Catholic Funeral as depicted in Old Prayer Book
Anonymous said...
Good day po Fr.Abe,
Mayroon po akong mga katanungan na ihihingi ko po sa inyo ng mga tamang kasagutan.
1.sinasabi po ng mga born again na hindi raw po binibendisyunan ng iglesya katolika ang 1 born again na namatay dahil galit daw tayo sa kanila,totoo po ba ito?bakit po?
2.itinuturo daw po ng ating iglesya na ang mga sanggol na namatay at hindi nabinyagan ay hindi makakaligtas,totoo rin po ba ito?paki-explain po sa malinaw na paraan upang mai-explain ko rin sa kanila ng mabuti,salamat po!ang ilan po sa kanila ay aking mga kamag-anak.MORE POWER PO!
August 19, 2010 9:57 PM
Fr. Abe, CRS said...
Dear Anonymous,
[1.sinasabi po ng mga born again na hindi raw po binibendisyunan ng iglesya katolika ang 1 born again na namatay dahil galit daw tayo sa kanila,totoo po ba ito?]
HINDI TAYO GALIT SA KANILA. SILA ANG GALIT SA ATIN. SABI NILA E SUMASAMBA TAYO SA DIOS-DIOSAN AT HINDI TAYO CRISTIANO KUNDI PAGANO. BAKIT NATIN BABASBASAN ANG MGA NAGWAWALANG-HIYA SA ATIN.
PERO BAGO YAN HINDI NATIN SILA BINABASBASAN KASI HINDI SILA MIEMBRO NG ATING SANTA IGLESIA. ANG BASBAS NATIN AY PARA SA MGA CATOLICONG KAANIB NATIN AT HINDI SA MGA KUNG SINO SINO LANG SA TABI TABI. SIEMPRE HINDI RIN NATIN BINABASBASAN ANG MGA KAAWAY NG SANTA IGLESIA TULAD NG MGA BORN AGAIN AT MGA MASON, MGA SATANISTA AT MGA ATEISTA. PERO PINAGDADASAL NATIN ANG KANILANG KALULUWA.
[Bakit po?]
YUN NGA ANG DAHILAN.
[2.itinuturo daw po ng ating iglesya na ang mga sanggol na namatay at hindi nabinyagan ay hindi makakaligtas,totoo rin po ba ito?]
HINDI TUTUO YAN.
ACTUALLY, HINDI TAYO SURE KUNG LIGTAS SILA O HINDI. KASI WALANG DIRECTANG SINASABI SA BIBLIA NA ANG MGA BATANG WALANG BINYAG AY SIGURADONG LIGTAS NA. AT WALA RIN SINASABING HINDI SILA LIGTAS. SO, HIND TAYO SURE LALO NA ANG SABI NG PANGINOONG JESUS: "MALIBAN NA ANG TAO AY ISILANG NG TUBIG AT ESPIRITU AY HINDI SIYA MAKAKAPASOK SA KAHARIAN NG LANGIT."
KAYA PARA MAKASIGURADO TAYO SA KALULUWA NG MGA BATA AY BINIBINYAGAN NATIN AS SOON AS POSSIBLE.
[paki-explain po sa malinaw na paraan upang mai-explain ko rin sa kanila ng mabuti,salamat po!ang ilan po sa kanila ay aking mga kamag-anak.]
YOU ARE WELCOME. TIGNAN MO ANG TOPIC DITO NA "INFANT BAPTISM" MARAMI KANG MATUTUTUNAN DUON.
August 20, 2010 4:54 PM
.jpg)
Nakakapagtaka naman na gusto ng mga born again na magpabasbas sa pari. Parang yung ibang mga Tsinoy, gusto magpabinyag, pero di naman Katoliko.
