Friday, June 25, 2010

PERFECTO BA SI CRISTO NUNG NAMUMUHAY SIYA SA LUPA BILANG TAO?

The Risen Lord and Mary Magdalene in the scene called: NOLI ME TANGERE [Touch Me not].

Anonymous said...

Meron po akong prof. ngayong college na tinanong po kami kung perpect daw po ba si Jesus christ. Sumagot po ako na " Opo " and he said na sigurado ka? Hindi ba siya nagkaroon ng even a little mistake? Tapos nag example pa po sya about doon kay Mary Magdalene. Matanong ko lang po Father Abe kung si Jesus Christ po ba noong nagkatawang tao siya eh nagkamali ? or did He commit any mistake... Sabi po kasi ng prof. ko eh hindi po siya perfect. ano po ba tlga?

June 25, 2010 8:32 PM

Fr. Abe, CRS said...

Dear Anonymous,

Para sa ating pananampalatayang Catolico si Jesus ay DIOS NA TOTOO at TAONG TOTOO. Siya ay DIOS NA NAGKATAWANG TAO. Dahil dito siya ay Perfecto at hindi maaaring magkamali bilang Dios. Hindi rin siya nagkamali kahit na sa maliit na bagay bilang Tao sapagkat ang Kanyang Pagka-Dios ay nanatili na kaisa ng Kanyang PagkaTao dito sa Lupa. Hindi naghiwalay ang Kanyang PagkaDios at PagkaTao sa anumang pagkakataon.

Dahil siya ay Dios:

1. Wala siyang Kasalanan.
2. Siya ay Almighty or All-Powerful
3. Siya ay All-knowing or Omniscient

Kaya hindi Siya mamaaring magkamali o magkasala.

Bilang tao naman:

1. Siya ay limitado ng katawang laman.
2. Siya ay nakararanas ng hirap, pagod at maaaring mamatay.
3. Limitado ang kanyang presensia at ang kanyang magagawa bilang tao.

Subalit, ang pagiging limitado ay hindi nangangahulugang may mali siyang ginawa o may nagawa siyang kasalanan.

Yung sinasabi ng professor mo na tungkol kay MARY MAGDALENE e nakakatawa. Kasi, ano ba ang pagkakamali ni Cristo kay Mary Magdalene? Ito ay kanyang pinatawad, iniligtas, binago ang pamumuhay tungo sa kabutihan, at pinabanal. Naging Santa at malinis na babae si Maria Magdalena dahil kay Cristo. So, puro kabutihan at tama ang ginawa ni Cristo kay Maria Magdalena.

As God Jesus is perfect and as Man Jesus is the most perfect Man. He is better than Adam. He lived in absolute goodness and love and virtue during his stay here on Earth.

June 25, 2010 8:49 PM

7 comments:

  1. FR. Abe ano po ba ang mas mahalaga.. religion or personal relationship with Jesus. Yung friend ko kasing protestant ayaw maniwala sa akin kapag nagpapaliwanag ako about Catholic church. Mas pinaniniwalaan pa nga niya yung book na Babylon Mystery Religion.. sabi ko naman na wala katotohanan ang libro na yun kasi mismong author ang umamin na nagkamali siya. ang sagot lang niya sa akin... religion is not important.. it's your personal relationship with Jesus that matters... sa tingin nyo po na Fr, Abe hayaan ko na lang siya sa paniniwala niya? thanks po...

    ReplyDelete
  2. Dear Anonymous,

    Your friend is already brainwashed by his or her pastor that religion is not important. Nalason na ang isip niya. Kasi yan ang common na atake at linya ng mga Protestante at mga Born Again: Hindi daw mahalaga ang religion. Subalit kung ating uusisain ang Biblia walang sinasabi ang Biblia na hindi mahalaga ang religion. AT MAS LALONG WALANG SINASABI ANG BIBLIA AN HINDI MAHALAGA ANG CHURCH.

    Sa katunayan si Cristo ay nagtatag ng Iglesia [Matthew 16:18-19] at ito ay Kanyang Katawan na tinubos ng kanyang Dugo [Ephesians 1:22-23]. KAYA PAG SINABI NATING HINDI MAHALAGA ANG CHURCH E DI HINDI MAHALAGA PARA SA KANYA ANG KATAWAN NI CRISTO. Kaya ang aral na iyan ng mga Born Again ay galing sa Demonio. Sila lang ang nag-imbento at nagturo nyan. Hindi yan galing kay Cristo o sa mga Apostol. Si San Pablo nagbilin na dapat nating mahalin at pahalagahan at matutong kumalinga sa CHURCH DAHIL ITO ANG BAHAY NG DIOS [1 Timothy 3:15]. KAYA ANG PAGWASAK SA IGLESIA AY PAGWASAK SA BAHAY NG DIOS. ITO AY ISANG KASUMPA-SUMPA AT KASUKLAM-SUKLAM NA KASALANAN SA DIOS. Kaya ang labis na nagkakasala at nagbubulid sa masamang aral na iyan sa iyong kaibigan ay ang kanyang Pastor na labis na sinungaling dahil may relihiyon sila. Meron silang Fellowship o Samahan na nagtataguyod ng kanilang Doctrina at Aral. MGA IPOCRITO ANG MGA IYAN.

