Anonymous said...
Fr. Abe, may question lang po ako. Magka-kontra ba ang sinasabi ng Romans 4:2 at James 2:21? Thanks.
May 19, 2010 7:40 PM
Fr. Abe, CRS said...
Tignan nating ang dalawang talatang iyong binanggit:
Rom 4:2 "Sapagka't kung si Abraham ay inaring-ganap sa pamamagitan ng mga gawa, ay mayroon sana siyang ipagmamapuri; datapuwa't hindi sa Dios."
Jas 2:21 "Hindi baga ang ating amang si Abraham ay inaring ganap sa pamamagitan ng mga gawa, dahil sa kaniyang inihain si Isaac na kaniyang anak sa ibabaw ng dambana?"
Walang salungatan ang mga iyan. Sa Rom 4:2 pinapaliwanag ni Pablo na ang kaligtasan o ang pag-aaring ganap [Justification] ay nagmumula sa Dios. Ang Dios ang bukal ng kaligtasan at pagpapawalang sala ng tao. Kaya mali na sabihing ang Gawa ang nagpapawalang sala. Ang kaligtasan ay sa Dios lamang nagmumula. Pinakikita ng talatang ito ang kahalagahan ng pananampalataya.
Sa James 2:21 naman pinapaliwanag ni San Santiago na ang pananampalatay ni Abraham ay kanyang pinatunayan at ipinakita sa pamamagitan ng kanyang gawa. Anong gawa? Pagsunod sa Dios lalo na sa utos na ialay si Isaac. Walang sinasabi si San Santiago na ang gawa ang pinagmumulan ng pag-aaring ganap kaya hindi sila salungat. Pinapahayag lamang ni San Santiago na ang tunay na pananampalataya ay may kaakibat na gawa.
Ang dalawang verses na ito ay hindi sumasalungat sa JUSTIFICATION BY FAITH AND GOOD WORKS NG IGLESIA CATOLICA. Kasi walang sinabi si Pablo na ang Pag-aaring Ganap ay sa pamamagitan ng PANANAMPALATAYA LAMANG at wala ring sinasabi si Pablo na hindi na kailangan ang gawa. Si Santiago naman nagsasabing ang pananampalatayang walang gawa ay patay. Kaya ng dalawang talatang ito ay sumusuporta at nagbibigay linaw sa isat-isa.
MAHALAGA ANG PANANAMPALATAYA AT DAHIL DITO TAYO AY INARING GANAP SUBALIT ANG PANANAMPALATAYA NATIN AY DAPAT NA MAIPAHAYAG SA GAWA. KAYA FAITH + GOOD WORKS.
May 20, 2010 6:53 PM

.jpg)
0 comments:
Post a Comment