Sunday, December 25, 2011

Mga Kapalpakan ni Lory Manalo_Part4


[Interior of the Catholic Church of The Holy Name of Jesus in Manchester, England]

[Eto po ang ika-apat na bahagi ng diskusyon sa pagitan nila Bro. Franz Luigi H. Lugena at Lory Manalo ng Iglesia ni Manalo. Sa puntong eto, lalong tumindi ang pag iwas at pagpapalusot ni Lory. Makikita sa ibaba ang mga nakakatawang palusot ni Lory sa desperadong pagsisikap niya na makawala sa pagkakasukol. Ang mga tala sa kulay na itim ay kay Bro. Franz at ang pula naman ay kay Lory. Ang diskusyong eto ay orihinal na makikita sa: http://www.facebook.com/topic.php?uid=64109435188&topic=17261#topic_top]

“Umiwas rin si Lory sa paliwanag ko na hindi totoong pinalitan ni St. Ignatius ang pangalan ng simbahan kundi tinawag lamang sa pangalang matagal nang ginagamit upang tukuyin ang simbahan gaya ng sinasabi ng mga eksperto, na pinatutunayan ng kawalan ng elaborasyon sa sulat ni St. Ignatius sa mga taga-Smyrna kung ano nga ba ang sinasabi niyang Catholic Church. This is highly unlikely kung totoo ang haka-haka ni Lory na sa intansyang eto [c. 107 AD] eh pinapauso ni St.Ignatius ang pangalang Catholic Church. 

Hindi rin niya pinasubalian ang Filipos 2:6-7 na nagpapatunay na si Cristo ay Diyos na nagkatawang tao.”

HINDI SINABI JAN NA NAG KATAWANG TAO SIYA AT DATI NA SIYANG TAO... SINABI LANG NI PABLO NA SIYA AY MAY ANYONG DIOS SINCE SI CRISTO AY BANAL ...PINAPAGING BANAL AT PINAGING DAKILA NG DIOS.. SEE MO GOD EXALTED HIM ANG GAVE HIM A NAME ABOVE ALL NAME... ANG ATTRIBUTES NI JESUS NA KATULAD NG DIOS AY HINDI SARILING KANYA ... IPINAGKALOOB LANG DIOS SA KANYA... KAYA DI YUN TINGAPAP NI JESUS PARA SIYA AY MAGING DIOS NA RIN....DAHIL SIYA AY NASUMPUNGANG NASA ANYO PA RIN NG TAO. NAGING HUMBLE SIYA.... HINDI SIYA KATULAD NI SATANAS NA PORKE BINIGYAN DIN NG JESUS NG KAPANGYARIHAN AY GUSTO NA RIN MAGING DIOS.

OK SORRY ... HANAPIN KO ULI SA TAMBAK NA BOOKS KO DITO ... NAWALA USB KO KASI.. NAWALA MGA FILES KO.. SI IGNATIUS TALAGA ANG NAGPALIT NIYAN HALOS MAGKASABAY NG PAG DECLARED NIYA NA SI CRISTO AY DIOS.

“ 2.Hindi na rin sumagot si Lory sa argumento ko na ang Simbahang tatag ng Diyos ay UNIVERSAL in reference sa sinasabi ng bibliya na ang Bahay ng Diyos ay bahay-dalanginan ng LAHAT NG MGA BANSA. [Markos 11:17]”

TAMA ANG SA MARK .. SINAGOT KO NA YAN ... SA CHURCH OF CHRIST YAN NG UNAG SIGLO. HINDI SA CATHOLICO... NAGING UNIVERSAL LANG PO YAN NG MAGING KATOLIKO.. HINDI PO NAKAIKOT ANG CHURCH OF CHRIST NOON SA BOUNG MUNDO DAHIN INUSIG SILA AT PINATAY... NAGING UNIVERSAL YAN WITH THE HELP OF KINGS OF STATES NA KUNG SAAN NAKIAAPID ANG BABAING PATOTOTT .UNA NIYANG PINAKIAPIDAN AY SI EMPEROR CONSTANTINE. ISANG PAGANONG EMPERADOR NA PINAG ISA ANG STATE AT RELIHIYON PAGANO AT CHRISTIANO.

