Wednesday, February 3, 2010

Bakit po sa Katoliko pinapayagan na may mga tindahan sa harap ng simabahan, at kung minsan ay halos nasaloob na nang pintuan?

The Shrine of Our Lady of Perpetual Help in Baclaran. Clean and Orderly, inside and outside
********
Anonymous has left a new comment:

Father, Melon po ako tanong; nabasa ko po sa blog ni Bro Cenon noong last day sa huling post nya po may nagcomment na INC i forgot the name but ito po ang tanong.

Bakit po sa Katoliko pinapayagan na may mga tindahan sa harap ng simabahan, at kung minsan ay halos nasa loob na nang pintuan? Di po ba nasa Biblia ganito?

"At ginawa niyang isang panghampas ang mga lubid, itinaboy niyang lahat sa templo, ang mga tupa at gayon din ang mga baka; at ibinubo niya ang salapi ng mga mamamalit, at ginulo ang kanilang mga dulang; At sa nangagbibili ng mga kalapati ay sinabi niya, Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito; huwag ninyong gawin ang bahay ng aking Ama na bahay-kalakal. (Juan 2:15-16)

Oh hindi po ba? Ayaw ni Cristo nang ganiyan? Bakit sa inyo puwedeng gawing palengke o pamilihan ang harapan at compound ng inyong simbahan?

-Copy paste lang po yan na save ko sa flash drive ko ang lahat ng tanong nya magtanong sana ako sa mga kapwa ko katoliko mas mabuti na dito nalang po siguro.

-nagtatanong

salamat
*******
Dear Anonymous,
Hindi ko alam kung anong Simbahan ang tinutukoy ng INC na nagtatanong kay Bro. Cenon. At sa aking palagay ito ay sinagot na ni Bro. Cenon. Bakit? Hindi mo ba nabasa ang sagot niya?
1. Bawal ang mga nagtitinda sa mga Simbahang Catolico. Kahit lumibot ka ng buong mundo bawal yan sa mga Simbahan natin. Ang Manila Cathedral ay malinis at walang nagtitinda sa loob. Ang Quiapo, pinalayas ang mga nagtitinda. Naglagay ng guardia sa main door at pati ang plaza ng Basilica ng Nazarene ay malinis. Nasa labas ng gate ng Simbahan ang mga nagtitinda at duon sa nearby the palengke. Gayon din sa Baclaran. Malinis ang loob at labas nito. Ang mga nagtitinda ay nasa labas ng gate. Ang aming Parish Church at ang mga Cathedral ay walang nagtitinda sa loob.
2. May mga Simbahan na maliit lang ang lupa. Ang labas ng Simbahan ay hindi na privadong pag-aari ng Santa Iglesia at ito ay pampublikong lupa na. Dahil dito wala nang awtoridad na magpa-alis ang Cura Paroco sa mga nagtitinda duon. Kaya yung iba nananatili sa malapit.
3. Ang iba naman ay nandadaya. Pumapasok nang simbahan na may nakatagong paninda at kapag nasa loob na ay duon nagtitinda. Ang mga ito ay pinapalabas ng mga Sacristan at namamahala sa Simbahan.
Ang Santa Iglesia ay hindi pumapayag na gawing tindahan ang ating mga Templo at bahay dalanginan. Subalit, meron siyang puso sa mga taong gustong magtinda sa labas ng territoryo ng Simbahan. Karapatan nilang mabuhay at magtinda para sa kanilang ikabubuhay. Hindi masama ang magtinda ng mga kakanin, mga malamig na inumin at mga kandila.
Bilang mga Cristiano katungkulan din nating tulungan ang mga mahihirap na mamuhay ng marangal at ayon sa kanilang pagsisikap. Hanggang hindi pumapasok sa Simbahan ay bawal ang pagtitinda. At halos lahat ng Simbahan, hindi lang sa loob, pati sa gilid bawal.

