Friday, April 30, 2010

TUGON SA HAMON NG ANONYMOUS MANALISTA

Christ in Heaven

This message was received by my inbox way back January 2010. I was not able to give it attention due to hectic schedules and the number of messages piled up and only recently did it get catch my attention. Here it is and my response:

Anonymous has left a new comment on your post "SINO BA ANG DIOS NG ROMAN CATHOLIC CHURCH?":

Kung magaling kayo sa Christology, sige nga kaya nyo bang sagutin ito: (kapag nasagot nyo yan, sa tingin ko may kakayahan na kayong matalo mga ministro namin)

1) Ano masasabi nyo sa 1 Cor. 15:47 na taong galing sa langit na yun si Cristo?

2) Ano masasabi nyo sa 1 Timoteo 2:5 at Juan 8:40 na pagkakilala ni Pablo at Cristo sa talata ay tao si Cristo?

3) Ano rin masasabi nyo sa Juan 17:3 na sabi ni Cristo na "makilala ka nilang iisang DIOS na tunay" at hindi "makilala tayong iisang DIOS na tunay"?

4) Alam nyo ba na paniniwalang pagano na yung DIOS eh nagkatawang tao kasi si Pablo at Bernabe napagkamalang mga dios na bumaba sa lupa sa Listra? (Gawa 14:8-15)

5) Ano masasabi nyo na anak rin ng DIOS si Adam? kasi sa inyo ang anak ng DIOS eh DIOS rin po tama? (Luke 3:38)

Padre, dito na kayo sumagot para di kayo gumawa pa ng isang blog.

peace tayo Padre ah. magalang ako magsalita ngayon I hope for your nice reply. di kayo mga ADD na nakaugalian ng iba sa kanila na manigaw o magmura kapag naatake

nga pala Padre, may youtube video ka bang maipapakita na natalo ng sinong Katoliko ang isa sa ministro namin na ang paksa sa debate ay PAGKADIOS NI CRISTO?

kung wala kayong maipakita, meaning lagi kaming nananalo doon.

Posted by Anonymous to The Splendor of the Church at January 16, 2010 12:30 PM
______________________________________
REPLY OF FR. ABE:

[Kung magaling kayo sa Christology, sige nga kaya nyo bang sagutin ito: (kapag nasagot nyo yan, sa tingin ko may kakayahan na kayong matalo mga ministro namin)]

NAG-ILUSYON KA NAMAN. AKALA MO BA AY GANON KAHIRAP ANG MGA KATANUNGAN MO. WAG KANG MANGARAP NG DILAT. WALANG PASKO SA BUWAN NG MAYO.

[1) Ano masasabi nyo sa 1 Cor. 15:47 na taong galing sa langit na yun si Cristo?]

YAN AY PABOR SA IGLESIA CATOLICA KASI WALANG SINASABI D’YAN NA SI CRISTO AY ‘TAO LANG’ AT WALA RING SINASABI NA “SI CRISTO AY HINDI DIOS”. NANINIWALA KAMI NA SI CRISTO AY TAONG GALING SA LANGIT DAHIL SIYA AY DIOS NA NAGKATAWANG TAO. KAYA NGA TAO NA GALING SA LANGIT. PERO BAGO SYA NAGING TAO DIOS SIYA AT HINDI NAWAWALA ANG KANYANG PAGKADIOS.

Kung si Cristo ay TAO LANG dapat ang kanyang katawan ay KATAWANG LUPA... YARI SA ALABOK dahil ang TAO LANG tulad ni Adan at n gating mga katawan ay galing sa ALABOK NG LUPA at NAGBABALIK SA ALABOK. Ganito ang sabi ng Biblia:

Gen 2:7 “At nilalang ng Panginoong Dios ang TAO sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay.”

Ngayon, si Cristo ay GALING SA LANGIT AT HINDI SA LUPA. Ibig sabihin HINDI SYA TAO LANG. Siya ay Dios na NAGKATAWANG TAO. Ito ay pinatutunayan ni San Juan Evangelista:

John 1:1 Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ANG VERBO AY DIOS.

Kitam, ANG VERBO AY DIOS. Hindi Tao lang! Isa pa, si Adan ang unang Tao hindi si Cristo. Subalit ang sabi sa PASIMULA siya ang Verbo. Ibig sabihin wala pa ang daigdig at ang tao nasa langit na si Cristo bilang DIOS. Naging tao lamang siya ng NINAIS Niyang MAGKATAWANG TAO:

John 1:14 At NAGKATAWANG-TAO ANG VERBO, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.

