Anonymous said...
NABASA KO PO ANG MGA COMMENT DITO SA BLOG NYO PO!
TANONG LANG PO,,, SINO PO BA ANG DIYOS NG ROMAN CATHOLIC CHURCH???
.....(nakapako si kristo)
JESUS SAID: DIYOS KO, DIYOS KO BAKIT MO PO AKO PINABAYAAN?
KUNG SI CRISTO ANG INYONG DIYOS NA TUNAY!
SINO ANG TINAWAG NYANG DIYOS KO DIYOS KO????
January 5, 2010 4:02 PM
Fr. Abe, CRS said...
[TANONG LANG PO,,, SINO PO BA ANG DIYOS NG ROMAN CATHOLIC CHURCH???]
Ang Dios po ng Roman Catholic Church ay ANG IISANG DIOS NA MAY TATLONG PERSONA: AMA, ANAK AT ESPIRITU SANTO!
[.....(nakapako si kristo)
JESUS SAID: DIYOS KO, DIYOS KO BAKIT MO PO AKO PINABAYAAN?
KUNG SI CRISTO ANG INYONG DIYOS NA TUNAY!
SINO ANG TINAWAG NYANG DIYOS KO DIYOS KO??? ]
Habang si Cristo ay nakapako sa Krus ang kanyang tinatawag na: "Dios ko, Dios ko" ay ang Ama. Dahil tinuturuan nya ang mga mananampalatayang manalig sa Dios sa Kabila ng mga pagsubok at kahirapan at pag-uusig.
Subalit ang Ama rin ay tinawag na Dios ang Anak:
Hebreo 1:8 "Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh DIOS, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian."
KAYA ANG ANAK TINAWAG NYANG DIOS ANG AMA. SUBALIT ANG AMA TINAWAG NYANG DIOS ANG ANAK!
Pano yan dalawa na ba ang Dios? HINDI!
Bakit? SAPAGKAT ANG AMA AT ANG ANAK AY IISA:
JUAN 10:30 "AKO AT ANG AMA AY IISA."
Saan sila IISA? Sa PAGKA-DIOS!!!
TANONG: NANG TINAWAG NG AMA ANG ANAK NA 'DIOS' ANG AMA BA AY NAGPAPAHAYAG NG KATOTOHANAN O NAGSISINUNGALING?
CLUE: Ito ang pahayag ng Banal na Kasulatan at ni Apostol at Evangelista na si San Juan:
JUAN 1: 18 [Magandang Balita Biblia] "Kailanma'y walang nakakita sa Diyos, subalit ipinakilala siya ng BUGTONG NA ANAK - SIYA'Y DIYOS - NA LUBOS NA MINAMAHAL NG AMA."
Aba, mga kapatid. Paboritong salin po ng Banal na Kasulatan ang Magandang Balita Biblia. Madalas po nilang gamitin yan sa kanilang programa sa Telebisyon at sa mga lathain ng Pasugo, ang kanilang opisyal na publikasyon. Kaya hindi nila mapapasubalian ang Katotohanang tinataglay nito.
BIBLIA NA PO ANG BINABASA NATIN DITO. HINDI PO ITO HAKA-HAKA, KAGAYA NG PAGKA-ANGHEL DAW NI FELIX MANALO.
TANONG: NANG SINULAT NI SAN JUAN NA SI CRISTO AY 'DIOS NA LUBOS NA MINAMAHAL NG AMA' SI JUAN BA AY NAGSASABI NG KATOTOHANAN O NAGSISINUNGALING?
Pero, merong hataw ang nagtatanong. Dahil sinabi daw ni Cristo na ang Ama ang IISANG TUNAY NA DIOS. Paano na si Cristo n'yan? S'ya ba ay PEKENG DIOS?
ABA'Y, HINDI MO MGA PINIPITAGANG MGA MAGULANG AT KAPATID. SAPAGKAT ANG BIBLIA AY TINAWAG DIN SI CRISTONG IISA AT TUNAY NA DIOS! Saan natin mababasa yan? Dito po:
JOHN 1:18 [New International Version] "No-one has ever seen God, but GOD THE ONE AND ONLY, who is at the Father's side, has made him known."
SINO PO ANG TINAWAG NA 'GOD THE ONE AND ONLY'? ANG ANAK PO NA NAKALUKLOK SA KANAN NG AMA. SI CRISTO PO IYAN. MATINDING SALIN NGA PO IYAN NG BIBLIA SAPAGKAT TINAWAG SI CRISTO NA IISANG DIOS AT KAISA-ISANG DIOS = 'ONE AND ONLY'!!!
Meron pa pong isa pang Katibayan:
JOHN 1:18 [Contemporary English Version] "No one has ever seen God. The only Son, who is TRULY GOD and is closest to the Father, has shown us what God is like."
AYAN. MALINAW NA MALINAW. ANG ANAK AY TUNAY NA DIOS = TRULY GOD. HINDI PEKENG DIOS. HINDI DIOS-DIOSAN. HINDI MABABANG DIOS. KUNDI TUNAY NA DIOS.
SI CRISTO AY TUNAY NA DIOS AT IISANG DIOS AYON SA BIBLIA. AT ITO AY PINAGTIBAY NG AMA MISMO.
January 8, 2010 8:28 AM

.jpg)
dear father,
ReplyDeletehow fascinating is this? nung panahon pala ng mga arians(lolo ng mga inc) nung na-exile pala si Pope Liberius dahil sa pag-oppose ng arianism ay may nailuklok na isang anti-pope na isang Arian/Semi-arian at ang pangalan nya ay "FELIX"
...parang Ysagun Manalo na lang ang kulang ah at muntik na makuha ng mga inc ang papacy haha
fascinating isn't it???
Very fascinating indeed! He, he, he...
ReplyDeletefather, napadala po ba yung iba kong mga tanung?
ReplyDeletebaka lang po hinde...
Yes Brother I received them. I can't answer yet because I am busy right now. I have more than 30 questions to answer. First come first served. Then, I also prioritize those coming from other religions. You know why. He, he, he... Please be patient.
ReplyDeletewoo pde na.. ang galing.. wait!
