Peter told the Risen Lord: "Depart from me Lord, I am a sinner." Yet the Lord Jesus still chose him to be the leader of His Church... to feed His flock.Anonymous said...
Magandang umaga po.
Ito pong tanong ko eh may kinalaman sa infallibility ng pope. Matibay na ebidensya po ba yung Galatians 2:11 laban dito?
Salamat po.
July 30, 2010 11:09 AM
Fr. Abe, CRS said...
Dear Anonymous,
HINDI. Hinding hindi.
Bakit? Ang Dogma of Infallibility ay hindi nangangahulugang si St. Peter o ang mga Popes na successors nya ay hindi na magkakamali. Obviously they can still commit mistakes. At iyan ang tinutukoy sa talata:
Gal 2:11 "But when Peter came to Antioch, I opposed him in public, because he was clearly wrong."
Of course every human beings can commit mistakes or errors in their every day life and in ordinary exercise of duties.
Ang Dogma of Infallibility ay nagtuturo na ang Santo Papa kapag nagtuturo ng Opisyal na aral bilang Lider ng Universal Church, tungkol sa Faith and Morals ay ginagabayan ng Espiritu Santo upang hindi makapagturo ng maling doctrina.
Kung paanong walang mali ang pagsusulat ng mga Apostol at mga Propeta sa Biblia gayun din naman ang lider ng Santa Iglesia ay protektado sa maling aral kapag opisyal ang pagtuturo at kapag tungkol sa Faith and Morals. Kaya nga nung sinulat ni San Pedro ang Two Epistles nya ay Infallible sya non. Walang mali duon kasi guided siya ng Holy Spirit.
Actually ang Infallible ay ang buong Santa Iglesia at siya ay kinakatawan ni San Pedro at ng kanyang mga Kahalili.
Ano ang basehan nito sa Biblia? Ito:
Mateo 16:18 "At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya."
ANG SANTA IGLESIANG ITINATAG KAY SAN PEDRO AY HINDI PANANAIGAN NG IMPIERNO O HADES. KAYA NGA ITO AT SI SAN PEDRO AY PROTEKTADO NI CRISTO KAY SATANAS.
Lucas 22:31-32 "Simon, Simon, narito, hiningi ka ni Satanas upang ikaw ay maliglig niyang gaya ng trigo: Datapuwa't ikaw ay ipinamanhik ko, na huwag magkulang ang iyong pananampalataya; at ikaw, kung makapagbalik ka nang muli, ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid."
GUSTO NI SATANAS NA WASAKIN SI PEDRO. PAANO? SA PAMAMAGITAN NG MALING ARAL AT TURO. SUBALIT NANALANGIN ANG PANGINOONG JESUS PARA SA KANYA. AT SIYA ANG MAGPAPATATAG SA MGA KAPATID. SA PAANONG PARAAN? SA PAGTUTURO SA KANILA NG TAMANG DOCTRINA AT MORALIDAD.
Nagkakamali pa rin si San Pedro pero hindi sa Opisyal na Turo at Doctrina tungkol sa Faith and Morals.
PINAGSABIHAN NI SAN PABLO SI SAN PEDRO
Walang masama diyan. Part yan ng fraternal correction. Tinanggap ni St. Peter ang correction with humility and grace.
Hindi porke kinorekta e mas mataas na si Pablo kay Pedro. Kasi normal na ang mga lower ranking officials ay nagsasalita sa kanilang leader pero hindi nawawala ang higher authority ng lider na iyon.
Halimbawa, Senator Joker Arroyo corrected President Noynoy Aquino about legal matters involving the Truth Commission. Ibig bang sabihin mas mataas na si Sen. Joker Arroyo kesa kay Pres. Noynoy. Of course not. Madalas na ang presidente ay pinagsasabihan at kinokorecta at ino-oppose ng mga Senators, Congressmen o Media Men subalit mas mataas pa rin ang Presidente kesa sa kanila.
July 30, 2010 10:20 PM
.jpg)
Yes, there is a big difference between infallibility and impeccability.
ReplyDeleteThank you po Father Abe.
ReplyDeleteClarification lang po, so hindi po tungkol sa maling aral ang pag-rebuke ni Pablo kay Pedro?
Yes, those are the right terms Bro. Tito.
ReplyDeleteDear Anonymous,
ReplyDeleteYou are welcome Brod.
[Clarification lang po, so hindi po tungkol sa maling aral ang pag-rebuke ni Pablo kay Pedro?]
Hindi. Pinagsabihan ni San Pablo si San Pedro na mali ang example na ipinakita nya sa mga mananampalataya. Nung wala pa ang mga Jewish Christians kumakain siya kasama ng mga Gentiles. Nung dumating na ang nga Christian Jews humiwalay na siya para hindi sila magalit. St. Peter was trying to be diplomatic but in effect he was giving wrong signal to the Gentiles. Sa ating salita parang lumalabas na may double standard na ipinakikita.
