Monday, August 2, 2010

KATANUNGAN TUNGKOL SA PAGPAPALAYAS NG MASAMANG ESPIRITU SA BAHAY

The Triumph of St. Augustine by Claudio Coello

Anonymous said...

totoo po bang kung merong mga masamang kaluluwa sa isang bahay ay hindi daw po sapat ang simpleng house blessing lang? pwede po paki paliwanag? salamat po

August 2, 2010 10:23 PM

Fr. Abe, CRS said...

Ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo na ang mga Masasamang Espiritu o mga demonio ay maaaring manahan sa isang bahay o sa isang lugar:

Mateo 12:43-45 "Datapuwa't ang karumaldumal na espiritu, kung siya'y lumabas sa tao, ay lumalakad sa mga dakong walang tubig na humahanap ng kapahingahan, at hindi makasumpong. Kung magkagayo'y sinasabi niya, Babalik ako sa aking bahay na nilabasan ko; at pagdating niya, ay nasusumpungan niyang walang laman, walis na, at nagagayakan. Kung magkagayo'y yumayaon siya, at nagsasama ng pito pang espiritu na lalong masasama kay sa kaniya, at sila'y nagsisipasok at nagsisitahan doon: at nagiging lalo pang masama ang huling kalagayan ng taong yaon kay sa una."

TIGNAN MONG MABUTI ANG MGA TALATA:

1. Ang demonio ay maaaring sumanib sa tao.
2. Ang demonio ay maaaring manahan sa isang lugar.
3. Ang demonio ay maaring manahan sa bahay.
4. Ang demoniong sumasanib o nananahan sa isang bahay o lugar ay maaaring marami at hindi lamang isa.

Kapag ang isang bahay ay pinananahanan ng Masamang Espiritu hindi sapat ang simpleng basbas lang. Kasi ang pagbabasbas ay simplent pagko consagra ng bahay sa Dios. Kailangan nito ng Exorcism, ang opisyal na panalangin ng Santa Iglesia upang mapalayas ang demonio o ang mga masamang Espiritu.

Ang magsasagawa nito ay ang Exorcist... ang Obispo o ang isang pari na itinalaga niya. Kasi ang power to expulse Evil Spirits came from Jesus and was given to the Church [Matthew 16:18-19 and Mark 16:15-17].

Ang pagpapalayas sa demonio ay nangangailangan ng Spiritual Preparation. Dapat ang pari at ang mga kasama niya ay spiritually prepared, especially through prayer and fasting:

Mateo 17:21 Howbeit this kind goeth not out but by prayer and fasting.

Then, sa Exorcism ang Exorcist-Priest ay representante ni Cristo. Hindi siya ang kalaban ng Demonio kundi si Cristo at ang Santa Iglesia. Ang Prayers na kanyang irerecite ay hindi personal prayers kundi ang Prayers of the Church. Ang buong Santa Iglesia ang nananalangin para mapalayas ang masamang espirito.

August 2, 2010 10:52 PM

5 comments:

  1. Father,magtatanong lang po tungkol sa 7 iglesya,ano po ba ang koneksyon nito sa panahon natin ngayon?Ipinaliwanag po sa akin ito nung 1 kristyano pero hindi ko po siya maintindihan,kristiyano daw siya pero wala siyang relihiyon,sabi ko,kung wala kang relihiyon hindi ka kristiyano,itinuturing nilang propeta si william granham.....tnx po,god bless!

    ReplyDelete
  2. Dear Anonymous,

    Ang 7 Churches of Revelation refers to the Seven particular Christian Communities written to by St. John the Apostle in the Book of Apocalypse. Yang 7 Churches na yan ay sinulatan nya dahil sa utos ng Dios upang bigyan sila ng babala na kapag hindi sila nagbago ay mapapahamak sila at ang kanilang kaligtasan. Isang rason kung bakit sila ang napiling sulatan ni San Juan ay dahil malapit lamang sila sa Isla ng Patmos kung saan naka exile noon ang apostol at ang mga lugar na ito ang kanyang dating pinaglilingkuran sa pagtuturo ng salita ng Dios.