ReplyDeleteang gulo nga e..
http://readmeinc.blogspot.com/2009/07/john-1030-i-and-father-are-one_10.html
pero bakit kaya napunta ang usapan agad s INC waaaaaaaaa INC lng ba nagpahayag nyan? kawawang nilalang ka Abe.. abangan ko ang mukha mo s public.. sana ikaw ang makipagdebate.. sa INC
sana lang.
ito ang tanong ko
BAKIT ANG GULO GULO NG SAMAHAN NYO?
BAKIT ANG GULO GULO SA SIMBAHAN NYO sa TUWING PAGSAMBA?
BAKIT WALA PA RING PAGKAKAISA SAMAHAN NYO?
alam ko na ang sagot dito.. (tuwing may sunog lang kayo nagkakaisa) pero sa aral WALA. o ano gusto mo ng sample.? galing pa sa PARI?
kawawa naman kayo.. kasi dito lang kayo hanggan sa internet :(
Padre, kung DIOS si Cristo eh bakit siya namatay samantalang ang DIOS hindi namamatay?
ReplyDeletebakit siya nagutom pero ang DIOS di naman nagugutom.
kasi tao siya talaga.
Padre para matuto ka eh ito batayan sa Bibliya na propesiya palang tao pagkakilala kay Cristo.
Isaiah 53:3 TAONG SA KAPANGLAWAN AT BIHASA SA KARAMDAMAN
yung sa Isaiah 9:6 tawag lang yun pero hindi yun likas na kalagayan.
saka Padre, madaming dios ang Simbahan. at hindi ang Trinidad LOL. ito mga dios nyo:
1) Si Sta. Maria
2) Sto Nino
3) Si Cristo
4) Ang Ama
5) Mga apostol
6) Ang anghel
7) Relikya ng mga santo
8) Mga santo.
pero nakalarawan o nakarebulto silang lahat. gaya ng mga Hindus, yung dios nila laging nakalarawan o rebulto.
naku Padre para kayong mga Hindus, libo libo mga dios nyo kasi 10 000 ang mga santo na sinasamba nyo plus yung si Sta. Maria, mga apostol etc.
Padre, magministro na lang po kayo sa amin para makapag asawa ka. masarap yun Padre. lalo na kapag gusto mo gumawa ng isang anak.
Padre, promise kapag natalo namin mga CFDS nyo ay umanib na kayo sa INC at mag aral sa pagkaministro.
lalo na yung mga Katolikong kaanib at mga CFDs dyan. dapat umanib kayo sa INC kapag natalo namin mga tagapangtanggol nyo.
ang pagkatalo sa debate ay tanda na may maling aral kayo. Ang Iglesia ni Cristo ay walang dungis (Efeso 5:27) paano pa kaya ang aral di ba Padre?
Padre, ipapanalangin kita na maging isa ka sa mga great debaters ng INC in the future.
Bro. ang mga talunan sa talikuran lang yan mahilig umatake.
ReplyDeletekaya kita mo di nangangahas ang malapagano nilang Simbahan na magrepresent ng pari na dedebate sa mga ministro kasi kung matatalo eh walang maiaalibi.
kung CFD lang at kung matalo eh sasabihin lang eh di sila LICENSED CFD AYSOWS!
marami nang Katolikong lumipat sa INC. di nyo kami kaya.
kung nakakaya nyo kaming apihin noong early stages ng INC, ngayon hindi na. makapangyarihan na kami sa tulong ng DIOS.
Padre para matuto ka, basahin mo ang Isaias 53:3 na si Cristo ay tao na bihasa sa karamdaman at kapanglawan ayon sa propesiya.
yung Isaias 9:6 tawag lang yun na DIOS sa pangalan niya pero hindi yun likas na kalagayan niya.
@ Anonymous MANALISTA above:
ReplyDeletewahahaha. palagay ko wala sa katinuan itong anonymous sa itaas.. akalain mo un?
[pero bakit kaya napunta ang usapan agad s INC waaaaaaaaa INC lng ba nagpahayag nyan? kawawang nilalang ka Abe.. abangan ko ang mukha mo s public.. sana ikaw ang makipagdebate.. sa INC
sana lang.]
INC LANG DAW BA ANG NAGPAHAYAG NIYAN? ay hindi ciemre. ikaw naman pala eh masyado kang nagpapauna ehh. siyempre hindi lang kayo ang nagpahayag niyan. marami ng NAUNA SA INYO na nagpahayag niyan ano?? KINOPYA NGA LANG NG ANGHEL mo yan ehh.. hahaha.. mangongopya't walang sariling kaniya..
Si fr. Abe laging humaharap sa publiko yan noh.. malas mo lang hindi mo nakita .. hahaha.. AT EHEM!!! EHEM !! EHEM!!! .. may kilala din akong HINDI MAKAHARAP SA PUBLIC ehh.. oo humaharap cia, kaso sa PUBLIC OFFICIALS nga lang.. hahahaha.. nakatago lagi sa malaking kapilya sa may kaDILIMAN.. hahaha
[BAKIT ANG GULO GULO NG SAMAHAN NYO?]
Bakit ang gulo ng samahan namin? aba.. ikaw lang ata nag papagulo eh.. hahahaha.. eh HUNGHANG ka pala ehh.. oh eto..
The Roman Catholic Church or Catholic Church is the Christian church in full communion with the Bishop of Rome, currently Pope Benedict XVI. It traces its origins to the original Christian community FOUNDED BY JESUS CHRIST and spread by the Twelve Apostles, in particular Saint Peter.
The Catholic Church is by far the largest Christian church and the LARGEST ORGANIZED BODY of any world religion.
SOURCE: http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Roman_Catholicism
oi.. kitang kita oh. NON - BIASED SOURCE YAN.. ang Katoliko daw ang LARGEST ORGANIZED. (hindi magulo) hahaha.. at ang kagandahan dun FOUNDED BY CHRIST. eh kung tutulan mo yan wala na kami paki dun. hindi naman kami sumulat niyan ehh. NON - BIASED SOURCE yan.. hahahaha unlike sa kulto mo.. FELIX MANALO ANG FUNDADOR.. hahaha
[BAKIT ANG GULO GULO SA SIMBAHAN NYO sa TUWING PAGSAMBA?]