“Tanong: Kailan darating ang Diyos Ama kung Diyos Ama ang tinutukoy sa Titos 2:13? Litaw mo talata sa bibliya na Diyos Ama ang babalik. Malaki ang problema mo dyan dahil kailangan mong patunayan na nagpakita na dati ang Diyos Ama in the past, then babalik sometime in the future. Dali ipakita mo. “

ACTS 17:31 .. HE WILL JUDGE THE WORLD WITH JUSTICE THROUGH A MAN JESUS WHICH HE HAS APPOINTED. SI CRISTO AT ANG AMA ANG PARIRITO... BEING IN SPIRIT GOD CANNOT BE SEEN BUT CAN BE SEEN THROUGH HIS WORK ... THROUGH JESUS CHRIST... ACTS 2:22 ....SI CRISTO ANG MAKIKITA SA ARAW NG PAGHUHUKOM SIYA LANG VISIBLE COZ HE IS MAN.

Talata sa bibliya na nagsasabi na si Cristo ay TAO LANG AT HINDI DIYOS?

JOHN 8:40 .. ACTS 2:22 ...ACTS 17:31 NIV...

ROMA 9:5 " HINDI MO TALAGA YAN MAKUHA AT WALA SAU ANG SPIRITO SANTO.. SI CRISTO AY HINDI MALUWALHATI SINCE NG DITO PA SIYA SA MUNDO NAMATAY SIYA .. ANG TUNAY NA MALUWALHAITI BEFORE AND AFTER AY ANG DIOS LANG ANG AMA.. ANG NAGBIGAY NG LAHAT NG BAGAY SA MGA DESCEDANTS NI JESUS CHRIST. DESCENGANTS NI JESUS CHRIST ANG BINIGYAN NG DIOS NG MGA BAGAY NA NAKA SAAD JAN SA ROMA. PAANO SI JESUS ANG TINUTUKOY JAN ... E SINO BA ANG UNA NA BUHAY SI CHRISTO BA YONG MGA PATRIACH?/

BABYLON
 The Babylon referred to is the dwelling place of the devils Rev. 18:2. Babylon is also a name , a name of the mother of whores who sits on many waters on which the mother of whores sits are peoples , multitudes , and nations Rev.17:5,1 . The many waters on which the mother whores sits are peoples , multitudes , and nations Rev. 17:15 . A whore is a woman of ill repute . Babylon is the mother of whores or harlots and she is universal . meanwhile , the true Church , the Church of Christ which is God’s work of salvation in the Christians era, is compared to a chaste virgin 2 Cor. 11:2

 Hence, the “ mother of whores” is also a church , but not the true Church being a woman of ill repute . She bears then name Babylon . The book Papal Encylicals reveals that Babylon means Rome.

 “ There can be a little doubt that Babylon means Rome Apocalypse xvii 5” p. 34
 The official name of the Church headed by the Pope is “ The Holy Catholic Apostolic Roman Church.” This church bears the name “ Rome” and is UNIVERSAL. The Roman Catholic Church, therefor , is the one referred to as Babylon

“Wala ring sagot si Lory sa argumento na ang mga apostoles at early Christians ay sumasamba sa Diyos sa Templo na puno ng sagradong imahe. [Lukas24:52-53] Ni hindi niya kinanti yung talata na nagpapatunay na ang Templo na puno ng mga sagradong imahe ay binasbasan pa ng Diyos [1 Hari 9:3], pruweba ng approval ng Diyos sa mga sagradong imahe.”

TAMA ... KAY MGA IMAGE DOON SA UNANG TEMPLO DI YUN SINASAMBA TULAD NG GINAGAWA NG KATOLIKO ... PANSININ MO KASI ANG MGA PAGKAKAIBA..ALAM MO HINDI NAMAN SIGURO ILALAGAY NG DIOS ANG GANOONG MGA SALITA SA BANAL NA KASULATAN .. KUNG MAGSASALUNGATAN DIN NAMAN OK... GOD IS NOT THE AUTHOR OF CONFUSION.

SAGOT:
[Lory: HINDI SINABI JAN NA NAG KATAWANG TAO SIYA AT DATI NA SIYANG TAO...]

