Anonymous said...
Father,
Magandang araw po. Me nabasa po akong isang blog ng Seventh Day Adventist...sa ating Kastoliko ay linggo na po ang sabbath...pero sabi po doon...meron daw pong nabaggit sa pasyong mahal pahina 5 na dapat sabado ang sabbath...yun po ba ang direktang nasabi doon sa pasyon? Paano po natin irere-concile yun sa atin bilang katoliko?
salamat po..
September 6, 2010 9:49 AM
Fr. Abe, CRS said...
[Magandang araw po.]
MAGANDANG ARAW DIN NAMAN.
[Me nabasa po akong isang blog ng Seventh Day Adventist...sa ating Kastoliko ay linggo na po ang sabbath...pero sabi po doon...meron daw pong nabaggit sa pasyong mahal pahina 5 na dapat sabado ang sabbath...]
NAKU NAMAN DRAMATIZATION LANG IYAN.
ANG PASYON AY DRAMATIZATION NG BIBLE STORIES AT NG SUCCEEDING HISTORY OF THE CHURCH. ITO AY HINDI MANUAL OF OUR FAITH. PARANG KUMUHA KA NG SCRIPT NG SENACULO AT GAWING BASEHAN NG DOCTRINA. HE, HE, HE... NAKAKA-TAWA. HA, HA, HA...
SA BIBLIA ANG NAKASULAT ANG SABBATH AY ANG IKAPITONG ARAW... AT ANG UNANG ARAW. MAY MGA BIBLIA NA NAGSALIN NG SABADO FOR SABBATH KASI BINASEHAN NILA ANG GREGORIAN CALENDAR NA SANTO PAPA ANG NAGPAGAWA AT NAGPATIBAY KUNG SAAN SUNDAY ANG UNANG ARAW AT SATURDAY ANG IKA PITO.
SUBALIT SA BIBLIA WALANG SINASABI NA ANG DAPAT SUNDAN NG BILANG AY ANG GREGORIAN CALENDAR O KUNG ANO PA MANG CALENDARIO. KAYA MALI NA GAMITIN ITONG BATAYAN KUNG ANO ANG UNA AT IKAPITONG ARAW. HINDI TINURO NG DIOS O NG MGA PROPETA O NG PANGINOONG JESUS NA: "ANG IKA PITONG ARAW AY SABADO AYON SA GREGORIAN CALENDAR."
ANG IBIG SABIHIN NG SABBATH AY ANG ARAW NG PAMAMAHINGA AT YAN AY HINDI AUTOMATICALLY NA SATURDAY NA KINUHA NG MGA PAGAN SCHOLARS SA NGALAN NI SATURN ISA SA MGA DIOSDIOSAN NILA. KUNG TALAGANG SABADO ANG ARAW NG PAMAMAHINGA TINUTUPAD NATIN ITO. KASI WALANG MGA PASOK SA MGA PAARALAN NATIN PAG SATURDAY, SARADO ANG MGA OPISINA NG CATHOLIC OFFICES AND STORES AND SCHOOLS PAG SATURDAYS. SO, ANONG INAANGAL NILA? HE, HE, HE... PAREHO TAYONG NAMAMAHINGA SABADO MAN O LINGGO. DI BA? KUNG MAY PASOK MAN PAG SABADO HINDI BATAS YON NG IGLESIA CATOLICA KUNDI NG GOVERNMENT O NG PRIVADONG SECTOR.
[yun po ba ang direktang nasabi doon sa pasyon? Paano po natin irere-concile yun sa atin bilang katoliko?]
WALA TAYONG DAPAT IRECONCILE DAHIL WALA NAMANG SALUNGAT. NAMAMAHINGA NAMAN ANG MGA CATHOLICS PAG SATURDAY.
SUBALIT ANG SABBATH AY HINDI "SEVENTH DAY ONLY". YAN ANG MALI. KASI ANG "FIRST DAY" AY SABBATH DIN:
Levitico 23:7 "Sa UNANG ARAW ay magkakaroon ng banal na pagpupulong: anomang gawang paglilingkod ay huwag ninyong gagawin."
