Icon depicting the Virgin and Child with the Carmelite Saints...
-
Father Ave,
Napakarami ko pong natutunan sa blog na ito, sa ikatitibay pa po ng aking pananampalataya bilang katoliko napansin ko po na parang iniuutos lamang sa Biblia na humingi tayo ng panalangin sa ating kapwa na narito sa lupa.. Saan po ba nakasulat sa Biblia na direktang iniutos ng Diyos na magdasal tayo sa mga santo na nasa langit. Maraming salamat po. Si george po ito. God Bless!!!
-
[Father Ave,
Napakarami ko pong natutunan sa blog na ito, sa ikatitibay pa po ng aking pananampalataya bilang katoliko]
SALAMAT SA DIOS. PURIHIN ANG PANGINOON.
[napansin ko po na parang iniuutos lamang sa Biblia na humingi tayo ng panalangin sa ating kapwa na narito sa lupa..]
ANG PANALANGIN AY HINDI LAMANG PARA SA NARITO SA LUPA KUNDI PARA RIN SA MGA NASA KABILANG BUHAY NA. KASI BAGAMAT PATAY NA ANG KANILANG KATAWANG LUPA AY BUHAY NAMAN ANG KANILANG ESPIRITO.
ANG PANANALANGIN PARA SA MGA KALULUWA NG MGA YUMAO AY GINAGAWA NA SA LUMANG TIPAN PA LANG. AT ITO AY PINAPAKITA PA NILA SA PAMAMAGITAN NG MATINDING SACRIFICIO NA TULAD NG PAG-AAYUNO:
1 Samuel 31:13 And they took their bones, and buried them under a tree at Jabesh, and fasted seven days.
NUNG NAMATAY SI HARING SAUL AT ANG ANAK NIYANG SI JONATHAN AT ANG MGA SUNDALO ANG BUONG ISRAEL AY NAG FASTING FOR THEM. PARA SAAN YUNG FASTING? PARA SA KANILANG MGA KALULUWA. ITO PA:
2 Samuel 1:12 And they mourned, and wept, and fasted until even, for Saul, and for Jonathan his son, and for the people of the LORD, and for the house of Israel; because they were fallen by the sword.
HINDI LANG IYAN SIMPLENG PRAYER. MATINDING PRAYER IYAN KASI MANIFESTED IN FASTING E. ITO PA ANG ISANG HALIMBAWA:
Neh 1:5 At nagsabi, Aking idinadalangin sa iyo, Oh Panginoon, na Dios ng langit, na dakila at kakilakilabot na Dios, na nagiingat ng tipan at kaawaan sa nagsisiibig sa kaniya, at nangagiingat ng kaniyang mga utos:
Neh 1:6 Pakinggan ngayon ng iyong tainga, at idilat ang iyong mga mata, upang iyong dinggin ang dalangin ng iyong lingkod, na aking idinadalangin sa harap mo sa panahong ito, araw at gabi, dahil sa mga anak ni Israel na iyong mga lingkod, habang aking ipinahahayag ang mga kasalanan ng mga anak ni Israel, na aming ipinagkasala laban sa iyo. Oo, ako at ang sangbahayan ng aking magulang ay nagkasala...
SI PROPETA NEHEMIAS AY NANALANGIN PARA SA KASALANAN NG KANYANG MGA MAGULANG. NGAYON, NASAAN NA ANG MGA MAGULANG NIYA? PATAY NA! BASAHIN ITO:
Neh 2:5 At nagsabi ako sa hari, Kung ikinalulugod ng hari, at kung ang iyong lingkod ay nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin ay suguin mo ako sa Juda, sa bayan ng libingan sa aking mga magulang, upang aking maitayo.
PATAY NA ANG MGA MAGULANG NIYA. NASA LIBINGAN NA. SUBALIT PINAGDADASAL PA RIN NG PROPETA ANG KANILANG MGA KASALANAN. AT ANG SABI AY "ARAW AT GABI" ANG KANYANG PAGDALANGIN... IBIG SABIHIN AY MADALAS NIYANG IPAGDASAL ANG KALULUWA NG KANYANG MGA MAGULANG.
[Saan po ba nakasulat sa Biblia na direktang iniutos ng Diyos na magdasal tayo sa mga santo na nasa langit.]
HINDI NA KAILANGAN PANG IUTOS IYON DAHIL ANG MGA NASA LANGIT AY BUHAY. KUNG PWEDENG MAGDASAL ANG NASA LUPA E DI MAS LALO NA ANG NASA LANGIT.
ANG SABI ANG PRAYER DAW NG RIGHTEOUS PERSON AY MABISA O MAKAPANGYARIHAN:
James 5:16 Therefore confess your sins to one another, and pray for one another, that you may be healed. The prayer of a righteous man has great power in its effects.
KUNG GAYON, NAPAKA POWERFUL NG PRAYERS NG MGA RIGHTEOUS PERSONS IN HEAVEN KASI THEY ARE MADE PERFECT NA:
Hebrews 12:23 [English Standard Version] and to the assembly of the firstborn who are enrolled in heaven, and to God, the judge of all, and to the spirits of the righteous made perfect,
[Maraming salamat po. Si george po ito. God Bless!!!]
GOD BLESS YOU GEORGE.

.jpg)
Good Morning Father Abe, sana po magkaron din ang Catholic Church tv show tungkol sa mga katanungan ng mga tao tungkol sa biblia para po malinawagan sila. Salamat po
ReplyDeleteOO NGA. SANA MAGKAROON DIN SA NATIONAL TV NG CATHOLIC APOLOGETICS PROGRAM.
ReplyDeletefather abe ako pi si mikel domingo ng pasig ngayon ko lang po nabasa ang blog niyo ang dame pong facts about our catholic faith sana po magtagal pa ang blog niyo tnx po
ReplyDeleteMARAMING SALAMAT MIKEL. PAGPALAIN KA NAWA NG PANGINOON.
ReplyDelete