    Ano ba ang sabi ng Biblia tungkol sa relihiyon:

    James 1:27 "Ang dalisay na RELIHION at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan." [ANG BIBLIA]

    James 1:27 "Pure RELIGION and undefiled before God and the Father is this, To visit the fatherless and widows in their affliction, and to keep himself unspotted from the world."

    KITA MO WORD FOR WORD SA BIBLIA NA SINASABI NI APOSTOL SAN SANTIAGO NA MAY PURE O TUNAY NA RELIHION. AT ITO AY NAKIKITA SA FAITH AND GOOD WORKS DOCTRINE NG CATHOLIC CHURCH. KASI UTOS SA ATIN NA KAILANGAN ANG GOOD WORKS TULAD NG PAGPAPAKAIN SA NAGUGUTOM, PAGPAPAINOM SA NAUUHAW, PAG-AALAGA SA MGA ULILA, ETC. PARA MAKAPASOK SA LANGIT. SA KANILA NAG-IMBENTO SILA NG 'FAITH ALONE" NA WALA NAMAN SA BIBLIA.

    Ito pa ang sabi ni San Pablo tungkol sa religion:

    1 Timothy 3:16 "No one can deny how great is the secret of OUR RELIGION: He appeared in human form, was shown to be right by the Spirit, and was seen by angels. He was preached among the nations, was believed in throughout the world, and was taken up to heaven."

    "Our Religion"... Si San Pablo may religion. So bakit sila walang religion. Ibig sabihin hindi sila kauri ni San Pablo. Tayo may religion... meaning tayo ang magkakauri. OBVIOUS NAMAN DI BA? He, he, he...

    Tungkol duon sa paniniwala sa mga fictitious books hayaan mo siya sa kanyang kabaliwan. Subalit tama ang ginagawa mong pagpapaliwanag sa kanya. Anong malay mo mabuksan ang sarado nyang isip. Ipagdasal mo pa rin siya at laging kausapin. Hikayatin mo siyang pag-aralan ang mga aral ng Santa Iglesia.

    Maraming tao ngayon na gumagawa ng mga FICTION NOVELS na UMAATAKE SA CATHOLIC CHURCH. Ang nakakalungkot may mga baliw na naniniwala sa mga FICTION O KATHANG ISIP NA MGA AKLAT. KASI NASANAY NA ANG ISIP NILA SA KATHANG ISIP NG KANILANG MGA PASTOR.

    ReplyDelete
  3. Mahalaga ang Personal relationship kay Jesus subalit walang sinabi si Jesus na pagtinanggap natin sya e hindi na natin kailangan ang religion o ang Church. KAYA NGA NAGTATAG AT INIWAN SA ATIN NI CRISTO ANG IGLESIA KASI MAHALAGA ITO PARA MAGABAYAN TAYO SA TAMA AT TUNAY NA PANANAMPALATAYA SA KANYA AT SA PAGSUNOD SA MGA ARAL SAKA KALOOBAN MULA SA AMA.

    ReplyDelete
  4. Divine person with human nature.

    ReplyDelete
  5. Correct. Jesus has one Divine Person but with two Natures: Divine Nature and Human Nature.

    ReplyDelete
  6. Parang ganito lang yan.. Si Felix Manalo ang Founder ng Corporation nya kaya sya ang Chief Executive Officer(CEO), Pero ang kanyang anak na si Erano President na ng Kumpanya pero pareho silang may-ari ng kumpanya kasi nga ANAK ni Felix si Erano at syempre si Erano ang tagapag-mana at hindi ang ibang mga Ministro na kasing tanda na ni Felix kasi hindi naman sila ang may-ari ng Kumpanya kundi ang Manalo Family. Pagkamatay nya ang hahalili sa kanya ay ang kanyang Anak na si Erano Manalo na dating President ay magiging CEO na rin, kumbaga ipinamana kay Erano ang pamamahala sa kumpanya. Ganon din syempre ang susunod si Eduardo Manalo na. Ganon lang yon di nila yun ipamamana dapat sa kadugo lang. Sabihin nila sa mga matandang Ministro.. Ano kayo HILO.. wahehe

    ReplyDelete