Tuesday, January 12, 2010

Maaari Bang Maligtas ang Isang Taong Walang Pananampalataya O Hiwalay Kay Cristo?

The Last Judgment by Stefan Lochner
[How are those people who had no chance to know jesus be saved?

First, by following their Good Conscience. Second, by living a good and moral life. Third, by loving God and their neighbor. Fourth, by their search for God, Truth and the Meaning of Life even though they have not heard of Jesus.]

Ang ibig mo po bang sabihin, maaaring maligtas ang tao bagamat wala siyang pananampalataya (ergo, hiwalay kay Cristo)?

Fr. Abe, CRS said...

[Ang ibig mo po bang sabihin, maaaring maligtas ang tao bagamat wala siyang pananampalataya (ergo, hiwalay kay Cristo)?]

Ang doctrina na ang walang pananampalataya o hiwalay kay Cristo ay hindi maliligtas ay nakabase sa Mark 16:16 kung saan ganito ang sinabi ng Panginoong Jesus:

Mark 16:16 "Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan."

Ang pagsasabi na ang isang tao ay walang pananampalataya o hiwalay kay Cristo ay nakadepende sa kanyang pagtangging tanggapin si Cristo sa kanyang buhay matapos na mapakinggan o maturuan ng aral ng Evangelio.

Subalit ang sinasagot ko sa katanungan sa taas ay hindi tungkol sa mga taong hindi naniwala kay Cristo o inayawan si Cristo o itinakwil si Cristo kundi mga taong hindi nagkaroon ng pagkakataong malaman o makilala si Cristo.

Ang posisyon ng Santa Iglesia ay nakabase sa Banal na Kasulatan kung saan may mga tupa na pinapasok sa Kaharian ng Dios kahit hindi nila nakilala si Cristo sa lupa. Silay ay ginantimpalaan ng kaligtasan dahil sa kanilang Mabuting Gawa:

Mat 25:34 Kung magkagayo'y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan:

Mat 25:35 Sapagka't ako'y nagutom, at ako'y inyong pinakain; ako'y nauhaw, at ako'y inyong pinainom; ako'y naging taga ibang bayan, at inyo akong pinatuloy;

Mat 25:36 Naging hubad, at inyo akong pinaramtan; ako'y nagkasakit, at inyo akong dinalaw; ako'y nabilanggo, at inyo akong pinaroonan.

Mat 25:37 Kung magkagayo'y sasagutin siya ng mga matuwid, na mangagsasabi, Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom, at pinakain ka namin? o nauuhaw, at pinainom ka?

Mat 25:38 At kailan ka naming nakitang isang taga ibang bayan, at pinatuloy ka? o hubad, at pinaramtan ka?

Mat 25:39 At kailan ka namin nakitang may-sakit, o nasa bilangguan, at dinalaw ka namin?

Mat 25:40 At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Yamang inyong ginawa sa isa dito sa aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ay sa akin ninyo ginawa.

Kaya tinuturo ng Santa Iglesia na ang mga taong hindi kilala si Cristo dahil walang nangaral o nagturo sa kanila ay maaaring maligtas kung sila ay gumagawa ng Kabutihan at may Pag-ibig sa puso. Dahil ang pagmamahal sa kapwa ay pagmamahal sa Dios. Ibang usapan yung ITINANGGI SI CRISTO O NAGTAKWIL KAY CRISTO O HINDI TINANGGAP SI CRISTO. Yun ang mga tinatawag na 'Walang Pananampalataya' o 'Mga Hiwalay kay Cristo'.

Isa pa. Papano mong masasabi na HIWALAY ANG MGA TAONG ITO KAY CRISTO gayong kahit hindi nila alam si Cristo e kasama nila si Cristo sa pamamagitan ng Kapwa taong kanilang pinakain, pinainom, dinamitan, ginamot, dinalaw sa kulungan at ginawan ng mabuti? HINDI SILA HIWALAY KAY CRISTO.

Ikalawa, sabi ng mga Born Again, Protestante, INC, ADD at iba pa na: ANG BATA AY WALA PANG PANANAMPALATAYA! Ibig sabihin: HIWALAY SILA KAY CRISTO AYON SA KANILANG CRITERIA. Kung gayon: LAHAT NG MGA SANGGOL AT BATA NA BORN AGAIN, PROTESTANTE, INC, ADD, etc. AY HINDI MALILIGTAS DAHIL WALANG PANANAMPALATAYA AT HIWALAY KAY CRISTO AYON SA KANILANG PANUNTUNAN. Tama ba? Ang posisyong iyan ay napaka-lupit. Subalit ang pananampalatayang Catolico ay hindi malupit. Ito ay puno ng Pag-Ibig dahil ang Santa Iglesia ay instrumento ng grasya ng Dios.

Maraming mga tao na iba ang religion at ni hindi nakabasa ng Bible o nakaka-usap pa ng Christian teacher of faith. Subalit naniniwala sa Dios at mabubuting tao.

Ngayon. Saan sa Biblia nakasulat na ang mga taong katulad nito ay mapupunta sa Impierno?

January 12, 2010 3:39 PM

5 comments:

  1. Fr. nabasa mo na ba ang the darkside of catholicism by ramon ang?naka ka-offend na talaga ang libro niya?

    ReplyDelete
  2. Nabasa ko ang aklat na yan at puro mga koleksiyon ng mga paninira na inimbento ng mga kalaban ng Santa Iglesia.

    Me pagka baliw yang si Ramon Ang. Meron syang the dark side of catholicism at meron din siyang THE DARK SIDE OF PROTESTANTISM. He, he, he... Lahat masama sa kanya.

    Ayaw nyang i-criticize ang mga Muslim kasi takot sya. He, he, he...

    Actually, hinamon na yan ng debate ng mga Catholic Defenders kaso umayaw. Duwag yan. Walang bait sa sarili.

    Wag mo na lang pansinin. Ang pumatol sa baliw ay mas baliw daw.

    ReplyDelete
  3. Saan po ba makakabili ng librong iyan? Sigurado akong puro saliring conclusion lang niya yan without FACTS. . .

    Bro Noel

    ReplyDelete
  4. Mabibili yan Bro. sa National Bookstore.

    ReplyDelete
  5. Fr...ako po may ganyang libro kaso di ko binabasa..nakakatamad at ang gulo...

    ReplyDelete