Eh kasi marami kami. inggit ka naman. hahaha.. at wag mong sabihin na magulo. baka ikaw lang naguguluhan. tulad ng sa Quiapo. magulo tlga ang itsura nuon sa dami ng tao. pero pagdating ng PAGSAMBA NAMIN (BANAL NA MISA na wala kayo)eh LAHAT AY OBLIGADO MAKINIG SA MISA. may mga USHERS NGA KAMI ehh.. ung diakono't diakonesa ninyo. sa amin mga ushers lang.. hahaha .. and considering na magulo nga ung iilan sa amin.. dahil sa dami ng tao. MAY NAALALA AKO, 95TH ANNIVERSARY NG ISANG KULTO SA PILIPINAS. nako after ng event eh NAGKALAT ANG MGA BASURA SA ROXAS BLVD. tsk tsk... sino kaya un? ang gulo nila noh??
tsaka pag sinabing CATHOLIC CHURCH eh pangkalahatan hindi lang sa Pinas. eh sa Amerika nga eh.. ang mga simbahan dun. may kanya kanyang book of songs ang mga tao.. at napaka tahimik. sa amin din meron. gusto mo makita? sama kita.. hahaha..
[ BAKIT WALA PA RING PAGKAKAISA SAMAHAN NYO? ]
ahahahaha.. eh engot pala talaga to eh.. haha.. TATAGAL BA NAMAN KAMI NG 2OOO YEARS KUNG WLANG PAGKAKAISA SA AMIN?
"Ang Bawa't kaharian nagkakabaha bahagi laban sa kaniyang sarili ay MAWAWASAK" (Mateo 12:25)
oh eto baliw pala tlga to ehh.. hahahaha mismong salita ni Cristo hindi tinatanggap.. tsk tsk
[ CONTINUE ..]
[ Continuation .. ]
ReplyDelete[BAKIT WALA PA RING PAGKAKAISA SAMAHAN NYO? ]
gaya nga ng nasabi ni CRISTO. mwawasak ang walang pagkakaisa. ang tagal na namin ehh.. hindi pa hinuhulog ung FALLEN ANGEL mong si manalo eh matatag na ang Iglesia Katolika. kaninong chismosa mo naman narinig yan.. eh un nga ung nakakatuwa sa amin eh. MY IBA IBA MANG SAMAHAN DITO EH IISA LANG ANG PANANAMAPALATAYA NAMIN AT IISA ANG PAMUMUNO. LAHAT UNDER NG PAMAMAHALA NG PAPA SA ROMA.. chismosa ka ahh.. hahaha
"May iba't ibang pag gawa DATAPUWA'T IISANG DIYOS" ( 1 Corinto 12:6)
at kung tutuusin nga hindi kami NAGDADAG DAG SA BIBLIA EH. PANSININ MO Kung may isip ka
"ISANG PANGINOON, ISANG PANANAMPALATAYA AT ISANG BAUTISMO" (EFESO 4:5)
see? samin lang natupad yan WALANG DAGDAG. iisa ang aming PANGINOON. iisa ang aming DOGMA na pinaniniwalaan, at iisa ang aming bautismo
WAIT!!!
WALA ATA AKONG NABASA SA TALATA NA IISANG BOTO?? oopss. hahahahaha
[tuwing may sunog lang kayo nagkakaisa) pero sa aral WALA. o ano gusto mo ng sample.? galing pa sa PARI?
kawawa naman kayo.. kasi dito lang kayo hanggan sa internet :(]
Tuwing may sunog??hahaah.. binatangera ka ahh? hahaha.. SAN KA NAMAN NAKAKITA NG CHARITY FOR FIRE VICTIMS ONLY ang mga katoliko??
eh sa NOBLE PEACE PRIZE NGA LANG ehh.. si Mo. teresa of Calcuta na ang isang ehemplo (isa sa napakarami)
meron na ba kayong NOBLE PEACE PRIZE WINNER? na nanggagamot sa mga MAY KETONG ng libre tulad ni Mo. Teresa?
parang wala pa ata akong nakikitang NAKA AMERICANA NA NAGPAPANGGAP NA MINISTRO na nakagawa nuon?
SIGE NGA? nagawa na ba ni MANALONG hunghang yung nagawa ni Mo. Teresa na humawak at mag alaga ng mga may ketong sa kanilang sariling palasyo
hahaha.. at anong tungkol sa aral wala? excuse me. napaka rami ngang aral sa amin eh.. hahahaha.. baka hindi mo pa alam. tanong mo muna sa kin..
[kawawa naman kayo.. kasi dito lang kayo hanggan sa internet :(]
niyaks!! hahaha.. hanggang internet lang ? hahaha.. ngaun nga may ilan s amin nasa HAITI EH. kayo ba? hahaha.. tsaka atleast AVAILABLE KAMI SA INTERNET PUBLICLY. di tulad ng kulto ninyo. private lang ang official website.. hahaha eww..
[Padre, kung DIOS si Cristo eh bakit siya namatay samantalang ang DIOS hindi namamatay?]
ReplyDeleteKASI NAGKATAWANG TAO SIYA E. NUNG HINDI PA SIYA NAGKAKATAWANG TAO WALA SIYANG KAMATAYAN, SUBALIT NUNG NAGKATAWANG TAO SIYA NARANASAN NIYA ANG KAMATAYAN DAHIL SA KATAWANG KANYANG PINILI PARA SA KANYANG SARILI.
[bakit siya nagutom pero ang DIOS di naman nagugutom.]
DAHIL NAGING TAO SIYA. NUNG SIYA AY NAGING TAO NAGING KATULAD NATIN SYA SA LAHAT NG BAGAY LIBAN SA KASALANAN.
[kasi tao siya talaga.]
TAO TALAGA SI CRISTO. HINDI NAMAN SINASABI NA HINDI SYA TUNAY NA TAO. SUBALIT BAGO SYA NAGKATAWANG TAO DIOS SIYA:
Phil 2:6 Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,
Phil 2:7 Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao:
Phil 2:8 At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.
