donations san kukuhanin ang ginagastos sa mga Charities ng KATOLIKO? sa mga pinaaral na libre? Ikaw ba meron kayo nun? Baka di pa kumukita kinabibilangan mo? Baka peke kaya sabi ni KRISTO bakit kayo bibigyan ng biyaya? Hahahaha diba?
QUOTE:
ilang percent ba napupunta sa vatican sa kita nang Catholic?
UNQUOTE:
Bakit mo tinatanung? Gusto mong humingi?
QUOTE:
madaming tanong sa inyo regarding sa tamang pagpapatakbo nang religion.
UNQUOTE:
Ay di magtanung kayo problema ba yon, wag lang puro tanung matoto din kayong unawain ang sinasagot sa inyo, wag dikta ng kung sinu-sino.
QUOTE:
isa lang alam ko na naka sulat sa Biblia na importante sa lahat na sinusunod. "wag babawasan o dadagdaggan" yan lang kung sino man gumawa nyan o tumalima sure maling mali na ang aral kahit ano pang dahilan gawin nila.
UNQUOTE:
Tama ka diyan sa sinabi mo, yong sinabi mo lang ang tama ha….pero ikaw mismo may mali at walang nauunawaan, so sino ang tingin mo nasa tama? ikaw na walang alam tungkol sa simbahan namin o ako na KATOLIKO at nasa loob ng tatag ni KRISTO? tsk tsk tsk…..