ANG PAGTIGIL SA TRABAHO AY HINDI LANG SATURDAY KUNDI PATI SUNDAY AY MAAARI RING GAWING ARAW NG PAMAMAHINGA. GAYA NG SABI SA TAAS ANG UNANG ARAW ANG DAY PARA SA "BANAL NA PAGPUPULONG" O "HOLY CONVOCATION" O "SACRED ASSEMBLY". KAYA SA ARAW NA IYAN TAYO NAGKAKATIPON BILANG MGA CATOLICO. Hindi lang first day of the Week, Sabbath din ang First Day of the Month:
Levitico 23:24 Salitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Sa ikapitong buwan, sa UNANG ARAW NG BUWAN, ay magkakaroon kayo ng takdang kapahingahan, na pinakaalaalang may tunog ng mga pakakak banal na pagpupulong nga.
KAYA YUNG CLAIM NG SDA NA SATURDAY LANG ANG SABBATH E PALPAK KASI IBA IBANG ARAW PUMAPATAK ANG FIRST DAY NG KADA BUWAN. HE, HE, HE...
ITO PA ANG IBANG TALATA NA NAGPAPAHAYAG NA PWEDENG SABBATH ANG FIRST DAY:
Levitico 23:35 "Sa UNANG ARAW ay magkakaroon ng banal na pagpupulong; kayo'y huwag gagawa ng anomang gawang paglilingkod."
KITAM. WALANG NAKASULAT SA BIBLIA NA SATURDAY LANG ANG SABBATH. IMBENTO LANG IYAN NI ELLEN GOULD WHITE.
ACTUALLY ANG SUNDAY AY VERY SPECIAL SABBATH KASI ITO ANG IKA FIRST DAY AT IKA EIGTH DAY WHICH IS SACRED TO GOD:
Levitico 23:39 "Gayon ma'y sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwan, pagka inyong natipon ang bunga ng lupain, ay magdidiwang kayo sa Panginoon ng kapistahang pitong araw: ang UNANG ARAW ay magiging takdang kapahingahan, at ang IKAWALONG ARAW ay magiging takdang kapahingahan."
ANG SABBATH SA BAGONG TIPAN:
Ang ating Panginoong Jesucristo ay namamahinga ng Sabbat at nagpupunta sa Sinagoga dahil Judio siya. Gayon din ang mga Apostles... Judio sila.
Subalit ang Panginoong Jesus ay kilala sa hindi pagsunod sa Sabbath dahil naglalakad sila ng Sabbath, nagpapagaling, nangangaral at iba pa. Ito ang kinagalit ng mga Pariseo kay Jesus. Subalit ipinaglaban ito ng Panginoon:
Juan 5:16-17 "At dahil dito'y pinagusig ng mga Judio si Jesus, sapagka't ginagawa niya ang mga bagay na ito sa araw ng sabbath. Datapuwa't sinagot sila ni Jesus, Hanggang ngayo'y gumagawa ang aking Ama, at ako'y gumagawa."
IBIG SABIHIN BAGAMAT ANG CREATION AY NATAPOS NA NG DIOS SUBALIT ANG ACTIVITY OF GOD AND OF THE LORD IN SAVING, HEALING, PURIFYING, SANCTIFYING THE WORLD ARE CONTINUOUS. KAYA NGA ANG MGA ESPECIAL NA GAWAIN TULAD NG SA MGA DOCTOR, PARI, MGA NAGTITINDA NG PAGKAIN AY DAPAT MAGPATULOY KAHIT ARAW NG PAMAMAHINGA.
AT ANG PINILI NIYANG ARAW NG TAGUMPAY LABAN SA KASALANAN AT SA KASAMAN - ANG DAY OF RESURRECTION AY SUNDAY - HINDI SATURDAY:
Marco 16:1 At nang makaraan ang sabbath, si Maria Magdalena, at si Mariang ina ni Santiago, at si Salome, ay nagsibili ng mga pabango, upang sila'y magsiparoon at siya'y pahiran. At pagkaumagang-umaga nang unang araw ng sanglinggo, ay nagsiparoon sila sa libingan nang sikat na ang araw.
Lucas 24:1-2 Datapuwa't nang unang araw ng sanglinggo pagkaumagang-umaga, ay nagsiparoon sila sa libingan, na may dalang mga pabango na kanilang inihanda. At nasumpungan nilang naigulong na ang bato mula sa libingan.
