Friday, August 13, 2010

Nagkakasala pa rin ba tayo kapag ang ating payo ay hindi sinunod ng ating mahal sa buhay?

The Blessed Virgin Mary visits her cousin St. Elizabeth. Mary was pregnant with the Lord Jesus while Elizabeth was pregnant with St. John the Baptist.

Mr Wibe said...

Dear Fr. Abe,

May the grace of the Lord be with you. I have an urgent question tungkol po sa family life. Ang aking Wife po ay buntis at pang-apat po namin.lahat po ay ceasarian section delivery,ngayon po ay gusto ng asawa ko na Mag pa Sterilisation Dahil sa health reason na Hindi daw pwedeng mariming CS.
Sinabi kong Hindi pwede dahil yan ay kasalanan.Kung gagawin nya po maski Hindi ako papayag ako po ba ay magkakasala din?Salamat po father .

August 13, 2010 6:27 PM

Fr. Abe, CRS said...

Dear Mr. Wibe,

Kung sa kabila po ng inyong pagpapaliwanag sa kanya na mali ang kanyang nais gawin e sinunod nya pa rin ang kanyang kagustuhan kayo po ay hindi nagkakasala dahil naituro nyo sa kanya ang tamang moral principles ng Santa Iglesia upang maging gabay niya sa kanyang desisyon.

Kayo po ay magkakasala lamang kung sasang-ayon kayo sa gusto niya o dili kaya ay hindi ninyo siya pinagsabihan sa kabila ng alam ninyo ang aral ng Santa Iglesia hinggil sa moral issue na iyan.

BASAHIN PO NINYONG MABUTI ANG SALITA NG DIOS KAY PROPETA EZEKIEL:

Eze 3:17 Anak ng tao, ginawa kitang bantay sa sangbahayan ni Israel: kaya't pakinggan mo ang salita sa aking bibig, at ipanguna mo sa kanila sa ganang akin.

Eze 3:18 Pagka aking sinabi sa masama, Ikaw ay walang pagsalang mamamatay; at hindi mo pinagpaunahan siya, o nagsasalita ka man upang hikayatin ang masama mula sa kaniyang masamang lakad, upang iligtas ang kaniyang buhay; ang gayong masamang tao ay mamamatay sa kaniyang kasamaan; nguni't ang kaniyang dugo ay aking sisiyasatin sa iyong kamay.

Eze 3:19 Gayon ma'y kung iyong pagpaunahan ang masama, at siya'y hindi humiwalay sa kaniyang kasamaan, o sa kaniyang masamang lakad man, siya'y mamamatay sa kaniyang kasamaan; nguni't iyong iniligtas ang iyong kaluluwa.

Eze 3:20 Muli, pagka ang isang taong matuwid ay lumilihis sa kaniyang katuwiran, at gumawa ng kasamaan, at ako'y naglalagay ng katitisuran sa harap niya, siya'y mamamatay; sapagka't hindi mo siya pinagpaunahan, siya'y mamamatay sa kaniyang kasalanan, at ang kaniyang mga matuwid na gawa na kaniyang ginawa ay hindi aalalahanin; nguni't ang kaniyang dugo ay aking sisiyasatin sa iyong kamay.

Eze 3:21 Gayon ma'y kung iyong pinagpaunahan ang taong matuwid, upang ang matuwid ay huwag magkasala, at siya'y hindi nagkakasala, siya'y walang pagsalang mabubuhay, sapagka't siya'y nahikayat; at iyong iniligtas ang iyong kaluluwa.

IYAN ANG SALITA NG DIOS KAY PROPETA EZEKIEL. YAN AY VALID DIN SA YO KASI IKAW ANG BANTAY NG IYONG PAMILYA AT NG IYONG ASAWA. IKAW ANG 'ULO' NIYA. KAYA NAPAKAHALAGA NA PINAPAYUHAN MO SIYA AYON SA TAMANG ARAL. TAMA PO ANG INYONG GINAWA.

NAWA'Y KASIHAN NG BANAL NA ESPIRITO ANG INYONG TAHANAN UPANG KAYO AY PATATAGIN SA PAGMAMAHALAN AT PANANAMPALATAYA. MAY THE LORD BLESS YOUR WIFE AND YOUR BABY.

August 13, 2010 6:41 PM

2 comments:

  1. Hello father:)
    Isa po akong training nurse at kasalukuyang napapabilang sa isang maliit na organisasyon ng mga volunteers na ngbibigay ng basic medical and nursing services dito sa CDO. ang problema ko po ay ang aming leader ay ngplaplanong ipa-sulong sa aming mission ang pagpapalaganap ng contraceptives na sa pagkaka-intindi ko ay malaking kalapastanganan sa creative process ng Dios in cooperation with couples. paano ko po i-aadress sa aming leader ang issue na ito? i feel afraid of voicing my opinions...

    ReplyDelete
  2. Bro. Gregor,

    Please constantly pray to the Holy Spirit. Then alamin mo ang Faith ng leader nyo. Kung Catholic sya, tignan mo kung active and faithful Catholic sya. Once na active and faithful, then wag kang mahiya kausapin mo.

    O kaya, you can talk to your fellow nurses. See if others also dislike it. Pag marami kayo mas may boses.

    ReplyDelete