*******
This prayer is now dissiminated by Sodalitium Internationale Pastor Angelicus. Fr. Abe, CRS translated the English version by request of a fellow Defensores Fidei member, Bro. Carlos Antonio Palad.
O Jesus, walang-hanggan at kataas-taasang Pari, Iyong minabuti na itanghal sa tugatog ng karangalan ang Iyong Vicario dito sa Daigdig, ang iyong tapat na abang-lingkod Papa Pio XII at sa kanya Iyong pinagkaloob ang grasya ng pagiging magiting na tagapagtanggol ng pananampalataya at walang takot na tagapagpatupad ng katarungan at kapayapaan, isang debotong tagapagparangal ng Iyong Banal na Ina at busilak na huwaran ng pag-ibig at ng lahat ng virtud. Marapatin Mo nawa ngayon, dahil sa kanyang mga merito, na pagkalooban kami ng grasyang isinasamo namin sa Iyo. Nakatitiyak po kami na mabisa ang kanyang mga panalangin at umaasa po kami na darating ang dakilang araw na siya ay itatanghal sa kaluwalhatian ng Iyong mga altar. Amen.

.jpg)
0 comments:
Post a Comment