Old Jehovah Witnesses monuments bears the Sign of the Cross inside a wreath. This acceptance of the Cross was later changed and rejected by their leaders. It shows their inconsistencies on matters of Doctrines.
-
Bakit Hindi Gumagamit ang mga Saksi ni Jehova ng Krus sa Kanilang Pagsamba? Naniniwala ang mga Saksi ni Jehova na ang kamatayan ni Jesu-Kristo ay naglaan ng pantubos kung kaya nagkaroon ng pag-asang mabuhay nang walang hanggan ang mga nananampalataya sa kaniya. (Mateo 20:28; Juan 3:16) Pero hindi sila naniniwalang namatay si Jesus sa krus, gaya ng kadalasang nakikita sa mga larawan. Naniniwala silang namatay si Jesus sa isang tuwid na tulos, o poste. Gk (stauros)
True, the Romans did use an instrument of execution known in Latin as the crux. And in translating the Bible into Latin, this word crux was used as a rendering of stau•ros´. Because the Latin word crux and the English word cross are similar, many mistakenly assume that a crux was necessarily a stake with a crossbeam. However, The Imperial Bible-Dictionary says: “Even amongst the Romans the crux (from which our cross is derived) appears to have been originally an upright pole, and this always remained the more prominent part.”
Ganito ang sinabi ng Companion Bible ng Oxford University: “Ang ebidensiya ay . . . [nagpapakitang] namatay ang Panginoon sa isang tuwid na tulos, at hindi sa dalawang piraso ng kahoy na pinagkrus sa anumang anggulo.”
The International Standard Bible Encyclopedia (1979) states under the heading “Cross”: “Originally Gk. staurós designated a pointed, vertical wooden stake firmly fixed in the ground. . . . They were positioned side by side in rows to form fencing or defensive palisades around settlements, or singly they were set up as instruments of torture on which serious offenders of law were publicly suspended to die (or, if already killed, to have their corpses thoroughly dishonored).”
-
Saksing Sinungaling said… Bakit Hindi Gumagamit ang mga Saksi ni Jehova ng Krus sa Kanilang Pagsamba?
[Eh ano ngayon kung hindi gumagamit ng krus sa kanilang pagsamba? Bakit sinasamba ba nila ang krus? Tayo rin namang mga Katoliko ay hindi sumasamba sa krus o kahoy. Kaya impertinente itong tanong na ito ng Saksi ni Jehova. ]
-
Saksing Sinungaling said… Naniniwala ang mga Saksi ni Jehova na ang kamatayan ni Jesu-Kristo ay naglaan ng pantubos kung kaya nagkaroon ng pag-asang mabuhay nang walang hanggan ang mga nananampalataya sa kaniya. (Mateo 20:28; Juan 3:16).
[ Ganun naman pala eh. Bakit hindi ba ito pinanampalatayanan ng mga Katoliko? Huli na kayo sa balita, uy!]
-
Saksing Sinungaling said… Pero hindi sila naniniwalang namatay si Jesus sa krus, gaya ng kadalasang nakikita sa mga larawan. Naniniwala silang namatay si Jesus sa isang tuwid na tulos, o poste. Gk (stauros).
[Ayun, sa poste pala ipinako at namatay si Jesus. He he he. Naku, bagong doktrina ito. Nagka-amnesia ata ang mga Saksi ni Jehova. Nakalimutan nila na ang kanilang tagapagtatag na si Charles Taize Russell eh nananampalataya na sa krus namatay si Kristo at hindi sa poste ng Meralco. He he he.
Maaalala na sa halos 50 taon ang Watchtower Society ay gumamit ng krus at nangaral na si Jesus ay namatay sa krus. Sa katunayan, kasama sa cover ng Watch Tower ang krus.
Huling-huli na naman ang pagsisinungaling ng mga Saksing Sinungaling. Hindi raw sila naniniwala sa krus. Lokohin nyo ang lelong nyong panot. Mga mapagpaimbabaw. aba’y nagoyo pala kayo ng tagapagtatag ninyo kung ganun? Ano pa ang ginagawa ninyo diyan? Umalis na kayo sa samahang itinatag ng sinungaling at manloloko.
Ano sabi ng tagapagtatag ninyo? “Jesus was crucified upon the cross” [Life (1929) p.216]. Tapos ngayon iba na ang aral nyo? Ano ba talaga kuya?
Ano rin ang sabi ni Rutherford, kahalili ng amo ninyo? “The cross of Christ is the greatest pivotal truth of the divine arrangement, from which radiate the hopes of men” [Rutherford, The Harp of God, p.141]. Matapos ipangaral ito, aba nalipasan ata ng gutom si Rutherford kaya nag-iba ng aral. Matapos ang 1930’s eh anti-krus na siya.