ANG VERBO DATING HINDI TAO; SIYA AY DATING DIOS. NAGING TAO SIYA NG NAGKATAWANG TAO. KAYA TUNAY NA DIOS AT TUNAY NA TAO. SINASABI NG BIBLIA NA SIYA AY DIOS. SABI RIN NG BIBLIA SIYA AY TAO. KAYA ANG TAMANG DOCTRINA: SI CRISTO AY DIOS AT TAO. ITO ANG ARAL NG IGLESIA CATOLICA.

[2) Ano masasabi nyo sa 1 Timoteo 2:5 at Juan 8:40 na pagkakilala ni Pablo at Cristo sa talata ay tao si Cristo?]

GANON DIN. WALANG SINASABI SA TALATA NA SI CRISTO AY ‘TAO LANG’. WALA RING SINASABI SA MGA TALATANG IYAN NA SI CRISTO AY ‘HINDI DIOS’. HINDI NAMAN NAMIN SINASABI NA HINDI TAO SI CRISTO E. Anong salungat duon? May salungatan kung sinasabi naming 'HINDI TAO SI CRISTO'. He, he, he...

[3) Ano rin masasabi nyo sa Juan 17:3 na sabi ni Cristo na "makilala ka nilang iisang DIOS na tunay" at hindi "makilala tayong iisang DIOS na tunay"?]

SIEMPRE ANG INTENSIYON NI CRISTO AY LUWALHATIIN ANG AMA HINDI ANG KANYANG SARILI. SUBALIT ANG NAGLUWALHATI KAY CRISTO AY ANG DIOS AMA AT ANG ESPIRITU SANTO NA NAGBIGAY NG INSPIRASYON SA BIBLIA:

Heb 1:8 Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian.

YAN ANG SABI NG DIOS AMA. ANG ANAK AY DIOS. KINIKILALA NI CRISTO NA DIOS ANG AMA AT ANG AMA KINIKILALA NA DIOS SI CRISTO. ANG INC TALIWAS SA SALITA NG AMA.

NGAYON, MAY NAKASULAT BA SA BIBLIA NA ‘PEKENG DIOS’ SI CRISTO? KUNG ANG AMA ANG NAGSABI NA DIOS SI CRISTO E DI TUNAY NA DIOS SIYA.

[4) Alam nyo ba na paniniwalang pagano na yung DIOS eh nagkatawang tao kasi si Pablo at Bernabe napagkamalang mga dios na bumaba sa lupa sa Listra? (Gawa 14:8-15)]

Tignan natin at pag-aralan ang talatang iyan:

Act 14:8 At sa Listra ay may isang lalaking nakaupo, na sa mga paa'y walang lakas, pilay mula pa sa tiyan ng kaniyang ina, na kailan ma'y hindi nakalakad.
Act 14:9 Narinig nitong nagsasalita si Pablo: na, nang titigan siya ni Pablo, at makitang may pananampalataya upang mapagaling,

Act 14:10 Ay nagsabi ng malakas na tinig, Magtindig kang matuwid sa iyong mga paa. At siya'y lumukso at lumakad.

Act 14:11 At nang makita ng karamihan ang ginawa ni Pablo, ay nagsigawan sila, na sinasabi sa wikang Licaonia, Ang mga dios ay nagsibaba sa atin sa anyo ng mga tao.

Act 14:12 At tinawag nilang Jupiter, si Bernabe; at Mercurio, si Pablo, sapagka't siya ang pangulong tagapagsalita.

Act 14:13 At ang saserdote ni Jupiter na ang kaniyang templo ay nasa harap ng bayan, ay nagdala ng mga baka't mga putong na bulaklak sa mga pintuang-daan, at ibig maghaing kasama ng mga karamihan.

Act 14:14 Datapuwa't nang marinig ito ng mga apostol, na si Bernabe at si Pablo, ay hinapak nila ang kanilang mga damit, at nagsipanakbo sa gitna ng karamihan, na nagsisigaw,

Act 14:15 At nagsisipagsabi, Mga ginoo, bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na ito? Kami'y mga tao ring may mga karamdamang gaya ninyo, at nangagdadala ng mabubuting balita sa inyo, upang mula sa mga bagay na itong walang kabuluhan ay magsibalik kayo sa Dios na buhay, na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat, at ng lahat ng nasa mga yaon:

Act 14:16 Na nang mga panahong nakaraan ay pinabayaan niya ang lahat ng mga bansa ay magsilakad sa kanilang mga sariling daan.

