Thursday, August 26, 2010

ANG MGA MALING ARAL NG JEHOVAH WITNESSES by Bro. Marwil Llasos, Part 1

The True Witnesses of the Lord Jesus: THE TWELVE APOSTLES AND MARY HIS MOTHER.

MGA SAKSING SINUNGALING
ANG MGA MALING ARAL NG MGA SAKSI

Isa sa mga naglipanang sekta ng pananampalataya sa kasulukuyan ay ang mga Saksi ni Jehovah, na unang nakilala sa pangalang The Watchtower Bible and Tract Society na itinatag noong 1896 ng isang dating freemason na si Charles Taize Russell (1852-1916).

Ang mga Saksi ni Jehovah ay kilalang-kilala sa kanilang pagbabahay-bahay. Dahil sa gawaing iyan, sinasalangsang nila ang utos ng Panginoong Jesus sa Luke 10:7: “Huwag kayong mangagpalipatlipat sa bahay-bahay.”

Marami pang mga kakaibang aral ang mga Saksi. Ang ilan sa mga aral na iyan ay ating susuriin sa pag-aaral na ito.

Saksi ni Jehovah o Saksi ni Cristo?

Ang mga kaanib ng samahang ito ay tinatawag nila ang kanilang organisasyon at ang kanilang mga sarili na mga Saksi ni Jehovah. Walang talata sa Bibli ang bumabanggit sa katawagang iyan. Bagkus, sa Gawa 1:8, ganito ang ating mababasa:

Datapuwa’t tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.”

Sa talatang ating sinipi, ang Panginoong Jesus ang nagsugo na ang kanyang mga alagad ay magiging saksi Niya sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. Ang mga alagad ay mga saksi ni Cristo. Maalala natin na sa Mateo 28:18, lahat ng kapamahalaan ay ibinigay na sa Panginoong Jesucristo:

At lumapit si Jesus sa kanila at sila’y kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin.”

Mga Saksing Laban kay Cristo

Isa sa mga aral ng mga Saksi ni Jehovah ay ang pagtatwa sa pagka-Diyos ng ating Panginoong Jesus. Para sa kanila, si Cristo ay tao lamang. Dahil dito, lumalabas kung anong mga klaseng saksi sila. Sila ay mga saksing laban kay Cristo:

Ang mga pangulong saserdote nga at ang buong Sanedrin ay nagsisihanap ng patotoo laban kay Jesus upang siya’y ipapatay; at hindi nangasumpungan. Sapagka’t marami ang nagsisaksi ng kasinungalingan laban sa kaniya, at ang kanilang mga patotoo ay hindi nangagkatugma.”

August 17, 2010 6:12 PM

15 comments:

  1. sir. Marwill
    Good day Po!
    [Good day din sa iyo, Robert].

    Tanong ko lng po kung my pangalan bah talagang ibinigay ang panginoon sa AMA?

    [Walang pangalang ibinigay ang Panginoong Jesus sa Ama. Ang ginagamit ni Jesus na pantawag sa Dios Ama ay Ama. Wala kang mababasa sa Bagong Tipan na tinawag ni Jesus and Ama na Jehovah].

    [Ang Ama ba ay pangalan? Aba’y opo. Sa Isaias 63:16, ganire an gating mababasa: “Sapagka't ikaw ay aming AMA, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi kami kilala ng Israel: ikaw, Oh Panginoon, ay aming AMA, aming Manunubos na MULA SA WALANG PASIMULA walang pasimula ay SIYA MONG PANGALAN.” Malinaw, kapatid na ang AMA ay SIYANG PANGALAN NG DIOS MULA PA SA WALANG PASIMULA. Ito ay mariing tinututulan naman ng mga Saksi ni Jehovah. Labag sa Biblia ang mali-maling aral nila].

    kasi may kaibigan po akong saksi ni Jehova.at para din po s kanila si Jesus po n ating panginoon ay angel daw n si St. Michael the Archangel ayon po s knilang babasahin n ibinigay.. ano po ang masasabi nyo po sir?

    [Tama kapatid na para sa mga Saksi ni Jehovah ay ang Panginoong Jesus ay si Miguel Arkanghel kagaya ng nabasa mo sa babasahin nilang inilalako. Samakatuwid, iba ang Jesus at ibang ebanghelio ang kanilang inaaral. Ikapapahamak ito ng sinumang maniniwala sa kanila (cf. Gal. 1:7-8)].