Bago ang 1930’s isinasalarawan ng Watch Tower si Kristo na namatay sa tadisyonal na krus. Ngunit, ng lumaon eh tinaggal na ang krus at ang pangalan ni Jesus sa front cover ng Watch Tower. Itinara na lang ang watch tower bilang kanilang simbolo. Sa aklat na Enemies, tinira-tira ni Rutherford ans tradisyonal na kasaysayan ng krus at sinabi niyang mali ito sapagkat sinasamba diumano ng mga paganong Celts ang krus bago pa man ipinanganak at mamatay si Kristo.
Biglaan ang pagbalikwas ng aral ng mga Saksi ni Jehova! Ano ba iyan? Paiba-iba ng aral. Kontra-kontra. Paano natin paniniwalaan ang samahang paekis-ekis ang aral?]
-
Saksing Sinungaling said… True, the Romans did use an instrument of execution known in Latin as the crux. And in translating the Bible into Latin, this word crux was used as a rendering of stau•ros.’
[Laway ang puhunan nito. Wala namang referenciang binabanggit.]
Saksing Sinungaling said... Because the Latin word crux and the English word cross are similar, many mistakenly assume that a crux was necessarily a stake with a crossbeam.
[Who are these “many” who as you said mistakenly assume that a crux was necessarily a stake with a crossbeam? Aber nga, sino-sino sila? Aba’y wala ka nga mapangalanan ni isa. Kumakatha ka ng kuwento. Puro ka wento wala ka namang wenta.]
-
Saksing Sinungaling said... However, The Imperial Bible-Dictionary says: “Even amongst the Romans the crux (from which our cross is derived) appears to have been originally an upright pole, and this always remained the more prominent part.”
[Para namang timang itong Saksing Sinungaling na ito. Kailan ba naming tinutulan na ang crux sa mga sinaunang Romano ay nakatirik na poste? Magpakita ka ng referencia. Isa pa, hindi kumpleto ang mga sinasabi mo. Nagtatago ka ng mga detalye para makapagsinungaling lang.
Tama naman na sa mga sinaunang Romano ang crux (o stauros sa Griyego) ay isang upright stake, ngunit paglaon ito ay nangangahulugan nang krus sa panahon ng Panginoong Jesukristo:
“The Greek-English Lexicon of Liddell and Scott, the major reference work on the Greek language from Homeric to early Christian times, reports that the meaning of the word "σταυρός" (stauros) in the early Homeric form of Greek, possibly of the 8th to 6th century B.C., and also in the writings of the 5th-century B.C. writers Herodotus and Thucydides and the early-4th century B.C. Xenophon, is that of an upright stake or pole; but that in the writings of the first-century B.C. Diodorus Siculus and in later writers, such as Plutarch and Lucian, it refers to a cross” [http://en.wikipedia.org/wiki/Stauros].
O ano ang sabi ng referencia? Mga 8 to 6 century B.C. at early 4th century B.C. pa pala iyang poste mo eh. Pero nung 1st century B.C. eh krus nap ala. At iyan ang kapanahunan ng Panginoong Jesukristo.
-
Saksing Sinungaling said … Ganito ang sinabi ng Companion Bible ng Oxford University: “Ang ebidensiya ay . . . [nagpapakitang] namatay ang Panginoon sa isang tuwid na tulos, at hindi sa dalawang piraso ng kahoy na pinagkrus sa anumang anggulo.”
[Tagalog na pala ngayon ang Companion Bible ng Oxford University. Ha ha ha. Loko-loko! Gagawa-gawa ka lang ng referencia eh questionable pa. Kailan pa nagkaroon ng Tagalog ang Companion Bible ng Oxford University? Aber nga. Ni wala ka ngang pahinang mabanggit. Tsk tsk tsk. Mga saksing sinungaling talaga kayo!]
-
Saksing Sinungaling said… The International Standard Bible Encyclopedia (1979) states under the heading “Cross”: “Originally Gk. staurós designated a pointed, vertical wooden stake firmly fixed in the ground. . . . They were positioned side by side in rows to form fencing or defensive palisades around settlements, or singly they were set up as instruments of torture on which serious offenders of law were publicly suspended to die (or, if already killed, to have their corpses thoroughly dishonored).”
[Natural namumulot ka ng kakampi sa iyo. Pero, tingnan mo nga iyang referencia mo hindi kumpleto. Chop-chop. Bakit kamo? Eh sa ang sinasabi ay “originally” ang stauros eh matulis at paitaas na kahoy. Tumututol ba kami diyan? Aba’y hindi. Wag ka managinip ng gising. Bagama’t sa una ay ganiyan ang kahulugan ng stauros, eh sa kalaunan sa pagdatal ng Panginoong Jesukristo, aba’y krus na ang ibig sabihin nun mga 1 century B.C. pa.
Malinaw na hindi ka nagsasabi ng pawing katotohanan. Saksing sinungaling ka nga.]
.jpg)
0 comments:
Post a Comment