Anong hindi nagkatawang tao? Pano mo nasabing hindi nagkatawang tao eh linaw nung sinasabi ng talata:

Filipos 2:6-7
 6 NA SIYA, BAGAMA’T NASA ANYONG DIOS, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,
 7 Kundi bagkus hinubad niya ito, at NAGANYONG ALIPIN, NA NAKITULAD SA MGA TAO:

Si Cristo BAGAMA’T NASA ANYONG DIOS ay NAG-ANYONG ALIPIN AT NAKITULAD SA MGA TAO. Letra por letra sinasabi ng bibliya na nagkatawang tao si Cristo, NAKITULAD SA MGA TAO. Meaning hindi siya dating tao kundi Diyos na nagkatawang tao.

Eto rin yung sinasabi ng ebanghelyo ni San Juan kung saan ang Verbo na Diyos ay presente na sa simula palang kapiling ang Diyos [Juan 1:1] at nagkatawang tao:

Juan1:14
AT NAGKATAWANG-TAO ANG VERBO, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.

Ayan oh. NAGKATAWANG TAO yung DIYOS NA VERBO at tumahan sa gitna ng mga tao. Linaw nung sinasabi ng bibliya tapos nilalabo mo. Either hindi ka lang marunong magbasa o talagang bulag ka. Or both. lolz

[Lory: SINABI LANG NI PABLO NA SIYA AY MAY ANYONG DIOS SINCE SI CRISTO AY BANAL ... PINAPAGING BANAL AT PINAGING DAKILA NG DIOS..]

Hindi komo banal eh Diyos na, tanga. Si San Jose eh banal [Mat1:19], ibig sabihin ba eh anyong Diyos si San Jose? Gamitin mo naman utak mo. Mukhang slightly used eh.

Tsaka sinabi na ngang ANYONG DIYOS si Cristo eh. Kung kaya Diyos nga. Linaw sinasabi nung talata, si Cristo ay NASA ANYONG DIYOS AT NAG-ANYONG ALIPIN AT NAKITULAD SA TAO.

Filipos 2:6-7
 6 NA SIYA, BAGAMA’T NASA ANYONG DIOS, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,
 7 Kundi bagkus hinubad niya ito, at NAGANYONG ALIPIN, NA NAKITULAD SA MGA TAO:

Ibig sabihin, Diyos siya then later nagkatawang tao. Hindi siya dating tao na nag-anyong Diyos gaya ng haka-haka mo.

[Lory: SEE MO GOD EXALTED HIM ANG GAVE HIM A NAME ABOVE ALL NAME...]

Talagang itinaas ng Diyos Ama si Cristo kaya nga tinawag niya etong Diyos [Hebreo1:8] at binigyan ng pangalang HIGIT SA LAHAT NG PANGALAN. Qualities yan na ekslusibo sa Diyos.

[Lory: ANG ATTRIBUTES NI JESUS NA KATULAD NG DIOS AY HINDI SARILING KANYA ... IPINAGKALOOB LANG DIOS SA KANYA...]

Kung hindi kay Cristo yung kanyang mga divine attributes, saan mababasa sa bibliya na yung anyong Diyos ni Cristo eh bigay lang kay Cristo? Wala ka namang pinakitang talata eh. Puro ka lang kwento. Linaw sa kasulatan sinasabi na yung Verbo na sa pasimula ay kasama ng Diyos Ama ay Diyos [Juan1:1] na nagkatawang tao. [Juan1:14]

[Lory: KAYA DI YUN TINGAPAP NI JESUS PARA SIYA AY MAGING DIOS NA RIN...]

Anong di tanggap? Eh nung muling nabuhay nga si Cristo at tinawag siyang PANGINOON AT DIYOS ni Santo Tomas [Juan20:28], hindi naman eto sinaway ni Cristo. Bagkus ay inacknowledged ni Cristo ang pahayag ni Santo Tomas as a declaration of faith: “Sapagka't ako'y nakita mo ay sumampalataya ka…” [Juan20:29] Walang sinabi si Cristo na “Tomas, di ko tanggap na Diyos ako dahil TAO LANG AKO.” Walang ganun. Bunga lang yan ng mga kasinungalingan ng kulto mo.

