Friday, August 27, 2010

ANG MGA MALING ARAL NG JEHOVAH WITNESSES by Bro. Marwil Llasos, Part 5

Artistic representation of God the Father while being worshipped by Angels.

Anonymous said...

sir. Marwill

Good day Po!

Tanong ko lng po kung my pangalan bah talagang ibinigay ang panginoon s AMA? kasi may kaibigan po akong saksi ni Jehova.at para din po s kanila si Jesus po n ating panginoon ay angel daw n si St. Michael the Archangel ayon po s knilang babasahin n ibinigay.. ano po ang masasabi nyo po sir? gusto ko po syang sagutin batay s ating pananmpalataya..sana ma sagot matulungan nyo ako ni Fr.Abe s bagay n ito.

Salamat po.

robert

August 26, 2010 3:32 PM

Bro. Marwil N. Llasos said...

sir. Marwill

Good day Po!

[Good day din sa iyo, Robert].

Tanong ko lng po kung my pangalan bah talagang ibinigay ang panginoon sa AMA?

[Walang pangalang ibinigay ang Panginoong Jesus sa Ama. Ang ginagamit ni Jesus na pantawag sa Dios Ama ay Ama. Wala kang mababasa sa Bagong Tipan na tinawag ni Jesus and Ama na Jehovah].

[Ang Ama ba ay pangalan? Aba’y opo. Sa Isaias 63:16, ganire an gating mababasa: “Sapagka't ikaw ay aming AMA, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi kami kilala ng Israel: ikaw, Oh Panginoon, ay aming AMA, aming Manunubos na MULA SA WALANG PASIMULA walang pasimula ay SIYA MONG PANGALAN.” Malinaw, kapatid na ang AMA ay SIYANG PANGALAN NG DIOS MULA PA SA WALANG PASIMULA. Ito ay mariing tinututulan naman ng mga Saksi ni Jehovah. Labag sa Biblia ang mali-maling aral nila].

kasi may kaibigan po akong saksi ni Jehova.at para din po s kanila si Jesus po n ating panginoon ay angel daw n si St. Michael the Archangel ayon po s knilang babasahin n ibinigay.. ano po ang masasabi nyo po sir?

[Tama kapatid na para sa mga Saksi ni Jehovah ay ang Panginoong Jesus ay si Miguel Arkanghel kagaya ng nabasa mo sa babasahin nilang inilalako. Samakatuwid, iba ang Jesus at ibang ebanghelio ang kanilang inaaral. Ikapapahamak ito ng sinumang maniniwala sa kanila (cf. Gal. 1:7-8)].

[Si Cristo ba at si Miguel Arkanghel ay iisa? Hindi. Sapagkat si Miguel ay anghel. Ano ang sabi ng Banal na Kasulatan? Pakibasa kapatid sa Hebreo 1:3 patuloy hanggang 8: “Palibhasa'y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios, at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan; Na naging lalong mabuti kay sa mga anghel, palibhasa'y nagmana ng lalong marilag na pangalan kay sa kanila. Sapagka't kanino nga sa mga anghel sinabi niya kailan man, Ikaw ay aking Anak, Ikaw ay aking ipinanganak ngayon? at muli, Ako'y magiging kaniyang Ama, At siya'y magiging aking Anak? At muli nang dinadala niya ang panganay sa sangkalupaan ay sinasabi, At sambahin siya ng lahat ng mga anghel ng Dios. At sinasabi niya tungkol sa mga anghel, Yaong ginagawang mga anghel niya ang mga hangin, At ang kaniyang mga ministro ay ningas ng apoy: Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian” (Hebreo 1:3-8). Malinaw ang pagkakaiba ng Anak (Jesus) sa mga Anghel. Ano ang sabi? Mas lalong mabuti ang Anak kay sa mga anghel (Hebreo 1:4). Mantakain mong iparehas si Cristo sa isang anghel, o maging arkanghel pa na si Miguel? Kahindik-hindik na kalapastanganan sa Dios at sa Panginoong Jesucristo ang ginagawang ito ng mga tampalasang Saksi ni Jehovah.].

gusto ko po syang sagutin batay s ating pananmpalataya..sana ma sagot matulungan nyo ako ni Fr.Abe s bagay n ito.

[Maipaglilingkod namin ito sa iyo, kapatid].

Salamat po.

Kasihan ka nawa ng Dios.

August 27, 2010 2:15 PM

0 comments:

Post a Comment