Hindi yan aral kasi hindi naman tinuro ni St. Peter na dapat iwasan ang mga Gentile Christians. On the contrary, siya ang unang tumanggap sa mga Gentiles nuong bininyagan niya at ng mga Apostoles ang mga taga Roma, Arabia, etc. matapos ang kanyang First Sermon after the Pentecosts [cf. Acts 2:9-10; 14-38]. Then si St. Peter din ang nagbautismo kay Cornelio at sa kanyang mga kasambahay [cf. Acts 10:31-35]. SO, ON OFFICIAL TEACHING ST. PETER WAS CLEARLY TEACHING THE CORRECT DOCTRINE: THE GENTILES ARE ACCEPTABLE IN THE CHURCH AND THEY CAN BE SAVED AND THEY CAN BE BAPTIZED INTO CHRIST [Acts 10:34-35].
Kahit si San Pablo ay nagkamali rin ng ganitong pagkakamali.
Sa Acts 15:1-2 Si St. Paul at si St. Barnabas ay nakipagtalo sa mga Jewish Christians na hindi na kailangan ang pagtutuli. Nagpunta pa sila sa Jerusalem para hingin ang tulong at decision ng mga Apostol sa pamumuno ni San Pedro at San Santiago.
Act 15:1 At may ibang mga taong nagsilusong mula sa Judea ay nagsipagturo sa mga kapatid, na sinasabi, Maliban na kayo'y mangagtuli ayon sa kaugalian ni Moises, ay hindi kayo mangaliligtas.
Act 15:2 "At nang magkaroon si Pablo at si Bernabe ng di kakaunting pagtatalo at pakikipagtuligsaan sa kanila, ay ipinasiya ng mga kapatid na si Pablo at si Bernabe, at ang ilan sa kanila, ay magsiahon sa Jerusalem, sa mga apostol at sa mga matanda tungkol sa suliraning ito."
Subalit sa Acts 16:1-3 pinatuli ni San Pablo si San Timoteo para lang sa mgaa Judio. Kitam, dati nakipagtalo siya sa mga Judio, subalit sa kalaunan he became diplomatic also to the Jews. Nilamon niya ang kanyang prinsipyo para lang maiwasan ang pagtatalo.
Act 16:1-3 "At siya'y naparoon din naman sa Derbe at sa Listra: at narito, naroon ang isang alagad, na nagngangalang Timoteo, na anak ng isang Judiang sumasampalataya; datapuwa't Griego ang kaniyang ama. Siya'y may mabuting patotoo ng mga kapatid na nangasa Listra at Iconio. Iniibig ni Pablo na sumama siya sa kaniya; at kaniyang kinuha siya at tinuli dahil sa mga Judio na nangasa mga dakong yaon: sapagka't nalalaman ng lahat na ang kaniyang ama'y Griego."
Dito natin makikita na sa kabila na sila ay puspos ng Espirito Santo sila ay nagkakamali pa rin sa kanilang personal na buhay. Subalit, SI SAN PEDRO AT SI SAN PABLO AY HINDI NAGTURO NG MALI. THEY WERE INFALLIBLE IN THEIR TEACHINGS OF THE FAITH, INCLUDING THEIR BIBLICAL WRITINGS. THAT SPECIAL PROTECTION FROM DOCTRINAL AND MORAL ERRORS WE CALL 'INFALLIBILITY'.
Hindi nagkamali si San Pablo sa kanyang mga turo dahil sya ay in Communion with St. Peter:
Gal 1:17-18 "Neither went I up to Jerusalem to them which were apostles before me; but I went into Arabia, and returned again unto Damascus. Then after three years I went up to Jerusalem to see Peter, and abode with him fifteen days."
BAGO MANGARAL SI SAN PABLO. HE CONFERRED WITH ST. PETER. ITO AY KANYANG KINAUSAP NG MABUTI AT SINIGURADONG TAMA ANG KANYANG ITUTURO. INALAM NYA ANG MGA BAGAY NA TINURO NG PANGINOOONG JESUS SA MGA NAUNANG APOSTOL NA HINDI NYA ALAM DAHIL HINDI PA SIYA CRISTIANO NUON.
Si St. Peter and St. Paul ay hindi magkaaway. Labis ang pagmamahalan nila bilang magkapatid kay Cristo. Si San Pedro ay sumulat at tinawag niyang "Minamahal" si San Pablo... "Beloved brother Paul" [2 Peter 3:15]. Subalit sinabi rin niya na may mga sinulat si Pablo na mahirap intindihin ng mga simpleng mananampalataya [2 Peter 3:16].