Act 14:17 At gayon man ay hindi nagpabayang di nagbigay patotoo, tungkol sa kaniyang sarili, na gumawa ng mabuti at nagbigay sa inyo ng ulang galing sa langit at ng mga panahong sagana, na pinupuno ang inyong mga puso ng pagkain at ng katuwaan.

Act 14:18 At sa mga pananalitang ito ay bahagya na nilang napigil ang karamihan sa paghahain sa kanila.

Ayan malinaw ang sabi ng mga Pagano sa v. 12. Ang aral nila ang mga dios-diosan na bumaba sa lupa ay si JUPITER at si MERCURIO. ANG TURO NILA ANG MGA PAGANONG DIOS NILA AY ‘BUMABA sa lupa’.

ANG TURO NG MGA CATOLICO SI CRISTO AY DIOS NA NAGKATAWANG-TAO. HINDI DIOS NA BUMABA SA LUPA. KUNDI NAGKATAWANG TAO. ITO AY BASE SA JOHN 1:1 AT JOHN 1:14:

John 1:1 Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ANG VERBO AY DIOS.

Kitam, ANG VERBO AY DIOS. Hindi Tao lang! Isa pa, si Adan ang unang Tao hindi si Cristo. Subalit ang sabi sa PASIMULA siya ang Verbo. Ibig sabihin wala pa ang daigdig at ang tao nasa langit na si Cristo bilang DIOS. Naging tao lamang siya ng NINAIS Niyang MAGKATAWANG TAO:

John 1:14 At NAGKATAWANG-TAO ANG VERBO, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan

[5) Ano masasabi nyo na anak rin ng DIOS si Adam? kasi sa inyo ang anak ng DIOS eh DIOS rin po tama? (Luke 3:38)]

Ang lahat ng tao ay anak ng Dios dahil nilikha tayo ng Dios. Subalit si Cristo ay UNIQUE kesa ke Adan at sa ating lahat. DAHIL SI CRISTO AY DIOS... KAYA NGA ANG TAWAG SA KANYA AY BUGTONG NA ANAK NG AMA. IBIG SABIHIN PAREHO SILA NG KALIKASAN NG AMA.

ANG PAGKADIOS NI CRISTO AY DALISAY NA PINATOTOHANAN NG BIBLIA:

ANG BIBLIA AY TINAWAG DIN SI CRISTONG IISA AT TUNAY NA DIOS! Saan natin mababasa yan? Dito po:

JOHN 1:18 [New International Version] "No-one has ever seen God, but GOD THE ONE AND ONLY, who is at the Father's side, has made him known."

SINO PO ANG TINAWAG NA 'GOD THE ONE AND ONLY'? ANG ANAK PO NA NAKALUKLOK SA KANAN NG AMA. SI CRISTO PO IYAN. MATINDING SALIN NGA PO IYAN NG BIBLIA SAPAGKAT TINAWAG SI CRISTO NA IISANG DIOS AT KAISA-ISANG DIOS = 'ONE AND ONLY'!!!

Meron pa pong isa pang Katibayan:

JOHN 1:18 [Contemporary English Version] "No one has ever seen God. The only Son, who is TRULY GOD and is closest to the Father, has shown us what God is like."

AYAN. MALINAW NA MALINAW. ANG ANAK AY TUNAY NA DIOS = TRULY GOD. HINDI PEKENG DIOS. HINDI DIOS-DIOSAN. HINDI MABABANG DIOS. KUNDI TUNAY NA DIOS.

SI CRISTO AY TUNAY NA DIOS AT IISANG DIOS AYON SA BIBLIA. AT ITO AY PINAGTIBAY NG AMA MISMO.

NGAYON, SAGUTIN MO AKO. SAAN MAKIKITA SA BIBLIA NA ‘TAO LANG SI CRISTO’? SAAN MABABASA SA BIBLIA NA ‘SI CRISTO AY HINDI DIOS’?

[Padre, dito na kayo sumagot para di kayo gumawa pa ng isang blog.]
Bakit saan pa ba ako sasagot? Isa lang naman ang Blog ko, meron ba akong ibang Blog? He, he, he...