[Lory: DAHIL SIYA AY NASUMPUNGANG NASA ANYO PA RIN NG TAO. NAGING HUMBLE SIYA...]

Bago siya nag-anyong tao, si Cristo ay NASA ANYONG DIYOS. Binabaligtad mo eh palibhasa baligtad utak mo. Di ka nagbabasa eh:

Filipos 2:6-7
 6 NA SIYA, BAGAMA’T NASA ANYONG DIOS, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,
 7 Kundi bagkus hinubad niya ito, at NAGANYONG ALIPIN, NA NAKITULAD SA MGA TAO:

Dating nasa ANYONG DIYOS si Cristo na NAG-ANYONG ALIPIN AT NAKITULAD SA MGA TAO. Linaw sa talata oh. Yung argumento mong palpak, si Cristo eh dati nang nasa anyong tao. Walang sinasabing ganyan ang talata. Malinaw na humihigit ka sa nasusulat. [1Cor4:6]

[Lory: HINDI SIYA KATULAD NI SATANAS NA PORKE BINIGYAN DIN NG JESUS NG KAPANGYARIHAN AY GUSTO NA RIN MAGING DIOS.]

Talagang di tulad ni Satanas si Cristo dahil si Statanas ay nagpakataas at nag-ambisyong pantayan ang Diyos gayong si Cristo ay nagpakababa na makikita sa realidad na siya bagamat nasa ANYONG DIYOS AY NAG ANYONG ALIPIN AT NAKITULAD SA MGA TAO.

[Lory: OK SORRY ... HANAPIN KO ULI SA TAMBAK NA BOOKS KO DITO ... NAWALA USB KO KASI.. NAWALA MGA FILES KO.. SI IGNATIUS TALAGA ANG NAGPALIT NIYAN HALOS MAGKASABAY NG PAG DECLARED NIYA NA SI CRISTO AY DIOS. ]

Palusot. Sabi mo nawala, baka talagang wala. Nag iimbento ka lang ng sinasabi mo dito eh. Wala namang mababasa sa sulat ni St. Ignatius na “mula ngayon pinapalitan ko na ang ngalan ng Iglesia or something to that effect.” Wala eh. Yung pagkakagamit ni St. Ignatius ng terminong Catholic Church presupposes na alam na nung sinusulatan niya, sa kasong eto yung mga Kristyano sa Smyrna, kung ano yung tinutukoy niyang ‘Catholic Church” kaya nga hindi na nag abalang mag-elaborate pa si St. Ignatius kung ano yung Catholic Church na sinasabi niya.

Eto nga sabi ng referensya oh, linaw:

“When Ignatius wrote the Letter to the Smyrnaeans in about the year 107 and used the word catholic, HE USED IT AS IF IT WERE A WORD ALREADY IN USE TO DESCRIBE THE CHURCH. This has led many scholars to conclude that the appellation Catholic Church with its ecclesial connotation may have been in use as early as the last quarter of the 1st century.” [Source: Wikipedia, Ignatius of Antioch]

Ayon sa mga scholars, yung pangalang Catholic Church eh ginagamit na as early as First Century. Tapos babanat ka na pinauso lang yan ni St. Ignatius? Sino namang niloko mo?

[Lory: TAMA ANG SA MARK .. SINAGOT KO NA YAN ... SA CHURCH OF CHRIST YAN NG UNAG SIGLO. HINDI SA CATHOLICO...]

Talagang tama yung sinasabi sa Ebanghelyo ni San Markos, ang Bahay ng Diyos na walang iba kundi ang Iglesia [1 Tim3:15] ay bahay-dalanginan ng lahat ng mga bansa. Pano namang kulto mo yan eh hindi naman kayo malaganap? Hindi naman kayo bahay-dalanginan ng LAHAT NG MGA BANSA dahil kokonti palang kayo hanggang ngayon? Tsaka ayon mismo sa pasugo nyo, ang Iglesia Katolika ang unang Iglesia ni Cristo. Kaya kahit pasugo niyo nagpapatotoo na tupad sa Simbahang Katoliko ang Markos 11:17.

[Lory: NAGING UNIVERSAL LANG PO YAN NG MAGING KATOLIKO.. HINDI PO NAKAIKOT ANG CHURCH OF CHRIST NOON SA BOUNG MUNDO DAHIN INUSIG SILA AT PINATAY...]