DIOS MUNA SIYA BAGO NAGKATAWANG TAO. KAYA SI JESUS AY DIOS NA TOTOO AT TAONG TOTOO.
[Padre para matuto ka eh ito batayan sa Bibliya na propesiya palang tao pagkakilala kay Cristo.
Isaiah 53:3 TAONG SA KAPANGLAWAN AT BIHASA SA KARAMDAMAN]
TAO NAMAN TALAGA SI CRISTO. PERO WALANG SINABING TAO-LANG. DAHIL SA ISAIAH 9:6 SIYA AY IPINAHAYAG NA "MAKAPANGYARIHANG DIOS".
[yung sa Isaiah 9:6 tawag lang yun pero hindi yun likas na kalagayan.]
SAAN NAKASULAT SA BIBLIA NA ANG ISAIAH 9:6 AY TAWAG LANG AT HINDI YUN LIKAS NA KALAGAYAN. ANG ISAIAH 9:6 AY MAS SIKAT AT MAS MATINDING PROPESIYA TUNGKOL SA MESIYAS KESA 53:3.
NASA KALIKASAN NI CRISTO ANG KAPANGYARIHAN NG DIOS AT NASA KALIKASAN NIYA ANG PAGIGING HARI.
[saka Padre, madaming dios ang Simbahan.]
ReplyDeleteISA LANG ANG DIOS NG IGLESIA CATOLICA. ANG MARAMING DIOS-DIOSAN AY ANG UTAK MO NA NAGPIPILIT KUNG ANO ANG PANANAMPALATAYA NAMIN.
[at hindi ang Trinidad LOL.]
ANG IISANG DIOS NAMIN AY ANG TRINIDAD.
[ito mga dios nyo:]
HINDI NAMIN DIOS ANG MGA YAN LIBAN SA IISANG DIOS: AMA, ANAK AT ESPIRITU SANTO. WAG MONG IPILIT SA AMIN ANG IYONG KABALIWAN.
[1) Si Sta. Maria] SIYA ANG INA NG AMING PANGINOONG JESUS, AMING DIOS AT TAGAPAGLIGTAS
[2) Sto Nino] ANG STO. NINO AY SI CRISTO NUNG BATA PA. SI JESUS ANG AMING DIOS.
[3) Si Cristo] ITO AY TITULO NG AMING PANGINOONG JESUS. IBIG SABIHIN AY 'THE ANOINTED'. SI JESUCRISTO ANG AMING DIOS.
[4) Ang Ama] ANG AMA AT ANG ANAK AY IISA SABI NI SAN JUAN 10:30. KAYA IISA LANG ANG AMING DIOS.
[5) Mga apostol] ANG MGA APOSTOL AY HINDI DIOS KUNDI MGA ALAGAD NI JESUS NA AMING DIOS.
[6) Ang anghel] ANG ANGHEL AY SIMPLENG MESSENGER OF GOD. HINDI ITO DIOS.
[7) Relikya ng mga santo] ITO ANG MGA NAIWAN NG MGA YUMAONG TAO NA NABUHAY SA KABANALAN. HINDI ITO DIOS AT HINDI RIN TAO, KUNDI MGA NAIWAN NG MGA BANAL NA TAO.
[8) Mga santo.] ITO ANG MGA TAO NA TAPAT NA NAGLINGKOD AT SUMUNOD SA KALOOBAN NG DIOS. HINDI SILA DIOS.
[pero nakalarawan o nakarebulto silang lahat.]
ReplyDeleteKASI NAKALARAWAN SILA TULAD NG MGA LARAWAN SA LOOB NG TEMPLO NG DIOS.
[gaya ng mga Hindus, yung dios nila laging nakalarawan o rebulto.]
GAYA NG MGA LARAWAN SA TEMPLO SA JERUSALEM AT AYON SA DESCRIPTION NG BANAL NA KASULATAN.
[naku Padre para kayong mga Hindus, libo libo mga dios nyo kasi 10 000 ang mga santo na sinasamba nyo plus yung si Sta. Maria, mga apostol etc.]
PARA KANG SIRA ULO. PINIPILIT MO SA AMIN ANG MGA BAGAY NA HINDI NAMIN GINAGAWA.
ANG MGA LARAWAN NAMIN AY TULAD NG MGA LARAWAN SA TEMPLO SA JERUSALEM AT SA MGA LARAWAN NA GINAWA NG MGA UNANG CRISTIANO NUONG UNA HANGGANG IKA APAT NA SIGLO NG CRISTIANISMO.
[Padre, magministro na lang po kayo sa amin para makapag asawa ka.]
SI CRISTO AY HINDI NAG-ASAWA. HINDI SYA NAGPADALA SA LIBOG AT LAYAW NG KATAWAN TULAD NI MANALO NA MAY ASAWA, MAY KABIT, MAY IKALAWANG ASAWA, MAY ANAK SA LABAS AT MAY RAPE CASE.
[masarap yun Padre.]
MAS MASARAP SUMUNOD SA YAPAK NI CRISTO. VERY HEAVENLY. HEAVEN PARE ANG SARAP. MAKALANGIT HINDI MAKASANLIBUTAN. TAGOS SA KALULUWA ANG SARAP. HINDI INIT LANG NG LAMAN.
[lalo na kapag gusto mo gumawa ng isang anak.]
ANG AMING KATAAS-TAASANG PARI SI JESUCRISTO AY HINDI GUMAWA NG ANAK. SI PABLO RIN, SI JUAN DIN, SI ANDRES DIN... HE, HE, HE...
HINDI LANG SA SEX NABUBUHAY ANG TAO KUNDI SA BAWAT SALITA NA NAMUMUTAWI SA BIBIG NG DIOS.
BAKIT AYAW NYONG TULARAN SI CRISTO? BAKIT SI MANALO ANG INYONG TINUTULARAN HINDI SI CRISTO? TAO SI CRISTO DI BA? O, E DI HINDI MASAMA SA TAO ANG HINDI MAG-ASAWA. HA, HA, HA...
