Friday, June 11, 2010

SAGOT SA PANINIRA LABAN SA SANTA IGLESIA CATOLICA TUNGKOL SA MGA 'GARGOYLES' NA NAKADEKORASYON SA MGA LUMANG CATHEDRAL

Stone gargoyles serve as water outlets during rainy season. The images of these demons are used in a demeaning manner, showing the Catholic Church triumph over the evil spirits. Demons are full of pride, surely they don't want to be treated as slaves. These are manifestations of the Triumph of Christ over Satan and the victory of the Church over the fallen Angels.

Anonymous na hindi kasapi ni Manalo said...

Ano ang sinasabi mo na walang pictures ang mga masamang espiritu. Ang dami naroon na naka adorno sa mga cathedral sa maraming parte ng Europe. Karamihan nga mga pangit at nakakatakot ang mga anyo.

Ito ay sa mga simbahan ng Katokliko.

Kayo ang tiyak na naghahalicinate. Dapat gumising na kayo sa katotohanan.

September 26, 2009 11:20 PM

Fr. Abe, CRS said...

[Ano ang sinasabi mo na walang pictures ang mga masamang espiritu. Ang dami naroon na naka adorno sa mga cathedral sa maraming parte ng Europe. Karamihan nga mga pangit at nakakatakot ang mga anyo. Ito ay sa mga simbahan ng Katokliko.]

ANG MGA GARGOYLES AY MGA ARTISTIKONG DEBUHO NG MGA HAYUP AT IBA PANG NILALANG UPANG MAGSILBING PANSAHOD NG MGA TULO NG TUBIG SA MGA LUMANG SIMBAHAN. PINAKIKITA NITO NA ANG MGA EVIL CREATURES NA DATI AY KINATATAKUTAN NG MGA TAO AT KANILANG SINASAMBA AY NAGAPI NA NG IGLESIA CATOLICA, NIYURAKAN AT WALA NANG KAPANGYARIHAN SA MGA MAMAMAYAN KUNDI ALIPIN NA SILA NG TAHANAN NG DIOS.

ISA PA, ANG MGA GARGOYLES NG MGA CATHEDRAL SA EUROPE AY SUMASAGISAG HINDI LAMANG NG DEFEAT OF PAGANISM AT TRIUMPH OF THE TRUE FAITH IN THE CATHOLIC CHURCH, ITO RIN AY SUMISIMBOLO NA ANG MGA DEMONIO AT MASASAMANG ESPIRITU AY HINDI MAKAPASOK SA LOOB NG SIMBAHAN DAHIL SA KABANALAN NG DIOS AT NI CRISTO NA NASA LOOB NITO. DAHIL ANG MGA ITO AY NASA LABAS NG SIMBAHAN, NAGPAPAALALA RIN ANG MGA GARGOYLES SA MGA CATOLICO NA ANG MASASAMANG ESPIRITO AY NASA LABAS NG SANTA IGLESIA KAYA DAPAT SILANG MANATILI SA LOOB NG TUNAY NA PANANAMPALATAYA:

1 Pedro 5:8-10 "Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay GUMAGALA NA HUMAHANAP NG MASISILA niya: Na siya'y labanan ninyong matatag sa inyong pananampalataya, yamang inyong nalalaman na ang mga gayong hirap ay nagaganap sa inyong mga kapatid na nangasa sanglibutan. At ang Dios ng buong biyaya na sa inyo'y tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo'y makapagbatang sangdaling panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas sa inyo."

[Kayo ang tiyak na naghahalicinate.]

HINDI KAMI NAGHAHALUCINATE KASI MAS MAY ALAM KAMI SA CHRISTIAN ARTS KESA SA INYO. ALAM NAMIN KUNG PAANO I DEPICT ARTISTICALLY ANG MGA MAGAGANDANG ARAL NG BANAL NA KASULATAN. KAYO BOKYA DUON.

[Dapat gumising na kayo sa katotohanan.]

HINDI KAMI TULOG. GISING KAMI AT ALAM NAMIN NA NASA AMIN ANG KATOTOHANAN. KAYO ANG NAG-IMBENTO LANG NG INYONG RELIHIYON, IGLESIA AT DOCTRINA. HINDI GALING KAY CRISTO AT SA MGA APOSTOLES.

June 11, 2010 1:34 PM

7 comments:

  1. Napakatagal napo ng Catolico sa Pilipinas, 85% ay kasapi sa inyo. kung sa Dios po yan, sana nabubuhay tayo na parang Kristiano na daladala ang aral ni Cristo pero ang nakikita natin ay palala ng palala ang problema lalo na sa Gobyerno na halos lahat ng nanunungkulan, magmula sa Presidente ay mga Corrupt. Hindi sila bumubuti manapay kabulukan ang mga ginagawa.Conclussion: ang aral sa inyo ay wala sa biblia taliwas sa aral ni Cristo.

    ReplyDelete
  2. [Napakatagal napo ng Catolico sa Pilipinas, 85% ay kasapi sa inyo.]

    YES. KASI KAMI ANG TUNAY NA RELIHIYON. NANDITO NA KAMI, HINDI PA NAIIMBENTO ANG RELIHIYON NYO.