    Ito ang mga characteristics ng 7 Churches:

    1.Ephesus (Revelation 2:1-7) - the church that had forsaken its first love (2:4).

    2.Smyrna (Revelation 2:8-11) - the church that would suffer persecution (2:10).

    3.Pergamum (Revelation 2:12-17) - the church that needed to repent (2:16).

    4.Thyatira (Revelation 2:18-29) - the church that had a false prophetess (2:20).

    5.Sardis (Revelation 3:1-6) - the church that had fallen asleep (3:2).

    6.Philadelphia (Revelation 3:7-13) - the church that had endured patiently (3:10).

    7.Laodicea (Revelation 3:14-22) - the church with the lukewarm faith (3:16).

    Kung titignan natin ang Christian History ang mga Churches na iyan ay halos patay na at wala nang ganong members sapagkat sila ay hindi naging tapat kay Jesus. SA KATUNAYAN SA MGA APOSTOLIC CHURCHES NA NABANGGIT SA BIBLIA AY BUKOD TANGING ANG ROMAN CHURCH NA LAMANG ANG BUHAY NA BUHAY AT PATULOY NA LUMALAGANAP. ANG IBA AY HALOS NAWALA NA.

    Bagamat ang 7 Churches ay directa at particular na tinukoy ni San Juan ang numerong 7 na iyan ay pwede ring sumisimbolo sa buong Santa Iglesia sa buong daigdig. Dahil ang number 7 ay perfect number para sa mga Judio.

    Hindi lamang ang particular churches or christian communities ang pinagsasabihan at binabalaan kundi tayong lahat. Maaari nating sapitin ang kinahinatnan ng 7 churches kapag hindi tayo naging tapat kay Cristo:

    "Many commentators see these churches as representative of churches in every age. Their strengths and weaknesses are typical, and we are to gain insight into our own congregations by studying them. Others see the churches as representative of the ages of church history, with the first, Ephesus, representing the apostolic church and the last, Laodicea, representing the church of our own day. Whatever one’s view, there are many insights we can gain as we learn how Jesus Himself evaluates His people—and there are many warnings we can heed."
    [Richards, Larry ; Richards, Lawrence O.: The Teacher's Commentary. Wheaton, Ill. : Victor Books, 1987, S. 1071]

    Kung susuriin natin ang 7 messages para sa bawat church makikita natin ang pattern na ito:

    1. The Lord says "I know your works"

    Ibig sabihin ay pinapaalalahanan tayo ng Panginoon na nakikita nya ang ating ginagawa, mabuti man o masama. Kaya dapat tayong tumahak sa tuwid na landas at gumawa ng mabuti. Pagsasabuhay ng Pananampalataya.

    2. Each contains a promise from Christ, “To him that overcometh.”

    Ibig sabihin dapat tayong magsumikap sa tulong ng grasya ng Panginoon na maging matatag sa pananampalataya at sa pagpapakabuti.

    Ang ating paghihirap, pagpapagal at pagsusumikap ay tatanggap ng gantimpala mula sa Panginoong Dios.

    3. Each ends with, “He that hath an ear, let him hear what the Spirit saith unto the churches.”

    Bawat Cristiano ay dapat maging bukas sa tawag ng Espirito Santo. Hindi tayo dapat magmatigas at magbingi-bingihan sa Panginoon. Dapat tayong maging mga masunuring mga anak ng Dios.

    ReplyDelete
  3. salamat sa leksyon,, sa ngayon kailangan ko na sigurong harapin kung sino at ano man ito,, in jesus name._santino.

    ReplyDelete
  4. father need po nmin ang explanations and advise nyo tungkol sa 3yrs.old nming kapatid na kakaiba po ang mga kinikilos..na para bang may nguutos sa kanya..ng masamang gawain.gaya ng tuwing mananakit nagmamark agad sa katawan nmin at mrami pa pong ibang kilos na di maganda na di kyang gawin ng isang tatlong taong gulang salamat po>>>>

    ReplyDelete
  5. First, lagi nyo siyang isama sa dasal at sa HOly Mass. Pa bless nyo sa sa Pari.

    Ano pa ang ibang mga signs? Lumalakas ba siya? Nagiiba ang boses? Etc.

    ReplyDelete