Eh di natupad nga yung sinasabing bahay-dalanginan NG LAHAT NG BANSA sa Simbahang Katoliko at hindi sa kulto mo. Ang pananampalataya ng mga kristyano sa Roma ay BANTOG SA LAHAT NG MGA BANSA. Katoliko kasi. Yung kulto mo neverheard at nevermind. lolz

Roma1:7-8
7 SA LAHAT NINYONG NANGASA ROMA, MGA INIIBIG NG DIOS, TINAWAG NA MANGAGBANAL: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at Panginoong Jesucristo.
8 Kaunaunahan, ay nagpapasalamat ako sa aking Dios sa pamamagitan ni Jesucristo tungkol sa inyong lahat, NA ANG INYONG PANANAMPALATAYA AY BANTOG SA BUONG SANGLIBUTAN.

Nabasa mo yan? Yung mga Kristyano sa Roma ay INIIBIG NG DIYOS at MGA TINAWAG NA MANGAGBANAL,  NA ANG PANANAMPALATAYA AY BANTOG SA BUONG SANGLIBUTAN. Katoliko ang iglesiang tatag ni Cristo. Yung kulto mo tatag lang ni Manalo. Tatag ng tao, hindi tatag ng Diyos. Kaya peke. Sabi sa bibliya:

Awit 127:1
MALIBANG ITAYO NG PANGINOON ANG BAHAY, WALANG KABULUHANG NAGSISIGAWA ANG NAGTATAYO: malibang ingatan ng Panginoon ang bayan, walang kabuluhang gumigising ang bantay.

Nabasa mo yan? Yung kulto mo tatag lang ng tao kaya walang kabuluhan. Yung Simbahang Katoliko tatag ni Cristong Diyos, kaya may kabuluhan. Hindi kailan man paghaharian ng kapangyarihan ng Impiyerno. [Mateo 16:18] Kaya di matatalikod. At dahil di natalikod, kaya peke yang bagong usbong na kulto mo. lolz

[Lory: NAGING UNIVERSAL YAN WITH THE HELP OF KINGS OF STATES NA KUNG SAAN NAKIAAPID ANG BABAING PATOTOTT .UNA NIYANG PINAKIAPIDAN AY SI EMPEROR CONSTANTINE. ISANG PAGANONG EMPERADOR NA PINAG ISA ANG STATE AT RELIHIYON PAGANO AT CHRISTIANO.]

Buang ka pala eh. Panahon pa nila San Pablo sinabi na sa bibliya letra por letra na ang pananampalataya ng mga kristyano sa Roma ay BANTOG SA BUONG SANGLIBUTAN. [Roma 1:8] Noon pa katoliko na talaga ang Simbahan. Dahil ang simbahang tatag ng Diyos ay bahay-dalanginan ng LAHAT NG BANSA. [Markos 11:17] Katoliko ang simbahan. Hindi kokonti gaya ng kulto mo.

[Lory: ACTS 17:31 .. HE WILL JUDGE THE WORLD WITH JUSTICE THROUGH A MAN JESUS WHICH HE HAS APPOINTED. SI CRISTO AT ANG AMA ANG PARIRITO... BEING IN SPIRIT GOD CANNOT BE SEEN BUT CAN BE SEEN THROUGH HIS WORK ... THROUGH JESUS CHRIST... ACTS 2:22 ....SI CRISTO ANG MAKIKITA SA ARAW NG PAGHUHUKOM SIYA LANG VISIBLE COZ HE IS MAN.]

Palpak. Walang sinasabi sa Gawa 17:31 na pupunta dito sa lupa ang Diyos Ama. Ang maliwanag na darating eh si Cristo. Pero walang sinasabi na darating ang Diyos Ama dito. Kaya palpak ang unawa mo Lory. Obvious na binabaluktot mo ang talata. Hindi mo napatunayan na ang Diyos Ama ang siyang BABALIK kung kaya bangkarote ang argumento mo na ang Diyos Ama ang tinutukoy na darating sa Tito 2:13. Try harder Lory. lolz 

[Lory: Talata sa bibliya na nagsasabi na si Cristo ay TAO LANG AT HINDI DIYOS?

