Monday, August 15, 2011

AN INSPIRING MESSAGE FROM MICHAEL SUICO

The Dome of St. Peter Basilica, interior
 
 
Hello po fr. ABE! Sumainyo ang Panginoon! Ako po si Michael Suico,20yrs old at isa po akong katoliko. Nagpapasalamat po ako sa blog niyo dahil napaka-helpful po nito para sa isang katulad kong katoliko na hindi masyadong marunong magdefend ng Catholic Faith.

Una po akong naging matanong about my faith nung 2nd year college na po ako kasi dun nagsulputan ang iba-ibang sektang nangangaral sa akin. Kesyo sumasamba daw po tayo sa rebulto,kumakain ng dugo,bakit daw tinuturing na Dios si Kristo etc. Simula po noon umattend na ako sa mga gatherings nila(INC,Jehova’s witnesses at mga born again Christians) dun ko po naranasan ang mga masasakit nilang parating sa ating pananampalataya kaya’t sinubukan ko pong ipagtanggol ang pananampalatayang katoliko. Marami po akong mga pages na sinalihan tulad ng katolikong pinoy at ung fan page po ni Bp.. Chito Tagle at doon po ako natuto ng ilang paraan on how to defend our faith. I downloaded apologetics materials at hanggang sa natagpuan ko nga po yung blog nyo at ung kay cenon bib. Grabe father Abe astig! Dito po ako mas natuto kasi talagang sinasagot nyo po detail by detail ang lahat ng katanungan.hehe..

Gusto ko lang pong sabihin na maraming maraming maraming salamat po dahil natagpuan ko ang isang pari na very accommodating pagdating sa ganitong bagay kasi usually po behave lang ang mga kaparian e.hehe.. Pangarap kop o na maging kasing-galing nyo fr Abe! Kumbaga sa mga naglalaro ng dota, IMBA ka father!hehe.. ayun lang po. Ang wish kop o ay good health para sa inyo at siyempre sana patuloy po kayong gabayan ng BANAL NA ESPIRITU SANTO!

SOLI DEO GLORIA!

2 comments:

  1. Amen! Thank Lord sa mga ganitong reactions @ sa mga taong gaya mo Reverend Father Abe:) sana you may have a long life pati na time in apologetics:) we need priests like you nowadays!

    ReplyDelete
  2. I strongly agree po Bro Gregor. Sana dumami pa sila at mas aggressive sa mga apologetic courses seminars. God Bless

    ... Gates of Hell shall not prevail against it.

    Roderick

    ReplyDelete