[peace tayo Padre ah. magalang ako magsalita ngayon I hope for your nice reply. di kayo mga ADD na nakaugalian ng iba sa kanila na manigaw o magmura kapag naatake]

Yes, magalang ka. Walang murahan. Doctrina at Talata lang tayo. He, he, he...

[nga pala Padre, may youtube video ka bang maipapakita na natalo ng sinong Katoliko ang isa sa ministro namin na ang paksa sa debate ay PAGKADIOS NI CRISTO?]

YES, ANG KEATING-VENTILACION DEBATE. WASAK SI VENTILACION MO DUON.

[kung wala kayong maipakita, meaning lagi kaming nananalo doon.]

ILUSYON MO LANG IYAN.

10 comments:

  1. NICE ONE PADRE! ANG PROBLEMA NA YAN AY ACTUALLY HINDI NAMAN PROBLEMA...WHAT WE BELIEVE IS VERY CLEAR JESUS IS TRULLY HUMAN..AND ALSO TRULLY DIVINE...UNDEBATABLE NA..KASI NOON PA SINAGOT NA YAN NG MGA EARLY CHURCH FATHERS NATIN...SUGGESTION KO SA NAGPAPADALA SA LETTER NA YAN MAGRESEARCH SYA TUNGKOL SA ARIANISM...BAKA ARIAN YONG PANINIWALA NILA...

    ReplyDelete
  2. Arian Doctrine talaga ang tangan nila Brother. Kinopya lang nila ang mga argumento ni Arius at ni Mohammad.

    ReplyDelete
  3. Bro. Jub AlabastroMay 1, 2010 4:14 PM

    Good day po Fr. Abe!

    First of all it is nice to read your writings again! We miss your works for a month now. It is good you are back and refreshed by the grace of God in your retreat. Second, nanghahamon yung INC kung may maipakita ba tayo na video debate. Call ako diyan.

    http://www.youtube.com/watch?v=3XGAOpBWSKA

    Ito ba ang isa sa pinagmamalaki nilang ministro? Sayang di niya alam kung ano pa ang nangyari sa ministro nila sa Grand debate sa Dipolog City way back 1981. Here's the link:

    http://catholicfaithdefender.wordpress.com/2008/07/30/catholic-faith-defenders-vs-iglesia-ni-cristo-debate/

    Bro. Jub Alabastro

    ReplyDelete
  4. Ha, ha, ha... Thank you very much Bro. Jub. I forgot to give the SOC FERNANDEZ VS. INC MINISTER DEBATE. The Iglesia ni Manalo failed miserably. Thank you for the links and for reminding me about our videos of the said debates. Thank you for the support. GOD BLESS THE CATHOLIC FAITH DEFENDERS [CFD] OF THE SOUTH.

    ReplyDelete
  5. Yes it is true Fr. and that they were defeated to many debates against our Catholic apologist and they cannot refute that.

    ReplyDelete
  6. Tutuo Bro. Noel. That is the reason why they do not show the complete videos of the Debate copies. They are hiding them.

    ReplyDelete
  7. Very Well Said Father! The only thing missing is the logic behind their arguments.

    Heresy really does repeat itself!

    Nicely done Father! You encouraged me to stand firm!

    God Bless you in this "Blog Ministry" hehe..

    - Gino Paradela; Education Student, Cebu City

    ReplyDelete
  8. THANK YOU GINO.

    MAY YOU BE FILLED WITH THE HOLY SPIRIT TO STUDY THE CATHOLIC FAITH AND DEFEND HER ALSO.

    GOD BLESS YOU.

    ReplyDelete
  9. Who,though he was in the form of GOD, did not regard equality with GOD something to be grasped. Rather, he emptied himself, taking the form of a slave, coming in human likeness;and found human in appearance,he humbled himself, becoming obedient to death, even death on a cross....Philippians 2:6-8..

    ReplyDelete
  10. Sapagka't sa kaniya'y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman," (Colossians 2:9)..

    mga INCorporated marunong ba kayo umintindi ng SUPERLATIVE DEGREE??? BUONG KAPUSPUSAN NG PAGKA DIOS.. HINDI LANG SILA SA KABANALAN MAG KAPAREHO NG AMA BUONG KAPUSPUSAN NGA EH..^_^ BUONG BUO NA NAIHAYAG AYON SA LAMAN. SI KRISTO AY DIOS NA NAGKA TAWANG TAO.

    ReplyDelete