 JOHN 8:40 .. ACTS 2:22 ...ACTS 17:31 NIV...]

Juan 8:40
Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham.

Gawa 2:22
Kayong mga lalaking taga Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Jesus na taga Nazaret, lalaking pinatunayan ng Dios sa inyo sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Dios sa pamamagitan niya sa gitna ninyo, gaya rin ng nalalaman ninyo;

Gawa 17:31
Sapagka't siya'y nagtakda ng isang araw na kaniyang ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kaniyang itinalaga; na ito'y pinatunayan niya sa lahat ng mga tao, nang siya'y buhayin niyang maguli sa mga patay.

Oh saan dyan sinabi na TAO LANG SI CRISTO AT HINDI DIYOS? Wala naman eh. Obvious ang panggogoyo mo. Hindi mo napatunayan na tao lang si Cristo at hindi Diyos.

[Lory: ROMA 9:5 " HINDI MO TALAGA YAN MAKUHA AT WALA SAU ANG SPIRITO SANTO.. SI CRISTO AY HINDI MALUWALHATI SINCE NG DITO PA SIYA SA MUNDO NAMATAY SIYA .. ANG TUNAY NA MALUWALHAITI BEFORE AND AFTER AY ANG DIOS LANG ANG AMA.. ANG NAGBIGAY NG LAHAT NG BAGAY SA MGA DESCEDANTS NI JESUS CHRIST.]

Ikaw ang di makakuha ng mensahe ng talata dahil binulag ng ama mong Diablo ang utak mo. Puro ka daldal na kesyo Diyos Ama ang nagbigay ng kung anu-ano sa mga descendants ni Cristo, etc. Hindi mo naman napatunayan na yung tinutukoy na SIYANG LALO SA LAHAT, DIOS NA MALUWALHATI MAGPAKAILANMAN sa Roma 9:5 eh Diyos Ama. Humihigit ka sa nasusulat.

Roma 9:5
Na sa kanila ang mga magulang, AT SA KANILA MULA ANG CRISTO AYON SA LAMAN, NA SIYANG LALO SA LAHAT, DIOS NA MALUWALHATI MAGPAKAILANMAN. SIYA NAWA.

Hindi naman Diyos Ama ang pinag-uusapan sa Roma 9:5 tapos babanat ka na Diyos Ama yun para tutulan lang ang obvious na sinasabi ng talata na si Cristo ay SIYANG LALO SA LAHAT, DIOS NA MALUWALHATI MAGPAKAILANMAN. Saan sinabi sa Roma9:5 na hindi maluwalhati si Cristo? Nag iimbento ka ng sarili mong balikong aral eh.

[Lory: DESCENGANTS NI JESUS CHRIST ANG BINIGYAN NG DIOS NG MGA BAGAY NA NAKA SAAD JAN SA ROMA. PAANO SI JESUS ANG TINUTUKOY JAN ... ]

Iniiba mo ang isyu Lory. Kaso hindi yan lulusot. Ke descendant ni Cristo ang binigyan at nabigyan, hindi mo natutulan na si Cristo ang maliwanag na tinutukoy na NA SIYANG LALO SA LAHAT, DIOS NA MALUWALHATI MAGPAKAILANMAN na tinutukoy sa talata. Wala ka ring naipakita mula sa Roma 9:5 na hindi maluwalhati si Cristo gaya ng daldal mo. Saan sinabi dyan na di maluwalhati si Cristo? Wala naman eh. Bagkus sinasalungat ka ng Bibliya. Si Cristo ang DIOS NA MALUWALHATI MAGPAKAILANMAN. Puro ka lang imahinasyon eh wala naman sa talata sinasabi mo.

[Lory: E SINO BA ANG UNA NA BUHAY SI CHRISTO BA YONG MGA PATRIACH?/]

Kaya nga nung nagsabi ang mga hudyo kay Cristo na “wala ka pa ngang singkwenta anyos tapos nakita mo na si Abraham?”[Juan8:57] Eto sabi ni Cristo:

Juan 8:58
Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, BAGO IPINANGANAK SI ABRAHAM, AY AKO NGA.

Kita mo yan? Wala pa si Abraham, nag-eexist na si Cristo. Siya yung “I am”. [Exodo 3:14] Siya ay Diyos. Kaya supalpal ka naman Lory.

