The interior of the world renown VATICAN MUSEUM... Meron ba ang mga Manolista nyan? Ha, ha, ha... Mamatay sila sa inggit! *********
Anonymous said...
Dear Father Abe,
Alam nating lahat na ang ating simbahang Romano Katoliko ay laging sinira ng mga non- catholic denomenation.
Ngunit maitanong ko lang po,totoo po ba na ating STO PAPA ang nagdala ng 666?Tooto din ba na ayon sa latest research ngayon na ang UNITED STATE OF AMERICA ay may malaking utang doon sa BATIKAN at anf BATIKAN daw ngayon ang pinakamayaman na bansa buong daigdig?Dahil hawak raw ng BATIKAN ang EURO MONEY.AT ito pa Ang STO PAPA daw natin ang pinakamayaman na tao sa buong daidig?
Good evening FATHER...
December 26, 2009 8:34 PM
Fr. Abe, CRS said...
Dear Anonymous,
Ang Santo Papa ay never na nagdala ng 666. Ang kasinungalingang iyan ay inimbento ng mga Seventh Day Adventists at ginaya ng mga Iglesia ni Manalo. Subalit ang totoo si ELLEN GOULD WHITE na founder ng SDA at SI FELIX YSAGUN MANALO na founder ng Iglesia ni Cristo ang tunay na nagtataglay ng 666 NAME.
Paki tignan ang aking mga debate at pakikipagtalastasan at mga paliwanag hinggil sa isyu ng 666 sa mga tppics ng Blog na ito sa gawing kanan. Marami kang matututunan duon.
Ang United States of America ay napakayamang bansa at ito ang pinaka makapangyarihan sa buong mundo. Isa itong Super Power na bansa. At ang Vatican ay isa sa pinaka-maliit na bansa sa buong mundo. Kaya imposible na sa Vatican mangungutang ang U.S. Sa halip ang U.S. ay nangungutang sa IMF-World Bank. Halos lahat ng bansa pati Pilipinas ay sa World Bank nangungutang.
Hindi Vatican ang pinaka mayaman na bansa. Dahil napaka liit lamang nito. Wala itong minahan ng ginto at langis at mga mineral na tulad ng ibang bansa. Hindi maaaring mas mayaman ang Vatican kesa sa U.S., Russia, China, Great Britain at iba pa. Kahit sa Monaco at Hongkong ay talo na ang Vatican.
Ang Vatican ay mayaman lamang sa mga international and great works of Arts like the Masterpieces of Michelangelo, Da Vinci, Raphael, etc. Siempre hindi naman pwedeng ipagbili ang mga iyon kaya hindi rin sila pera. Kumikita lang ang Vatican dahil sa tourists at mga nagdo-donate na mula sa iba't-ibang bansa.
Subalit ang Vatican ay hindi tulad ng Iglesia ni Cristo at ng ibang religion na centralized ang pera nila. Lahat napupunta sa Central. Sa atin hindi. Ang pera ng bawat parokya ay nananatili sa mga parokya. Konti lang ang binibigay sa Diocese. At once a year lang nagbibigay sa Roma.
Iba pang pinagkikitaan ng Vatican ay ang mga Pontifical Universities kung saan madami ang nag-aaral na mga seminarista at pari mula sa ibat-ibang bansa. Gayon din ang mga kita sa dumadalaw na scholars sa Vatican Museum at Libraries. Maraming gamit at kasangkapan ang Vatican na mahal ang halaga kasi mga Antiques na ang mga iyon. Subalit hindi pwedeng ipagbili dahil iyon ay dapat gamitin sa pagsamba sa Diyos. Yon ay ibinigay ng ating mga ninuno para gamitin sa pagsamba at pananalangin. Tulad ng Templo ni Solomon na pinaganda ng Panginoon.
Hindi tutuong hawak ng Vatican ang Euro Money kasi hindi naman miembro ng European Union ang Vatican. Papayag ba ang Germany, France at ibang mga bansa sa Europe na hawakan ng Vatican ang pera nila? Nakakatawa naman yan.
Siguramente na hindi ang Santo Papa ang pinaka mayaman sa buong mundo. Kasi alam ng lahat na si Bill Gates ang Richest Man in the world. Sa mga Head of States ang Pinaka mayaman ay ang Sultan of Brunei. Nakalathala sa pahayagang FORBES MAGAZINE ang listahan ng mga pinaka-mayamang tao sa buong mundo at hindi kasama duon ang Santo Papa. Kasi hindi pag-aari ng Papa ang mga Simbahan ng Vatican kundi ng mananampalatayang Catolico. Pag namatay sya hindi nya ito pwedeng ipamana sa kahit kanino nya gusto. Sa halip ito ay pamumunuan ng bagong Santo Papa na hindi nya alam kung sino dahil mapipili lamang ito pag patay na siya.
Ang Santo Papa ay walang pag-aari. Tulad ni Pope John Paul the Great na namatay na isang simpleng tao at walang ari-arian.
December 26, 2009 9:22 PM
.jpg)
TAMA!! GALING FATHER ABE!! WELL SAID. ANUMANG MERON ANG VATICAN NGAYON, MANANATILI ITONG PAG-AARI NG LAHAT NG KRISTIYANO(TAKE NOTE MGA KATOLIKO ANG TUNAY NA KRISTYANO!!)HINDI ITO KATULAD NG IGLESIA NI MANALO NA SA PAMILYA LANG PIPILI NG HAHALILI SA PAMUNUAN SAYANG NGA NAMAN ANG HIRAP NI LOLO FELIX KUNG MAPUPUNTA SA IBA ANG PAMAMAHALA. MALINAW NA PANDARAYA SA MGA MIYEMBRO. HAHAHA DYAN TAYO LAMANG KASI ANG SIMBAHANG KATOLIKO TOTOO/TUNAY FROM THE START!
ReplyDeletePURIHIN ANG PANGINOON BRO. EMPORIO. HE, HE, HE.. IKAW ARMANI ANG TATAK ANG INC AY 'BRUTE' BRIEFS. HA, HA, HA...
ReplyDeletepurihin ang diyos!ang linaw ng paliwanag mo fr.abe
ReplyDeleteAMEN. ALLELUIA.
ReplyDeleteI agree Father Abe naponood ko sa History Channel About sa Eternal City isa pala ang VATICAN SA PINAKAMAHIHIRAP NA BANSA SA MUNDO NA UMAASA LANG SA TURISMO AT DONATION. THE good thing walang TAX ang iilang mga naninirahan dito.
ReplyDeleteFather Abe, meron po akong nakitang news tungkol po eto father sa "Tax investigation could land Pope with €8bn bill"
ReplyDeleteIsa din po eto Father na ipinupukol ng mga anti-catholics.
http://setyoufreenews.blogspot.com/2010/10/tax-investigation-could-land-pope-with.html
DEAR REY,
ReplyDeleteTHE VATICAN IS NOT PAYING ANY TAX TO ANY GOVERNMENT BECAUSE IT IS AN INDEPENDENT NATION. HOW CAN THEY FORCE THE VATICAN TO PAY TAXES TO EUROPEAN UNION? ANYWAY WE HAVE INTERNATIONAL LAWYERS FOR THAT. HA HA HA...