4 comments:

  1. ok po salamat... nasagot na po...

    melon pa po last na po.. wala pa pong sagot si Bro Cenon...

    sabi po ng INC

    Isa pang tanong: Sabi po ng kaibigan kong katoliko, kahit hindi daw magsimba ay okay lang, kahit daw sa loob ng toilet puwedeng sambahin ang Dios. Grabe pala sa inyo Bro.Cenon: Sa Biblia ganito ang sabi:

    "Kundi sa dakong pipiliin ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng inyong mga lipi na paglalagyan ng kaniyang pangalan, sa makatuwid baga'y sa kaniyang tahanan ay inyong hahanapin, at doon kayo paroroon:" (Deut 12:5)

    Oh hayan sabi ng Dios sa dakong pipiliin lamang niya dapat pumunta ang tao para siya sambahin, sa tahanan niya, hindi kung saan-saan, lalo na sa toilet.

    "Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw." (Hebreo 10:25)

    Oh hayan oh, bawal pabayaan ang pagkakatipon o pagsamba, sa inyo puwede kahit hindi magsimba?

    -Gano po ito katotoo? to be honest po hindi ako nagsimba tuwing linggo.

    -nagtatanong
    salamat

    ReplyDelete
  2. Tama po si Bro. Cenon.

    May dalawang uri ng pagsamba. Personal at Ecclesial.

    Sa personal worship pwede nating gawin iyon kahit saan. Subalit ang Ecclesial ay dapat na nasa Tahanan ng Dios o Templo o Bahay Dalanginan.

    May obligasyon tayo sa Dios na sambahin sya personally pero katungkulan din natin at iniutos ng Dios na Sambahin natin Sya as a Community of Believers - Ecclesially.

    Dapat pareho natin itong ginagawa. KASALANAN PARA SA ISANG CATOLICO ANG HINDI MAGSIMBA TUWING LINGGO KASI IYAN ANG ARAW ANG ATING PANGILIN AT PAG-ALALA SA MULING PAGKABUHAY NI CRISTO. DAPAT SAMBAHIN NATIN SIYA NG SAMA-SAMA SA ARAW NA ITO.

    ReplyDelete
  3. good day po father,isa po akong katoliko,magtatanong lang po.bakit po may siyaman at apatnapuan(sa patay)tradisyon ba natin ito,paki explain naman po pls...tnx po

    ReplyDelete
  4. Dear Anonymous,

    Ang ating kaugaliang Catolico hinggil sa pag-alala sa patay ay nakabase sa buhay ng ating Panginoong Jesu-Cristo at dahil dito ay nakabatay sa Banal na Kasulatan.

    ANG PAG-ALALA NG 40 DAYS O APAT NA PUNG ARAW ay ibinase sa 40 DAYS NA INILAGI NG PANGINOONG JESUS DITO SA LUPA MULA NG SIYA AY MAMATAY AT MABUHAY HANGGANG SA SIYA AY UMAKYAT SA LANGIT. Ito ay pinatotohanan sa atin ni San Lucas:

    Act 1:1-3 "Ang unang kasaysayan na ginawa ko, Oh Teofilo, ay tungkol sa lahat na pinasimulang ginawa at itinuro ni Jesus, Hanggang sa araw na tanggapin siya sa kaitaasan, pagkatapos na makapagbigay siya ng mga utos sa pamamagitan ng Espiritu Santo, sa mga apostol na kaniyang hinirang; Na sa kanila nama'y napakita rin siyang buhay, sa pamamagitan ng maraming mga katunayan, pagkatapos na siya'y makapaghirap, na napakikita sa kanila sa loob ng APAT NA PUNG ARAW, at nagpahayag ng mga bagay tungkol sa kaharian ng Dios"

    Dahil si Cristo ay nanatili sa ating piling ng Apat na Pung Araw bago umakyat sa langit. Tayong mga Catolico ay nag-gugugol ng mataimtim na panalangin para sa mga kaluluwa ng mga namatay ng Apat na Pung araw.

