Monday, February 15, 2010

ANG 'FAITH ALONE' BA AY BUONG PUSONG PANANAMPALATAYA? Part 2 Sagot ni Bro. Franz Luigi "Kapatas" Lugena

St. Paul with St. Barnabas preaching at the ruins by Giovanni Paolo Pannini
*******
Malakas po ang aking kutob na itong si John Joseph Ras ay siya ring si LG at Jon Erenicus ng Bereans. Ang lakas ng loob nito ha. Sa amin ngang mga bata ay nagtatago na ito kapag napapahiya sa Bereans Forum e. Eto po Fr. Abe ang sagot ko sa mga banat nya: [Fr. Abe: OO nga. Si LG at Jon Erenicus talaga. Nag-iba na naman ng pangalan. Dati ayaw nyang aminin sa Blog na ito na siya si Jon Erenicus, ha, ha, ha... tapos bandang huli tinanggap na niya. Ha, ha, ha... Dinalaw tayo kamakailan ni Rodimus, ngayon naman ni LG. What a treat.]

JJR: Pero ang Sola Fide po kasi na tinutukoy ng mga Repormista ay hindi basta mental na paniniwala lamang, kundi bagkus ay BUONG PUSONG pagsuko kay Jesu-Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas.

Gaano kami kasigurado na buong pusong pagsuko kay Cristo ang pananampalataya nyo kung wala namang kalakip na WORKS yang sinasabi mong faith? Sige nga, patunayan mo. Madali kasing magsabi na "buo ang pananampalataya ko kay Cristo," eh. Madali lang magclaim.gaya ng sinasabi sa bibliya:

Titus 1:16 (Ang Biblia) "Sila'y nangagpapanggap na nakikilala nila ang Dios; nguni't ikinakaila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa, palibhasa'y mga malulupit, at mga masuwayin, at mga itinakuwil sa bawa't gawang mabuti."

Marami ang nagsasabing nakikilala ang Diyos pero taliwas sa kanilang mga GAWA. So gawa ang batayan para malaman kung totoo ang pananampalataya o hindi. At gawa ang nagpapasakdal sa pananampalataya:

James 2:22 (Ang Biblia) "Nakikita mo na ang pananampalataya ay gumagawang kalakip ng kaniyang mga gawa, at sa pamamagitan ng mga gawa ay naging sakdal ang pananampalataya;"

Kung sola fide yung sainyo, hindi perfect faith yan. Walang gawa eh. Eh malinaw sa bibliya na mababasa na yung gawa ang nagpapasakdal sa pananampalataya. So faith na may kalakip na gawa ang SAVING FAITH. Hindi faith alone gaya ng sainyo.

JJR: Para po sa amin, ang Sola Fide na kinakailangan ng tao upang siya'y ariing-ganap sa paningin ng Diyos ay HINDI mental na paniniwala lamang (gaya ng inaakala ng karamihang kritiko). Bagkus, ito'y isang BUONG PUSONG pagsuko at pagtitiwala kay Cristo.

Saan sa bibliya mababasa na ang tao ay INAARING GANAP SA PANINGIN NG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG SOLA FIDE? Saan yan?

Malinaw ang mensahe ng bibliya:

James 2:24 (Ang Biblia) "Nakikita ninyo na sa pamamagitan ng mga gawa'y inaaring ganap ang tao, at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya lamang."

Sabi ng bibliya ang tao ay inaaring ganap sa pamamagitan ng gawa at HINDI SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPLATAYA LAMANG. Aba'y letra por letrang tinututulan ng bibliya pahayag mo eh. So masisisi mo ba kami na hwag kang paniwalaan? Eh merong ganitong sinabi si San Pablo eh:

Gal 1:8 (Ang Biblia) "Datapuwa't kahima't kami, o isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming ipinangangaral sa inyo, ay matakuwil."

Malinaw na nagtuturo ka ng ibang ebanghelyo na iba sa tinuro ng mga apostol eh. Sabi ng bibliya, matakwil nawa ang mga taong gayon. Kaya tinatakwil namin yang aral mo ng sola fide dahil lantarang kontra yan sa salita ng Diyos. [Fr. Abe: AMEN, PRAISE THE LORD... ITAKWIL ANG FAITH ALONE. HERESIA YAN.]

JJR: may isang makasalanan na nakarinig ng ebanghelyo tapos buong puso siyang nanalig kay Cristo; ibig bang sabihin meron na agad siyang mabubuting gawa? Siyempre wala pa. Kaka-sampalataya pa lang niya eh.

Paano mo nasabing buong pusong nanalig kay Cristo yung makasalanan eh hindi pa nga nakakasunod sa aral ni Cristo eh. Di ba? Gumagawa ka ng hypothetical na sitwasyon na walang basehan sa realidad. Masasabi mo lang na buong pusong nananalig kay Cristo ang isang tao kung nakikita yun sa kanyang gawa. Dahil gawa ang nagpapasakdal sa pananampalataya. Si Cristo na rin ang nagsabi na merong mga taong sumampalataya for a while then later eh tumalikod.

Lk 8:13 (Ang Biblia) "At ang mga sa batuhan, ay yaong mga pagkarinig, ay tinatanggap na may galak ang salita; at ang mga ito'y walang ugat, na sila sa sangdaling panaho'y nagsisisampalataya, at sa panahon ng tukso ay nagsisihiwalay." [Fr. Abe: Kapag issue ng Salvation at Justification bihira at halos ayaw ng mga Evangelical i-quote si Jesus. Lagi lang silang nasa Romans at Galatians. Ha, ha, ha... nagiging galisin tuloy ang mga rason.]

Merong mga taong tinanggap ang salita ng Diyos ng may galak pero later on eh tumalikod nung sinubok. Hindi mo pwedeng ikatwiran na kesyo "hindi sila totoong sumampalataya" kasi si Cristo mismo ang nagsabi na "sumampalataya sila sa sandaling panahon." So for that short period of time prior silang subukin, sumasampalataya sila. Pero nung dumating ang tukso, hindi nagmanifest sa gawa nila yung sinasabing faith nila. Hindi perfect yung pananampalataya kaya napahiwalay sila.

Kaya hindi basehan ang initial feelings.

1 comments:

  1. true...faith alone was used ONLY ONCE in the Bible...at yun ay para tutulan ang Sola Fide....as quoted above, ....hindi sa pamamagitan ng Pananampalataya lamang......FAITH without deed is DEAD

    ReplyDelete