WAG LANG PURO TAWAG NG LAMAN AT NG SANLIBUTAN ANG ISAISIP MO.
[Padre, promise kapag natalo namin mga CFDS nyo ay umanib na kayo sa INC at mag aral sa pagkaministro.]
INILAMPASO NA KAYO NI SOC FERNANDEZ, INILAMPASO NA KAYO NI SOC AT NI ATTY. BACALSO, INILAMPASO NA KAYO NI WENDELL TALIBONG. HE, HE, HE... E DI SUBUKAN NYO ULING HAMUNIN ANG CFD. HE, HE, HE...
PERO PAG KAYO ANG NATALO E MAGKA-CATOLICO KA AT ANG IYONG BUONG PAMILYA. PAYAG KA BA?
[lalo na yung mga Katolikong kaanib at mga CFDs dyan. dapat umanib kayo sa INC kapag natalo namin mga tagapangtanggol nyo.]
OK. TANGGAP NAMIN. DR. REY ENTILA OF CFD ALREADY RELEASED A CHALLENGE. HE, HE, HE...
[ang pagkatalo sa debate ay tanda na may maling aral kayo. Ang Iglesia ni Cristo ay walang dungis (Efeso 5:27) paano pa kaya ang aral di ba Padre?]
MAY DUNGIS KAYO KASI PEKE KAYO E. SINABI YAN SA IGLESIA SA EPESO. CATOLICO ANG MGA NASA EPESO HINDI KAYO. KAMAKAILAN LANG DUMATING DON ANG MGA ATSAY NYO PARA MAGCARE GIVER. ISA PA, NATALO NA NAMIN KAYO. SA DAVAO NGA WALA NANG INC PASTOR ANG GUSTONG MAGPUNTA NG PLAZA PARA MAKIPAGDEBATE. HA, HA, HA...
[Padre, ipapanalangin kita na maging isa ka sa mga great debaters ng INC in the future.]
WALANG BISA ANG PANALANGIN NG MGA KAMPON NG PEKENG ANGHEL NA SI FELIX MANALO... ANG BULAANG PROTETA SA MGA HULING PANAHON.
[Bro. ang mga talunan sa talikuran lang yan mahilig umatake.]
ReplyDeleteWELL, HARAPAN KAMI KUNG UMATAKE DAHIL NAKAHARAP AKO. HINDI AKO NAKATALIKOD AT HINDI NAKATAGO ANG MUKA AT PAGKATAO KO. SA KATUNAYAN IKAW ANG ANONYMOUS DITO. MGA INC APOLOGISTS SA INTERNET ANG ANONYMOUS AT AYAW MAGPAKILALA. KAYA KAYO ANG MGA PATALIKOD KUNG TUMIRA. NAKADAMIT NG PUTI, KULAY PUTI ANG MGA BARONG NINYO PERO MGA ASONG GUBAT SA LOOB.
[kaya kita mo di nangangahas ang malapagano nilang Simbahan na magrepresent ng pari na dedebate sa mga ministro kasi kung matatalo eh walang maiaalibi.]
KAYA NAMAN ANG MGA MINISTRO AT PASTOR NYO SA MGA LOCAL AY HINDI NA NAKIKIPAGDEBATE. LAGING SI VENTILACION AT PARBA LANG ANG PINAPAHARAP KASI NABUGBOG NA KAYO SA DEBATE NG MGA CFD. HA, HA, HA... SA CFD PA LANG TALO NA KAYO SA PARI PA KAYA. HA, HA, HA...
[kung CFD lang at kung matalo eh sasabihin lang eh di sila LICENSED CFD AYSOWS!]
WALA NAMANG LICENSIA NA BINIBIGAY SA AMIN E. HINDI NAMAN KAMI LTO. IBA ANG PARI SA LTO. PAREHO LANG NAMAN ANG DRIVING LICENSE NG MGA PARI AT MGA CFD. HE, HE, HE... ANONG ANGAL MO? HA, HA, HA...
[marami nang Katolikong lumipat sa INC.]
MARAMI NA RING UMALIS SA INYO AT NAGBALIK CATOLICO. HE, HE, HE... TAON TAON ABOUT A MILLION ADULT BAPTISM ANG TINATANGGAP SA CATOLICO MULA SA IBAT IBANG PANIG NG MUNDO.
[di nyo kami kaya.]
KAYANG KAYA NAMIN KAYO. KAYO LANG. SINO BA NAMAN KAYO.
[kung nakakaya nyo kaming apihin noong early stages ng INC, ngayon hindi na.]
HINDI NAMIN KAYO INAPI. KAYO ANG UMAAPI SA AMIN. PARA KAYONG MGA AHAS NA KUYOG. ANG MGA KATOLIKO NGA AY TAHIMIK LANG AT AYAW NG GULO.
[makapangyarihan na kami sa tulong ng DIOS.]
KUNG KAPANGYARIHAN LANG ANG PAG-UUSAPAN MAS MAKAPANGYARIHAN KAMI KESA SA INYO KAYA NASA AMIN ANG TULONG NG DIOS. DYUTAY LANG ANG KAPANGYARIHAN NYO KAYA SA DEMONIO LANG YAN GALING.
[Padre para matuto ka, basahin mo ang Isaias 53:3 na si Cristo ay tao na bihasa sa karamdaman at kapanglawan ayon sa propesiya.]
ANG IS. 53:3 AY NAGPAPATUNAY NG ARAL CATOLICO NA SI JESUS AY TAONG TOTOO. SUBALIT WALANG SINASABI DUON NA SI CRISTO AY HINDI DIOS. WALA RING SINASABI NA TAO LANG SI CRISTO. HE, HE, HE... MERON BA? HA, HA, HA...
[yung Isaias 9:6 tawag lang yun na DIOS sa pangalan niya pero hindi yun likas na kalagayan niya.]
ANG IS. 9:6 NAMAN AY NAGPAPATUNAY SA ARAL CATOLICO NA SI CRISTO AY TOTOONG DIOS. KASI SINABI NA "HE SHALL BE CALLED THE ALMIGHTY GOD".
