Tuesday, July 13, 2010

ANO BA ANG TURO NG SANTA IGLESIA HINGGIL SA ORIGIN OF SATAN?

St. Michael the Archangel defeats Satan, pointing to Heaven reminding the Devil that God is Supreme over All.

Anonymous said...

father abe, ask ko lng po kung anu po b tlga ang turo ng church tungkol sa origin ni satan? saan po ba ito nka base?

July 13, 2010 5:38 PM

Fr. Abe, CRS said...

Dear Anonymous,

Siempre ang turo ng Santa Iglesia Catolical tungkol sa Origin of Satan comes from the Apostolic Teaching and from Sacred Scriptures.

Ito ang sinasaad sa Book of the Apocalypse:

Reveleation 12:7-9 "At nagkaroon ng pagbabaka sa langit. Si Miguel at ang kanyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon; at ang dragon at ang kanyang mga anghel ay nakipagbaka: At hindi sila nangagnalo, ni nasumpungan pa man ang kanilang dako sa langit. At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo o Satanas, ang dumadaya sa buong sanlibutan; at siya'y inihagis sa lupa, at ang kanyang mga anghel ay inihagis na kasama niya."

Ngayon isa-isahin nating tignan ang mensahe:

1. Si Satanas na siyang Diablo ay dating nasa langit at tulad ni San Miguel Arkanghel ay lider ng mga anghel sa kalangitan.

2. Si Satanas at ang kanyang mga anghel ay nakipaglaban sa langit. Ibig sabihin lumaban sila sa Dios.

3. Si San Miguel Arkanghel at ang mga tapat na Anghel ay lumaban kay Satanas at natalo ang Diablo pati ang mga kasama niyang mga Traidor na anghel.

4. Bilang parusa sila ay hindi na pinayagan sa langit. Sa halip itinapon sa lupa kung saan dinaya nila ang unang Tao na si Adan at Eba at ang buong sanlibutan.

5. Ibig sabihin dating mabuting anghel si Satanas na naging masama ng lumaban siya sa Dios. Ang mga tapat na anghel ay nanatili sa kabutihan at pawang pinagpala.

6. Ang Dios ang lumikha sa mga Anghel subalit ginawa nya silang mabuti. Si Satanas ang nagpasama sa kanyang sarili. Naging dragon siya o Ahas o Diablo dahil sa kanyang pagrerebelde sa Dios.

7. Bagamat ang Dios ang gumapi kay Satanas hindi mismong ang Dios ang tumalo kay Satanas kundi si San Miguel Arkanghel at ang mga mabubuting anghel. Dito nanggaling ang kaugalian ng mga Catolico na kapag natatakot sa demonio ay tumatawag sa Dios na ipadala si San Miguel at ang mabubuting anghel upang proteksiyunan siya at ang kanilang bahay o lugar.

YAN ANG SINASAAD NG BIBLIA NA TINURO NG MGA APOSTOLES AT YAN DIN ANG TINUTURO NG SANTA IGLESIA.

July 13, 2010 6:18 PM

2 comments:

  1. ANG DALAWA SA MGA ALAGAD NI SATANAS AY NAGKATAWANG TAO.. SI ELISEO MANALO. ITONG DALAWANG ITO AY LAGING NAGBABANGAYAN.. KAYA SABI NI LUCIFER.. SIGE ETO ANG TINIDOR KO MAGSAKSAKAN KAYO NG MAWALA NA KAYO SA MUNDO.. KAYA AYUN, PAREHONG GUMUGUHO ANG RELIHIYON NA TINAYO NILA... :)

    ReplyDelete
  2. Mga Demonyo talaga. Mga Heretico.

    ReplyDelete