Dati: JESUS IS THE ANSWER daw. Ngayon, EDDIE SIEMPRE... Ayaw sa larawan ni Jesus pero mga larawan nya nakalagay sa mga posters at naglalakihan sa mga entablado. Naku naman... Hay, pulitika nga naman.
Anonymous said...
si bro. eddie po pabor sa death penalty
sa U.S. po pag ang isang Katoliko ay bumoto sa isang pulitiko na pabor sa abortion isa po itong kasalanan at bawal po sya tumanggap ng komunyon
nangangahulugan po ba na kasalanan para sa isang katolikong pinoy na bumoto kay bro eddie v?
salamat po
April 30, 2010 8:53 AM
Fr. Abe, CRS said...
Walang aral ang Simbahang Catolico na kasalanan ang bumoto sa kandidatong iba ang relihiyon. We are free to vote kung sino ang inaakala nating nararapat mamuno ng bansa. Hindi naman porke pro Death Penalty si Eddie Villanueva e kasalanan na ang pagboto sa kanya dahil marami namang katangian ang isang kandidato liban sa kanyang isang pananaw sa isang partikular na issue lamang.
Subalit bilang mga Catolico tayo ay tinuturuan at ginagabayan ng Santa Iglesia na bumuto ng mga Kandidatong magtataguyod ng kabutihan, moralidad at pananampalataya. Si Eddie Villanueva ba ay magiging tunay na tagapaglingkod ng bayan o kikilos lang para itaguyod ang kapakanan ng kanyang relihiyon kung saan siya ng nagtatag at nagtaguyod at namumuno? NASAAN ANG SEPARATION OF CHURCH AND STATE?
Kapag ang mga paring Catolico ay gustong tumakbo tinatanggal sila sa functions of priesthood. Subalit si Eddie Villanueva ay pastor pa rin at ginagamit ang mga Prayer Rallies nila para sa kanyang mga kampanya. Tama ba ito?
Sa ating mga Catolico magbigay lang ng opinyon sa pulitika ang mga Obispo natin e sinasabihan na agad ng pamumulitika. Si Eddie Villanueva PUNO, LIDER AT FOUNDER ng Jesus is Lord [JIL] two-time presidential candidate pa. HINDI DAPAT ISANGKALAN ANG RELIHIYON PARA SA AMBISYONG POLITICAL. Yan ang dahilang kung bakit hindi ako sang-ayon na tumakbo sa pulitica ang mga pari at pastor at ministro. Kasi kung hindi pari si Among Ed kilala ba siya ng tao? Kung hindi Born Again head pastor si Eddie Villanueva kilala ba siya ng mga tao?
ANG TAONG BAYAN ANG HUHUSGA. ISINUKA NA SIYA NOONG NAKARAANG ELECTION. TIGNAN NATIN NGAYON.
April 30, 2010 10:02 AM
.jpg)
matatalo lang uli itong si bro eddie, sayang lang pera nya, mapapahiya lang uli ang mga "propeta" nila na paniwalang paniwala sa "propesiya" na gusto ng Dyos na maging pangulo itong si bro eddie haaaayyyzzz...
ReplyDeleteKULELAT NA NGA YAN LAST PRESIDENTIAL ELECTION E TAPOS TUMAKBO PA ULI BILANG PAMPAGULO. NAKU ANG PANGARAP NGA NAMAN. PATI DIOS GINAGAMIT SA SARILING ADHIKA.
ReplyDeletemay pa-anoint-anoint kuno pa silang nalalaman sa isang prayer meeting nila(na parang pirated version ng apostolic succession), todo iyak pa yung isang babaeng pastor at todo hiyaw(cheering) naman yung mga audience...
ReplyDeletekawawa naman
Di ba KULTONG-KULTO ang dating? Punong puno ng kabaliwan at mga drama.
ReplyDeletefr. abe,
ReplyDeletemay otiridad po ba tayong mga tao na mag cast out ng demon sa loob ng katawan ng tao? at may mababasa po ba tayo sa bibliya?
[may otiridad po ba tayong mga tao na mag cast out ng demon sa loob ng katawan ng tao? at may mababasa po ba tayo sa bibliya?]
ReplyDeleteAng kapangyarihang magpalayas sa mga masasamang espiritu ay taglay ng mga Cristiano dahil sila ay kabilang sa Katawan ni Cristo. Subalit ang opisyal na Kapangyarihan ng Pagpapalayas sa Demonio na sumapi maging sa tao man [Mk 1:32/Lk 22:3] o hayup [Mt 8:31/ Mk 5:10-13] o maging sa isang lugar [Mt 12:23] ay ipinagkaloob sa mga lider ng Santa Iglesia na pinangunahan ng mga Apostoles na siyang mga unang Obispo at Pari ng Bagong Tipan:
Mt 10:7 "At samantalang kayo'y nangaglalakad, ay magsipangaral kayo, na mangagsabi, Ang kaharian ng langit ay malapit na. Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad."
Mark 6:7 "At pinalapit niya sa kaniya ang labingdalawa, at nagpasimulang sinugo sila na daladalawa; at binigyan niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu;"
Ang tawag diyan ng Santa Iglesia ay EXORCISM... pagpapalayas ng demonio sa pamamagitan ng prayer and fasting using the official authority of the Church given by Jesus. Ang Panginoong Jesus ang nagpapalayas ng demonio sa pamamagitan ng Santa Iglesia at ng Pari na siyang ministro ni Cristo.
kulelat na naman si bro. eddie
ReplyDeleteNGAYON ALAM NA NATIN KUNG ANUNG KLASENG DIOS ANG NAKAUSAP NYA AT NAGSABI NA INILALAAN SIYANG LIDER NG SAMBAYANANG PILIPINO.
ReplyDeleteKatoliko ako pero never akong boboto sa mga religious leader na tumatakbo sa government positions! hindi maganda tingnan!
ReplyDelete