A beautiful statue of the Blessed Virgin Mary with the Child Jesus with pretty Roses blooming nearby.
Bro. Marwil N. Llasos said...
Wala sa katinuan ang pagsasabi na ang pag-aalay o pagbibigay ng bulaklak ay ukol sa Dios lamang. Sa katunayan, sa Awit ng mga Awit ni Solomon 2:5, ganito ang ating mababasa:
“Stay me up with flowers, compass me about with apples: because I languish with love” (Song 2:5, Douay-Rheims Bible).
Samakatuwid, ang nagsasalita dito ay TAO at hindi DIOS. Sa madaling salita, ang tao ay maaaring alayan ng bulaklak. Tanda iyan ng PAG-IBIG.
Sapagkat ang pag-ibig ay nanatili magpasawalang-hanggan, maari pa rin nating alayan ang alaala ng ating mga iniibig. Kaya nga maging mga patay, kanilang puntod o maging mga monumento ng mga namayapa ay nilalagyan ng bulaklak tanda ng pagmamahal at pag-galang natin sa kanila. Ulol lamang ang magsasabi na sinasamba nila ang mga ito kapag sila ay nag-aalay ng mga bulaklak.
Tanungin natin ang miyembro ng Church of God kung personal na nilang inalayan ng bulaklak ang Dios. Aba'y imposible iyon kasi ang Dios ay hindi nakikita.
Kung para sa kanila ang pag-aalay ng bulaklak ay PAGSAMBA, kailan naman nila naalayan ng bulaklak ang Dios?
Kung hindi nila naalayan ang Dios ng bulaklak lalabas na hindi nila SINASAMBA ang Dios. Di ba katangahan na naman iyan?
Ang mga ibang sekta ay nabulagan na kaya't pati sentido komun ay nagdilim na.
August 31, 2010 7:35 PM
.jpg)
0 comments:
Post a Comment