Anonymous said...
Father , bagama't may mga lugar sa bibliya na sinasabing ang Panginoong Jesus ang Dyos, bakit po may mga parte sa bibliya na kung i-addres ang Panginoong Jesus eh parang hinihiwalay yung pagkaDyos nya? tulad nung sa 1 cor 1:3 hindi naman po sinasabing hindi Dyos ang Panginoong Jesus pero bakit po parang hinihiwalay ang pagkaDyos NYA? marami pong salamat
May 19, 2010 10:41 AM
Fr. Abe, CRS said...
Dear Anonymous,
Walang sinasabi sa 1 Cor 1:3 na hindi Dios ang Panginoong JesuCristo at wala ring sinasabi d'yan na hiwalay ang pagka Dios niya.
Ang talata ay nagpapahayag lamang ng 'Distinction' ng Dios Ama at ng Panginoong Jesu Cristo. Yan ay tumutugma sa Apostolic Creed ng Iglesia Catolica: "Sumasampalataya ako sa Dios Amang Makapangyarihan sa lahat... Sumasampalataya naman ako kay Jesu-Cristo iisang Anak ng Dios, Panginoon nating lahat..."
Walang duda at pasubali na ang Ama ay Dios. Subalit ang terminong Panginoong Jesu Cristo ay nagpapakilala rin ng Pagka Dios ni Cristo. Sapagkat walang ibang Panginoon kundi ang Dios:
Deut 4:39 "Talastasin mo nga sa araw na ito na ANG PANGINOON AY SIYANG DIOS sa itaas sa langit at sa ibaba sa lupa; wala nang iba pa."
Paano yon? Kung magkaiba ang Ama at si Jesus bakit tinatawag na iisang Panginoon si Jesus gayong ang Dios lamang ang Panginoon:
Eph 4:5-6 "Iisang PANGINOON, isang pananampalataya, isang bautismo, isang DIOS..."
Papano yan?
Ang sagot ng ating Santa Iglesia ay:
1. Ang Ama at ang Anak ay iisang Panginoon at iisang Dios dahil iisa sila:
John 10:30 "AKO AT ANG AMA AY IISA."
Iisa sila. Bakit sila iisa? Kasi isa ang kanilang 'being' o 'existence'. Iisa ang kanilang substantia o essencia. Ano yon? ANG PAGKADIOS.
Pero bakit sa 1 Cor 1:3 sabi mo hiwalay ang Ama at ang Anak? Hindi sila hiwalay kundi may 'distinction' of Person. Yung isa ay Ama at ang isa ay Anak. IISA ANG PAGKADIOS, ONE IN SUBSTANCE AND IN ESSENCE, ONE IN BEING PERO DISTINCT O MAY PAGKAKAIBA SA PERSONA.
ONE IN DIVINITY, DISTINCT IN PERSON.
May 19, 2010 11:12 AM

.jpg)
Marami pong salamat! ang bilis! hihihihi
ReplyDeletesamantalahin ko na rin po habang nandito pa ako...
may narinig po kasi akong mga apologist na nagsasabi na kaya daw po nasabi ni San Pablo yung "you are saved by grace and not of yourselves" sa ephesians 2:8 ay dahil may mga ephesians daw po na nagmamalaki na yung pagan works daw po yung dahilan kaya sila na-"save"(converted to Christianity) ...kumbaga gusto daw po linawin ni Saint Paul na hindi yung mga pagan works na yun yung dahilan kung bakit sila naconvert sa Katolisismo kundi ang initiative at grasya ng Dyos...
tama po ba ang sinabi nila? maraming maraming salamat po
Fr. Abe sana po makabisita kayo dito sa Dasma. City Cavite.
ReplyDeleteDear Anonymous,
ReplyDeleteHindi ko alam kung anong context sinabi iyan ng Apologist na tinuran mo. Subalit kung titignan natin ang kanyang statement sa merito nito ay masasabi kong tama ang kanyang sinabi in a certain sense.