ANONG TAWAG LANG. KASALANAN AT MASAMA NA TAWAGIN MONG ALMIGHTY GOD AND HINDI TUNAY NA DIOS. HA, HA, HA... ANG DIOS AY MAPANIBUGHUIN. DAPAT WALA NANG IBANG DIOS NA TATAWAGIN O KIKILALANIN LIBAN SA KANYA. PAPAYAG BA NAMAN ANG DIOS NA TAWAGING ALMIGHTY GOD SI JESUS KUNG HINDI IYON TUTUO AYON SA KANYANG NATURALESA? HA, HA, HA... PALPAK ANG IYONG PALUSOT.
nga pala.... my nasearch ako..... alam nyo ba nasi manalo ay isang FreeMAson?... ang freemason ay isang samahan ng mga SATANIC,,,, parehong pareho sila ng INC na hindi naniniwalang Diyos si Christo......
ReplyDeletetry see this...
http://thepinoycatholic.blogspot.com/2009/09/see-any-similarities.html
Pader.... napansin ko lang sa katoliko... ang dameng katoliko na ginagawang Diyos ang mga santo.... bakit hindi nyo ipaliwanag sakanila na hindi Diyos ang mga santo para hindi sila namamale.... tapos Pader yun iba pupunas pa ng panyo tapos papahid sakanila,,, pra saan yun pader?? bakit hindi nyo sabihin sakanila na male yun?? Diba pagpapakita ng pagsamba sa diosdiosan yun????
ReplyDeletenga pala....
katoliko ko,,, pero,, prang aanib ako sa Born Again... konte lang kc pinagkaiba nun sa katoliko... pareho lang ng Dios ,,,TRINITY...
[Pader.... napansin ko lang sa katoliko... ang dameng katoliko na ginagawang Diyos ang mga santo...]
ReplyDeleteIMPRESSION MO LANG YAN KASI NALASON NA ANG MGA BORN AGAIN ANG ISIP MO. PERO ANG TUTUO HINDI GINAGAWANG DIOS NG MGA CATOLICO ANG MGA SANTO.
[bakit hindi nyo ipaliwanag sakanila na hindi Diyos ang mga santo para hindi sila namamale...]
PINAPALIWANAG YAN. MALINAW YAN SA MGA CATOLICO. YUNG MGA HINDI ALAM YAN SIGURO E HINDI NAKINIG NG ITINUTURO SA CATECHISM O SA LOOB NG SIMBAHAN. SUBALIT MALINAW ANG TURO NA HINDI DIOS ANG MGA SANTO.
[tapos Pader yun iba pupunas pa ng panyo tapos papahid sakanila,,, pra saan yun pader??]
SIEMPRE NILILINISAN ANG MGA IMAHEN. ANG IMAHEN NI RIZAL SA LUNETA AY NILILINISAN AT MAY GUARDIA PA AT MAY MGA FRESH FLOWERS. ANG STATUE NI MICHAEL JORDAN SA LABAS NG UNITED CENTER SA CHICAGO AY NILILINISAN AT PINUPUNASAN DIN PARA LAGING MALINIS.
PANONG NAGING MASAMA ANG PAGPUNAS SA MGA LARAWAN. KAHIT NA ANG MGA LARAWAN NG ATING MGA MAHAL SA BUHAY AY NILILINISAN PARA HINDI MASIRA.
[bakit hindi nyo sabihin sakanila na male yun??]
SINONG NAGSABE NA MALI YON. PAG HINDI PINUNASAN ANG MGA LARAWAN E DI MAGIGING MADUMI SA ALIKABOK.
[Diba pagpapakita ng pagsamba sa diosdiosan yun???]
HINDE. SINONG BALIW ANG NAGSABI SA YO NA PAG PINUNASAN E PAGSAMBA? KUNG IKAW BA PUNASAN NG NANAY MO O NG KASINTAHAN MO ANG IYONG MUKHA IBIG SABIHIN BA NON SINASAMBA KA? YON AY TANDA NG PAGMAMAHAL AT PAGLILINIS SA ISANG MAHALAGANG BAGAY.
KAYA NGA PINUPUNASAN E KASI ALAM NG MGA KATOLIKO NA HINDI DIOS YON. KASI ANG DIOS HINDI MAPUPUNASAN. KAYA PINUPUNASAN KASI ALAM NATING MGA KATOLIKO NA HINDI DIOS ANG MGA LARAWAN NG SANTO.
[nga pala....
katoliko ko,,,]
SALAMAT NAMAN.
[pero,, prang aanib ako sa Born Again...]
WAG, WAG KANG AANIB SA MGA BAGONG IMBENTONG RELIHIYON NA IYAN. LIKHA NG DIABLO ANG MGA GRUPO NA YAN. HINDI YAN GALING KAY CRISTO AT SA MGA APOSTLES. YAN AY PRODUCTO NG MGA HERETICO NA TULAD NI LUTHER AT CALVIN.
[konte lang kc pinagkaiba nun sa katoliko...]
MARAMING PAGKAKAIBA. MARAMI SILANG INIMBENTONG ARAL NA WALA SA BIBLIA.
[pareho lang ng Dios ,,,TRINITY...]
PAREHO NGA ANG DIOS SUBALIT GUMAYA LANG SILA SA ATIN KAYA PAREHO. ISA PA MAGKAIBA ANG IGLESIA KASI SILA BAGONG IMBENTO LANG HINDI TUNAY NA GALING KAY CRISTO. WAG MONG SALIHAN ANG RELIHIYONG GAWA NG TAO.
ahhh samalat po sa sagot..... meron pa po akong isang tanung... gusto ko lang malaman ung paliwanag nyo sa Nazareno... pagpinaparada yun halos magpatayan sila pra lang makapagpunas ng panyo??? PEro Pader alam nyo dito samen mga katoliko dito Ginagawa nilang Diyos ang puon.... ewan lang kung hindi lang sila nkikinig .... tas pader dito samen ang preaching ng pare halos 5mins lang tapos na,,,nakakalungkot.... ganun ba tlaga???? isa pa.... naniniwala ba kayo sa may PANATA? ung kaibigan ko kasi Nakapanata daw sya kay St.Anthony.... tama baun?? si st.anthony ang nagpagaling sakanya?? thanks... Pader... hindi nag Born Again,,, naliwanagan na kasi ung tanong kong matagal na...^_^...