    [kung sa Dios po yan, sana nabubuhay tayo na parang Kristiano na daladala ang aral ni Cristo]

    WRONG. HINDI PORKE NASA TAMANG RELIHIYON ANG ISANG BANSA E SIGURADO NA ANG ASENSO AT KABUTIHAN NITO. KUNG SI JESUS NGA HINDI UMUNLAD ANG ISRAEL NUNG PANAHON NYA SAKOP ITO NG GMA DAYUHAN AT MARAMING CORRUPTION, NGAYON PA KAYA. SI MOISES NGA INAWAY NG MGA TAO KAHIT NA TUNAY NA LIDER MULA SA DIOS. SI ELIAS DIN PINAGTAKSILAN.

    WALANG SINASABI SA BIBLIA NA KAPAG NASA TAMANG RELIHIYON ANG ISANG BANSA E AASENSO AGAD.


    [pero ang nakikita natin ay palala ng palala ang problema lalo na sa Gobyerno na halos lahat ng nanunungkulan, magmula sa Presidente ay mga Corrupt.]

    SINO BA ANG BUMUBOTO "EN BLOC" SA MGA POLITIKO NA YAN? DI BA MGA INC AT BORN AGAIN. HE, HE, HE... ANG BINIBIGAY NG SIMBAHAN AY GUIDELINES NA WAG IBOTO ANG MGA CORRUPT. KASO PINABOBOTO PA RIN NI MANALO, NI VILLANUEVA, NI ALMEDA AT NI QUIBOLOY. KAYO ANG DAPAT SISIHIN SA CORRUPTION.

    NUNG PANAHON NI MARCOS NUNG NAGHIHIRAP ANG MGA PILIPINO SA MARTIAL LAW ANG MGA MANALO AY BESTFRIEND NG MGA MARCOSES. SI CARDINAL SIN ANG LUMABAN AT NAGPATALSIK KAY MARCOS KASAMA SI TITA CORY. HE, HE, HE... KAYO ANG KAKAMPI NG MGA CORRUPT KAMI ANG NAGPAPATALSIK. KAY ERAP GANON DIN ANG GINAWA NYO. PATI KAY GMA.

    WAG NYONG ISISI SA AMIN ANG BUNGA NG INYONG SARILING PAGKAKASALA SA LIPUNAN. KUNG TOTOONG GALING SA DIOS SI MANALO AT SI QUIBOLOY BAKIT NAMIMILI SILA NG MGA BULOK NA POLITIKO, PATI MGA ARTISTANG PULPOL PINABOBOTO.

    [Hindi sila bumubuti manapay kabulukan ang mga ginagawa.]

    KAMI ANG NAGPABUTI KASI KAMI ANG NAGPALAYAS SA MGA CORRUPT NA NILUKLOK NYO. ANG MGA TAPAT NA CATOLICO TULAD NI QUEZON, MAGSAYSAY AT TITA CORY ANG NAGDULOT NG KABUTIHAN SA BAYAN.

    KUNG HINDI SA CATOLICO NA GUMAGAWA NG MARAMING CHARITABLE WORKS AT NAGBIBIGAY NG MORAL VALUES E MATAGAL NANG BAGSAK ITONG BANSANG ITO.

    [Conclussion: ang aral sa inyo ay wala sa biblia taliwas sa aral ni Cristo.]

    WRONG. ANG IGLESIA CATOLICA AY DUMARANAS NG TULAD NOONG PANAHON NI CRISTO. NAGTUTURO SIYA NG TAMA SUBALIT SIYA AY KINOKONTRA NG MGA TAMPALASANG LEADER NG IBAT IBANG RELIHIYON NA SILANG NAMIMILI SA MGA POLITIKONG CORRUPT.

    ReplyDelete
  3. MATUTONG MAHIYA SA MGA KATOLIKONG GUMAWA NG BIBLIYA, hindi ang simbahan ang may kasalanan sa mga maruruming pulitiko, sila na mismo ang sumusuway sa utos ng simbhan, naman hindi ba obyus yun?

    ReplyDelete
  4. Ang isang manolista na may kapangyarihan sa gobyerno na magbigay pabor sa isang manolistang nakasala sa lipunan ay nagpalala sa korapsyon ng bayan. Ang manolistang polis hindi dadampot sa mga manolistang kriminal.

    ReplyDelete
  5. Ang tunay na gargoyles nasa INC. http://sc.judiciary.gov.ph/jurisprudence/2000/aug2000/127803.htm

    ReplyDelete
  6. Itong anonymous na ito di na naman nagbabasa, nagsusuri at nagsaliksik bago nagsalita, yong gusto kasi niyang ipalabas na ang simbahang Katoliko ang dahilan kaya palala ang sitwasyon ng bansa natin. Huwag mo namang idamay ang simbahan kaibigan, sa Europa kong saan nandoon ang mga mayayamang bansa kong ang GNP at GDP ang pagbabasihan ay ang mga katolikong bansa ang nangunguna kagaya ng Luxemberg, Switzerland, France. Kaya bago magsalita, MAGBASA muna.
    PAX TECUM FATHER. .

    ReplyDelete
  7. Itong anonymous na ito di na naman nagbabasa, nagsusuri at nagsaliksik bago nagsalita, yong gusto kasi niyang ipalabas na ang simbahang Katoliko ang dahilan kaya palala ang sitwasyon ng bansa natin. Huwag mo namang idamay ang simbahan kaibigan, sa Europa kong saan nandoon ang mga mayayamang bansa kong ang GNP at GDP ang pagbabasihan ay ang mga katolikong bansa ang nangunguna kagaya ng Luxemberg, Switzerland, France. Kaya bago magsalita, MAGBASA muna.
    PAX TECUM FATHER. .

    ReplyDelete