[Lory: BABYLON
The Babylon referred to is the dwelling place of the devils Rev. 18:2. Babylon is also a name , a name of the mother of whores who sits on many waters on which the mother of whores sits are peoples , multitudes , and nations Rev.17:5,1 . The many waters on which the mother whores sits are peoples , multitudes , and nations Rev. 17:15 . A whore is a woman of ill repute . Babylon is the mother of whores or harlots and she is universal . meanwhile , the true Church , the Church of Christ which is God’s work of salvation in the Christians era, is compared to a chaste virgin 2 Cor. 11:2

 Hence, the “ mother of whores” is also a church , but not the true Church being a woman of ill repute . She bears then name Babylon . The book Papal Encylicals reveals that Babylon means Rome.

 “ There can be a little doubt that Babylon means Rome Apocalypse xvii 5” p. 34
 The official name of the Church headed by the Pope is “ The Holy Catholic Apostolic Roman Church.” This church bears the name “ Rome” and is UNIVERSAL. The Roman Catholic Church, therefor , is the one referred to as Babylon]

Nagcopy paste na lang ang mokong komo natuyo na utak. Magsisinungaling rin lang naman, yung kasinungalingan pa ng iba kokopyahin. Lolz Bobong plagiarist si Lory. Kung hanggang ganyan ka lang Lory, wala kang mauutong katoliko na umanib dyan sa kulto mo. Yan ba ang kabobohang minana mo kay Manalo? Ang mangopya ng tala ng iba at ipresenta na tila baga galing sayo yung ideya? Hindi ka lang bobo, sinungaling ka pa.

Walang mababasa sa biblia na yung Babilonia na Ina ng mga patutot eh ang Simbahang Katoliko. Ang tinutukoy dyang Babilonia ay ang Roman Empire, hindi ang Iglesia Katolika Apostolika Romana. Sapagkat malinaw sa kasulatan mababasa na ang Babiloniang tinutukoy ay BAYAN NA NAGHAHARI SA LUPA. Ang paganong Imperyo ng Roma ang tinutukoy dahil ang Simbahang Katoliko ay hindi bayan:

Revelation 17:18
At ang babae na iyong nakita ay ANG DAKILANG BAYAN, NA NAGHAHARI SA MGA HARI SA LUPA.

Kaya palpak ang unawa mo Lory. Kokopya ka rin lang sablay pa. lolz

[Lory: TAMA ... KAY MGA IMAGE DOON SA UNANG TEMPLO]

Ayun! Eh di umamin ka rin na nung panahon ng mga Israelita, meron silang mga imahe sa Templo. So alam nila ang distinction kung ano diyus-diyusan at ano ang sagradong imahe na pwedeng ilagay sa Templo. Kaya yung unawa mo na komo imahe eh disyu-diyusan na, bangkarote na naman. Tsaka kung ang Templo ng Diyos ay may mga imahe, bakit ang bahay sambahan ng kulto mo eh walang imahe kahit man lang ng kerubin? Demonyo ata yang nasa inyo. Halatang peke kulto mo.

[Lory: DI YUN SINASAMBA TULAD NG GINAGAWA NG KATOLIKO ... ]

Pasintabi na lang Lory, hwag kang magkalat ng katangahang minana mo kay Manalo dito. Walang aral ni probisyon sa katesismo na doktrina ng Simbahang Katoliko na sumamba sa m,ga diyus-diyusan. Lolz

[Lory: PANSININ MO KASI ANG MGA PAGKAKAIBA..ALAM MO HINDI NAMAN SIGURO ILALAGAY NG DIOS ANG GANOONG MGA SALITA SA BANAL NA KASULATAN .. KUNG MAGSASALUNGATAN DIN NAMAN OK... GOD IS NOT THE AUTHOR OF CONFUSION.]

Ang ginagawa namin, binibigyan-galang namin ang mga sagradong imahe. At sa pagbibigay-galang, nandun ang pagyukod:

1 Hari 1:31
Nang magkagayo'y INIYUKOD NI BATH-SHEBA ANG KANIYANG MUKHA SA LUPA, AT NAGBIGAY GALANG SA HARI, at nagsabi, Mabuhay ang aking panginoon na haring si David magpakailan man.