ReplyDeletenga pala pader... mali po ata pagkakabasa nyo.....tapos Pader yun iba pupunas pa ng panyo tapos PAPAHID SA KANILA.... meron kasi akong nkitang ganyan...
ReplyDelete[ahhh samalat po sa sagot.....]
ReplyDeleteWELCOME.
[meron pa po akong isang tanung... gusto ko lang malaman ung paliwanag nyo sa Nazareno...]
ANG NAZARENO AY WALANG IBA KUNDI ANG ATING PANGINOONG JESU-CRISTO. ITO AY BINABANGGIT SA BIBLLIA:
Mat 2:23 At siya'y dumating at tumahan sa isang bayang tinatawag na Nazaret; upang maganap ang mga sinalita ng mga propeta, na siya'y tatawaging NAZARENO.
TIGNAN MO. HINULA NG MGA PROPETA NA TATAWAGING NAZARENO SI CRISTO. NGAYON, SINO ANG TUMATAWAG NG NAZARENO KAY CRISTO? MGA CATOLICO. DI BA? HE,HE, HE... KAYA TAYO AY TAMANG PANANAMPALATAYA.
ANG LARAWAN NG NAZARENO DEPICTS THE LORD JESUS WHILE CARRYING THE CROSS TO CALVARY.
[pagpinaparada yun halos magpatayan sila pra lang makapagpunas ng panyo???]
HINDI NAMAN NAGPAPATAYAN. WALA NAMANG INTENSIYON NA PUMATAY. OTHERWISE MAGDADALA SILA NG BARIL AT PATALIM PARA SILA ANG MAKALAPIT SA PAMAMAGITAN NG PAGPATAY SA IBA.
"ANG PANYO NG NAZARENO". ANG PANYO NG NAZARENO AY NAGPAPAALALA SA MGA CATOLICO NG PANYO NA BINALOT SA ULO AT KATAWAN NG PANGINOONG JESU-CRISTO NUONG SIYA AY INILIBING:
John 20:7 "At ang PANYO na nasa kaniyang ulo, ay hindi kasamang nakalatag ng mga kayong lino, kundi bukod na natitiklop sa isang tabi."
GUSTO NANG MGA DEBOTO NA IPUNAS ANG DALA NILANG PANYO SA LARAWAN NG NAZARENO TANDA NA GUSTO NILANG IPADAMA SA PANGINOON NA KUNG NOON AY WALANG GUSTONG MAMATAY KASAMA NIYA SA CALVARY, NGAYON ANG MGA CATOLICO AY HANDANG PASANIN ANG KANYANG KRUS NG KUSANG LOOB AT KUNG NOON AY BALOT NG PAWIS AT DUGO ANG KATAWAN NG PANGINOON, NGAYON AY HANDANG PUNASAN SIYA NG MGA TAGASUNOD NIYA.
ANG PAGGAMIT NG PANYO SIMULA NG TINURO NG MGA APOSTOL NA MAY PANYO ANG PANGINOONG JESUS AY NAGING ESPESYAL NA EXPRESSION NA NG CHRISTIAN FAITH:
Act 19:12 Ano pa't ang mga panyo o mga tapi na mapadaiti sa kaniyang katawan ay dinadala sa mga may-sakit, at nawawala sa kanila ang mga sakit, at nangagsisilabas ang masasamang espiritu.
[PEro Pader alam nyo dito samen mga katoliko dito Ginagawa nilang Diyos ang puon....]
ReplyDeleteIMPOSIBLE YAN. PAPANO NILANG MAGAGAWANG DIOS ANG POON.
[ewan lang kung hindi lang sila nkikinig ....]
SIGURO DAHIL HINDI NAMAN NILA GINAGAWANG DIOS ANG POON. IYAN AY WRONG JUDGMENT MO LANG.
[tas pader dito samen ang preaching ng pare halos 5mins lang tapos na,,,nakakalungkot.... ganun ba tlaga????]
SA IBANG PAROKYA MAS GUSTO NILA ANG MAIGSING PALIWANAG.
[isa pa.... naniniwala ba kayo sa may PANATA?]
ANG PANATA AY ISANG PRACTICE NA GALING SA BANAL NA KASULATAN:
Lev 27:2 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagka ang sinoman ay tutupad ng PANATA ayon sa iyong inihalaga, ay magiging sa Panginoon ang mga tao.
Deu 23:21 Pagka ikaw ay magpapanata ng isang PANATA sa Panginoon mong Dios, ay huwag kang magluluwat ng pagtupad: sapagka't walang pagsalang uusisain sa iyo ng Panginoon mong Dios; at magiging kasalanan sa iyo.
AKALA NG MARAMI AY WALANG PANATA SA BIBLIA. MERON PO, DULING LANG SILA AT HINDI NAGBABASA NG MABUTI.
[ung kaibigan ko kasi Nakapanata daw sya kay St.Anthony.... tama baun??]
ANG PANATA AY TALAGANG SA DIOS INIUUKOL. SUBALIT ITO AY KADALASANG GINAGAWA SA HARAP NG ISANG BANAL NA BAGAY TULAD NG ALTAR O POON. MALI LANG ANG EXPRESSION NG KAIBIGAN MO. ITO ANG HALIMBAWA NG PANATA NA ISINASAGAWA SA BATO:
Gen 31:13 Ako ang Dios ng Betel, na doon mo pinahiran ng langis ANG BATONG PINAKAALAALA, at doon ka gumawa ng PANATA sa akin: ngayo'y tumindig ka, umalis ka sa lupaing ito, at bumalik ka sa lupaing pinanganakan sa iyo.
AYAN ANG PANATA AY GINAWA SA BANAL NA BATO SUBALIT ANG PANATA AY HINDI PARA SA BATO KUNDI PARA SA DIOS.
[si st.anthony ang nagpagaling sakanya??]