KAYA NAMAN ANG MGA CRISTIANO AY NAGTITIPON PARA MAGHATI HATI NG TINAPAY GAYA NG INIUTOS NI JESUS SA LAST SUPPER TUWING SUNDAY AT HINDI SATURDAY:
Act 20:7 At nang UNANG ARAW ng sanglinggo, nang kami'y nangagkakapisan upang pagputolputulin ang tinapay, si Pablo ay nangaral sa kanila, na nagaakalang umalis sa kinabukasan; at tumagal ang kaniyang pananalita hanggang sa hatinggabi.
ITO RIN ANG ARAW NG PAGTITIPON NG MGA MANANAMPALATAYA:
1 Corinto 16:2 Tuwing UNANG ARAW ng sanglinggo ang bawa't isa sa inyo ay magbukod na magsimpan, ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko.
LAGI NATING TATANDAAN NA SI JESUS ANG "LORD OF THE SABBATH":
Mark 2:28 So the Son of Man is LORD even of the Sabbath."
DAHIL SUNDAY ANG DAY OF HIS TRIUMPH, THE DAY OF THE RESURRECTION ANG SUNDAY ANG DAY OF THE LORD!
[salamat po..]
WELCOME.
TANDAAN MO. SINUSUNOD NATIN ANG PAMAMAHINGA NG SABADO AT SUMASAMBA TAYO SA DIOS TUWING LINGGO DAHIL ITO ANG "DAY OF THE LORD" - ITO ANG DAY OF RESURRECTION - THE TRIUMPH OF JESUS OVER SIN AND DEATH.
ANG ATING PAGSAMBA AY NAG-UUMPISA NG SABADO HANGGANG LINGGO.
September 6, 2010 1:38 PM
.jpg)
magandang araw.
ReplyDeletesinabi nyo po sa itaas na ang pagsamba ay nag-uumpisa ng sabado hanggang linggo, paano po ang lunes hanggang biyernes? paano po ba ang pagsamba ninyo?
nagpuputol putol ng tinapay ang mga pari sa kanilang misa,,pero bakit ang pangangaral ay hindi nila gingawa???na tumatagal hanggang hatinggabi?
ReplyDeleteMay Banal na Misa o Pagsamba sa Dios sa lahat ng Simbahang Catolico araw-araw. Tuwing umga. At sa malalaking Simbahan ay umaga at hapon.
ReplyDeleteAraw-araw din ang Misa sa mga Seminaryo, Convento, Monasterio, Shrines at iba pa.
Subalit ang obligatory Worship Day ng Catolico starts on the Late afternoon of Saturday until Sunday evening. We are following the Jewish mode of considering the day as the Apostles did.
[nagpuputol putol ng tinapay ang mga pari sa kanilang misa,,pero bakit ang pangangaral ay hindi nila gingawa???na tumatagal hanggang hatinggabi?]
ReplyDeleteDAHIL ANG UTOS NI CRISTO NUNG SINABI NYANG "GAWIN NINYO ITO BILANG PAG-ALALA SA AKIN" AY TUNGKOL SA TINAPAY NA WALANG LEBADURA AT ALAK NA MULA SA KATAS NG UBAS. YON ANG SINUSUNOD NG MGA CATOLICO. ANG PAG-AALAY NG EUCHARISTIC BREAD AND WINE... O PINAGPASALAMAT NA TINAPAY AT ALAK.
HINDI KASAMA SA UTOS NI CRISTO NA MANGARAL KAYO HANGGANG HATING GABI. HE, HE, HE... YON AY ISINAGAWA NA LANG NI PABLO DAHIL MARAMI SYANG GUSTONG SABIHIN SA MGA TAO SA LUGAR NA IYON. PERO HINDI OBLIGATORY NA LAHAT AY MANGARAL HANGGANG HATING-GABI.
SUBALIT MARAMING MGA OCCASION NA GINAGAWA DIN NAMIN YAN. TULAD NG MGA CATHOLIC RETREATS, RECOLLECTIONS, WORLD YOUTH DAY, OVERNIGHT SEMINAR, YOUTH CAMPS, ETC. ANG MGA PANGANGARAL AY UMAMABOT NG HATINGGABI... O HIGIT PA. MERON NGANG MAGDAMAGAN WALANG TULUGAN. HE, HE, HE...
KAYO BA MERON BA KAYONG PAGPIPIRA-PIRASO NG TINAPAY SA INYONG PAGSAMBA?