    [Si Cristo ba at si Miguel Arkanghel ay iisa? Hindi. Sapagkat si Miguel ay anghel. Ano ang sabi ng Banal na Kasulatan? Pakibasa kapatid sa Hebreo 1:3 patuloy hanggang 8: “Palibhasa'y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios, at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan; Na naging lalong mabuti kay sa mga anghel, palibhasa'y nagmana ng lalong marilag na pangalan kay sa kanila. Sapagka't kanino nga sa mga anghel sinabi niya kailan man, Ikaw ay aking Anak, Ikaw ay aking ipinanganak ngayon? at muli, Ako'y magiging kaniyang Ama, At siya'y magiging aking Anak? At muli nang dinadala niya ang panganay sa sangkalupaan ay sinasabi, At sambahin siya ng lahat ng mga anghel ng Dios. At sinasabi niya tungkol sa mga anghel, Yaong ginagawang mga anghel niya ang mga hangin, At ang kaniyang mga ministro ay ningas ng apoy: Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian” (Hebreo 1:3-8). Malinaw ang pagkakaiba ng Anak (Jesus) sa mga Anghel. Ano ang sabi? Mas lalong mabuti ang Anak kay sa mga anghel (Hebreo 1:4). Mantakain mong iparehas si Cristo sa isang anghel, o maging arkanghel pa na si Miguel? Kahindik-hindik na kalapastanganan sa Dios at sa Panginoong Jesucristo ang ginagawang ito ng mga tampalasang Saksi ni Jehovah.].

    gusto ko po syang sagutin batay s ating pananmpalataya..sana ma sagot matulungan nyo ako ni Fr.Abe s bagay n ito.

    [Maipaglilingkod namin ito sa iyo, kapatid].

    Salamat po.

    Kasihan ka nawa ng Dios.

    ReplyDelete
  2. ang mga saksi ni Jehovah ay naniniwala kay Panginoong Jesu Kristo bilang siya ang ating daan tungo sa Kaligtasan...

    [Ngunit sino at anong klaseng Jesus ito? Si Miguel Arkanghel? Jesus na tao lamang? Ibang uri ng Jesus ang inaaral ng mga Saksi ni Jehovah kaya walang kaligtasan sa mga nanampalataya sa ibang Jesus na gaya ng itinuturo ng mga Saksi ni Jehovah.]

    ang pag babahay bahay po ay isang gawain na ginagawa nila bilang pag sunod sa halimbawang iniutos ng panginoong Jesu Kristo.

    [Wala kang talatang binabanggit dito.Kapitulo laway at versikulo daldal lamang. Ang dapat mong gawin ay ipaliwanag mo ang sinabi ni Kristo: “At magsipanatili kayo sa bahay ding yaon, na kanin at inumin ninyo ang mga bagay na kanilang ibigay: sapagka't ang manggagawa ay marapat sa kaniyang kaupahan. Huwag kayong mangagpalipatlipat sa bahaybahay” (Lucas 10:7). Ang talatang nabanggit ay kailanman hindi nasusunod ng mga Saksi ni Jehovah. Eh kung handaan sila ng dinuguan, kakain ba sila?]

    ang pangalang Jehovah po ay ipinangangalat nila sapagkat ito ay utos ng Diyos na si Jehovah na Ama ng tagapagligtas nating si Panginoong Jesu Kristo :)

    [Mali ka na naman kapatid. Kahit kalian hindi lumitaw ang salitang “Jehovah” sa orihinal na wikang Hebreo ng Biblia sapagkat walang vowel sounds ang Hebreo. Saan ninyo napulot ang titik na “e” at “a” sa Jehovah? Pinapaniwala kayo ng mga Saksi ni Jehova sa mga mali-maling aral. Jehovah is a mistranslation. At yan ang sinusunod ng mga Saksi ni Jehovah. Nagiging saksing sinungaling sila. Aba’y bakit sasaksihan mo ang mali?]

    nabanggit po ang pangalang Jheovah sa orihinal na bibliya ng 7000 times :) sa exodo 3:16 at awit 83:18 ay ilan po lamang sa mga textong nag papatunay :)

    [Talagang nabulagan ka na ng mga saksing sinungaling. Ang nasa orihinal na wika ng Lumang Tipan ay ang Tetragammaton (HWHY, spagkat pabaliktad ang basa ng YHWH sa Hebreo). Sa wikang Hebreo ba may mga patinig o vowels? Wala. Aba’y saan naman nadekwat ng mga Jehovah’s witnesses ang mga vowel sounds? Aber nga, pakisagot.]

    si Jesus po mismo ang nag uutos na sambahin si Jehovah sa panalanging "Ama Namin"
    ang sabi "Ama namin sumasalangit ka, samabahin nawa ang Ngalan mo.." dito ipinapakita na may pngalan xa... at sa 1 Juan din po :)

    [Ano ang tawag ni Jesus sa Ama? Aba’y Ama. Ni minsan hindi niya sinabi na “O Jehovah, sumasalangit ka. Ibinigay ba ni Jesus na ang pangalan ng Ama sa “Ama Namin” ay Jehovah? Aba’y hindi. Wala. Walang-wala. Kaya naman kathang aral lamang iyan ng mga Saksi ni Jehovah]

    ako po ay hindi saksi ni Jehova ngunit naniniwala ako sa kanila,.

