Friday, June 17, 2011

CATHOLIC APOLOGISTS AND THIS BLOG PREVENTED THE CONVERSION OF SOME BROTHERS TO THE MANALOS

The Lord Jesus and the Doubting Thomas


Hello Fr. Abe here is my story this is Randel Paul comment from ur article entitled: 

The Splendor of the Church Blog Once Again Inspired a Young Catholic to Deepen and Defend his Catholic Faith


Actually hindi lang po ako dito nainspired kundi sa iba pa ring mga catholic blogs.

Nagsimula po ang interest ko sa religion noong college ako noong mga panahon na halos isuko ko na ang pananampalatayng Katoliko dahil dumating po yung panahon sa akin na halos HINDI ko na sya kayang IPANGTANGOL laban sa mga mapanirang aral ng INC. May isa po kasi akong kapatid na lalake na dati ay wala po talagang interest sa Relihiyon pero noong makapag asawa po sya ng isang member ng INC nagpaconvert po sya dahil hindi po sila pwedeng ikasal sa INC.  dahil nga po sa walang interest sa pananampalatayang Katoliko ay nagpaconvert po sya sa INC at doon nagsimula ang pagkakawatak watak namin bilang isang Catholic family, 

dahil po sa wala kaming alam sa pananampalatayang katoliko ay wala po kaming nagawa at magawa tuwing aaralan kami ni kuya ko at babasahan ng Linya sa BIBLIYA kundi ang sumangayon dito sa paniniwalang tama ang interpretasyon  at konklusyon nila sa mga sinasabi doon. 

palage ko pong ipinagtatangol ang Catholic sa kanya pero lage din po akong natatalo sa mga diskusyon namin dahil hindi ko po majustify ang mga statement ko sa bible dahil i perosnally dont know what verse ito. kaya habang tumatagal po, nagkakaroon na ng doublt ang iba ko pang mga kapatid at nagpasya po silang magpadoktrina na sa INC na lalo namang nakapag pa lakas ng pwersa ng INC sa amin dahil mas nadagdagan pa ang nakakadiskusyon ko sa mga kapatid ko.. 

wala po akong magawa noong kundi ang huwag maniwala sa kanila, na animoy ako talaga ang mali at sila ang tama BITTER kumabaga ganun po palage ang kinalalabasan ng aming mga diskusyon, ako ang talo at sila ang panalo, at sa bandang huli ay iimbitahan nila ako na magpadoktrina na sa kanila..

dahil nga po sa ganyang mga pagkakataon at dahil narin sa pangungulit ng mga kapatid ko ay nagpasya ako na subukan ngang magpadoktrina sa kanila pero humingi ako ng time para makapag isip, dahil mahaba po pala ang proseso bago ka maging member nila, as far as i know i need to undergo doctrinal studies for 6 months.

Kinahiligan ko po kasi ang magsagot ng crossword puzzle sa diyaryo kaya minsan ay bumibili ako ng diyaryo hidi upang magbasa ng balita kundi magsagot ng crossword puzzle at doon ko po nakilala si Mr. Cenon Bibe Jr. isang araw po noong bumili ako ng tabloid kung saan sya regular na nagsususlat ay napansin ko sa headline ang article nya na tumbukin natin: Hesus hindi Diyos? naging interesado po ako doon at nalaman ko na isa pala yung catholic apologetic, at doon po nagsimula ang paghahanap ko sa KATOTOHANAN sa likod ng KATOLIKO,

kung tatanungin nyo po ako kung natuloy ba ang pagpapadoktrina ko? 

Im proud to say HINDI po. HINDI ko na po itinuloy ang pagpapadoktrina ko, at sa halip ay mas lalo ko pang pinag ibayo ang pagtuklas sa aral ng KATOLIKO at hindi ko man kaagad nakuha ang lahat ng sagot e unti unting naunawaan ko naman ang mga aral natin kung hindi man lahat at least sapat na po para hindi hindi ituloy ang aking pagpapadoktrina. sinabi ko po sa aking mga kapatid na hindi na ako magpapadoktrina kaya muli ay inaralan na naman po nila ako pero sa pagkakataon pong iyon ay hindi na ako talo sa diskusyon namin, may mga tanong pa din po sila sa akin na hindi ko majustify at masagot minsan pero 1 out of 10 na lang.

hagang sa isang araw po ay nag anounce si Mr. Cenon Bibe ng tungkol sa Defensores Fidei Foundation. way back 2008 i think sa my Green Hills po noong ung vinue kung san yung seminar  at doon ko po nakilala sila Atty. Marwil Llasos, na talagang hinangaan ko sa galing sa aral Catholic at doon ko din po IKAW nakilala as far as i know tungkol po sa SCRAMENTS ang Topic nyo, at simula din po noon ay naging regular nyo na po akong reader dito sa blog nyo, i was able to substantiate almost all of my statment regarding catholic doctrines. at dahil po sa inyo at sa blog mo ay napigilan ko pong magpaconvert ang iba ko pang mga kapatid, sa kasalukuyan po ay dalawa po sa mga kapatid ko (seven po kami) ang hindi na bumalik sa Catholic dahil INC po ang mga asawa nila pero hindi pa rin po ako nawawalan ng pag-asa na makikita pa rin nila ang tamang daan na matatagpuan lamang sa Catholic Church(acts 9:31). 
Lubos po akong nagpapasalamat unang una sa Diyos na sa aking palagay ay sinadyan nyang mapansin ko ang article ni Brother Cenon sa TUMBUK para hindi ko ituloy ang pagpapadoktrina sa INC at sa inyo Fr. Abe ganun din po kay na Brother Mars at Brother Cenon Bibe. Maraming maraming salamat po. 
Nawa po ay huwag kayong magsawang ipalaganap ang ating aral sa ganitong paraan na lahat ay nakaka access lahat ay pwedeng makabasa.
May the Holy God the Father, Son and the Holy Spirit always Bless you as you defend our Catholic faith. :D