    Ang pananalangin para sa kaligtasan ng iba ay hindi masama. At hindi rin masama ang gawin ito ng Apat na Pung Araw. Kasi ang mga banal na tao ay ginawa ito:

    Exodus 24:18 "At pumasok si Moises sa gitna ng ulap, at sumampa sa bundok: at si Moises ay natira sa bundok na apat na pung araw at apat na pung gabi. "

    SI MOISES AY NANALANGIN PARA SA BAYANG ISRAEL SA TUKTOK NG BUNDOK NG SINAI SA LOOB NG 40 DAYS.

    Numbers 13:25 [KJV] " And they returned from searching of the land after forty days."

    ANG MGA ISRAELITA AY NAGSUGO NG MGA SPY PARA TIGNAN ANG BAYANG PANGAKO NG 40 DAYS, BAGO SILA PUMASOK DITO. Ito ay kumakatawan sa Bayan ng Dios na bago pumasok sa kalangitan ay nananalangin ang Bayan sa loob ng 40 Days.

    1 Kings 19:8 "At siya'y bumangon, at kumain, at uminom, at siya'y yumaon sa lakas ng pagkaing yaon, na apat na pung araw at apat na pung gabi hanggang sa Horeb sa bundok ng Dios."

    SI PROFETA ELIAS, TULAD NI MOISES AY UMAKYAT DIN NG BUNDOK NG HOREB [SINAI] UPANG MANALANGIN NG 40 DAYS.

    Hindi lamang mga profeta ang gumagawa nito. Ito rin ay isinagawa mismo ng ating Panginoong Jesu-Cristo:

    Mateo 4:2 "At nang siya'y makapagayunong apat na pung araw at apat na pung gabi..."

    Ito rin ay maaaring gawin ng mga tao para sa kapatawaran ng mga KASALANAN:

    Jonas 3:4-10 [Synthesis] Nang ianunsiyo ni Propeta Jonas na 40 days na lang at wawasakin na ang Niniveh, ang mga tao ay nagsipagdasal. Nagsuot ng sako at naglagay ng mga abo sa katawan. Maging hari at mga hayop ay nag-ayuno at nanalangin. Dahil dito ay hindi winasak ang Niniveh.

    ANG 40 DAYS PRAYER NATIN SA KALULUWA AY SPECIAL NA PANALANGIN PARA SA KAPATAWARAN NG MGA KASALANAN NG NAMATAY. Tayo ay dumudulog sa Dios na linisin at patawarin ang kanyang pagkakasala tulad ng ginawa niya sa mga taga Nineveh.

    ANG NOVENA O PANANALANGIN NG 9 NA ARAW

    Ang 9 days na pananalangin ay nakabase naman sa bilang ng araw mula PAG-AKYAT SA LANGIT NI JESUS hanggang sa PENTEKOSTES NA PAGPANAOG NG ESPIRITU SANTO.

    Ang Pentecostes ay 50 days after the Death-Resurrection of the Lord. Si Mama Mary at ang mga Apostoles ay naiwan sa Jerusalem sa pananalangin from Ascension to the Descent of the Holy Spirit.

    ANG SALITANG PENTECOSTES AY HANGO SA WIKANG GRIEGO NA: Ancient Greek πεντηκοστή [ἡμέρα], pentekostē [hēmera], "the fiftieth [day]".

    At ang 9 days na iyan ay naging espesyal sa ating mga Cristiano liban lamang sa mga ngayon lang lumitaw.

    Bakit 9 days? Kung 40 ang Ascension at 40 ang Descent of the Holy Spirit dapat 10 days. KASI YUNG ISANG ARAW GINUGOL NILA SA PAGLALAKBAY MULA SA BUNDOK NG ASCENSION PABALIK SA CENACLE OR UPPER ROOM KUNG SAAN NAG-HULING HAPUNAN AT NAGPAKITA ANG PANGINOON.

    ReplyDelete