Kung kaya di komo yumukod eh sumamba na. Parte ng pagbibigay-galang ang pagyukod. At kitang-kita eto sa kaso ni Josue na yumukod sa Kaban ng Diyos na bagamat gawang inanyuan [Exodo 25:10-19] eh itinuturing na sagradong imahe:

Josue 7:6-7
6Joshua, together with the elders of Israel, tore their garments AND FELL FACE DOWN BEFORE THE ARK OF THE LORD UNTIL EVENING; and they threw dust on their heads.

7“ALAS, LORD GOD,” JOSHUA PRAYED, “why did you ever allow this people to cross over the Jordan, delivering us into the power of the Amorites, that they might destroy us? Would that we had been content to dwell on the other side of the Jordan.

Yung sagradong imahe gaya ng Kaban ng Diyos ay talagang pinagpapatirapaan. Sagrado kasi. Bahagi yun ng pagbibigay-galang. At magandang mapansin na nung nagdadasal sa Diyos si Josue, nakaharap siya at nakapatirapa sa Kaban na sagradong imahe. Katolikong-katoliko eh. Ganyan magdasal ang mga Katoliko.

Kayo hindi ganyan magdasal sa Diyos kasi peke kayo. Puro kayo iyakan na maliwanag na kontra sa bibliya. [Nehemias 8:9] Puro dramatizations. Halatang peke. lolz

2 comments:

  1. Pasintabi lang, bago ka makipag debate sa INCorporation 1914 All Rights Reserved dapat muna malaman kung sino ang sinasamba nila kase nag ko-coumoflage sila e. Sino ba ang sinasamba nila, Si Jesus Christ, God the Father o ang Holy Spirit. Baka hindi nila alam kung sino sa mga iyan ang sinasamba nila.

    ReplyDelete
  2. SAGOT SA ANONYMOUS NA MIYEMBRO NG KULTO NI MANALO
    [Bobo ka Franz Lugena. hindi naman nagpapakita ang DIOS sa mga rebulto niyo. kaya niluluhuran yan kasi nagpapakita dyan ang DIOS sa Kaban na yan. bobo ka talaga. engineer ka pa naman pero ang aral mo aral na pinaniniwalaan ng mga tanga at nagbubulagbulagang gaya mo.

    - ANONYMOUS]

    Anonymous na tangang duwag, yung pagpapakita ng Diyos sa rebulto ay ibang isyu. Ginugulo mo eh komo sukol ka na. Ang tawag dyan eh red herring. Palsong pangangatwiran. Ang isyu, yung bayan ng Diyos, yung Israel eh merong mga sagradong imahe na makikita sa kanilang Templo. Meaning, hindi lahat ng imahe eh diyos-diyosan na. Dahil malinaw na may mga imaheng iniingatan sa Templo. Ang tanong bakit yung templo nyo walang sagradong imahe? Dyan palang obvious na peke na kulto nyo. Ngayon ayon mismo sa bibliya, kapag nagdadasal ang mga Israelita sa Diyos eh nakaluhod sila at nakaharap sa mga sagradong imaheng eto, gaya ng kaso ng Kaban:

    Joshua 7:6-7
    6Joshua, together with the elders of Israel, tore their garments AND FELL FACE DOWN BEFORE THE ARK OF THE LORD UNTIL EVENING; and they threw dust on their heads.
    7“ALAS, LORD GOD,” JOSHUA PRAYED, “why did you ever allow this people to cross over the Jordan, delivering us into the power of the Amorites, that they might destroy us? Would that we had been content to dwell on the other side of the Jordan.

    At ng altar sa templo (wala kayong altar kasi peke kayo, lolz):

    1 Kings 8:54
    Now as Solomon finished offering all this prayer and supplication to the LORD, HE AROSE FROM BEFORE THE ALTAR OF THE LORD, WHERE HE HAD KNELT with hands outstretched toward heaven;

    Kung kaya maliwanag na pwedeng magdasal sa Diyos na nakaluhod at nakaharap sa mga sagradong imahe gaya ng ginagawa ng mga katoliko. Yan ang di maabot ng malapot mong utak.

    ReplyDelete