Saturday, July 31, 2010

ANG GALATIAN 2:11 BA AY MATIBAY NA EVIDENCIA LABAN SA INFALLIBILITY NG POPE? Part 2

The Two Patron Saints of the Church of Rome: St. Peter of Galilee and St. Paul of Tarsus. One is the First Pope while the other is the greatest Biblical writer and Missionary of the Church.

Anonymous said...

Thank you po Father Abe.

Clarification lang po, so hindi po tungkol sa maling aral ang pag-rebuke ni Pablo kay Pedro?

July 31, 2010 8:01 AM

July 31, 2010 8:52 AM

Fr. Abe, CRS said...

Dear Anonymous,

You are welcome Brod.

[Clarification lang po, so hindi po tungkol sa maling aral ang pag-rebuke ni Pablo kay Pedro?]

HINDI. Pinagsabihan ni San Pablo si San Pedro na mali ang example na ipinakita nya sa mga mananampalataya. Nung wala pa ang mga Jewish Christians kumakain siya kasama ng mga Gentiles. Nung dumating na ang nga Christian Jews humiwalay na siya para hindi sila magalit. St. Peter was trying to be diplomatic but in effect he was giving wrong signal to the Gentiles. Sa ating salita parang lumalabas na may double standard na ipinakikita.

Hindi yan aral kasi hindi naman tinuro ni St. Peter na dapat iwasan ang mga Gentile Christians. On the contrary, siya ang unang tumanggap sa mga Gentiles nuong bininyagan niya at ng mga Apostoles ang mga taga Roma, Arabia, etc. matapos ang kanyang First Sermon after the Pentecosts [cf. Acts 2:9-10; 14-38]. Then si St. Peter din ang nagbautismo kay Cornelio at sa kanyang mga kasambahay [cf. Acts 10:31-35]. SO, ON OFFICIAL TEACHING ST. PETER WAS CLEARLY TEACHING THE CORRECT DOCTRINE: THE GENTILES ARE ACCEPTABLE IN THE CHURCH AND THEY CAN BE SAVED AND THEY CAN BE BAPTIZED INTO CHRIST [Acts 10:34-35].

Kahit si San Pablo ay nagkamali rin ng ganitong pagkakamali.

Sa Acts 15:1-2 Si St. Paul at si St. Barnabas ay nakipagtalo sa mga Jewish Christians na hindi na kailangan ang pagtutuli. Nagpunta pa sila sa Jerusalem para hingin ang tulong at decision ng mga Apostol sa pamumuno ni San Pedro at San Santiago.

Act 15:1-2 "At may ibang mga taong nagsilusong mula sa Judea ay nagsipagturo sa mga kapatid, na sinasabi, Maliban na kayo'y mangagtuli ayon sa kaugalian ni Moises, ay hindi kayo mangaliligtas. At nang magkaroon si Pablo at si Bernabe ng di kakaunting pagtatalo at pakikipagtuligsaan sa kanila, ay ipinasiya ng mga kapatid na si Pablo at si Bernabe, at ang ilan sa kanila, ay magsiahon sa Jerusalem, sa mga apostol at sa mga matanda tungkol sa suliraning ito."

Subalit sa Acts 16:1-3 pinatuli ni San Pablo si San Timoteo para lang sa mgaa Judio. Kitam, dati nakipagtalo siya sa mga Judio, subalit sa kalaunan he became diplomatic also to the Jews. Nilamon niya ang kanyang prinsipyo para lang maiwasan ang pagtatalo.

Act 16:1-3 "At siya'y naparoon din naman sa Derbe at sa Listra: at narito, naroon ang isang alagad, na nagngangalang Timoteo, na anak ng isang Judiang sumasampalataya; datapuwa't Griego ang kaniyang ama. Siya'y may mabuting patotoo ng mga kapatid na nangasa Listra at Iconio. Iniibig ni Pablo na sumama siya sa kaniya; at kaniyang kinuha siya at tinuli dahil sa mga Judio na nangasa mga dakong yaon: sapagka't nalalaman ng lahat na ang kaniyang ama'y Griego."

Dito natin makikita na sa kabila na sila ay puspos ng Espirito Santo sila ay nagkakamali pa rin sa kanilang personal na buhay. Subalit, SI SAN PEDRO AT SI SAN PABLO AY HINDI NAGTURO NG MALI. THEY WERE INFALLIBLE IN THEIR TEACHINGS OF THE FAITH, INCLUDING THEIR BIBLICAL WRITINGS. THAT SPECIAL PROTECTION FROM DOCTRINAL AND MORAL ERRORS WE CALL 'INFALLIBILITY'.

Hindi nagkamali si San Pablo sa kanyang mga turo dahil sya ay in Communion with St. Peter:

Gal 1:17-18 "Neither went I up to Jerusalem to them which were apostles before me; but I went into Arabia, and returned again unto Damascus. Then after three years I went up to Jerusalem to see Peter, and abode with him fifteen days."

BAGO MANGARAL SI SAN PABLO. HE CONFERRED WITH ST. PETER. ITO AY KANYANG KINAUSAP NG MABUTI AT SINIGURADONG TAMA ANG KANYANG ITUTURO. INALAM NYA ANG MGA BAGAY NA TINURO NG PANGINOOONG JESUS SA MGA NAUNANG APOSTOL NA HINDI NYA ALAM DAHIL HINDI PA SIYA CRISTIANO NUON.

Si St. Peter and St. Paul ay hindi magkaaway. Labis ang pagmamahalan nila bilang magkapatid kay Cristo. Si San Pedro ay sumulat at tinawag niyang "Minamahal" si San Pablo... "Beloved brother Paul" [2 Peter 3:15]. Subalit sinabi rin niya na may mga sinulat si Pablo na mahirap intindihin ng mga simpleng mananampalataya [2 Peter 3:16].

July 31, 2010 10:31 AM

4 comments:

  1. Ang tinutukoy ni Apostol Pablo sa Galatia 2:11 ay ang asal ni Apostol Pedro at hindi ang maling aral. Sa katunayan, ang pakakaunawang ito ay suportado ng mga Protestanteng iskolar ng Banal na Kasulatan na nagsalin ng AMPLIFIED BIBLE. Tunghayan ang sumusunod na sipi:

    Galatians 2:11 (Amplified Bible)

    11But when Cephas (Peter) came to Antioch, I protested and opposed him to his face [concerning his conduct there], for he was blameable and stood condemned.

    Pakitingnan:

    http://www.biblegateway.com/passage/?search=Galatians%202:11-21&version=AMP

    Ayun. Malinaw na ang sinawata ni Apostol Pablo kay Apostol Pedro ay ang kanyang asal ("concerning his conduct there") ayun na rin sa pag-amin ng Amplified Bible na saling Protestante.

    ReplyDelete
  2. Thank you very much Bro. Mars. Mas tumitindi ang ating mga evidencia sa Refutation ng mga naninira. God bless you.

    ReplyDelete
  3. Ang masaklap po niyan, Padre, eh sa kanila mismong referencia nahuhuli. Totoo nga naman na ang isda ay nahuhuli sa sariling bunganga.

    Itong mga Protestanteng ito parang umiihip ng lusong (mortar) eh sila itong napupuwing.

    Uulitin ko:

    Ang sinawata ni Apostol Pablo kay Apostol Pedro ay ASAL, hindi ARAL. Magkaiba iyon.

    ReplyDelete
  4. Maraming salamat sa napalinaw na paliwanag Bro. Mars. Saludo kami sa iyo.

    ReplyDelete