Tuesday, November 22, 2011

MAY CONTRADICTION BA SA ETERNAL PUNISHMENT OF GOD AT ANG DIVINE MERCY?

          
          Lamistav12 said... 
 
Father, Magandang araw po.. May itatanong lang po.

Ang sabi po sa ebanghelyo natin nitong Feast of Christ the King, ihihiwalay ni Jesus ang mga Tupa sa Kambing. Ang mga Tupa ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan at ang mga Kambing ay parurusahan. Ang tanong ko po ay ito:

Kokontra po ba ang Judgment Day of living and the dead sa Divine Mercy of our Lord Jesus?

Ano po ba ang gagawin sa atin? Hahatulan o Patatawarin? Salamat po. 


Fr. Abe, CRS said... 
 
[Father, Magandang araw po.. May itatanong lang po.]

GOOD DAY TOO.

[Ang sabi po sa ebanghelyo natin nitong Feast of Christ the King, ihihiwalay ni Jesus ang mga Tupa sa Kambing. Ang mga Tupa ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan at ang mga Kambing ay parurusahan.]

TAMA. IYAN AY TAKEN FROM MT 25:30-45.

[Ang tanong ko po ay ito:

Kokontra po ba ang Judgment Day of living and the dead sa Divine Mercy of our Lord Jesus?]

HINDI. WALANG CONTRA. ANG PANGINOONG JESUS AY MABAIT AT MAAWAIN:

Mt 11:28-30 "Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka't ako'y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa. Sapagka't malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan."

IYAN ANG BIBLICAL FOUNDATION NG SACRED HEART AND DIVINE MERCY.

TOTOONG GOD IS THE GOD OF MERCY, SUBALIT ANG MATTHEW 25 AY NAGTUTURO DIN NA SIYA AY GOD OF JUSTICE. MABAIT SI CRISTO PERO HINDI SIYA TANGA AT HINDI SIYA UTO-UTO NA PATATAWARIN NA LANG ANG MGA HINDI NAGSISISI.

WALANG SINABI SI JESUS NA DAHIL MERCIFUL SIYA AY LIGTAS NA ANG LAHAT. WALA. SA HALIP ITINURO SA ATIN NA HUHUSGAHAN ANG BAWAT ISA AYON SA KANYANG GAWA:

Mt 16:27 Sapagka't ang Anak ng tao ay pariritong nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ang kaniyang mga anghel; at kung magkagayo'y bibigyan ang bawa't tao ayon sa kaniyang mga gawa.

Rom 2:6 Na siya ang magbibigay sa bawa't tao ayon sa kaniyang mga gawa...

1 Cor 3:8 Ngayon ang nagtatanim at ang nagdidilig ay iisa: nguni't ang bawa't isa ay tatanggap ng kaniyang sariling kagantihan ayon sa kaniyang sariling pagpapagal.

Heb 2:2 Sapagka't kung ang ipinangusap na salita sa pamamagitan ng mga anghel ay nagtibay, at ang bawa't pagsalangsang at pagsuway ay tumanggap ng matuwid na parusa na kabayaran;

Rev 2:23 At papatayin ko ng salot ang kaniyang mga anak; at malalaman ng lahat ng mga iglesia na ako'y yaong sumasaliksik ng mga pagiisip at ng mga puso: at bibigyan ko ang bawa't isa sa inyo ng ayon sa inyong mga gawa.



[Ano po ba ang gagawin sa atin? Hahatulan o Patatawarin?]

YUNG MABUBUTI O NAGSIPAGSISI AY PATATAWARIN SUBALIT ANG MGA MASASAMA AT AYAW HUMINGI NG KAPATAWARAN AY PARURUSAHAN.

[Salamat po]

WELCOME.


2 comments:

  1. AMEN,,AMEN...NICE ONE FATHER,,KITANG KITA NAMAN NA WALANG SOLA FIDE DYAN,,WALANG FAITH ALONE..WALANG FAITH ALONE DYAN NG MGA BORN AGAIN AT PROTESTANTE..ANG DAMI KONG NATUTUTUNAN SA YO FATHER,,MABUHAY KA FATHER!! BRAVO!! MUY BIEN!!

    AMEN AMEN...

    ReplyDelete