Tama siya sa pagsasabi na ang conversion from paganism to Christianity ay bunga ng grasya ng Dios hindi ng gawa ng tao. Dahil bukod tanging Dios lamanng ang makakapagbago ng lubusan sa puso ng tao.
Subalit, kung susuriin natin ang theolohiya ni Pablo hindi pagan works ang tinutukoy nya roon kundi ang MOSAIC LAW. Si Pablo ay sumusulat sa mga Christians ng Ephesus na kinabibilangan ng maraming Judio na namumuhay sa lugar na iyon na sumampalataya na kay Cristo. Pinapaliwanag ni San Pablo na ang kaligtasan ay nakamit natin o nila hindi dahil sa paggawa nila sa mga probisyon ng mga Batas ni Moises o tinatawag na Torah, kundi dahil sa grasya o kagandahang loob ng Dios.
Madalas gamitin ng mga Born Again ang talatang iyan para patunayan ang JUSTIFICATION BY FAITH ALONE. Kasi nga daw hindi sa GAWA. Subalit, hindi GOOD WORKS ang pinabubulaan diyan kundi ang mga gawa ng Kautusan. Kaya nga sa kanyang Epistula sa mga taga Roma ay GAWA NG KAUTUSAN ang madalas gamitin na termino.
Hinggil sa mabuting gawa kung kailangan ba natin ito malinaw ang sagot ni Pablo sa kasunod na talata:
Eph 2:10 "Tayo'y kanyang nilalang, nilikha sa pamamagitan ni Cristo Jesus upang iukol natin ang ating buhay sa PAGGAWA NG MABUTI, na itinalaga na ng Diyos para sa atin nuon pa mang una."
Tignan mong mabuti. Hindi pwede ang PANANAMPALATAYA LAMANG dyan. KUNDI GRACE + FAITH + GOOD WORKS. Ang paggawa ng mabuti ay inilaan na sa atin nuon pang una. Hindi natin ito pwedeng alisin.
KAYA TAMA ANG IGLESIA CATOLICA SA PAGTUTOL SA 'JUSTIFICATION BY FAITH ALONE' SA HALIP ANG ATING DOCTRINA: "JUSTIFICATION BY FAITH AND GOOD WORKS". ITO ANG BIBLICAL DOCTRINE.
Hopefully I can visit there. God willing. When I was still in Tagaytay City as a Seminarian we used to visit Dasma. Now I am assigned quite afar from the place. God bless you.
ReplyDeleteFr. Abe, Before I will subscribe to "justification by faith and good works", hindi ba delikado rin iyan? Di ba nakakalito rin? Ano kaya kuing sabihin natin "living faith" Yong faith na hindi patay? (James) Kasi ito ang tingin ko, faith can only be faith when it is lived. O di ba Father/ So tama na rin ang faith and good works pero dilekado kasi protestants tend say "faith plus works" ang ating theology of salvation. In my own opinion, can it be "living faith" so that it would look that a faith without works is dead. Hehehe, just to steer and stir up FatherAbs! Anyway thank you so much.
ReplyDeleteIll just keep in touch.
Ang FAITH ALONE ay heretical and dangerous dahil ito ay directang ISINUKA NG BIBLIA. St. James stated that Justification is NOT BY FAITH ALONE. Kaya ang Faith Alone is unacceptable.
ReplyDeleteAnong delikado at nakalilito sa Faith and Good Works? Wala. Kasi sabi ni St. James "You see then that man is justified BY WORKS ALSO and NOT BY FAITH ALONE" [James 2:24]. So, Justification is by Faith and Works... combined no more, no less.
How about "living faith"? Yan ang delikado kaso it can be interpreted as Faith Alone dahil nawala ang work e. It appears as if work is not important. The phrase is good by itself but it can be easily manipulated by Protestants to make it appear as if FAITH ALONE is necessary.
The problem is that FAITH and WORK are distinct from one another. Thus, both must be stated to clear, precise and specific: JUSTIFICATION BY FAITH AND GOOD WORK.