ANG DIOS ANG NAGPAPAGALING SA KANYA SA PAMAMAGITAN NG PANALANGIN NI ST. ANTHONY. KASI ANG PANALANGIN NG TAONG MATUWID AY MABISA:
James 5:16 Mangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang kayo'y magsigaling. Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid.
[thanks... Pader...]
WELCOME BROD.
[hindi nag Born Again,,, naliwanagan na kasi ung tanong kong matagal na...^_^...]
SALAMAT SA PANGINOON. ALLELUIA. AMEN.
Pader how about naman sa Porgatoryo???
ReplyDeletekasi yung isang namamalakad dun sa simbahan... sabi nya sa kuya ko ... mag ambag ka para maligtas sa porgatoryo ung tatay mo??? tama bayon??? sensya pader dami kong tanung sayo...hehehe..... gusto ko lang kasing maliwanagan..... thankszzzzz
[Pader how about naman sa Porgatoryo???]
ReplyDeleteOK ANONG PROBLEMA SA PURGATORIO?
[kasi yung isang namamalakad dun sa simbahan...]
SINO SYA?
[sabi nya sa kuya ko ... mag ambag ka para maligtas sa porgatoryo ung tatay mo???]
MAAARING GAWA-GAWA LANG ANG KWENTO NA YAN, KWENTONG KUTSERO O KAYA AY MANGMANG SA TUNAY NA ARAL NG IGLESIA CATOLICA ANG TAONG IYAN. ANG MAKAPAGLILINIS NG KASALANAN NG TAO AY SI CRISTO. KAYA ANG DAPAT NYANG SABIHIN AY 'IPAGDASALA SA PANGINOON PARA MALIGTAS ANG TATAY MO'. SI CRISTO ANG MAGLILIGTAS O MAGLILINIS NG KASALANAN AT ANG KAILANGAN NG KALULUWA AY PANALANGIN UPANG SSA TULONG NG ATING SAMA-SAMANG PANALANGIN HIGIT SIYANG KAAWAAN NG PANGINOON.
[tama bayon???]
MALI YON.
[sensya pader dami kong tanung sayo...hehehe..... gusto ko lang kasing maliwanagan..... thankszzzzz]
WELCOME BROD.
pader meron bang nabanggit ng Porgatoryo sa bible???? diba ang sabi sa bible.... pagnamatay ang tao..... di ba hihimlay nalang...tapos gigisingin lang sila pagmaghuhukom na?
ReplyDeleteDear Anonymous,
ReplyDeleteAng salitang purgatorio ay hindi English o Tagalog in origin. Yan ay nagmula sa salitang Latin na: PURGATIONEM PECCATORUM, kaya naging PURGATORUM o Purgatorium. Ang ibig sabihin ay: PAGLILINIS o PAGPUPURGA NG KASALANAN. Ito ay galing sa Biblia:
Heb 1:3 "qui cum sit splendor gloriae et figura substantiae eius portansque omnia verbo virtutis suae PURGATIONEM PECCATORUM faciens sedit ad dexteram Maiestatis in excelsis"
Ang salitang Purgatorio ay tulad ng PASKO. Ito ay galing sa PAGSILANG NI CRISTO. Ang Purgatorio ay tumutukoy sa paglilinis ng kasalanan na sinasagawa ng Panginoong Jesu-Cristo sa mga yumao na. Kaya nga ito ang translation ng talata sa itaas:
Heb 1:3 "Who being the brightness of his glory, and the express image of his person, and upholding all things by the word of his power, when he had by himself PURGED OUR SINS, sat down on the right hand of the Majesty on high;"
Ang paglilinis ng kasalanan ay sinasagawa ng grasya ni Cristo sa dalawang pamamaraan:
(1) Sa DAIGDIG
(2) Sa KABILANG BUHAY
Ito ang tinuro ng Panginoong Jesu-Cristo:
Mateo 12:32 "At ang sinomang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao, ay ipatatawad sa kaniya; datapuwa't ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating."
Kitam, may pagpapatawad ng mga kasalanan sa daigdig na ito at meron pa sa buhay na darating. There is a forgiveness of sins or purging of sins in this life and in the life come.
Ang pagpapatawad dito sa lupa ay tinatawag ng Santa Iglesia na Sacrament of Reconciliation at ang pagpapatawad ng kasalanan sa ikalawang buhay ay tinatawag na Purgatorio.
[diba ang sabi sa bible.... pagnamatay ang tao..... di ba hihimlay nalang...tapos gigisingin lang sila pagmaghuhukom na?]
ReplyDeleteHa, ha, ha... Ang tinutukoy na nahihimlay kapag namatay ang isang tao ay ang kanyang katawang lupa na nakalibing sa cemetery. Subalit ang kanyang kaluluwa ay nagbabalik sa Dios at ito ay buhay:
Ecc 12:7 Then shall the dust return to the earth as it was: and the spirit shall return unto God who gave it.
Ayan. ang namamatay ay ang katawang lupa subalit ang espirito ay nagbabalik sa Dios.
Ito ang mga talata na nagpapatunay na buhay pa ang kaluluwa ng mga namatay:
1 Sam 28:15-19 ANG KALULUWA NI SAMUEL AY NAKAUSAP NI HARING SAUL AT BUHAY PA. MAY ISIP AT TALINO PA RIN. HINDI TULOG.
Mateo 17:1-4 JESUS TALKED TO MOSES AND ELIJAH. Tignan mong mabuti si Elijah ay hindi tulog. Si Moises na namatay sa Moab in Deuteronomy 34:5 ay BUHAY at KAUSAP NI JESUS. Hindi naman sira ulo si Jesus para makipag-usap sa mga tulog.
Luke 16:19-31 NUNG NAMATAY SI LAZARONG PULUBI AT ANG MAYAMAN SILA AY BUHAY. ANG ISA AY NASA KALUWALHATIAN KASAMA NI ABRAHAM AT ANG MAYAMAN AY NAGHIHIRAP. SI ABRAHAM AT ANG MAYAMAN NA KAPWA PATAY NA AY NAG-UUSAP NG BUHAY NA BUHAY.
Kaya wag mong basta-basta paniniwalaan ang mga kasinungalingan ng mga naninira sa Iglesia Catolica.