    [Hindi ka naman pala saksi eh bakit ka naniniwala sa kanila? Wala sa katinuan yang tinuran mo. Umayos ka nga. Matuto kang manindigan. Nakikisaksi ka sa mga saksing sinungaling? "Huwag kang magkakalat ng kasinungalingan: huwag kang makikipagkayari sa masama, na maging saksi kang sinungaling" (Exodo 23:1)].

    dahil sadami na rin ng relihiyong napakinggan ko...

    [Ano ka, hilo? Kaya naman naguluhan ka na at nadaya ng mga maling aral ng mga saksing sinungaling.]

    sila din ay hindi isang sekta..
    [Ano ang tawag mo sa kanila? Kulto?]

    sapagkat ang sekta ay isang relihiyong galing sa iba pang relihiyon...

    [Ganun pala? Aber nga, bago naitatag ni Charles Taize Russell ang Watchtower Bible and Tract Society, o ang mga Saksi ni Jehovah, ano ang relihiyon niya? Pakisabi. Kung wala eh pagano pala siya. Tatag ng mga pagano ba ang Saksi ni Jehovah? Baka naman Mason iyang si Charles Taize Russell? Pakitanong nga sa Kingdom Hall nila.

    at hindi ganuna ng mga saksi ni Jehova :)
    [Kung hindi sila ganun, eh ano sila?]

    ReplyDelete
  3. PAR EXCELLANCE. THANK YOU SO BRO. MARS. WE LEARNED A LOT FROM THAT RESPONSE.

    ReplyDelete
  4. Marami pa akong talatang gustong i-share tungkol sa pagkakaiba ng ating Panginoong Jesus kay Miguel Arkanghel kaya lang PANGTRIBUNA. Siguro pag may Saksi ni Jehovang pastor na lang ang gustong makipagdebate sa usaping ito aking ilalabas ng mukhaan sa isang public and televised debate.

    ReplyDelete
  5. WOW, EXCITING. SANA MAY KUMAGAT. HE, HE, HE...

    ReplyDelete
  6. Mas gusto ko nga eh sa Kingdom Hall nila para malaman ng mga miembro nila ang baho ng mga aral ng mga saksing sinungaling.

    ReplyDelete
  7. OO NGA ANO. MAS MAGANDA YON. SA LOOB NG KINGDOM HALL ANG DEBATE. HE, HE, HE...

    ReplyDelete
  8. Hamon ko sa kanila yan. Let me put it in record. I wish to debate the highest rasnking JW pastor in the Philippines, the debate to be done in the biggest JW Kingdom Hall with a full-packed crowd of JW. Televised.

    ReplyDelete
  9. He, he, he... the dice is on the roll. Let's hope that the JW side will take the bite. he, he, he...

    ReplyDelete
  10. Mukha yatang DARATAL na ang Panginoong Jesukristo subalit wala pa ring PASTO NA WALANG KABUSUGAN ng JW ang kakagat sa PAKIKIPAGDEBATE. Baka kasi mabisto ang mga panggogoyo ng mga ito.

    ReplyDelete
  11. WALA NA SILANG NGIPIN BROD, KAYA HINDI MAKAKAGAT.

    ReplyDelete
  12. Saksi ni Jehovah o Saksi ni Cristo?

    Ang mga kaanib ng samahang ito ay tinatawag nila ang kanilang organisasyon at ang kanilang mga sarili na mga Saksi ni Jehovah. Walang talata sa Bibli ang bumabanggit sa katawagang iyan “MALAKING KASINUNGALINGAN YAN”
    Bakit pinupuna mo ang “katawagan” sa organisasyon at sa kanilang sarili ng mga Saksi ni Jehova dahil lamang sa wala kang nabasa na talata hinggil sa katawagang iyan sa Bibliya.? Uulitin ko MALAKING KASINUGALINGAN YAN MAYROONG TALATA

    ANG “MGA SERVANT” NA PINILI NG DIYOS AY KANYANG TINAWAG NA KANYANG “MGA SAKSI” SA BANAL NA KASULATAN

    AMERICAN STANDARD VERSION
    Isaiah 43:10 Ye are my witnesses, saith Jehovah, and my servant whom I have chosen; that ye may know and believe me, and understand that I am he: before me there was no God formed, neither shall there be after me.