-Randel Paul

12 comments:

  1. Wow, thanks Randel for sharing us your story. Thanks Fr. Abe for posting his story. God bless po lagi..

    ReplyDelete
  2. WELCOME BROD. ACTUALLY I'VE BEEN RECEIVING A LOT OF MESSAGES OF THIS KIND. NGAYON KO LANG NAISIP NA I POST ANG MGA IYON IN A SEPARATE COLLECTION ENTITLED: "MESSAGE FROM READERS". I THINK THE DECISION IS RIGHT. IT INDEED INSPIRES MANY AND GIVES HAPPINESS TO OUR HEARTS.

    ReplyDelete
  3. pwede po malaman kung anong dyaryo po yung may article ni brother cenon bibe???
    araw araw po ba may apologetics article dun?
    salamat po!

    ReplyDelete
  4. Unfortunately nagsara na ang Diario na yon: TUMBOK. Ang article ni Bro. Cenon duon ay TUMBUKIN NATIN. Araw araw yon dati. But, Bro. Cenon is active in the internet. Please read his Blog.

    ReplyDelete
  5. You'll never go wrong as long as you trust the Church built by our Lord Jesus Christ and practice the faith!

    Praise to you Lord Jesus Christ!

    ReplyDelete
  6. Thank you so much po Fr. Abe, natutuwa akong makainspire sa iba. hangad ko po na dumami pa angmga taong katulad nyo para sa ating kaligtasan.

    to anonymous

    marami pong akong collection ng article ni Brother cenon Bibe. ginugupit ko kasi dati yung buong section nya sa tumbok. kaya naging collections ko na din.. i also have the english and tagalog version of Fr. Paul Kaiparambadan's Magazine "Know the Truth" First and Second Issue. if you want i can scan those things for you just provide your email address. thanks po ulet fr abe. and Happy Fathers Day po sa Inyo at sa lahat ng mga TATAY sa buong MUNDO ganun din sa aking ama.

    God Bless us All. :D

    ReplyDelete
  7. Thank you Randel.

    I also have those materials. Thank you very much.

    ReplyDelete
  8. Praise the Lord for this! I am deeply humbled of having been used by Almighty God to proclaim the Truth and share It to those who are in search of God's love.

    ReplyDelete
  9. BLESSED BE THE NAME OF THE LORD. ALLELUIA!

    ReplyDelete
  10. NAKS, NAPAKAPALAD NI BRO. RANDEL PAUL KASI NABASA NIYA PA YUNG DIYARYO NA TUMBOK BAGO MAGSARA YUNG PAGPAPA-IMPRENTA NITO.

    SANA MAGKAROON PA NG GANOONG ARTIKULO SA IBANG PAHAYAGAN (PERO WAG NAMAN SANA SA TORO, IWW, AMPANGIT, HEHE) TULAD NG PILIPINO STAR.

    AKO NGA PO PALA E BUMALIK LANG DIN SA KATOLIKO, BUONG PAMILYA NAMIN EH BORN AGAIN. SAKA NA YUNG KWENTO.

    CONGRATS SA'YO RANDEL PAUL

    (ISAGANI DURANGO)

    ReplyDelete
  11. PAKI SHARE NAMAN PO ANG CONVERSION STORY NINYO. I WILL POST HERE PO PARA MAINSPIRE DIN ANG IBA PA NATING MGA KAPATID.

    ReplyDelete
  12. to randal an mr. anonymous...

    try nyo din basahin ang mga ito. it will lead you the way, but before reading, "DON'T FORGET TO ALWAYS PRAY THE HOLY ROSARY"

    *Catholic Guide to the Bible by LUKE
    *Excellent Catholic Parishes : The Guide to Best
    *Preparing for the Sacrament of Reconciliation
    *Facing Forgiveness: A Catholic's Guide
    *A Well-Built Faith: A Catholic's Guide
    *Catholic Guide to the Bible
    *Here. Now. A Catholic Guide to the Good Life.
    *Six Steps for Managing Loss: A Catholic Guide
    *Christ's Mother and Ours
    *Catholic Customs and Traditions
    *The Resurrection of the Roman Catholic Church
    *A Catholic Teen's Guide to Tough Stuff: Straight
    *Catholic Education
    *Intercession: A Guide to Effective Prayer
    *Paths to Prayer: A Field Guide to Ten Catholic
    *Catholic Doctrine in Scripture
    *Bible Basics: An Introductory Study
    *The Seeker's Guide to Being Catholic
    *We Worship: A Guide to the Catholic Mass
    *The Faith We Profess
    *Catholic Update Guide to the Mass
    *The Good Enough Catholic

    pagnabasa mo lahat yan, masasabi mo talagang "MABUTI PANG MAMATAY NG ISANLIBUNG BISIS, KAYSA IPAGPALIT ANG ANG AKING PANINIWALA".,
    ilan lang yan sa mga nabasa ko na, manipis lang at madaling intendihin, at higit sa lahat, wag kaligtaang basahin ang BIBLIYA na may gabay ng simbahan, pag meron kang hindi maintidihan, tanong mo sa simbahan, wag kung kanikaninun may sariling opinyon, tandaan lagi, "ang gumawa ay siya ring may karapatan" kaya ang simbahang katoliko lang ang otoresado na mag interpret ng bible, okey?


    ako ngo po pala si derrick llanto

    GODbless you all.

    ReplyDelete