ReplyDeleteIyan ay nagpapatunay lamang na hindi panatag ang konsensiya nila sa pagiging born again nila. Nakikita natin na sa kaibuturan ng kanilang puso ay hindi sila nakatitiyak na sila'y ligtas na. Samakatuwid, bagama't sinasabi nilang sila'y ligtas,nag-born again na at lumayas na sa Santa Iglesia, ngunit sa kanilang pagkamatay, nilulunggati pa rin nila malibing at mabasbasan sa Iglesia na kanilang itinatwa. Di ba kabalintunaan iyan? Wala nang hain pa ang nakahanda sa kanila ayon na rin sa sinasaad sa Banal na Kasulatan: "Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway" (Heb. 10:26-27). Samakatuwid, nung sila'y mga Katoliko at naaralan ng dalisay na aral, ngunit kanilang itinatwa at dinuwahagi ng sila'y lumabas at umanib sa samahang laban sa Santa Iglesia, masasabi nating wala nang haing natitira pa para sa kanila sa araw ng kamatayan kung sila'y namatay na nawalay sa Dios at sa tunay na Iglesia. Kahindik-hindik na kasasapitan ng mga tampalasan. Malayo nawa sa atin ito!
ReplyDeleteTALAGANG TAMA PO ANG INYONG SINABI BRO. MARS. MAKIKITA NATIN NA ANG MGA KAPATID NATING UMALIS SA PANANAMPALATAYA NG STA. IGLESIA AY NANANATILING UHAW SA DALISAY NA ARAL NG SIMBAHAN. IPINAKIKITA NITO NA HUNGKAG ANG BORN AGAIN FAITH AT HINDI SAPAT PARA PUNAN ANG KANILANG PAGHAHANAP SA KATOTOHANAN.
ReplyDeleteTunay ngang ampaw ang kanilang kaalaman sa Banal na Kasulatan at salat sa unawa sa usapin ng pananampalataya. Bagama't sila ay namamarunong kapag mga hindi-aral na mga Katoliko ang kanilang kaharap, subalit bahag naman ang buntot kapag sa mga manananggol ng pananampalatayang Katoliko anf nakakasagutan nila. Katunayan, hindi nila mapanindigan ng mukhaan ang kanilang mga imbentong doctrina kaya't umiilag sila kapag hinahamon sa debate. Walang ni isa sa mga pastor nila o maging mga tagapagtanggol nila ang naglakas-loob na ilaban ng pukpukan sa debate ang mga tansong aral nila.
ReplyDeleteANG MGA BORN AGAIN AY NAWALAN NG TAPANG AT BANGIS NA IPAGTANGGOL ANG KANILANG MGA DOCTRINANG PULPOL MULA NG SINIMULAN NG MGA CATHOLIC APOLOGISTS ANG PAGSAGOT AT PAGSALAKAY SA KANILANG MGA ARAL.
ReplyDeleteKUNG ATING MATATANDAAN NUONG 80's AND 90's AY MATAPANG SILANG MAGHAMON DAHIL HINDI PA HANDA ANG MGA CATOLICO NA HARAPIN ANG KANILANG MGA BAGONG IMBENTING RELIHIYON. SUBALIT NANG ATIN NG MAKALAP ANG KANILANG MGA TURO AT SIMULANG TIBAGIN ITO AY NAMILIPIT NA SILA SA TAKOT.
KAYA NAMAN NAGTATAGO NA LAMANG SILA. GUMAMGAMIT NG MGA ALIASES PARA HINI MAKILALA. AYAW DIN NILANG SABIHIN KUNG ANO ANG RELIGIOUS AFFILIATIONS NILA PARA HINDI NATIN MATIRA ANG KANILANG MGA PRACTICAL NA GINAGAWA AT TINUTURO. GUSTO LANG NILANG TUMIRA MULA SA DILIM, AYAW NILANG LUMABAS SA LIWANAG.
Sa katunayan, sila ay parang mga virus noong 1980's at 1990's na nagpahina at pumuksa sa pananampalataya ng maraming mga Katoliko. Sapagkat marami na sa ating mga kapatid ngayon ang nabakunahan na ng dalisay at puspos sa Bibliang mga aral na tanging sa loob lamang ng Santa Iglesia Katolika matutunghayan, nabubutata na ngayon ang mga tampalasang "born again" at sila'y inilalampaso ng mga defensor Katoliko. Anupa't tunay nga na malabnaw at mababaw talaga ang aral nila sa Biblia. Sa kanilang pag-aangkin na "Bible-Christians" sila, lumalabas na nagbubulaanan lang ang mga palalong ito na pinangungunahan ng mga pastor na walang kabusugan.
ReplyDeletePAPANO MABUBUSOG ANG MGA PASTOR NA YAN E TAPOS NILANG LUMAMON AY ASAWA NAMAN NILA AT MGA ANAK ANG BUBUSUGIN.
ReplyDelete