    Isaiah 43:10 Ye are My witnesses, an affirmation of Jehovah, And My servant whom I have chosen, So that ye know and give credence to Me, And understand that I am He, Before Me there was no God formed, And after Me there is none. YOUNG LITERAL TRANSLATION

    New World Translation of the Holy Scriptures
    Isaias 43:10 “Kayo ang aking mga saksi,” ang sabi ni Jehova, “ang akin ngang lingkod na aking pinili, upang malaman ninyo at manampalataya kayo sa akin, at upang maunawaan ninyo na ako pa rin ang Isang iyon. Walang Diyos na inanyuang una sa akin, at pagkatapos ko ay wala pa ring sinuman.




    Bagkus, sa Gawa 1:8, ganito ang ating mababasa:
    “Datapuwa’t tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.”

    Sa talatang ating sinipi, ang Panginoong Jesus ang nagsugo na ang kanyang mga alagad ay magiging saksi Niya sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. Ang mga alagad ay mga saksi ni Cristo.
    ANG MGA SAKSI NI JEHOVA AY SUMASAKSI DIN O NAGBIBIGAY NG PATOTOO HINGGIL KAY CRISTO HANGGANG SA DULO NG LUPA GAMIT ANG BANAL MGA KASULATAN

    ReplyDelete
  13. Saksing Sinungaling said…
    Ang mga kaanib ng samahang ito ay tinatawag nila ang kanilang organisasyon at ang kanilang mga sarili na mga Saksi ni Jehovah. Walang talata sa Bibli ang bumabanggit sa katawagang iyan “MALAKING KASINUNGALINGAN YAN”

    [Patunayan mo. Magbigay ka ng sitas. Letra por letra. Basa!]

    Saksing Sinungaling said…
    Bakit pinupuna mo ang “katawagan” sa organisasyon at sa kanilang sarili ng mga Saksi ni Jehova dahil lamang sa wala kang nabasa na talata hinggil sa katawagang iyan sa Bibliya.? Uulitin ko MALAKING KASINUGALINGAN YAN MAYROONG TALATA

    [Asan ang talata mo? Basa!]

    ReplyDelete
  14. Saksing Sinungaling said…
    ANG “MGA SERVANT” NA PINILI NG DIYOS AY KANYANG TINAWAG NA KANYANG “MGA SAKSI” SA BANAL NA KASULATAN

    AMERICAN STANDARD VERSION
    Isaiah 43:10 Ye are my witnesses, saith Jehovah, and my servant whom I have chosen; that ye may know and believe me, and understand that I am he: before me there was no God formed, neither shall there be after me. Isaiah 43:10 Ye are My witnesses, an affirmation of Jehovah, And My servant whom I have chosen, So that ye know and give credence to Me, And understand that I am He, Before Me there was no God formed, And after Me there is none.

    YOUNG LITERAL TRANSLATION

    New World Translation of the Holy Scriptures
    Isaias 43:10 “Kayo ang aking mga saksi,” ang sabi ni Jehova, “ang akin ngang lingkod na aking pinili, upang malaman ninyo at manampalataya kayo sa akin, at upang maunawaan ninyo na ako pa rin ang Isang iyon. Walang Diyos na inanyuang una sa akin, at pagkatapos ko ay wala pa ring sinuman.

    [Ang sinasabihan diyan ng Dios eh ang mga ISRAELITA. Bakit Judio ka ba? Ha ha ha. Mali na naman ang mga talata mo! Isa pa, binabanggit ba diyan na “SAKSI NI JEHOVAH” letra por letra. Wala. Putol-putol. Ha ha ha.]

    ReplyDelete
  15. Bro. Marwil Llasos said…

    Bagkus, sa Gawa 1:8, ganito ang ating mababasa:
    “Datapuwa’t tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.”

    Sa talatang ating sinipi, ang Panginoong Jesus ang nagsugo na ang kanyang mga alagad ay magiging saksi Niya sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. Ang mga alagad ay mga saksi ni Cristo.

    Saksing Sinungaling said…

    ANG MGA SAKSI NI JEHOVA AY SUMASAKSI DIN O NAGBIBIGAY NG PATOTOO HINGGIL KAY CRISTO HANGGANG SA DULO NG LUPA GAMIT ANG BANAL MGA KASULATAN

    [SUMASAKSI KAYO SA KASINUNGALINGAN. IBA ANG CRISTO NINYO. HINDI ANG TUNAY NA CRISTO AYUN SA BIBLIA. ANG CRISTO NINYO AY SI MIGUEL ARCANGHEL. PAANO KAYO MALILIGTAS EH DISPALINGHADO ANG CRISTO NINYO? NANGANGARAL KAYO NG IBANG EVANGELIO! KASUMPA-SUMPA KAYO.
    “Datapuwa't kahima't kami, o isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming ipinangangaral sa inyo, ay matakuwil. Ayon sa aming sinabi nang una, ay muling gayon ang aking sinasabi ngayon, Kung ang sinoman ay mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba kay sa inyong tinanggap na, ay matakuwil” (Galacia 1:8-9).

    ReplyDelete