The Patriarch Abraham with his family and cattle leaving his father's house to obey the Will of God.
Anonymous said...
Marami pong salamat! ang bilis! hihihihi
samantalahin ko na rin po habang nandito pa ako...
may narinig po kasi akong mga apologist na nagsasabi na kaya daw po nasabi ni San Pablo yung "you are saved by grace and not of yourselves" sa ephesians 2:8 ay dahil may mga ephesians daw po na nagmamalaki na yung pagan works daw po yung dahilan kaya sila na-"save"(converted to Christianity) ...kumbaga gusto daw po linawin ni Saint Paul na hindi yung mga pagan works na yun yung dahilan kung bakit sila naconvert sa Katolisismo kundi ang initiative at grasya ng Dyos...
tama po ba ang sinabi nila? maraming maraming salamat po
May 19, 2010 11:56 AM
Fr. Abe, CRS said...
Dear Anonymous,
Hindi ko alam kung anong context sinabi iyan ng Apologist na tinuran mo. Subalit kung titignan natin ang kanyang statement sa merito nito ay masasabi kong tama ang kanyang sinabi in a certain sense.
Tama siya sa pagsasabi na ang conversion from paganism to Christianity ay bunga ng grasya ng Dios hindi ng gawa ng tao. Dahil bukod tanging Dios lamanng ang makakapagbago ng lubusan sa puso ng tao.
Subalit, kung susuriin natin ang theolohiya ni Pablo hindi pagan works ang tinutukoy nya roon kundi ang MOSAIC LAW. Si Pablo ay sumusulat sa mga Christians ng Ephesus na kinabibilangan ng maraming Judio na namumuhay sa lugar na iyon na sumampalataya na kay Cristo. Pinapaliwanag ni San Pablo na ang kaligtasan ay nakamit natin o nila hindi dahil sa paggawa nila sa mga probisyon ng mga Batas ni Moises o tinatawag na Torah, kundi dahil sa grasya o kagandahang loob ng Dios.
Madalas gamitin ng mga Born Again ang talatang iyan para patunayan ang JUSTIFICATION BY FAITH ALONE. Kasi nga daw hindi sa GAWA. Subalit, hindi GOOD WORKS ang pinabubulaan diyan kundi ang mga gawa ng Kautusan. Kaya nga sa kanyang Epistula sa mga taga Roma ay GAWA NG KAUTUSAN ang madalas gamitin na termino.
Hinggil sa mabuting gawa kung kailangan ba natin ito malinaw ang sagot ni Pablo sa kasunod na talata:
Eph 2:10 "Tayo'y kanyang nilalang, nilikha sa pamamagitan ni Cristo Jesus upang iukol natin ang ating buhay sa PAGGAWA NG MABUTI, na itinalaga na ng Diyos para sa atin nuon pa mang una."
Tignan mong mabuti. Hindi pwede ang PANANAMPALATAYA LAMANG dyan. KUNDI GRACE + FAITH + GOOD WORKS. Ang paggawa ng mabuti ay inilaan na sa atin nuon pang una. Hindi natin ito pwedeng alisin.
KAYA TAMA ANG IGLESIA CATOLICA SA PAGTUTOL SA 'JUSTIFICATION BY FAITH ALONE' SA HALIP ANG ATING DOCTRINA: "JUSTIFICATION BY FAITH AND GOOD WORKS". ITO ANG BIBLICAL DOCTRINE.
May 19, 2010 3:24 PM
.jpg)
Fr. Abe, may question lang po ako. Magka-kontra ba ang sinasabi ng Romans 4:2 at James 2:21? Thanks.
ReplyDeleteTignan nating ang dalawang talatang iyong binanggit:
ReplyDeleteRom 4:2 Sapagka't kung si Abraham ay inaring-ganap sa pamamagitan ng mga gawa, ay mayroon sana siyang ipagmamapuri; datapuwa't hindi sa Dios.
Jas 2:21 Hindi baga ang ating amang si Abraham ay inaring ganap sa pamamagitan ng mga gawa, dahil sa kaniyang inihain si Isaac na kaniyang anak sa ibabaw ng dambana?
Walang salungatan ang mga iyan. Sa Rom 4:2 pinapaliwanag ni Pablo na ang kaligtasan o ang pag-aaring ganap [Justification] ay nagmumula sa Dios. Ang Dios ang bukal ng kaligtasan at pagpapawalang sala ng tao. Kaya mali na sabihing ang Gawa ang nagpapawalang sala. Ang kaligtasan ay sa Dios lamang nagmumula. Pinakikita ng talatang ito ang kahalagahan ng pananampalataya.
Sa James 2:21 naman pinapaliwanag ni San Santiago na ang pananampalatay ni Abraham ay kanyang pinatunayan at ipinakita sa pamamagitan ng kanyang gawa. Anong gawa? Pagsunod sa Dios lalo na sa utos na ialay si Isaac. Walang sinasabi si San Santiago na ang gawa ang pinagmumulan ng pag-aaring ganap kaya hindi sila salungat. Pinapahayag lamang ni San Santiago na ang tunay na pananampalataya ay may kaakibat na gawa.
Ang dalawang verses na ito ay hindi sumasalungat sa JUSTIFICATION BY FAITH AND GOOD WORKS NG IGLESIA CATOLICA. Kasi walang sinabi si Pablo na ang Pag-aaring Ganap ay sa pamamagitan ng PANANAMPALATAYA LAMANG at wala ring sinasabi si Pablo na hindi na kailangan ang gawa. Si Santiago naman nagsasabing ang pananampalatayang walang gawa ay patay. Kaya ng dalawang talatang ito ay sumusuporta at nagbibigay linaw sa isat-isa.
MAHALAGA ANG PANANAMPALATAYA AT DAHIL DITO TAYO AY INARING GANAP SUBALIT ANG PANANAMPALATAYA NATIN AY DAPAT NA MAIPAHAYAG SA GAWA. KAYA FAITH + GOOD WORKS.